Share

CHAPTER 3

Priscilla Ashanti Figueria, the nation’s girlfriend and the most famous actress of this era and Isaac Andrei Sueviro, the chairman of the Sueviro Enterprise. They are both very successful in their own ways. And they are in a secret relationship for quite some time now.

Halos mag dadalawang taon na rin silang nasa isang secret relationship. Talagang secret na secret ito dahil kahit ang kanilang mga malalapit na kaibigan ay walang ka alam alam sa kung ano man ang namamagitan sa kanilang dalawa.

Isa kasi si Isaac sa mga nakakita ng potential ni Priscilla noong nagsisimula pa lamang sa pagiging artista ang dalaga. Si Isaac ang naging major na tagasuporta niya not just emotionally but also financially. Sa madaling salita, dahil kay Isaac kaya nasa kung saan man siya ngayon si Priscilla.

Patago lamang ang kanilang relasyon dahil sa mata ng maraming tao, si Isaac ay mayroon ng mapapangasawa, si Andrea Lopez, the daughter of the powerful congressman.

Hindi kailanman nagustuhan o minahal ni Isaac si Andrea. Para sa kanya, para lamang itong bagay na kini-keep niya para pwede niyang gamitin kung kailan niya gusto. Si Andrea kasi ang gusto ng pamilya ni Isaac para mapangasawa niya. Dahil rin sa engagement ni Isaac with Andrea ay nakuha niya ang chairman position ng Sueviro Enterprise.

-

Natigil sa paghahalikan si Isaac at Priscilla ng biglang makarinig ng tunog ng isang bagay na para bang bumagsak. Sabay silang napalingon sa direksyon kung saan nanggaling ang tunog at laking gulat nila nang makakita ng isang pigura ng babae sa isang sulok dito sa loob ng silid kung nasaan sila. Muntik pang napasigaw si Priscilla dahil sa gulat at takot. Buti nalang at mabilis si Isaac dahil natakpan niya ka agad ang bibig ng kasintahan.

“W-wait. G-Gina?” Banggit ni Priscilla matapos tanggalin ang kamay ni Isaac sa bibig niya nang mamukhaan ang babaeng nakita sa sulok. Si Gina ay ang personal assistant ni Priscilla. Mas bata ito ng isang taon kay Priscilla at matagal na niya itong nakakasama dahil nag trabaho na ito sa kanya nung papasikat pa lamang siya.

“M-Miss P-Pres.” Medyo nanginginig naman na sagot nito sabay may pinulot na kung ano sa sahig pagkatapos ay dahan dahang naglakad palapit sa kanila. Mukhang cellphone ang pinulot niya. Ito yata yung nahulog kanina na nag likha ng maingay na tunog.

Kanina ay hindi pa nila masyadong maaninag ang mukha ni Gina dahil medyo may kadiliman sa sulok na iyon kung saan siya naka pwesto kanina. Ngunit ngayon na medyo nakalapit na ito, kitang kita ang bakas ng takot at pagka gulat mula sa mukha nito. Bahagya rin itong namumutla.

“W-well—” Nauutal utal na panimula ni Priscilla ngunit hindi na niya na dugtungan pa ang dapat sana ay sasabihin niya dahil nauna nang magsalita si Gina.

“Miss Priscilla pangako po wala po akong pagsasabihan. Wala po akong pagsasabihan. Wala po akong nakita o narinig kanina. Please po wag niyo lang po akong sisantehin. Kailangan na kailangan ko po itong trabaho na ito. Pangako po mananatili pong sarado ang bibig ko.” Sunod sunod na salita nito at lumuhod pa sa harapan nila Priscilla at Isaac. Mangiyak ngiyak pa ito habang nagsasalita.

“What?!” Gulat na nasambit ni Priscilla. “Bakit ka naka luhod? Tumayo ka nga muna Gina.” Sabi niya at tinulungang tumayo ang assistant. “And what the hell are you talking about? Anong sisisantehin? Of course no. And why the hell are you sorry? Wala ka namang kasalanan. Hindi mo naman sinadya ang nangyari di ba? Hindi mo naman inasahang makikita mo kami dito.” Sunod sunod rin na eksplenasyon ni Priscilla. Si Isaac naman ay tahimik lang na nagmamasid sa kanila.

Magsasalita pa sana ulit si Priscilla para aluhin ang assistant ngunit hindi na niya ito naituloy dahil sabay sabay na silang nakarinig ng ingay na nanggagaling mula sa labas. Mukhang may kaguluhan na nangyayari sa labas lamang nitong silid kung nasaan silang tatlo ngayon. Kasunod ng ingay na kanilang narinig ay umalingawngaw naman ang isang pamilyar na boses, boses ni Andrea. Mukha itong may pinapagalitan sa labas.

“I’m gonna fucking do everything to have you removed from your damn job!” Narinig nilang sigaw ni Andrea. Pagkatapos ay nakarinig sila ng boses na para bang paulit ulit na nanghihingi ng tawad. Napatingin si Priscilla kay Isaac. Nakatiim bagang lamang ang huli.

“Did you fucking know how much this dress cost?! I tell you kahit gamitin mo pa ng buo ang sweldo mo sa buong isang taon, hindi mo pa rin ito mabibili. And you! You told me you saw my husband around here? Nasaan siya? Bakit wala dito? Ginagago mo ba ako? Ugh. Stupid little shits. Both of you, get lost!” Dinig ulit nilang sigaw nito. Na alarma naman si Priscilla at Gina ng marinig na nandoon ngayon si Andrea dahil hinahanap nito si Isaac. Samantala, si Isaac naman ay wala lamang ekspresyon sa kanyang mukha na para bang wala itong paki alam kung makita man sila ni Andrea ngayon.

“Tsk. The nerve of this girl for calling you her husband. Hahaha.” Mahinang tawa nalang na komento ni Priscilla.

Bigla namang ikinagulat nila Priscilla at Gina ng bigla na lamang gumalaw ang door knob ng pintuan sa silid na iyon, parang may gustong magbukas noon. Good thing Isaac locked it before.

“Ugh. Bakit ba puro kamalasan nalang ang nangyayari sa akin ngayong gabi?” Narinig nilang sabi nito sa sarili. Pagkatapos ay nakarinig na sila ng katok. “Love? Are you here? My God why is this door locked?!” Sabi nito habang kumakatok.

Muli ay napatingin si Priscilla kay Isaac. “Hinahanap ka na. Lumabas ka na. Dito nalang muna kami, magtatago. Lalabas nalang kami pag wala na kayo.” Mahinang bulong ni Priscilla.

Bahagya namang ikinakunot ng noo ni Isaac ang narinig. “What? Why? Pwede namang sabay sabay na tayong lumabas. It’s not like I’m in a romantic relationship with Andrea. Kahit makita niya tayo dito ngayon ay dapat wala siyang paki alam. It’s none of her business.” He reasoned out.

“Isaac. We already talked about this. Now, go. Bago pa tayo makita dito. Gina come with me.” Priscilla answered with a bossy tone. Wala naman nang nagawa si Isaac sa gusto ng dalaga. Hinila naman ni Priscilla si Gina papunta sa isang sulok kung nasaan ito nanggaling kanina. Tahimik lamang silang umupo doon at nagtago. Good thing, maraming boxes na nakalagay doon sa parteng iyon dahil parang storage room nga ang kwartong ito. Nagtago sila sa likod ng mga malalaking kariton upang mas lalo silang hindi makita o mapansin.

Narinig naman nilang bumuntong hininga si Isaac. Mukhang nagdadalawang isip pa rin ito kung aalis at lalabas nga ba siya. Halatang ayaw makasama si Andrea. “Go.” Pag udyok ulit na sabi ni Priscilla. Wala ng nagawa si Isaac kundi sundin ang kasintahan. Dahan dahang humakbang patungo sa pintuan si Isaac. Si Gina naman ay nagmamasid lang sa kanilang dalawa.

“So you’re really here! It means that son of a bitch waiter was really telling me the truth. What are you doing here by the way?” Gulat na bungad na sabi ni Andrea ng bigla na lamang bumukas ang pintuan at inilabas noon si Isaac. Hindi man lang mababakasan ng pagsisisi ang mukha ni Andrea para sa waiter na sinigawan niya kanina kasi akala niya nagsisinungaling lang ito.

Si Isaac ay malamig lamang na nakatitig kay Andrea. “Phone call.” Tipid na sagot nito pagkatapos ay nilampasan si Andrea. Nauna na itong mag lakad pabalik sa hall.

Si Gina naman ay napatitig sa ngayong nakayukong si Priscilla. Tahimik lamang sila habang pinapakinggan ang papalayong mga yapak mula sa dalawang taong nasa labas. Nang mawala ang tunog ng mga yapak ay nauna nang tumayo si Priscilla. Agad naman na sumunod si Gina.

“Please follow me.” Sabi ni Priscilla sa nasa likod niyang si Gina nang palabas na sila ng pintuan.

-

Tahimik na magkatabing naka upo lamang sa isang bench sa loob ng isang malaking garden sina Priscilla at Gina. Halos mag dadalawangpung minuto na rin ang nakalipas mag mula nang maupo sila roon ngunit ni isa sa kanila ay walang balak mag salita. Puro mga mahihinang pag buntong ng hininga lamang ang maririnig mula sa dalawa. Nag papakiramdaman sa isa’t isa at nag hihintayan sa kung sino ang mauunang mag salita. Kahit hindi man nila sabihin ay sa palagay nila ay mas makakabuting pag usapan ngayon pa lang ang tungkol sa kung anumang nangyari kanina nang sa ganoon ay wala na silang magiging issues sa isa’t isa.

“Nagulat ka ba?” Pag basag ni Priscilla sa katahimikan. “Malamang, sino ba namang hindi magugulat na ang isang katulad ko na may magandang reputasyon ay dini date pala ang isang bilyonaryong kilala ng lahat bilang may fiancée na.” Sagot ni Priscilla sa sariling tanong sabay mahinang natawa. Napasinghap naman si Gina dahil sa narinig.

“Wala eh. Malas ko lang na ako pa ang napag tripan ni kupido. Pero hindi ako nagsisisi ha? Kahit kailan hindi ko pagsisisihan ang naging desisyon kong ito. Hindi ko pagsisisihan na minahal ko siya. Kahit pa isipin ng ibang tao na mali ito dahil may itinakda na sa kanya na mapapangasawa niya, wala akong paki alam. As long as alam kong walang namamagitan sa kanila at ako ang mahal niya. You might think I’m selfish for thinking this way, and yes, inaamin kong ang selfish ko nga. Hindi ko lang talaga siya magawang bitawan.” Sunod sunod na sinabi ni Priscilla habang naka tingin sa kawalan.

“But if you’re already thinking na pinatulan ko siya kahit pa alam kong may fiancée na siya nung una pa lang, then you’re wrong. The answer is no. Hindi ko kailanman inisip na may fiancée na siya nung una. Na may gusto na palang ibang babae ang pamilya niya para sa kanya. He never shared anything about his family kasi. He never talked about them, in fact. Nalaman ko nalang yun nung inanunsyo na mismo sa telebisyon ang engagement nilang dalawa ni Andrea. And trust me, it broke me into tiny little pieces. Naalala ko pa nga noon nung napanood ko yun sa balita, sabi ko sa sarili ko ‘ano yun? ginawa akong kabit? panandaliang saya ganoon ba?’ I was really broken that time. But Isaac told me everything. He has his reasons. He explained na walang namagitan sa kanila ni Andrea. Na ang engagement na iyon was purely his parents’ decision. He also told me na kailangan niya muna ang engagement nila ni Andrea para makuha ng buo ang Sueviro Enterprise and when that finally happens, he will cancel the engagement. Syempre hindi ako pumayag noong una. Bakit niya kailangan manggamit ng ibang tao para lang makuha ang kompanya di ba? But like what I have said, he has his reason. Kaya di kalaunan ay nakumbinsi niya na rin ako. Kaya imbes na maghiwalay kami ay hindi natuloy. Sobrang mahal na mahal ko na rin kasi yung taong yun eh. Kaya syempre, handa akong i-risk ang lahat para sa kanya. Handa akong isugal ang lahat lahat para lang sa kanya. And of course, handa akong mag tiis sa ganitong set up para sa kanya.” Madamdaming pahayag ni Priscilla. Kahit madilim na ngayon dahil gabi na, makikita pa rin ang pamumuo ng luha ni Gina dahil sa narinig.

“P-Pwede po ba kitang yakapin Miss Pres?” Mangiyak ngiyak na nasambit nito.

“Ano ba? Wag kang umiyak please. Naiiyak na rin tuloy ako.” Sagot ni Priscilla na ngayon ay naiiyak na rin. Yumakap siya kay Gina.

“Pangako po wala akong pagsasabihan ng lahat ng nasaksihan ko. Maraming salamat po sa pagtitiwala na binigay ninyo sa akin ngayon para ikwento sa akin ang pinagdaanan ninyo ni sir Isaac.” Sabi ni Gina. Napahagulgol naman si Priscilla. Nagyakapan lamang sila doon habang nag iiyakan.

Sa loob loob ni Priscilla, nagpapasalamat siya dahil napiling intindihin ni Gina ang rason niya kahit pa alam niyang mali ito. Nagpapasalamat siya dahil hindi siya hinusgahan nito sa sitwasyon nila ni Isaac ngayon, kundi mas pinili pa nitong suportahan sila sa pamamagitan ng pag tago nito ng kanilang sikreto.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status