Home / Romance / The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife / Chapter 50: Mother-in-law In Action

Share

Chapter 50: Mother-in-law In Action

Author: Amaya
last update Last Updated: 2025-01-26 05:14:07

Gustuhin man ni Casey na makipag kwentuhan sa kaibigan ay masyado na siyang pagod ngayon gabi, "Medyo pagod na rin ako e. Sa susunod na nalang," sagot niya.

"Oh sige, mag pahinga ka na agad pag uwi mo ha. Kapag may problema, huwag ka mag dadalawang isip na tawagan ako," sambit ni Daisy.

Napangiti naman si Casey, "Oo naman. Pero sa ngayon, mag-iingat ka dyan," sagot niya saka binaba ang tawag.

Muling bumalik ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Habang nag mamaneho ay pasimpleng nilingon naman ni Lincoln si Casey. Gustuhin niya man na kamustahin ito ay ayaw niya namang ipaalala sa babae ang mga pangyayari sa party. Base kasi sa mukha nito ay parang pagod na pagod ito ngayong gabi at gusto na lamang umuwi nang hindi pinag-uusapan ang mga nangyari. Tinuon na lamang ni Lincoln ang kaniyang atensyon sa kalsada at maingat na nag maneho hanggang sa makarating sila sa condo ni Casey. Dito raw muna siya mananatili ngayong gabi upang makasiguro siya na hindi siya matatagpuan ni Dylan kung sakali
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 51: Reality Stings

    Matapos ang ilang minutong biyahe ay nakarating na rin si Casey sa mansyon ng mga Almendras. Nang makita mula sa labas ang mansyon ay samot-saring mga alala ang tila bumubulong sa pagkatao ni Casey ngunit agad niya itong winaglit at lumabas na mula sa grab car. Hindi naka lock ang gate kaya inaasahan na talaga ng lahat ang pag dating ni Casey. Binuksan niya ito pumasok na sa loob. Tatlong kasambahay agad ang sumalubong sa kaniya. Ang mga tingin nila ang makahulugan na tila pati sa kanila at nakarating na rin ang balita. Kahit pa nararapat na hindi umabot sa social media ang nangyaring birthday celebration ni Mr. Romualdez ay imposible pa rin na hindi ito kumalat. Malaya ang mga bisita gumamit ng kanilang cellphone at kumuha ng mga litrato sa party, at kahit na walang mag tangka na mag post nito sa online at mabilis pa rin kakalat ang balita na parang nagbabagang apoy.At dahil doon ay sumagi naman muli sa isip ni Casey ang presensya ni Suzane sa party. Alam niya ang binabalak ng baba

    Last Updated : 2025-01-26
  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 52: Insult

    Isang ngiti ang sumilay sa labi ni Casey at sumagot, "Thank you, Mrs. Almendras. Kung wala na po kayong sasabihin ay hindi ko iistorbohin ang inyong pahinga ngayong gabi."Huminga nang malalim si Claudine at pilit na kinakalma ang kaniyang sarili. Tila may pangungutya sa kaniyang itsura nang muling maisip ang divorce ng dalawa, "Casey, masyado ka atang nagmamadali na ma-divorce sa anak ko. Alam mo naman siguro na kapag humarap sa divorce settlement ang pamilya namin ngayon ay pwede kaming mawalan ng sampung bilyong piso mula sa isang project na tapos na namin i-negotiate. Umaasa ka ba sa shares na makukuha mula rito? Gagamitin mo ba ang divorce na ito upang kumubra ng pera mula sa pamilya ko?"Hindi na napigilan ni Casey ang sarili at bahagya itong natawa nang dahil sa sinabi ni Claudine. Seryoso ba ito? Alam ba niya na kahit kailan ay hindi problema kay Casey ang pera?"Mawalang galang na ho ngunit masyado ata niyo na ata inooverthink ang mga bagay-bagay," sagot ni Casey, "Wala po ak

    Last Updated : 2025-01-26
  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 53: Pinned

    Nag iba na naman ang timpla ng itsura ni Lola Isabel at mas lalong hindi nagustuhan ang kaniyang mga narinig mula sa bibig ni Claudine, "Sumosobra ka na! Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Claudine?! Napakabastos ng bunganga mo! Umalis ka nga rito sa harapan ko!" sigaw ni Lola Isabel, rinig sa buong mansyon ang boses nito.Hindi nag patinag si Claudine at pinandigan ang kaniyang sinabi, binalewala ang galit ni Lola Isabel. Huminga siya nang malalim at nilingon si Casey, "Sige, pairalin mo ang katigasa ng ulo mo at panindigan mo yang katapangan mo. Pero sana kayanin mo rin ang kayang ibigay ng pamilya ko sa gagawin mo," ani Claudine.Nanliit ang mga ni Casey, iniisip kung ano ang ibig sabihin ni Claudine, "I would love to hear that," saad ni Casey.Mulinh bumalik ang galit na nararamdaman ni Claudine. Mariin niyang tinignan si Casey nang may lakas ng loob upang ipakita na mali ang piniling desisyon ng babae na ipahiya ang kanilang pamilya at sabihin sa lahat ang divorce na naganap, "Hind

    Last Updated : 2025-01-27
  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 54: Dangerous Game

    Mariing pinuwesto ni Dylan ang kaniyang kanang kamay sa gilid ng ulo ni Casey habang nakasandal ito sa pader, at ang kaniyang kaliwang kamay naman ay mahigpit na nakahawak sa kamay ng babae. Mabigat ang tensyon sa kanilang pagitan at kapwa rin nilang nararamdaman ang init ng hininga ng bawat isa.Mariin ang bawat tinginan na binabato nila sa isa't-isa at ni isa sa kanila ay matapang na tinatanggap ang mga tingin na ito at hindi tumitiklop. Taas baba ang kanilang mga dibdib dahil sa bigat ng kanilang bawat pag hinga. Bumaba ang tingin ni Dylan sa labi ni Casey at napansin na bahagya itong nanginginig. Umangat muli ang kaniyang tingin sa mga mata nito ay mas lalong inilapit ang kaniyang mukha sa babae. Napapikit si Casey at tila may naramdaman siyang kuryente nang mag lapit na ang kanilang mga mukha kaya agad siyang dumilat at tinignan nang masama ang lalake.Bumalik sa dati ang ekpresyon ni Casey, puno ng inis ang kaniyang itsura at nakakunot ang noo nito habang si Dylan naman ay hindi

    Last Updated : 2025-01-28
  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 55: Lost And Found

    Hindi naman umimik si Dylan at nanatili lamang na tahimik hanggang sa makabawi na siya mula sa nangyari. Agad siyang naglakad paalis at nilagpasan ang kaniyang ina. Nagulat naman si Claudine sa kilos ng kaniyang anak kaya tinawag niya ito."Dylan! Sandali!" sigaw niya dahilan upang mapahinto si Dylan.Lumingon naman si Dylan sa kaniya at walang emosyon na tinignan siya, "Mom, ano na naman ba?" tamad na tanong nito.Napabuntong hininga si Claudine, "Sabihin mo nga sa akin. Totoo ba na ikaw ang humiling ng divorce?"Nanatiling kalmado si Dylan at tumango, "Wala na tayong magagawa. Hindi ko na rin mababawi ang desisyong yon dahil nag usap na kami ni lolo," sagot ni Dylan.Kumunot naman ang noo ni Claudine at tila hindi niya na rin alam ang kaniyang gagawin sa nangyayaring gulo, "Hindi maganda ang mga nangyayaring ito para sa pamilya natin, Dylan. Kung alam ko lang na babawian tayo ng babaeng yon ay sana noon pa lang hindi na ako pumayag na pakasalan mo yon! She's a walking shame! Siya an

    Last Updated : 2025-01-28
  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 56: Settled

    Huminga nang malalim si Casey at mahigpit na hinawakan ang divorce certificate sabay lingon kay Dylan. Sinalubong naman siya ng malalamig ngunit nangungusap na tingin ng lalake. Napakurap ng mga mata si Casey ngunit hindi pa rin bumibitaw ng tingin si Dylan.Parang kailan lang ay noong tatlong tao na ang nakakalipas ay may eksena rin silang ganito. Kapwa naka harap sa isa't-isa at parehong nangako na magsasama sa hirap at ginhawa. Ngunit iba ngayon, dahil sa araw na ito ay tuluyan nang matutuldukan ang kanilang pagsasama. Mapait na ngumiti si Casey kay Dylan, "Goodbye, Dylan," saad nito.Hindi sumagot si Dylan at bigla na lamang itong tumalikod upang lumabas sa hall. Malalim na bumuntong hininga si Casey at agad sumunod sa lalake upang umalis na rin sa lugar. Nakayuko lamang siya dahil ayaw niyang makuhanan ng litrato ang kaniyang mukha at dahil na rin sa napakaraming flash ng mga camera na nakakasilaw sa kaniya. Gulat naman na napahinto si Casey sa kaniyang paglalakad nang mabunggo

    Last Updated : 2025-01-29
  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 57: Slow Life

    Patuloy lamang ang pag lalabas ni Lola Isabel ng kaniyang sama ng loob sa kabilang linya habang si Casey naman ay tahimik na nakikinig lang sa kaniya."Pera rito, pero roon! Puro pera! Nagpabulag na silang lahat sa pera na yan!" naiinis na saad ng matanda, kahit nasa cellphone lamang ay nakikita niya pa rin ang naiinis na itsura nito sa kaniyang isip,"Talaga bang yaman at reputasyon nalang ang natatanging mahalaga sa kanila ngayon? Pera ang dapat na pinapaikot nila at hindi pera ang dapat na magpaikot sa kanila! Hindi na tuloy ako makapag hintay na dumating ang panahon na aayon ang mundo sa tama at sasampalin ng katotohanan si Joaquin sa kaniyang mga maling desisyon at mga walang kwenta niyang turo kay Dylan!" patuloy na saad ni Lola Isabel.Mariin namang napapikit si Casey at sinusubukan na pakalmahin ang matanda dahil sa lagay na ito ay masyado nang nagpapadala sa kaniyang galit si Lola Isabel at nag-aalala si Casey sa kaniyang kalusugan."La, baka hindi lang po alam ni Lola Joaqui

    Last Updated : 2025-01-30
  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 58: Opinions

    Dali-daling dinampot ni Suzanne ang kaniyang cellphone at agad na sinagot ang tawag.Tahimik siyang nakikinig sa sinasabi ng taong inutusan niyang mag report sa kaniya ng mga ganap sa Civil Affairs.Ilang sandali pa ay unti-unting nabuo ang malaking ngisi sa kaniyang labi nang marinig na ang balitang matagal nilang inaantay ng kaniyang pamilya. Mariin lamang na naghihintay sina Regina at Paulo habang nakatingin kay Suzanne na nakatalikod sa kanila at nakikipag usap sa cellphone nito."Okay, okay. Thank you, I appreciate it," ani Suzanne at binaba na ang tawag.Nag tinginan naman ang mag asawa.Agad na lumingon si Suzanne sa kaniyang mga magulang suot ang malaking ngiti sa kaniyang labi.Luminawag naman ang mukha ni Regina at tila nababasa ang reaksyon ng anak."Tapos na ba?" tanong ni Regina.Tumango-tango si Suzanne, "Talagang wala na sila. Tapos na ang divorce!" Malakas na napasigaw ng "Yes" si Regina habang si Paulo naman ay napabuga ng hangin at malawak din na napangiti. Sa wak

    Last Updated : 2025-01-30

Latest chapter

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 300

    Si Dylan ay huminto sa paglalakad, at ganoon din si Casey. Lumingon siya sa lobby manager na may halatang pagtataka sa mukha. “Sino ang nagsabi sa’yo?”Matalas ang tingin ni Dylan nang dumapo ito sa lobby manager. Kahit wala siyang sinabi, ramdam na ramdam ng babae ang bigat ng presensya niya. Para bang isang maling sagot lang at mawawalan siya ng trabaho—o mas malala pa.Napalunok ang lobby manager at pinilit maging kalmado. Alam niyang dapat niyang ipaliwanag nang maayos, kaya sinabi niya ang inihanda niyang sagot.“Ganito po kasi, sir. Matagal ko na pong alam na may hinahanap kayong makakatrabaho, at nalaman ko rin po ang tungkol sa partnership ng Almendras at Andrada Group. Narinig ko pong may pupunta para mag-inspeksyon, kaya inisip ko pong baka kayo ‘yun. At saka po, halata naman po sa aura niyong dalawa na hindi kayo ordinaryong tao. May ilang beses ko na rin po kayong nakita sa screen, kaya nakilala ko kayo agad. Araw-araw po akong nagtatrabaho rito, kaya malaking karangalan p

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 299

    “Rest well, lovers,” saad ng lalake at umalis na.Naiwan ang dalawa na hindi pa rin nagsasalita. Nanlaki ang mga mata ni Casey sa narinig.Lover?! What the hell?!Habang si Dylan naman ay palihim lamang na napangisi at nagsalita, “Matulog ka na nang maaga. Lalabas muna ako.”Agad na kumunot ang noo ni Casey. “Sandali.”Napatingin si Dylan sa kanya na halatang nagtataka.Bagama’t may bahagyang pag-aalinlangan sa kanyang mga mata, nanatili itong kalmado.Saglit na nag-isip si Casey bago siya muling nagsalita nang mahina, “Wala, sige na, lumabas ka na.”Tiningnan siya ni Dylan nang may pagtataka, pero dahil hindi naman ito mahilig makipagtalo, tumango na lang ito at lalabas na sana nang bigla na namang nag salita si Casey.Huminga nang malalim si Casey bago nagdesisyong sabihin ang nasa isip niya. “Lalabas ako at kukuha ng kwarto.”Plano niyang hanapin ang lalaking nag-asikaso sa kanila kanina para tanungin tungkol sa kwarto, pero naisip niyang malamang ay hindi rin nito alam ang relasyo

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 298

    “Hindi na ako sasama, paano na lang ang lolo mo kung wala ako rito?” malambing ngunit may bahagyang pagod na sabi ni Lola Isabel habang marahang umiiling.Napangiti si Casey, ngunit may bahagyang lungkot sa kanyang mga mata. “Pero hindi ko pa rin maiwasang magulat sa tagumpay mo ngayon.”Bagama’t may bahagyang panunuya ang tono ni Casey, alam niyang mas mabuti kung mabilis na makakabawi si Lola Isabel sa kanyang kalusugan. Mahina na ang katawan nito, at hindi na dapat masyadong nalalagay sa stress o pagod.Tahimik lang si Dylan, walang kahit anong sinabi.Sa halip, tuluyang binalewala siya ni Casey. Mas pinili nitong ituon ang pansin kay Lola Isabel, at masaya silang nag-usap habang kumakain ng hapunan. Matapos ang ilang sandali, handa na silang umalis.May kalmadong ngiti sa labi ni Lola Isabel habang pinagmamasdan ang dalawa. May kapayapaan sa kanyang puso habang pinagmamasdan ang ayos nila.“Kapag aalis na kayo, mag-ingat kayong mabuti, ha? Kung may oras pa kayo, lumibot muna kayo

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 297

    “Pero ikaw…” Napabuntong-hininga si Lola Isabel, hindi alam kung ano ang sasabihin.Palagi niyang nararamdaman na napakalungkot ng buhay ng batang ito. Maagang pumanaw ang ama niya, hindi siya gusto ng asawa niya, at pati biyenan niya ay pinapahirapan siya. Kaya naman, pilit niyang pinupunan ang kakulangan sa buhay ni Casey.Ngumiti si Casey. “Lola, huwag niyo nang masyadong isipin ‘yan.”“Hay… sige na nga.”Patuloy lang silang nagkuwentuhan at nagtatawanan. Ramdam ni Casey ang tunay na pagmamahal mula sa pamilya niya sa panig ng kanyang lola. Sa loob ng mga nagdaang taon, naging malapit talaga sila sa isa’t isa.Sa puso ni Lola Isabel, si Casey ay tunay niyang apo. At sa puso ni Casey, si Lola Isabel ay tunay niyang lola.Isang buong araw silang magkasama nang walang istorbo. Masaya si Casey dahil matagal na rin niyang hindi nakakausap nang ganito kahaba ang kanyang lola.Balak sana niyang umuwi bago maghapunan, pero pilit siyang pinipigilan ni Lola Isabel. “Dito ka na muna, sabay na

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 296

    Dahan-dahang lumubog si Yuna sa kanyang mga alaala.Sampung araw bago maaksidente si Suzanne.Naibigay na ni Yuna kay Suzanne ang lahat ng impormasyong nakalap niya at buong pagkabalisa niyang hinintay ang sagot nito.Mabilis namang nabasa ni Suzanne ang lahat ng dokumento. Isang mapanuksong ngiti ang sumilay sa kanyang labi.Sa kaba, nagsalita si Yuna, “Miss Suzanne, sigurado ka bang gusto mong gawin ito? Kapag nabuking tayo, siguradong malaki ang magiging kapalit.”Napasulyap si Suzanne sa kanya, malamig ang mga mata. “Walang panganib, walang gantimpala, hindi ba?”Nabuksan ni Yuna ang kanyang bibig, halatang gusto niyang pigilan si Suzanne, pero alam niyang walang makakapagbago ng desisyon nito. Ni siya mismo, hindi gusto ang bagay na ito. Pero wala siyang magagawa—pinipilit siya sa lahat ng sulok.Naputol ang kanyang pag-iisip nang muling nagsalita si Suzanne. “Bantayan mo si Christian sa loob ng dalawang araw. Kilala natin siyang walang awa. Kung may balak siyang gawin kay Dylan,

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 295

    Huminga nang malalim si Yuna at hindi agad sumagot kay Casey. Sa halip, malumanay niyang sinabi, “Nasiyahan ka ba sa nangyaring ganti ngayong araw, Miss Casey?”Bahagyang kumurap si Casey at tumingin nang diretso kay Yuna, hindi nagsalita, ngunit halata sa mga mata niya ang pagsusuri.May ibang ibig sabihin si Yuna sa mga sinabi niya ngayon, pero hindi ito estilo ni Suzanne. Kung may gustong iparating si Suzanne, hindi niya ipapadala si Yuna para magsalita sa halip niya.Nagtagal ang katahimikan bago nagsalita si Casey, “Ano bang gusto mong sabihin?”Huminga muli nang malalim si Yuna, pilit pinapakalma ang sarili bago tinitigan si Casey at sinabing, “Kung hindi ko pinag-alab ang sitwasyon kanina, hindi mo magagawang lumaban nang ganun kadali at kasaya, hindi ba?”Nagtama ang mga mata nila, at bahagyang naningkit ang mata ni Casey. Totoo, naging madali at masaya para sa kanya ang paglaban ngayong araw.Kasabay nito, naisip niyang parang hindi tama ang ginawa ni Suzanne. Masyadong pabay

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 294

    Nagbago ang ekspresyon ni Suzanne. Bwisit! Siguradong narinig ni Dylan ang boses ni Diego. Bakit ba napakalakas ng boses ng lalaking ‘to?Mabilis siyang tumingin kay Diego, pilit na pinapanatili ang kunwaring pag-aalala sa mukha. “A-Ako…hinahanap ko kasi sila Dylan. Halika, tignan natin.”Ngumisi agad si Diego. “Matagal nang nagmamahalan ‘yang dalawa. Kahit pa hiwalay na sila, anong masama kung magkasama sila sa iisang kaganapan? Wala namang mawawala, ‘di ba? Miss Andrada, bakit parang masyado kang nag-aalala?”Mabilis na sumeryoso ang mukha ni Suzanne. “Diego, huwag mong sabihin ‘yan. Hindi ganyang klaseng tao sina Dylan at Casey!”Napangisi lang si Diego. “Talaga ba?”Matagal na niyang naririnig mula kay Angelo Herodias na may problema itong si Suzanne. Naging paksa na rin ng diskusyon nila ang ugali ni Dylan Almendras pagdating sa kanya.Sa totoo lang, kahit pa siya ang naging ‘tagapagligtas’ ni Dylan, hindi niya kailanman nagustuhan si Suzanne.Tumingin si Suzanne kay Diego na may

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 293

    Habang naglalakad sina Diego, isang babaeng empleyado ang biglang nadulas.“Ay!!” sigaw nito, at napunta siya sa direksyon ni Diego.Napatingin ang maraming empleyada, ang ilan sa kanila ay namula sa inggit.Ano?! Paano niya nagawang gumamit ng ganitong katusuhan?! Kung alam lang nila, naisip nilang dapat sila na lang ang gumawa nito!Ngunit hindi nag-atubili si Diego—mabilis siyang umiwas!At tila sinadya ng tadhana, bumagsak ang babaeng empleyado diretso sa mga bisig ni Philip Will.Sa sobrang takot, ipinikit niya ang kanyang mga mata, ang maliit niyang mukha ay puno ng kaba. Ngunit nang maramdaman niyang may yumakap sa kanya, bigla siyang kinilig!Si Diego ba ang yumakap sa kanya? Ibig sabihin ba nito, may pag-asa siya?!Ngunit napansin ng lahat ang maliit na ngiti sa labi ni Philip Will, at ang kamay nitong nakayakap sa babae ay tila sinadya pang pisilin ito nang dalawang beses.Buti nga sa ‘yo!Biglang namula ang mukha ng babaeng empleyado. Si Diego ay talagang romantiko!Ngunit

  • The CEO’s Regret: Chasing My Gorgeous Ex-Wife   Chapter 292

    Masayang sumagot si Lola Isabel sa kabilang linya, “Sige, sige! Hinihintay ka namin, apo!”“…Opo.”Matapos ibaba ang tawag, hindi maipaliwanag ni Casey ang bigat sa dibdib niya. Parang may mali. May kung anong bumabagabag sa kanya, kaya’t agad siyang tumawag kay Albert, ang mayordomo ng lumang mansyon ng Almendras.Ilang beses nag-ring bago sumagot ang pamilyar na tinig.“Casey?”“Uncle Albert, gusto ko lang po kumustahin si Lola. Kumusta po siya nitong mga nakaraang araw?”Saglit na katahimikan ang sumunod bago dahan-dahang sumagot ang matanda, may halong pag-aalinlangan sa tinig, “Ah… Casey, nitong dalawang gabi, hindi masyadong nakatulog ang matanda. Nag-aalala rin si Lolo Joaquin sa kaniya.”Nanlamig ang mga kamay ni Casey. “Ano pong nangyari? Bakit po biglang nagkagano’n?”Dahil ba sa kanya?Sabi ni Dylan, kasalanan niya ang lahat ng ito—dahil ba sa desisyon niyang makipaghiwalay?Huminga nang malalim si Albert bago nagsalita. “Alam mo naman ang matatanda, minsan hirap makatulog.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status