Share

The Borrowed Marriage
The Borrowed Marriage
Author: clarixass

Simula

Simula

"Emerald, ilang buwan na kayong hindi bayad sa bahay! Tatlong buwan, Emerald! Baka nakakalimutan mo?" singhal ni Aling Melody, ang landlady ng bahay na aming inuupahan. 

Tumutulong bubong sa tuwing uulan, at halos hindi na kami makatulog sa pagtatapon ng tubig mula sa mga timba na pinangsasalo sa bawat patak ng ulan. Mga dingding na bakbak na ang mga pintura at mga semento na sira na. If I was only born with silver spoon, I would never choose to live here. Ang tatlong libo na buwan-buwan kong binabayad ay hindi ko na alam kung tama pa ba. 

"Magbabayad po ako, Aling Melody. Pagpasensyahan na muna ninyo ako. Alam niyo naman po na naghahagilap din ako ng pang-opera ni Nanay," pahayag ko at muling nakikiusap. 

Ilang beses na ba ako nakikiusap sa buong buhay ko? Pakiramdam ko ay wala ng bago. 

"Magbabayad? Ilang beses ko na 'yan naririnig, Emerald. Eh, kahit singkong duling ay wala naman akong natatanggap!" Muli niyang singhal sa akin. I was a pain on her neck, if I know. Iyon ang pinapahayag ng mga mata nitong nasa akin. 

"Nitong linggo, Aling Melody. Maghuhulog po ako kahit paano, pasensya na po." 

"Huli na ito, Emerald. Kapag nitong linggo ay wala pa rin, magbalot-balot na kayo ng gamit," banta niya suot ang mga matatalim niyang mga mata sa akin. Nang tumalikod ito ay nakahinga ako nang maluwag. 

"Kung nariyan lang sana ang Tatay ninyo a—"

"Inay, pwede ba? 'Wag na ninyong hinahanap ang taong naghanap naman ng iba," malamig kong saad bago ako nagmartsa papasok sa kwarto namin ni Laizza, ang kapatid ko. Bumuga ako ng hangin nang makita ko ang sira na rin naming papag. Kahit maayos na higaan ay hindi ko maibigay. 

"At bakit hindi? Ama nin—"

"Inay, walang ama ang tatalikuran ang mga anak niya," sunod na malamig na tugon ni Laizza. 

Nahinto ako at pinagmasdan ang dalaga kong kapatid. Sa murang edad ay napakaisip na nito. Paano ba namang hindi? Sa hirap ng buhay na mayroon kami ay mamumulat kaagad mula sa iyong inosente pang mga mata. 

"Umalis ang tatay ninyo para magtrabaho," pagpupumilit ni Nanay. 

Mapakla akong tumawa roon. "Trinabaho ang ibang babae? Iyon ba ang trabaho na sinasabi mo, 'nay?" Napailing ako bago sinara ang pinto namin na malapit na rin masira para magpalit ng damit. 

Pitong taong gulang. I was at that young age when my bastard father left us. Hanggang ngayon, malinaw na malinaw sa akin ang nangyari sa araw na 'yon. How my father left us because of a woman. Paano ko nga ba makakalimutan kung paano lumuhod ang Inay, lumuluha habang nakikiusap na 'wag niyang iwan? 

Even how his eyes turned to me for a moment never left my mind. Tandang-tanda ko...hanggang ngayon. Matagal na, ngunit para itong kahapon lang sa sugat nitong iniwan. 

"Ate, ang Inay!" Napabalikwas ako nang malakas na sumigaw si Laizza. Agad-agad kong binuksan ang pinto at nadatnan ang Inay na impit na sinisigaw ang sakit habang walang tigil na kinakabog ang kanyang dibdib.

"Pumara ka ng motor!" sigaw ko at mabilis na nilapitan ang Nanay. 

"Inay, sandali! Laizza!" muli kong sigaw. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng aming bahay at pumasok ang isang lalaki na batid kong ang driver ng motor na pinara ni Laizza sa labas. Binuhat nito ang Inay at agad na sinakay sa kanyang motor.

"E-Emerald," tawag ng Nanay.

"'Nay, konti pa ha? Malapit na tayo," saad ko kasabay ng pagpatak ng mga luha mula sa aking mga mata. 

"Tulong!" malakas kong sigaw at mabilis kaming nilapitan ng mga tao sa loob ng ospital at inasikaso ang aking ina. 

"Nanay," umiiyak na tawag ni Laizza. 

"Miss, hanggang dito na lang muna kayo," saad ng nurse at pinigilan kami mula sa pagpasok sa kwarto na kanilang pagdadalhan kay Nanay. 

Malakas ang kabog ng aking dibdib. Kabado sa kung ano ang mangyayari kay Inay, at takot mula sa aking dibdib na baka hindi siya magamot dahil wala kaming pera. Binuksan ko ang maliit na pitaka ko at bumungad sa akin ang isang daang piso. 

"T*ng*n* naman!" Halos lamukusin ko na ang aking mukha. 

"Wala tayong pera, kailangan ni Inay ng operasyon," saad ni Laizza sa aking tabi. 

Sandali akong nahinto at pinagmasdan ang aking kapatid. As her sister, I never wanted her to experience this poor life of ours. We're penniless and she's suffering in this life. 

"Alam ko," tugon ko at pinigilan ang aking sarili mula sa pag-iyak. 

"Mangungutang na naman ba tayo? Ayaw na tayo pautangin nila Kuya Berto, nila Aling Maria, at ng ilan pa natin na pinagkakautangan. Nasa delikado ka ng sitwasyon ate, alam mo naman ang ugali ni Kuya Berto," nag-aalala niyang pahayag sa akin. 

Mapakla akong ngumiti at tumango. 

"Miss, kayo ba ang pamilya ng pasyente?" tanong ng isang lalaki na nurse. 

"Kami nga po, ano po ang nangyayari?" tanong ko, kahit na ang totoo ay alam kong operasyon na ang kailangan nito sa kaniyang puso. 

"It's her heart. Kailangan na niya ng operasyon dahil kung hindi ay maaari siyang mamatay. Traydor ang sakit sa puso, Miss. Wala itong pipiliing oras o panahon," pahayag niya sa amin. Pakiramdam ko ay gumuho ang mundo ko. 

"Magkano po ang operasyon?" tanong ko, nagbabakasakali na maliit lang iyon. 

"Aabutin ng mahigit isang daang libo," halos manghina ako nang sabihin niya iyon. Nanginig ang aking mga tuhod at para akong nawalan ng lakas at pag-asa. 

"W-Wala po kaming ganyang kalaking pera." 

Kahit na magtrabaho ako ng tatlong beses sa isang araw ay hindi ko kikitain ang isang daang libo. Ni upa nga namin sa bahay ay hindi ko mabayaran. Kahit isang pirasong manok ay hindi namin maulam. Maging ang maayos na higaan ay hindi namin maranasan. 

"What's going on here?" 

Napunta ang aming mga mata sa isang babae na nakasuot ng lab gown. Sa palagay ko ay isa siyang doktor. Kahit sa ganitong sitwasyon ay hindi ko maiwasan na mamangha sa kagandahan nito. 

Poor us, we did not have that kind of life she has. 

Sabi nila, edukasyon ang susi sa tagumpay. Ngunit paano kung hindi mo abot ang edukasyon sa isang katulad namin na mahihirap? Is it still the key to success? 

"Doktora," tawag ng nurse. 

"What's happening? Is there something wrong, Miss?" she asked with concern from those angelic eyes. Even her voice is angelic. 

"W-Wala po," ani ko at pinahid ang luha mula sa aking mga mata. 

"Her mother needs an operation, doktora…but they can't afford it," pahayag ng nurse sa kanya. Sa oras na 'yon, nakaramdam akong muli ng panliliit mula sa aking sarili. 

"Can you leave us first?" Umangat ang mga mata ko nang sabihin niya iyon at agad naman na sumunod ang nurse. Tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa at ilang sandali pa akong pinagmasdan. 

"Laizza, doon ka muna," saad ko kay Laizza. 

She doesn't want to leave, ngunit sa huli ay sinunod pa rin ako. 

"I can pay for your mother's operation and even all the bills," pahayag niya. 

"Doktora, wala po akong pambayad kahit na bayaran ninyo ang lahat ng gagastusin sa opera—"

"Hindi pera ang kailangan ko, Miss." 

Sandali akong natigilan at kunot-noo itong pinagmasdan. 

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" 

She simply smirked at me as she took a deep breath. 

"Let me borrow your identity, and all your mother's needs will be provided. Kahit singkong duling ay wala kang gagastusin." 

"Handa po akong gawin lahat...para sa Inay." Nilunok ko ang anumang pagtataka ko sa aking isip. 

All I need is to save my mother. At kung ito ang susi ay handa akong gawin iyon. 

That day, I wish I had just refused her offer. 

Little did I know, letting her borrow my identity will create chaos in my life. 

I let her borrow my identity…I let her start the borrowed marriage. 

clarixass

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status