The Girl in His Dreams - Chapter 6
HINDI inaasahan ni Marie ang patudyong tanong na iyon.
Namula muna siya, bago nanginig. Naumid rin ang dila niya. Nawala pati ang boses.
Kaya nakalipas ang sandali ng pagtanggi. Ang pananahimik niya inakalang pagpayag sa nais ni Raffy Morales.
"May I have this dance, Miss Santos?" tanong uli nito. Naging mas masuyo pa ang malalim na tinig.
At para bang sila na lamang ang mga nilalang sa mundo nang mga sandaling iyon. Parang naglaho sina Brenda at Steve...
"Nakakainggit naman sila, sweetheart," sambit ng kaibigan. "Sayaw din tayo."
Nawalan ng saysay ang pasikretong paghingi niya ng saklolo dito. Walang anuman na tinalikuran siya upang iwan sa mapanganib na presensiya ni Rafael.
"Puwede ba kitang maisayaw, Marie?" untag nito. Tila paanas na. "Puwede na ba kitang tawaging 'Marie'?" Tila napakalapit na nito sa kanya.
"Uhm, o-oo," sambit niya,
The Girl in His Dreams - Chapter7PIGIL-HININGA si Marie habang naghihintay ng magiging tugon si Rafael Morales.Isinugal na niya ang lahat--para lang makita at makilala ang anak na kinasasabikan. Huwag naman sana siyang matalo...Habang umuusal ng panalangin, napapadalas ang pagsimsim niya sa alak. Hidi rin siya tumitingin sa gawi ng lalaki upang makapagkunwaring balewala sa kanya kung tumanggi ito. Ayaw niyang masaksihan nito ang pagkamatay niya, kung sakaling mabigo."Wine, ma'am, sir?" tanong ng isang waiter na napadaan sa tabi ng mesang kinaroroonan nila.Sabay pa silang tumango at tumugon. "Sure.""Thank you," aniya, pagkatanggap sa panibagong kopita ng alak. Agad niyang nilagok ang kalahati niyon upang magkaroon ng dagdag na lakas ng loob. Itinutulak na siya ng desperasyon.Nang mag-angat siya ng tingin, nakatitig na naman sa kanya si Rafael. Hidi na siya nakaiwas pa. Tuluyan na
The Girl in His Dreams - Chapter8 WALA silang imikan habang nagmamaneho si Rafael. Tila napakalalim ng iniisip nito. Habang si Marie ay nakikiramdam. Nag-usap lang sila sandali nung nagtanong ng direksiyon ang lalaki patungo sa duplex house na inuuwian nila ni Brenda. "Will you let me come in?" tanong ng lalaki matapos nitong iparada sa tapat ng mababang gate ang sasakyan. Hindi na nag-isip si Marie. Tumango siya, bilang pagpayag. "C-come in," sambit niya habang itinutulak pabukas ang pinto ng tarangkahan. Esklusibo ang subdibisyon na iyon. Mahigpit ang seguridad kaya hindi na kailangan ang mga ultra-moderno at matataas na gate. Tanging ang standard na burglar's alarm lamang ang bantay sa mga bahay doon. "Sino ang nakatira d'yan sa kabila?" tanong ni Rafael habang naglalakad sila sa pathwalk na sementado. "Si Brenda." Wala sa loob ang pagtugon dahil nakatutok ang pansin s
The Girl in His Dreams - Chapter9 PAGKATAPOS ng napakahabang panahon, ngayon lang uli nalasap ni Rafael ang kumpletong kapayapaan sa sarili. Halos nakalimutan na niya kung ano ang pakiramdam ng lubos na satispaksiyon ng katawan. Napatigagal siya, matapos makarating sa kasukdulan. Gayundin ang nakatalik. Kapwa sila nawalan ng tinag. Nagmistulang mga estatwa, maliban sa malakas na paghingal at sa masasal na pagkabog ng dibdib. Aywan kung gaano katagal silang nanatili sa gayong ayos. Ang babae ang unang gumalaw. At ang unang bumasag sa katahimikan. "Uh, e-excuse me?" sambit nito, pabulong. "G-gusto kong pumunta sa bathroom, please?" Halos paigtad na umalis si Rafael sa pagkakadagan sa dalaga. "I'm sorry," wika niya. Mababa ang tono. Parang nalilito na di mawari. "I didn't realize," dagdag pa. Maliksi niyang inalalayan sa pagbangon ang babae. Nahagip ng mga mata niya ang puting roba
The Girl in His Dreams - Chapter10 Hindi gaanong nakatulog si Alona kaya medyo matamlay ang pagkilos niya pagbangon kinabukasan. "Good morning, neighbor!" Nagsasalang siya ng tubig sa takuri nang sumungaw ang ulo ni Brenda sa munting bintana na nasa pagitan ng kanilang mga kusina. Napangiwi siya dahil nagulat. Umalingawngaw kasi sa tahimik na paligid ang boses ng kaibigan. "Good morning din, " tugon niya, sabay ngiti ng pilit. "May coffee ka na?" "Wala pa," hikab nito. "Puwede bang tumawid d'yan? Wala kang kasama?" "Puwede. Wala akong kasama dito," banayad ang tugon niya kahit na bahagyang namumula ang mga pisngi. Sa isang iglap lang, nakatawid na si Brenda. Hindi nito itinatago ang matinding kuryosidad tungkol sa kanilang dalawa ni Rafael Morales. Wala ring itinago si Alona. Sinabi niya ang lahat-lahat, maliban sa mga detalye ng kanilang kap
The Desirable ImpostorSYNOPSISCaitlyn was on a mission. An impossible mission. She would impersonate her twin sister, Janine. She must win over the grandmother of Drake.It was easy with the grandmother but Drake was hard to hoodwink. He saw her as his beautiful impostor.He decided to test her. But the testing got out of hand and onto the bed.Caitlyn did not want to go on deceiving her twin but Drake wanted her like no other.Where would their desire lead them?* * *The Desirable Impostor - Chapter 1 NANG magpakasal sina Emilio at Cora, marami ang humatol na hindi magtatagal ang pagsasama ng dalawa.Nanggaling sa isang buena familia si Emilio Del Praño at si Cora Cruz naman ay anak sa pagkadalaga ng isang tindera ng isda sa palengke.&nb
CHAPTER TWO: "MAGPAPANGGAP akong ikaw?!" Napabulalas si Caitlyn. "Hey, no need to shout!" ganting-bulalas ni Janine. Sumungit ang tono. "Kung ayaw mo akong tulungan, 'wag mo na akong ibisto kina Papa." "I'm sorry, Ate Janine. Nabigla kasi ako." Luminga-linga si Caitlyn sa paligid ng sala. "Don't worry, nasa kusina sina Itay at Inay." Magkatuwang na nagluluto ng hapunang barbeque steak ang mga magulang nila. "Bakit nabigla ka?" Nagbaba na rin ng tono si Janine. "Imposible kasing magkatutoo ang gusto mo. Magpapanggap akong ikaw?" Inulit na naman ni Caitlyn ang tanong. 
CHAPTER THREE: KINABUKASAN, nakasakay na naman sa eroplano si Caitlyn. Patungong Zamboanga naman. "May malawak na pineapple at durian plantation ang Familia Mendrez ng Zamboanga. Nandoon ang ancestral house na tinitirhan ng lola ni Drake," ang mabilisang pagkukuwento ni Janine habang nakasakay sila sa taxing patungong domestic airport."Sabi ni Drake, may sarili din daw kapilya ang plantasyon. Malamang na doon kami ikasal dahil napaka-tradisyunal ng kanyang lola." "Er, ano ba ang pangalan ng lola?" Parang na-attached na si Caitlyn sa agwela ng kasintahan ng kapatid dahil siya ay sabik na makilala ang sariling lolo at lola. Hindi pa rin siya itinuturing na apo dahil sa loyalty niya sa kanyang Inay.
CHAPTER FOUR: NAGING tahimik at payapa ang maikling biyahe patungo sa Villa Mendrez. Kapwa walang imik ang dalawang okupante ng dyip.Ang buong atensiyon ni Caitlyn ay ipinabihag niya sa mga tanawing nadaraanan. Nakakabighani ang walang katapusan at pantay-pantay na mga hilera ng mga pananim na pinya, mga puno ng durian at mahahabang greenhouses. "'Yan ang latest technology sa vegetable-raising, ang mga hydroponics. Soil-less kaya hindi kailangan ng lupa. Ang nutrients na kailangan ng mga halaman ay direktang nakukuha sa circulating water supply kaya napakabilis lumaki at magbunga." Tumangu-tango si Caitlyn. "Narinig ko na nga ang tungkol sa hydroponics. Mas malalaki at mas malasa ang hydroponics tomatoes na natikman ko."&nb