Share

Chapter Two

The Ceo's Obsession || Lucy Pearl

___

CHAPTER 2

UMIWAS ng tingin si Lucy Pearl nang mapansing sumulyap sa gawi niya ang bagong may-ari ng unibersidad na pinapakilalang ngayon sa harap nilang lahat na kapwa niya eskolar.

Sino ba naman ang makakalimot sa lalaking iyon? Ito kanina ang pilit niyang pinapatay sa isip niya; ang minumura niya't halos isumpa niya.

"Sana maging maayos ang unibersidad na 'to sa lahat at sana walang estudyanteng mamumuhay ditong may hindi kaaya-ayang mga salita ang lumalabas mula sa kaniyang mga bibig."

Napataas ng tingin si Lucy sa mga narinig mula rito.

Siya ba ang pinapatamaan ng lalaking 'to? Inirapan niya ito nang muli siyang sulyapan sa gawi niya.

'Pake ko ba sa nararamdaman niya?!' mataray niyang bulong sa sarili niya.

Kailan pa ba siya nagkaroon ng nararamdaman sa mga tao sa paligid niya? Wala siyang naaalala.

"That's for today.. marami pa tayong pagsasamahan, I assured you guys." Pagtatapos ng salita nito sa gitna.

Lihim na sinundan ni Lucy ng tingin ang lalake hanggang sa bumaba ito ng stage.

He's nothing! Aniya pa niya.

May-ari lang siya and thats all, dugtong pa.

Nakipagkamay ito sa ilang board members na nakilala na rin nilang lahat maging sa ilang professor na nar'on sa gawi na iyon.

'Kinulong niya pa rin ako sa rooftop at maling-mali pa rin siya d'on! Hindi ko pa rin kakalimutan iyon!' galit niyang bulong sa sarili.

Tiningnan niya ito ng masama at hindi niya akalaing titingin ang lalaking iyon sa gawi niya; nagtama ang mga mata nilang dalawa. Inikot niya ang bola sa mga mata niya't tinapon ang tingin sa harap ng stage kung saan ito galing kanina.

'Naku, Lucy! Baka pag-initan ka ng lalaking iyan!' Nag-aalalang bulong ni Lucy sa sarili.

Paano na siya kung magkataon? Ano na lang ang kinabukasan niya? Wala pa naman siyang pinagkikitaan para makaya niya ang sarili niyang pag-aralin sa ibang paaralan.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Lucy. Ayaw niyang mag-isip ng negatibo- sirang-sira na ang araw niya.

"Saan tayo magkakape?" Bahagyang nagulat si Lucy sa narinig niyang pabulong na tanong sa kaniya ni April.

"Uuwi na ako," maiksi niyang sagot dito.

"Uuwi? Bakit uuwi ka na? Ang aga pa, Lucy.."

"Marami akong gagawin at labahin," pagdadahilan niya.

"Hindi ako naniniwala sa iyo, wash and wear ka kaya, Dear."

"Gusto kong umuwi at wala kang pakialam kung gusto kong umuwi! Bwisit!" May kalakasang sagot ni Lucy sa kaibigan dahil sa kakulitan nitong pinamamalas sa kaniya.

"Nag-aaway ba kayo?"

Sabay ang paglingon ng dalawa sa boses sa likuran ni Lucy si Mr. Aragon at kasama nito ang lalaki.

"Hindi ho, Sir. Ganyan lang talaga si Lucy alam niyo na may mood swings lang 'tong kaibigan ko," sabat ni April.

Muling iniwas ni Lucy ang tingin sa lalaking nasa likuran ni Mr. Aragon, napansin niya sa mga tingin nito ang mapanuring tanong. Tsaka niya na-realize na nagmura na naman pala siya sa harap ni April.

'Napakakulit naman kasi ng isang 'to!' inis niyang bulong sa sarili.

"KAKASABI KO LANG NG MGA DAPAT AT HINDI DAPAT GAWIN SA STAGE, MS.?"

"MS. SANDOVAL, MR. SANTIAGO.." ani ni Mr. Aragon sa kaharap.

"Sir, kasalanan ko naman talaga, nakulitan lang sa akin ang kaibigan ko." Pagtatanggol ni April.

"Ano naman ang masama sa bwisit? Ikaw ngang sira-ulo ka kinulong mo ako sa rooftop!" mahinang bulong ni Lucy sa sarili niya.

"May sinasabi ka ba, Ms. Sandoval?" untag sa kaniya ni Michael Archangel - tsaka lang napansin ni Lucy ang pangalan nito.

Lucy Pearl-Michael Archangel? Sambit ni Lucy sa sarili niya.

Hindi niya napigilang tumawa ng malakas sa harap ng mga ito.

"Ms. Lucy Pearl Sandoval.. go to my office now!" Natigilan si Lucy nang marinig ang sinabi ni Mr. Aragon.

"Ho?"

"Go to my office now!" Ulit pa nito sa kaniyang may galit sa boses nito.

Lihim niyang nasapo ang ulo niya. Tinaas niya ang tingin sa lalaking naging dahilan kung bakit siya natawa ng malakas sa harap ng mga ito- humalikipkip itong tumingin sa kaniyang may pang-iinis.

Sinundan niya ng tingin si Mr. Aragon.

"Isusumbong kita kay Mr. Aragon dahil kinulong mo ako sa rooftop, Mr. Michael Archange!" Inis na sambit niya sa harap nito bago tumalikod at nagmartsang sumunod sa ginoong nagpatawag sa kaniya.

'Akala niya ha! Hindi dahil siya ang may-ari ng eskwelahan na 'to palalampasin ko na lang ang ginawa niya.. humanda talaga siya!'

____

NAKANGITING sinundan ng tingin ni Michael ang babaeng napag-alaman niyang Lucy ang pangalan. Napailing-iling pa siya dahil sa pinakita nitong tantrums sa kaniya.

Naalala niya ang ginawa niyang kapilyuhan dito nang isarado niya ang rooftop kanina nang bumaba siya't nagpasyang iwan ito sa rooftop; talaga naman siya ang nagsarado ng pinto dahil gusto niyang bigyan ng leksyon ang babae.

"Kuya.. Kuya.."

Lumingon si Michael sa tawag ng bunso niyang kapatid na si Angelo.

"Saan ka na naman pumunta? Kanina pa ako dito," aniya rito.

"Nagkape lang kami kasama ng mga kaibigan ko, Bro. Let's go home?" anito naman sa kaniya.

Tumango siyang may ngiti sa labi kay Angelo; na-miss niya ang kapatid niyang ito sa ilang taon niyang pananatili sa Amsterdam gayon ay nagpasya na siyang umuwi for good para pamahalaan ang iniwang responsibilidad sa kaniya nang lolo nilang pumanaw na- ang may-ari at nagtayo ng unibersidad na ito.

"Ano, kuya, marami na ba ang napapansing chika babes sa iyo dito?" Pang-aasar nitong tanong sa kaniya.

"Wala. Atsaka hindi ko priority, alam mo naman kung gaano kaselosa ang Ate Cheska mo." Espleka niya rito.

Si Cheska ay ang kaniyang long-term girlfriend na matagal nang nakabase sa Amsterdam at nagtratrabaho bilang nurse sa isang pribadong hospital.

"Ikaw baka madami ka nang binibiktima ha.." aniya ritong natatawa nang sabay silang pumasok sa Volkswagen niyang dalang sasakyan.

Ngiti lang ang siyang naging tugon sa kaniya ni Angelo at kilala niya ito alam niyang tama ang kutob niyang may kung sino'ng babae na naman itong prospects.

"Mayroon nga?"

"Mayroon. But she's different, Kuya. I think I truly like her.."

Iyon na lamang ang gulat niya nang marinig ito mula kay Angelo. Nakangiti pa ito habang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse niya.

Hiling niya na lang na sana nga tulad ng sabi nito, iba ito sa lahat ng babaeng naging bahagi ng buhay nito.

"Mailap lang siya, but I will not stop until she will be mine," dugtong pa nito sa kaniya.

"She's lucky.." iyon ang tanging lumabas na salitang mula kay Michael sa babaeng tinutukoy ng pinakamamahal niyang kapatid.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status