Share

Kabanata 16 Meeting the Ex-Girlfriend

Pinigil niya ang luhang nagbabadyang pumatak. Sinusubok lamang ng pagkakataon ang pagmamahalan nila ni Liam. Hindi siya basta susuko.

Malaki ang mga hakbang niya upang makalayo sa paaralan na kanyang naging pangalawang tahanan.

Paglabas niya sa gate ay napansin niya ang grupo ng mga kalalakihan na nagsusuntukan. At pamilyar ang lalaking pinagtutulungan ng limang tao. Si Liam! Napasugod siya sa mga ito. Dinampot niya ang malaking kahoy na nasa kalsada. Pinukpok niya ng kahoy sa likod ang lalaking nakahawak sa dalawang kamay ni Liam.

“Tumigil na kayo! Tatawag ako ng pulis!” sigaw niya.

Nagpalitan pa ng ilang suntok ang mga ito bago iniwan ang binata. Putok ang kilay nito. Tinulungan niya itong tumayo.

“Sino ang mga ‘yon?” sita niya.

“Hindi ko kilala, hinihintay lang kita pagkatapos ay naglapitan sila at sinuntok na ako.”

“Imposibleng wala kang atraso sa kanila. Liam, tumigil ka na sa pagiging basagulero mo.”

“Hindi ko nga sila kilala, baka ipinabugbog ako ng daddy mo o ‘nung Andrei.”

“A
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status