Naging sunod-sunuran si Noelle sa kagustuhan ng mga magulang sa takot na tuluyan s'yang itakwil at madamay ang anak na hindi pa naisisilang. Matinding depression, anxieties at stress ang dulot nito sa kanya. Dagdagan pa ng na-diskubre n'ya na niloloko s'ya ni Kael. Matapos pinalayas ng ama ang asawa sa mansion ay halos ikamatay n'ya ito. "You don't deserve him! Mabuti na rin iyan na habang maaga ay malaman mo ang totoo na hindi s'ya tunay sa iyo. Kayamanan lang natin ang gusto ng oportunista na iyon kaya ikaw ang napili n'ya na maging biktima. Malas lang n'ya dahil maagap at matalino ang iyong ama kaya agad na nalaman natin ang totoong layunin n'ya," sabi ng ina.Pinapalubag nito ang kanyang loob ngunit halos ayaw tumigil ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. Pinalalabas nito na hindi s'ya mahal ni Kael. "Hindi ako makapaniwala na magagawa n'ya ito. Ang alam ko mahal n'ya ako at kaya n'yang panindigan ang pagmamahal na iyon. Kahit kailan ay hindi ko naramdaman na kulang ako dahi
Masaya ka na ngayong nahatulan at nakulong na si Daddy?" halos pabulong na tanong ni Noelle.Sumundo s'ya sa anak at hindi na s'ya nagtaka na nandoon din ang lalaki. Mas naging madalas ang paglalaan nito ng oras sa kanilang anak. Pagkatapos madiin sa kasalanan ang ama ay naging malungkutin si Gabriel. Dahil mahal nito ang matanda lalo na lumaki s'ya na walang ama sa kanyang tabi. Kaya naman ay ginagawa ni Xian ang lahat upang mabawasan kung hindi man tuluyang mabura ang sama ng loob nito sa nangyari. Nakaupo sila habang tinatanaw ang anak na noon ay abala sa kanyang practice sa paborito nitong sport na soccer. Nagsisimula na ito nahilig sa sports. "Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin nakaka-move on? Anyways, hindi kita masisisi dahil tatay mo ang pinag-uusapan natin dito," tugon ng lalaki.Bumuntong-hininga si Noelle. Ayaw n'ya makipagtalo sa lalaki. Ngunit hindi n'ya mapigilan ang sarili na hindi maglabas ng kanyang nararamdaman. Lalo na ngayon na malaki ang naging epekto nito sa
"Why are you sad?" tanong ni Noelle sa anak.Napansin n'ya kasi na matamlay ito. Sa isang sulok lang ito ng kwarto habang nakatingin sa labas ng bintana. Mukhang malalim ang iniisip ng kanyang anak kaya naman ay nilapitan n'ya ito. "Mom!" mahinang bulalas nito na hindi naman nagulat sa bigla n'yang pagsulpot."What's the matter?" malambing na tanong n'ya sa anak.Umiling ito na halatang may pag-alinlangan. "Don't be afraid. I won't be mad. Mas gusto ko na nagsasabi ka," dagdag na sabi n'ya upang huwag mailang ang anak."Mom, do you know he is leaving?" tanong ng anak.Hindi n'ya masyadong naintidihan ang ibig nitong sabihin."Sino?" nagtataka na tanong n'ya sa anak upang masiguro kung ano at sino ang tinutukoy nito."Daddy told me he is leaving. Hindi ba s'ya nagpaalam sa iyo?" sabi ng anak.Tipid na ngiti ang kanyang pinakawalan. "Naiintindihan ko kung bakit malungkot ka. Sigurado naman ako na babalik s'ya ng bansa. Nandito ang mga negosyo n'ya at syempre ikaw. Alam mo naman na hi
"Salamat Panginoon!" ang tanging paulit-ulit na usal ni Kael habang palabas ng kulungan. Tatlong taon s'ya na namuhay bilang bilanggo. Subalit para sa kanya ay ilang dekada na ang nakaraan matapos s'yang madiin sa kasalanan na kailanman ay hindi n'ya magagawa. Nagmahal lang naman s'ya sa isang Noelle Mondragon, ang nag-iisang anak na babae ng mag-asawang Lucille at Arnulfo Mondragon. Mula sa waiting area ay nandoon ang isang matipuno na lalaki. Hindi alintana sa pisikal na anyo nito ang tunay na edad dahil makisig at malakas pa rin ang dating nito. Ito si Magno Zaragoza. Nagpakilala na kapatid ng kanyang ama at tagapamahala ng mga naiwan na negosyo nito. May anak itong babae na mas bata sa kanya. Malapad ang mga ngiti na hinarap n'ya ito. Niyakap s'ya ng mahigpit ng lalaki habang mahinang tinatapik nito ang kanyang likuran. "Congratulations! Malaya ka na!" bati ni Magno. Hindi n'ya mapigilan ang bahagyang mapaiyak habang yakap s'ya nito. "Maraming salamat! Kailanman ay tatanawin k
Masaya ang mga nakalipas na taon kay Kael. Iyon ay dahil sinagot s'ya ng kanyang sinisinta na si Noelle. Nagkakilala sila dahil sa isang kaibigan na kaklase ng dalaga. Simula noon ay niligawan n'ya ito at kahit nagkaroon ng alinlangan ay sinagot s'ya ng kasintahan. Hindi inaasahan ni Kael na nagmumula sa isang makapangyarihan na pamilya pala ang kanyang sinisinta. Graduate s'ya ng kolehiyo sa kursong electronics subalit alam n'ya na hindi ito sapat upang maipagmalaki s'ya ng kasintahan sa kanyang pamilya. Kaya nagsisikap s'ya upang makaipon. Dahil hilig din n'ya ang magbutingting ng mga pyesa ng mga sasakyan at motor kaya ginagawa n'yang sideline ang pagiging mekaniko sa tuwing day off n'ya sa regular n'yang trabaho sa isang appliance store. "Ano'ng oras ka makakauwi?" tanong ng kasintahan na tumawag sa kanya sa telepono.Patago ang kanilang relasyon ayon na din sa kanilang napag-usapan. Ang gusto kasi nila na mangyari ay ang maging stable muna sila financially bago nila ipakilala an
Inasahan na ni Kael ang maaring kahihinatnan pagkatapos ng kanilang pagpapakasal. Hindi naman s'ya bato upang hindi magdamdam ngunit nagagawa n'yang magpakatatag para sa binubuong pamilya. Dalawang buwan pa lang simula nang naikasal sila ngunit hindi na mabilang ang mga insidente kung saan ay sinasadya s'yang ipahiya ng mga ito sa ibang tao."I'm sorry about Dad, perfectionist lang talaga iyon!" saad ng kanyang asawa na ipinagtatanggol ang ama.May ipinag-uutos kasi ito sa kanya na hindi n'ya agad naiintindihan at dahil doon ay pinag-initan s'ya at pinahiya sa harap ng mga kasambahay. "Alam ko naman kung ano ang nais nila ipamukha sa akin. Okay lang dahil matitiis ko pa naman," malumanay na pahayag n'ya sa kanyang asawa."Ako ang nahihiya dahil ikaw ang nahihirapan," sabi ni Noelle.Nakaupo silang mag-asawa sa loob ng kanilang silid. Sa mansion sila tumira pagkatapos ng kanilang kasal. Ayaw kasi pumayag ng mga magulang ni Noelle na mawalay sa kanila ang nag-iisang anak na babae."Aya
Hindi man lang inabot ng buwan ay talagang nadiin si Kael sa kasalanan na kailanman ay hindi n'ya naisip na magagawa n'ya. Natagpuan n'ya ang sarili na himas ang malamig na rehas. Umiiyak s'ya sa panibugho dahil hindi ito ang buhay na pinangarap n'ya. Ang makasama ang taong mahal n'ya ang makapagpupuno sa lahat ng iyon. Subalit, ito pa mismo ang nagdala sa kanya sa kinasasadlakan n'ya ngayon. "Kahit ano pa ang gagawin mo. Iiyak ka man ng dugo ay walang makakarinig at magkakaroon ng pakialam sa iyo ang mga tao rito." Sabi ng boses ng isang lalaki.Buo at ma-awtoridad ang malaki at malamig na tinig nito. Sa unang tingin ay nakakatakot ang lalaki dahil bukod sa malaki ang katawan ay nakakatakot ang itsura nito. Marahil ay sa mga mata nito na akala mo ay tigre kung makatingin. "Ako si Mando. Matagal na ako rito. Labas pasok ako sa kulungan kaya kilala na ako rito ng mga pulis. Ikaw ano ang pangalan mo?" tanong ng lalaki.Alanganin man s'ya ay pinagbigyan n'ya ito sa pagnanais na makilala
Naging parusa ang bawat araw na nagdaan para kay Kael. Sanay s'ya sa hirap ng buhay simula pagkabata subalit ibang klase ng kalbaryo ang kanyang pinapasan. Nangayayat s'ya sa loob ng kulungan. Kulang sa pagkain at pahinga. Pag-asa at dasal na lamang ang naging panangga n'ya. Ang mga magulang at ang anak na hindi pa naisisilang ang inaalala n'ya kaya s'ya nanatiling malakas. Kahit pa na limitado ang natanggap n'yang balita tungkol sa tunay na estado ng kanyang asawa at anak. "Mukhang nakalimutan ka ng iyong pamilya ah, ilang buwan ka na rin na hindi ka na nila nagawang dalawin," ani ni Mando."Naiintindihan ko kung sadyang kakalimutan na nila ako. Pero sa pagkakakilala ko sa mga magulang ko, alam ko na gagawin nila ang kanilang makakaya upang tulungan ako. Siguro ay hirap sila sa buhay ngayon kaya hindi sila nakakadalaw. Maniwala ka isang araw ay susulpot na lang ang mga iyon dito," umaasam na saad ni Kael sa bagong kaibigan."Sa pagkakaalam ko ha, base sa karanasan ko at sa mga nakiki