Share

Chapter 4

Chapter 4

Aviena’s POV

“What the heck did you just do?” Agad ko siyang tinulak nang matauhan din ako. Hindi ko mapigilan ang iritasiyon nang makita ang ngisi mula sa kaniyang mga labi. 

“I’m just trying to be a good husband. My wife wants a kiss. I just give you one,” saad niya bago tuluyan nang inalis ang seatbelt at lumabas sa kaniyang sasakyan. Pinagbuksan naman ako ng pinto ng ilang guard na nakaabang sa amin. 

“That perv…” Ni hindi ko pupuwedeng ipakita ang galit dahil may ibang tao sa paligid. 

“What are you still doing? Move faster. Don’t waste my time.” Palihim na lang akong napairap doon. 

Nagkunwari pa akong ngumiti bago nagpatuloy sa paglalakad palapit sa kaniya. Ramdam ko ang iritasiyon habang nakatingin dito. 

Napaawang ang labi ko habang nakatingin sa malaking mansiyon na mayroon siya. Sanay naman na akong makakita ng malalaking bahay dahil mayayaman ang nasa paligid ko but this house is just so big. Nagkakasalubong pa kaya ang mga taong nakatira rito?

“Ikaw lang ang nakatira rito?” tanong ko sa kaniya. Panandalian niya kang akong tinignan bago tinanguan. 

Binati kami ng ilang nakasalubong na katulong nila. Nagtataka pa ang mga ito habang nakatingin sa akin. Ang ilan ay namamangha. Gandang-ganda ata sa akin. Napangisi na lang ako sa aking iniisip. 

Hindi ko mapigilan ang mapatingin sa paligid. Mukhang mamahalin ang lahat ng gamit niya na naririto. Hindi ko naman magawang mamangha because I don’t really like luxury things. Nakakatakot hawakan. Nakakatakot tignan. Napangiti na lang ako nang mapait sa sarili bago nag-iwas ng tingin.   

“Handa na po ang pagkain niyo sa hapag, Sir,” anang isang babae sa kaniya. Palihim pa akong tinitignan nito kaya tipid lang akong ngumiti. Nagkunwari na namang elegante. Naririnig ko pa ang bulungan nilang dalawa ng kaniyang kasama. Tungkol na naman sa pagiging kabit ko. Naiiling na lang ako roon. Sa ganda kong ‘to, pangkabit lang?

“Just bring it to my room,” sambit ni River kaya agad na nanlaki ang mga mata ko. 

“Huh?” Agad ko siyang nilapitan at binulungan. 

“We just got married. Isa pa nasa usapan ba na may magaganap na kababalaghan sa ating dalawa?” tanong ko na hindi siya makapaniwalang tinignan. Napakunot naman ang noo niya sa akin doon ngunit mayamaya lang ay kumurba ang ngisi sa kaniyang labi. He look so good but when he’s smirking pakiramdam ko’y kinakailangan ko nang matakot. 

“What?” Sinamaan ko siya ng tingin. Inilapit niya ang mukha sa aking tainga bago bumulong.

“I thought you aren’t fan of just talking?” tanong niya. Agad naman na nanlaki ang mga mata ko roon. 

“H-hoy!” Nahinto ako sa pagsunod sa kaniya at napayakap pa sa sarili. Kita ko pa rin ang mapaglarong ngisi mula sa mga labi nito. 

“I’m just kidding,” aniya ngunit hindi ko na magawang ihakbang ang mga paa. Kita ko rin ang tinginan ng ilang kasambahay niya. I’m sure they’re already talking about how easy I am. Easy going to bed with boys. Bahagya akong nalungkot. I know na dapat sanay na ako sa tingin ng tao sa akin, dapat sanay na ako sa lahat ng batikos na natatanggap but I just can’t help but to be sad. Maybe because I can’t even say what I feel. Ni hindi ko magawang ilabas ang totoo. Kung sino nga ba talaga ako. 

“Do you want to talk in the living room instead?” tanong ni River nang mapansing nakahinto lang ako. 

“Hindi na.” Umiling na lang ako dahil hindi ko rin gustong pagpiyestahan ng tingin.

Napaawang naman ang labi ko nang mapagtanto na sa study room naman pala talaga niya ako dadalhin. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay. 

Tila ba sinasabing ‘You just have a dirty mind’. Hindi ko mapigilan ang mapairap doon. 

Naupo na ako sa kaniyang sofa nang makapasok, hindi na hinintay na anyayahan ako nito. 

“So… Why did you have to need a wife?” tanong ko bago humalukipkip. 

“My grandfather’s keep on pushing me to have one.” Napangisi naman ako roon. 

“Don’t you have any girlfriend? Balita ko’y abot pa hanggang sa ibang bansa ang kamandag mo?” tanong ko. He already know some side of me. Hindi ko na kailangan pang itago ang tunay na ako. Isa pa dalawang taon kaming magsasama, siya ang mag-adjust. 

“They are clingy. I don’t want to end up getting married for the rest of my life.” Hindi ko naman mapigilan ang mapakibit ng balikat doon. I do feel what he feels. I don’t really want to get married too. Sa totoo lang ay gusto ko lang naman ang maging rich tita. 

Napakibit naman ako ng balikat. Well, I think I can be clingy to someone I like pero dahil hindi ko naman siya gusto, wala siyang magiging problema pagdating sa akin.

Naupo siya sa tapat ko bago ibinigay sa akin ang kontrata. He was just looking at some of his paper while I was reading the contract. 

“Just tell me what you wanted to change.” Hindi naman ako nagsalita at seryoso lang na binasa ang kontrata. 

“I thought this contract is purely for your grandfather? Then why aren’t we allowed to date?” Bukod sa I’ll be needing to meet a lot of guys because of the contract, paniguradong hindi rin maiiwasan ang mga love team- love team. And when it comes to him, I know he have a lot of girls. Imposibleng wala siyang lalandiing babae sa loob ng dalawang taon. Yes, he looks cold outside but laman kaya siya ng mga newspaper.

“Ikaw rin. Don’t expect that I’ll be giving you a wife’s duty,” nakangisi kong saad bago bumulong sa kaniya. 

“What?”

“No sexual interaction.” Ngumisi ako roon. If he thought he can touch me because we’re now married,  nagkakamali siya roon. Pinagtaasan ko siya ng kilay. Wala nanang pagbabago sa kaniyang ekspresiyon. 

“That’s fine with me.”

“But we can kiss in front of your grandfather or hold hands, hindi naman na bago sa akin ‘yon,” ani ko habang sinusulat ang mga pagbabagong gusto ko. Nilingon ko naman siya. Kita kong mukha siyang iritado sa kaniyang binabasa. 

“Let’s change this to no meddling with each other’s business unless the person is damaging the reputation of each other.” Napatingin siya sa akin doon. Salubong na ang kilay ngayon. 

“So you can have sex or date other girls, basta siguraduhin mo lang na hindi ka makikita. Siguraduhin mo lang din na hindi masisira ang reputasiyon ko.”

“Don’t revise it. Kasal na rin naman tayo, wala ka nang magagawa,” aniya na tumayo na at iiwan na sana ako. Mukhang hindi natutuwa sa mga pagbabagong ginagawa ko sa kontrata ngunit agad kong hinawakan ang laylayan ng damit niya. 

“What?! You promise that I’ll have a say with this contract!” malakas na sigaw ko sa kaniya. Hindi na napigilan ang sarili dahil wala siyang isang salita. 

“Bahala ka na! Pupuntahan ko si Mayor at hihingi ng divorce!” Hindi ko mapigilan ang magsisigaw dahil hindi niya ako pinakikinggan. Didiretso pa siya sa paglabas. Soundproof naman ang study room niya kaya ayos lang. 

“Fine,” aniya na tila ba hindi na rin natatagalan ang ingay ko ngayon. 

“Stop shouting, you’re hurting my ears.” Masamang tingin pa ang ibinigay niya kaya hindi ko mapigilan ang mapanguso at mapairap na lang din. 

Nanahimik naman ako habang pinagmamasdan ang kontrata. Marami pa akong pinabago roon na siyang hinayaan niya lang din naman. Mukha pa siyang iritado sa akin habang pinagmamasdan ako sa ginagawa. 

“What?” tanong ko na pinagtaasan pa siya ng kilay.  

“No personal feelings should be involve. In short, bawal kang mahulog sa akin.” Ngumisi pa ako sa kaniya kaya pinagtaasan niya ako ng kilay bago natawa. 

“As if that will happened.”

“No personal question should ask. Write it down.” Napairap naman ako roon bago ko sinulat ang gusto niya. 

“Ano? Ayos na ba ‘yan?” tanong ko sa kaniya. 

“You’re the one who keeps on asking for revision.” Nailing pa siya kaya hindi ko na lang mapigilan ang mapanguso. 

“Wait.” 

“What is it again?”

“I’ll be living here!” Nanlalaki ang mga matang tanong ko. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay bago inilingan. 

“What do you even expect?” 

I know, right? Ano nga bang ine-expect ko rito? Na nagpakasal lang ako rito at ganoon na lang ‘yon?

“We’re going to stay in one room. Lolo’s person will probably spy here.” Napakibit naman ako ng balikat doon bago napatango. 

We our just both serious about our talk, pareho namang propesiyonal at parehong gustong maging maayos ang kontrata. 

After our talk saka lang din pumasok ang katulong nila. It’s already midnight at nambubulabog pa rin kami sa kanilang mga katulong kaya medyo nahiya rin ako. 

Patingin-tingin pa ako sa phone ko habang hinihintay na tumawag sa akin si Ate but she’s not really answering my calls. Ewan ko ba kung nasaan na naman ang isang ‘yon. Ako na lang din talaga ang napapagod sa isang ‘yon. 

“Get your things tomorrow. Just sleep here for the night. Gabi na masiyado para umuwi ka pa,” sambit ni River kaya nilingon ko siya bago pinagtaasan ng kilay. 

“Duh, anong ginagawa mo? You have a lot of cars. Lilipat na rin ako rito next week, hindi mo man lang ba ako bibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng payapang buhay kahit isang linggo lang?” tanong ko sa kaniya kaya sa huli’y hinayaan niya na lang din ako. 

Hinihatid niya rin ako sa condo after kong kumain. Ni hindi ata gutom ang isang ‘yon dahil nakatitig lang sa mga trabahong nasa harap niya. 

Nang matapos kong makapaglinis ng katawan, nahiga na ako sa kama. Akala ko’y makakatulog na agad ako dahil sa pagod ngunit nakita ko na lang din ang sariling tulala sa kisame habang hindi pa rin sigurado sa aking pinasok. 

Isang araw lang ang nakalipas subalit tila ba ilang pangyayari na agad ang naganap sa buhay ko. Tila bigla na lang nagbago ang takbo ng tadhana. Hindi ko alam kung magandang sign ba ito. Hindi ako sigurado. 

Just one day but my life really change just by a snap. 

“Vena!” Pa-impit na tili ang ginawa ni Ate nang pumasok siya sa loob ng bahay. 

“It’s back to normal again! No… not really back because you’re having a lot of projects now. Higit pa sa mayroon ka noon!” Excited na excited si Ate nang lumapit sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapakunot ng noo sa kaniya. 

“People already know that you’re dating River,” aniya na napatili pa. Hindi ko naman siya mapigilang tignan dahil dito. I know her. She’s probably the one who did this again. Nanatili lang ang mapanghusgang tingin ko sa kaniya kaya naman agad niyang tinikom ang bibig.

“I just tip the reporter…” Ngumuso pa siya kaya hindi ko mapigilan ang mapairap bago ako nahiga sa kama. 

Tulala lang ako habang nakatingin sa kisame. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa aking mga labi nang may mapagtanto. This contract is not so bad.

Hindi naman na ako lugi dahil gwapo naman si River. Mukha lang talagang suplado ang mokong at nakakaasar lang talaga ang bawat kilos niya. 

I thought I’ll be able to rest for a week ngunit ang dami nga talagang projects na agad nagsilabasan. Hindi ko alam kung dahil nga ba sa tip ni Ate sa reporter o dahil kay River. Perks of dating him, huh? 

“Let’s go, Vena. There’s no time for you to rest. Sayang ang oras habang sikat pa ang pangalan mo.” Ngumiti pa si Ate na akala mo’y ang dali lang ng trabaho bilang artista. 

Safe namang maglakad-lakad dito sa condo ko, mayayaman kasi ang mga kapit-condo. Well, mayaman din si Mrs. Del Monte, may sayad nga lang ata talaga sa utak ang isang ‘yon. 

Nahinto naman kaming dalawa ni Ate sa labas nang makita ang isang lalaking nakasandal sa kaniyang lamborghini habang hawak-hawak ang kaniyang phone. 

Hindi ko mapigilan ang mapatingin kay River na nasa labas ng condo ko. What the heck he is doing there looking so hot without even doing anything?

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
huwag daw ma inlove sa isat isa ang tanong mapapanghawakan nyo bang dalawa yan river at vena
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status