BivianneI convince myself na kaya lang ako pupunta ay para panoorin ang kapatid ko. Wala siyang kinalaman sa pagpunta ko sa game. I just want to support Khaianne at alam kong magpupunta rin si Leo. Parang sila pa nga ang magkapatid at hindi kami.Mom is now happily married with a guy named Keam, Juanito’s brother, her first love. Masyadong mahaba ang story, pero Keam is a good guy. Noong una ay hindi ako payag sa relasyon nila. Pero nang makilala ko sila ng anak niya, wala na rin akong nagawa.And Khaianne is my twenty-year-old brother. Bata pa siya noong una kaming magkakilala kaya agad kaming napalapit sa isa’t isa despite having different dads and moms. Sobrang sweet niyang kapatid kaya nga nahulog ‘tong si Yeshua.And I can’t believe these two had history two years ago. Ayon kay Yeshua ay masyado pa siyang bata para sa kaniya kaya sila naghiwalay, but I wonder about that.Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya nang magsimula ang game. I played this game before kaya kahit papaano
BivianneHuminga ako nang malalim bago kumatok. I know that there’s a 50-50 chance na makita ko siya rito pero hindi ko pa rin maiwasan ang hindi kabahan. This is where he leaves, after all. Kapag may mahalaga silang game ay natutulog siya rito kasama ang mga player niya.I’m not a stalker. Alam ko lang ang mga ganitong detalye dahil isa ako sa mga sponsor ng team nila. Hindi ko maiiwasang malaman sa tuwing may game sila na may involved na pera. Doon din kumikita ang company namin.Nang magbukas ang pinto, nahigit ko ang hininga ko. That 50-50 chance just became a hundred.“How may I help you, Ma’am Cordova.” Ma’am Cordova. Great. Just like how my employees call me.“Is Khaianne here? I got a delivery for him.” Inangat ko pa ang box para ipakita sa kaniya.Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa hawak ko. “Dapat ay pinadala mo na lang sa isa sa mga tauhan mo. No need to deliver it yourself.”Agad akong nag-isip ng dahilan. “This is a gift for my brother. Kaya natural lang siguro na
PrologueHingal na hingal si Yeshua Tada nang makarating sa kinauupuan ni Bivianne Cordova. Hindi pa siya nakahahabol ng hininga nang magsalita siya sa garalgal na boses, “Totoo ba? Manonood ka talaga ng competition?" Kahit hindi siya nito tingnan ay alam niyang kumikinang ang mga mata niya dahil sa balitang dala. Sa halip na magpakita ng anumang senyales ng emosyon, hindi inalis ni Bivianne ang tingin mula sa mga papeles na ginagawa mula nang umagang iyon. "Can you please hand these over to the R&D as soon as possible?” Inilagay niya ang dalawang hanay ng mga papel sa mesa at nagpatuloy, “And this should be handed to the finance.”Saglit niyang tiningnan ang mga papel, pinag-iisipan kung ano ang gagawin niya rito. "Of course." Aalis na sana siya ng kwarto pero pinili niyang tumalikod at bumalik sa mesa. "So, pupunta ka ba talaga?" Tumingin si Bivianne mula sa kaniyang computer at bumuntonghininga. “Alam mo na ang sagot. Ano pang silbi ng pagtatanong?” Lumawak ang ngiti niya sa ba
Bivianne"Please! Please, Bivianne, minsan lang. Hindi na kita guguluhin pagkatapos nitong laro." Pinagdaop ni Yeshua ang mga palad niya habang sinusundan ako na naglalakad papunta sa classroom namin. Hindi ko siya nilingon para ipakita kung gaano ko kaayaw gawin ang hinihiling niya sa ‘kin. More like, I couldn’t.Bago ako makapasok sa room, hinampas ni Yeshua ang kaniyang palad sa pinto at humarang sa daraanan ko. Isa sa mga katangian niya na kaniyang ipinagmamalaki ay ang kaniyang determinasyon. Nakakainis man sa iba ay wala siyang pakialam. Kung may gusto siya, gagawin niya ang lahat para makuha iyon.Wala akong choice kung hindi tingnan siya with my usual poker face. Kailan lang kami naging magkaibigan, pero alam ko na kung gaano ka-persistent ang babaeng ito. Wala nga lang akong magawa kahit na alam ko na ‘yon. Hindi ko pa rin siya mapigilan kahit anong mangyari."Ano ang mapapala ko sa pagsali? Maaari akong masugatan o tuluyang masaktan sa paglalaro lang ng larong iyon. Pananagu
BivianneNakasimangot akong sumakay ng kotse nang walang sinasabi. Alam kong napansin ni mang Kiko na wala ako sa mood nang umagang ‘yon pero hindi na siya nagtanong. Alam kong nang makita niya si mama kanina ay sapat na ‘yong paliwanag. No need for a verbal one.Maagang umalis si mama at ni hindi na niya ako nasabayan sa agahan. That’s better for me, though. Dahil ayokong makasabay siya at kung ano-ano na namang sermon ang matanggap ko. I don’t want to get slapped again.Nang makarating kami sa school ay bumaba na ako ng sasakyan. Papasok na sana ako sa loob nang pigilan ako ni mang Kiko. Hinarap ko naman siya.“Kunin mo ‘to.” Napatingin ako sa inabot niyang lunch box na may isa pang maliit na box. “Hinanda ng asawa ko para ibaon mo. Iyang isang box naman ay may gamot para sa sugat mo sa labi.”Dahan-dahan ko ‘yong inabot at napaiwas ng tingin. “Maraming salamat po.”Isang tipid lang na ngiti ang ginawad niya bago ako hinayaang umalis. Napabuntonghininga ako nang makarating ako sa ro
Bivianne“Magkakilala kayo?” tanong ni Yeshua habang pabalik-balik ang tingin sa ‘min ng pinsan niya.Ginulo ni Oxem ang buhok niya na ikinaingit nito. “Oo. Nabunggo ko siya at natapon ang milk tea niya kaya binilan ko siya ng bago.”“‘Buti hindi siya nagalit.” Natawa pa si Yeshua. “Mainit ulo niyan kapag natatapon milk tea niya o kaya hindi siya nakakabili eh.”“Really?” Nahimigan ko ang pagkamangha sa tono ng pananalita niya. “‘Buti na lang pala at pinalitan ko ‘yon.”Kumunot ang noo ni Yeshua. “Ano nga palang ginagawa mo sa milk tea-han? Hindi ka naman umiinom n’on?”Nagkibit-balikat lang siya at mas lalong ginulo ang buhok ng pinsan kaya nauwi na naman sila sa away. Hindi ko maiwasang hindi sila panoorin habang nagtatalo. Kahit na naiinis si Yeshua sa ginagawa ng pinsan niya ay para bang sanay na siya. Sa kabilang banda naman, para bang nag-eenjoy talaga itong si Oxem na asarin ang pinsan niya.I’m an only child. My mom is also an only child. Kaya naman wala akong pinsan sa mother
BivianneNang matapos ako sa pag-aayos ng mga papel ay kinuha ko na ang bag ko. Hindi na sana ako ulit titingin kay Oxem pero nagtama na ang mga mata namin kaya wala na akong nagawa. Sa kabilang banda siya nakaupo pero nasa ‘kin pa rin ang tingin niya kahit na kinakausap siya ni Peter. Mas lalo akong nataranta nang tumayo siya at nagsimulang maglakad patungo sa ‘kin.“Done?” tanong niya.“Ahm… yeah. Mauuna na siguro ako. Mukhang nagkakasiyahan pa sila sa pagkukuwentuhan. Hindi ko na sila aabalahin. Nasa’n si tita? Magpaalam na ‘ko.”Sumunod kami ni mang Kiko sa kaniya sa loob ng bahay para magpaalam sa mama niya. Kumaway na lang si Yeshua sa ‘kin bilang pagpapaalam. Mukhang wala pa silang balak na magsiuwian dahil ang dami pa nilang kwento. I wonder where they’re getting all those topics?Nang makarating kami sa loob ay nakita namin si tita na may inaayos sa kusina. Napatingin siya sa ‘min nang tinawag siya ni Oxem.“Bakit hindi ka na rito magtanghalian?” tanong ni tita. “Nagluluto na
Bivianne“I’ll need you to get an exclusive interview with the owner of the farm you featured on your project,” panimula ni ma’am Aquino.Pinigilan ko ang sarili kong mapabuntonghininga. Baka mamaya ay dagdagan pa niya ang requirements. She can do that. But I can’t afford that. Masyado na akong maraming gagawin para sa panibago pang gawain.“Of course, ma’am. Noted. I’ll secure a document and a short video for the interview.” Mukhang natuwa naman siya sa sinabi ko kaya pinaalis na niya ako ng faculty matapos ang kaniyang good luck. Yeah. I needed that.Pinakawalan ko na ang buntonghininga na kanina ko pa pinipigilan nang makalabas ako ng faculty. I can handle that. Madali namang i-edit ang video basta ba ay may clips na akong makuha. Pero ang ibig sabihin n’on ay kailangan kong bumalik sa bahay nina Oxem.Matapos ang klase namin ay agad kong sinabihan si Yeshua at nagpasama sa kaniya para sa interview. Pero sa kasamaang palad, ngayong araw nila gagawin ang sarili nilang project kaya a