Prologo
SHE heaved a long sigh before inhaled a lot of air. Hindi malaman ni Angielyn ang gagawin.
Kanina lang ay buo na ang desisyon niya para sabihin kay Clayton ang tungkol sa pagbubuntis niya. Ngunit ngayong nakatayo siya labas ng pinto ng condo nito, hindi niya yata kayang gawin ang naiisip niya.
She can't deal with the fact that they'd broken up when she found out she's carrying his child!
Paano kung hindi ito maniwala? Anong gagawin niya? But that's absurd! Si Clayton lang ang tanging lalaki sa buhay niya.
But still...
Angielyn, again, inhaled a lot of air before she touched the intercom to inform him that she's outside.
Mayamaya lang ay may nagsalita mula sa loob.
Si Clayton.
"Who's this?"
Angielyn moistened her dry lips before she uttered her name and told Clay that she wants to talk to him.
"Please, Clayton... I need to tell you this..."
Bumukas ang pinto at sumilip ang mukhang kagigising lang na lalaki. H***d-baro pa ito tanda na mula ito sa kama at dumiretso ito sa harap niya para pagbuksan siya ng pinto. Walang mababakas na anumang ekspresyon sa mukha nito habang nakatitig kay Angielyn.
Looking at Clayton now, naisip niya kung bakit niya ito nagustuhan at patuloy na minamahal ngayon.
He has deep set brown eyes, chiselled jaw, well-pointed nose and those lips she's always want to stare at.
But his heart... she can't have it even if she wishes for it.
"Come," anito, waring ginising si Ann sa sandali niyang pagkatulog.
Alanganin siyang pumasok sa loob ng condo at inikot ng paningin sa loob. Inakay naman siya ni Clayton patungo sa sofang malapit upang paupuin doon.
He sat in front of her. Iniisip siguro nito kung ano ang kailangan niya dito.
They had a talk before they cut ties between them. Na aakto silang dalawa na hindi magkilala. Not that they had bad blood between them. It's just that she fell for him when he told her that he couldn’t love her. It's Clayton’s way of helping Angielyn to move on by breaking up with her.
Iyon siguro ang gumugulo sa isipan ng lalaki. Bakit soya narito gayong nagkaroon na sila ng pagkakaintindihan? Why would she be here, anyway?
"So, tell me, what makes you go here, Ann?"
Lumunok si Angielyn nang ilang ulit. Paano niya ba sasabihin dito ang totoo?
Lumipas ang ilang sandali na bumalot sa kanila ang katahimikan.
"Ann..." he called her attention once again.
Humugot siya nang malalim na hininga bago nanginginig na bumulong.
"I-I'm pregnant, Clayton... and you're the father..."
Nang tumingala siya ay nakita niyang natigilan ito at namutla. Hinanda na ni Angie ang sarili sa magiging reaksyon nito.
"Y-You what?!" he stuttered but nonetheless shouted those words. His booming voice makes her nervous.
"I'm pregnant..."
A pause.
Wala kaagad sa kanilang dalawa ang magsalita.
"Get rid of it. I don't want that, Angie. You know that!" Iyon ang lumabas sa bibig nito nang mapagtanto ang sinabi niya.
Napatayo siya at gulat na gulat na napalunok dahil sa narinig. Get rid of her baby?! Is Clayton crazy?!
Marahas na hinarap ni Angie ang lalaki at dinuro. Nanginginig ang kanyang kalamnan sa sobrang galit.
“Are you fucking serious, Clay?” Kuyom niya ang mga kamao na anumang oras at tatama iyon sa mukha ng lalaki.
“I don’t want it!” Nanlilisik ang mga mata ni Clayton. She could feel the dreadful hate as he uttered those words.
Tuluyan nang naputol ang hibla ng kanyang pasensya. “How dare you! It’s your child…our baby! I can’t believe you want to abort your child, you murderer! I hate you!” Natatangis ang kanyang mga bagang at mariing idinagdag, “You’re nothing but a piece of shit! Now I know how much of an asshole you can be.”
Clayton stared at her in disbelief. “Damn you, Ann! You stoop this low to trap me? How can I even be sure that child is mine?”
Hindi nakapagpigil ay umigwas ang kamay ni Angie at sinampal nang malakas ang lalaki.
Hindi ito ang gusto niyang marinig mula kay Clayton. Hindi ito.
Hindi naman hiniling ni Angie na panagutan siya nito — okay, that's on her mind. But not like this. Hindi naman niya plinano ang pikutin ito. One drunken night without protection was a mistake, she knows that already, okay! But killing an accidental baby is not on the picture!
"I may love you but I'm not that stupid to shackle you in a loveless marriage! And I'm regretting that I feel something for you because you're a monster! Akala ko may paninindigan ka, Clay! Guess that I'm wrong about it. Fuck. You got me pregnant and now you're washing hands? Ano, ako lang ba ang gumawa nito? Ang kapal ng mukha mo!" Huminga siya nang malalim at matiim itong tiningnan.
"Please forget that this happened. This is the last time I'll be seeing you, Clayton. 'Wag mong hilingin na patayin ko ang anak ko. I'm not that heartless like you."
Pagkatapos iyon ay tumalikod si Ann para lumabas nang makita niyang hindi lang sila ang tao sa loob ng condo ni Clayton.
Sa may pinto ay nakatayo ang ina nito at nakanganga habang nagpapapalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa.
Napalunok si Ann dahil sa takot na lumukob sa kanya.
"M-Ma'am..." she whimpered. Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng babae nang maglakad ito patungo kay Clayton.
The next words that woman told them made her world crumble.
"You got her pregnant, Clayton? Marry her then."
*****
Kabanata 1 "I, CLAYTON Rossen Fuentebella, take you, Angielyn Marie Rodriguez, to be my lawfully wedded wife to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part…" Isinuot ni Clayton sa daliri ni Ann ang hawak na singsing. Saktong-sakto ang sukat nito sa daliri ng babae at bahagya pang kuminang nang matapatan ng ilaw mula sa itaas ng kisame. "I may now pronounce you, man and wife. You may now kiss your wife," anang judge na kaharap ng dalawa ngayon. Atubiling hinarap si Ann ni Clayton. Bakas sa mukha nito ang disgusto at parang nais ni Ann na umalis doon at isiping masamang panaginip lang iyon. Nang ibaba nito ang mukha at ilapat sa labi niya ang mga labi ka
Kabanata2 KANINA pa naghihintay si Clayton sa labas ng classroom nila Ann ngunit hindi pa rin sila pinalalabas ng propesor. Sumandal si Clayton sa pader at pagod na pinikit ang mga mata. Napadilat lang siya noong may naramdaman siyang taong huminto sa harapan niya. Nang buksan niya ang mga mata, tumambad sa paningin niya si Ann. He smiled at her and she smiled back. "You’re waiting for me?" Kinuha niya ang bag nito at sinukbit sa balikat. Napaawang ang bibig ni Ann at namilog ang mga mata nito noong pagmasdan siya na kinangiti niya uli rito. "Gwapo ’ko ba, Ann?" "Loko! Give me my bag back!" "Huh? Para kang rapper sa sinabi mo, baby." Napahalakhak siya sa sinabi. Lumayo pa siya nang
Kabanata 3 NAPAKAGAT ng labi si Ann at isang ulit pang pinasadahan ng tingin ang message na natanggap niya sa kung sino. The message contains the information saying that Clayton is waiting for someone to come back and he’s only courting Ann to have a new flavor of the month. In short, fling. He’s not serious with her. Ayon pa sa text, ilang babae na ang dumaan sa kamay nito at siya ang sunod na biktima nito kaya huwag siyang magpapaloko kay Clayton. Mapait siyang napangiti. Ano bang aasahan niya, na seseryosohin siya ni Clayton? She’s just an orphan. Ni hindi rin siya mayaman. She’s a scholar in this university and just get by day to day from her little saving. She also looked average, hindi siya head turner tulad ng sa palabas sa telebisyon. Kaya anong pumasok sa isip niya at umaasang seryos
Kabanata 4 "T-THIS is for me? Sigurado ka, Clayton?" Napatitig si Ann sa hawak at pagkatapos, binalik ang mga mata sa lalaking kaharap niya. Nag-iwas naman ng tingin si Clayton sa kanya at naiinis na nagkamot sa ulo. "A-Ano? Kukunin mo ba o hindi? Kung ayaw mo, akin na uli." Sinubukan nitong kunin ang manggang hilaw at bagoong alamang ngunit mabilis na niyang iniwas sa lalaki ang hawak. Napamaang naman si Clayton at nakasalubong ang kilay na tumingin sa kanya. "Bigay mo na sa akin ’to kaya akin na ’to. Salamat, Clay." Muling nag-iwas ng tingin si Clayton sa kanya at may pagmamadaling umalis sa harapan ni Ann. Natatawa naman itong sinundan ng tingin ng babae. Noong makaakyat si Clayton sa second floor ng bahay, doon lang uli minasdan ni Ann ang hawak na mangga
Kabanata 5 NAALIMPUNGATAN si Ann na parang may naririnig siyang iyak ng sanggol. Ngunit dahil sobrang pagod na pagod ang katawan niya, hinatak siya ng antok at muling nakatulog. Nakaidlip si Ann na parang gising din ang diwa niya. Kahit na nakapikit ang mga mata, biglang pumasok sa isip niya ang anak na kinabukas ng mga mata niya. ‘Si Rence!’ Napabalikwas siya ng bangon at luminga-linga muna sa loob ng kwarto at dahil wala siyang naririnig na iyak ng bata. Tumayo si Ann at dinukwang ang crib ngunit hindi niya nakita roon ang sanggol. Binundol ng kaba ang dibdíb ni Ann at binadha ng takot dahil baka nanakaw na ang anak niya! Nilibot ng paningin ni Ann ang buong kwarto ngunit wala siyang nakita na Rence kaya ang ginawa, lumabas siya ng kwarto at patakbo n
Kabanata 6 ABALA si Ann na gumawa ng mashed vegetables para kay Rence habang ito naman, nakaupo sa baby chair at mahinang hinahampas ang table ng pinagkakaupuan. Malapit na siyang matapos at pinalalamig na lang ang mainit na pagkain ni Rence nang gumawa ng ingay si Rence. "D-Da! Dada!" Nanlaki ang mga mata ni Ann at napalingon siya sa anak. Patuloy pa rin nitong hinahampas ang table nito gamit ang kamay habang sumisigaw ng ‘Dada’. Binaba ni Ann ang ginagawa at lumapit kay Rence. "Baby, tawag mo si Dada? Nakakapagsalita ka na?!" Nang tanungin ni Ann iyon, humagikgik si Rence at mas lalong lumakas ang palo nito sa table, tuwang-tuwa ang reaksyon ng bata. "Dada!" Sigurado na si Ann na si Clayton nga ang tina
HUMINTO ang sasakyan at bumukas ang pinto ng backseat. Kinuha ni Clayton si Rence kay Ann at mabilis itong pumasok sa loob ng ospital. Agad naman itong sinalubong ng mga doktor at nurse na naka-duty noon. Mabilis na nakasunod si Ann kay Clayton. "Nurse! Dok! Pakitulungan po ang anak ko!" Lumapit si Ann sa isa sa mga nurse at tinuro ang anak niya. "Please check on my so— on him! He fell from the stair!" segunda naman ni Clayton. The nurses immediately took action and prepared a stretcher. Clayton laid Rence on it and they push him inside the emergency room. Nagtangka pang humabol si Clayton at Ann paloob ngunit hinarangan ito ng isa sa mga nurse. "Sir, you can’t follow us inside. Maghintay na lang po kayo rito." "Please, save him, please," nanginginig ang boses ni Clayton. Napako ang paa ni Clayton at na
Kabanata 7 "ANN!" Ann was cleaning the sala when she heard Clayton’s excited voice from outside. Agad niyang binaba ang vacuum na hawak at planong lumabas ng bahay para silipin ito nang pumasok ang lalaki at bakas sa mukha nito ang saya na parang may nangyaring maganda. "What happened? Mukhang masaya ka?" "Rence suddenly stood up awhile ago and he took his first step! Natumba siya pagkatapos pero nakakalakad na si Rence, Ann!" Nanlaki ang mga mata niya sa binalita ng asawa at napakapit pa siya sa braso nito. "Hala? Seryoso ka, Clayton? Nasaan si Rence? Nakakalakad na talaga siya?!" Rence’s just eight month old that’s why Ann was surprised to know that their baby could already walk this time! Hindi naman siya nagmamadali at gusto niyang i-take time