Share

Simula

HABANG hinahalingkwat ko ang mga dati kong gamit sa kwarto ay napatigil ako sa isang box na nasa ilalim ng kama. Ang sabi ni Nanay ay may nagpadala na lang daw nito sa hospital kung saan ako dinala dati. Kaya kinuha ko ito at pinagpagan dahil sa alikabok. 

Nang pagmasdan ko ito ay pakiramdam ko ay kapag binuksan ko ito ay malalaman ko kung sino ba talaga ako. Malamig man ang simoy ng hangin ay pinagpapawisan ako dahil sa kaba na nararamdaman ko sa mga oras na ito. 

Kaya huminga muna ako ng malalim at dahan-dahan itong binuksan at doon ay bumungad sa akin ang ilang litrato na para bang ilang taon lang ang lumipas ng kuhanan ito. Hindi ko maproseso ang mga nakikita ko ngayon.

Sa unang litrato ay nakasuot ako ng pangkasal kung saan ay may lalaki akong kasama at ang lalaking ito ay pamilyar na pamilyar sa akin. Halata sa mukha namin na para bang napilitan lang kami kaya hindi ko maiwasang matawa pero namumuo na ang luha sa mga mata ko.

Sa pangalawang litrato na nakuha ko ay parang sa isang party kung saan ako ay nakatingin sa camera habang siya naman ay nakatitig lang sa akin. Kung sa una ay normal na litrato lang ‘to pero kung titignan mo maigi ay kitang-kita ko ang pagmamahal niya sa mga mata niya na nakatitig sa akin. Nnag tingnan ko ang likuran ay may nakasulat dito.

Alam kong sulat kamay niya ito. 

“This is the time when I realized I’m in love with her.” 

Basa ko at mahinang natawa pero tuluyan na akong umiyak dahil sa mga litrato na nasa loob nito. Kahit hindi ko pa maalala ang lahat ay pakiramdam ko ay unti-unti na rin itong babalik sa akin. Mas lalo pa akong napahagulgol sa huling litrato na nakuha ko. Nakaside view ako dito pero halata mo ang ngiti sa mga mata ko. May nakasulat pa pala dito sa likod.

“I love you, Wife. Forever.”

“Bakit mahal na mahal mo ako kahit kinalimutan at pinaalis kita? Bakit ka ganiyan?” Humahagulgol kong pagtatanong habang hawak-hawak ang ilang litrato namin. Ang tahimik na kwarto na kinaroroonann ko ay umingay dahil sa pag-iyak ko.

Gusto ko man siyang tawagan ay hindi ko na magagawa dahil hindi na niya sinasagot ang ibang tawag ng mga taong nakakilala sa amin. Dumako ang paningin ko sa bintana ng mas lalong lumakas ang ulan sa labas kaya namuo ang takot sa dibdib ko at mabilis na tumayo. 

Paano kung maaksidente siya sa daan dahil sa ginawa ko? Nawala na ako sa kaniya ng isang beses, hindi ko na hahayaang siya naman ang mawala sa akin. Grabe na ang paghihirap na dinanas naming dalawa.

Kaya mabilis kong sinuot ang jacket ko at nagmamadaling inayos ang hitsura ko. Saktong pagbukas ko ng pinto ay siya naman pagtambad ng pigura niya sa harapan ko. Pareho kaming nagulat pero ang kaninang luhang kanina ko pa pinipigilan ay tuluyan ng bumuhos dahil sa htsura niya.

Magulo ang buhok at basang-basa ang buong katawan niya indikasyon na tinakbo niya ang malakas na ulan makabalik lang sa akin. Dahil doon ay hindi ko na mapigilang hampasin siya ng mahina sa dibdib dahil sa gulat at takot na nadarama.

“A-akala ko,, akala ko tuluyan mo na akong iniwan.” 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status