ISA
"Anak!" Pabalikwas akong bumangon mula sa pagkakahiga.
Nagising akong pawis na pawis dahil sa masamang panaginip. Nasa sementeryo raw ako at naghuhukay ng libingan para sa sarili kong anak.
"Sa wakas at gising ka na."
Namilog bigla ang mga mata ko nang makita kung kanino nanggaling ang boses na iyon. Tumayo ito mula sa pagkakaupo sofa at lumapit sa kamang kinahihigaan ko—si Senyora Celestia, ang ina ni Uno.
Bakit nandito siya? At ako... nasaan ako? Ginala ko ang paningin ko sa buong kuwarto. Isang tingin lang sa paligid, alam ko na agad na nasa hospital ako.
"How are you feeling, hija?"
"M-medyo maayos na po ang pakiramdam ko, senyora Celestia. K-kailan pa po kayo nakabalik mula sa business trip n'yo?"
"Kanina lang, at nalaman ko ang lahat mula kay Linda."
Si Linda ang isa sa maraming katulong sa mansion ng mga Cavallaro. Ito lang ang pinagkakatiwalaan ni Senyora Celestia sa aming lahat. Sinusumbong kasi nito ang mga nangyayari sa mansion kapag wala si Senyora.
"Alam ko na rin ang tungkol dyan." Bumaba ang paningin niya sa tiyan ko.
Umagos ang luha sa pisngi ko dahil sa sinabi niya. Ibig lang sabihin, hindi ako nakunan sa pagkahulog ko sa mataas na hagdan. Nandito pa rin ang anak ko.
"Senyora, maawa na ho kayo sa akin at sa walang muwang na batang dinadala ko."
Lumambot ang mukha niya sa narinig. Lalo pa siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa kamay. "Ako ang bahala sa iyo. Uuwi tayo sa mansion at doon ka magpapagaling. Maaalagaan ka roon."
"H-hindi kayo galit sa akin, senyora?"
Sa totoo lang, inaasahan ko nang magagalit siya sa akin. Matataas na tao sa lipunan ang pamilyang Cavallaro. Sa kadahilanang ito, ayaw na ayaw ni Senyora Celestia ang nadidikit ang pangalan nila sa mga katulad kong hampas-lupa.
Galit si Senyora sa mga mahihirap at hindi nila kapareho ng antas sa buhay. Pero taliwas sa inaasahan ko ang ipinapakita niya ngayon.
"Bakit ako magagalit? Apo ko ang nasa sinapupunan mo."
Hindi ko napigilan ang humagulgol. "Maraming salamat ho! Napakabuti n'yo, senyora! Ang buong akala ko, kamumuhian n'yo ako dahil isa lang akong hamak na katulong."
Ngumiti siya. "Magpahinga ka na. Mamaya ay babalik na tayo sa mansion."
***
Nakangiti akong bumaba mula sa magarang sasakyan ni Senyora Celestia. Sabik na sabik akong makita si Uno. Siguro naman ngayon, matatanggap na niya ako dahil kakampi ko na ang kaniyang ina.
"Dalhin n'yo na iyan."
Natigilan ako nang lumapit sa akin ang dalawang bodyguards ni Senyora Celestia. Pilit akong dinadala ng mga ito sa likuran ng mansion.
"Ano'ng ibig sabihin nito? Bitiwan n'yo ako!"
Nagpumiglas ako at buong lakas na sumigaw pero parang walang naririnig ang dalawang lalaki.
"Senyora, ano'ng ibig sabihin nito? Maawa ka sa amin ng anak ko! Senyora Celestia!"
Hindi kalayuan mula sa mansion, nakatayo ang isang luma at gawa sa kahoy na bodega kung saan nakatambak ang lahat ng mga kagamitan para sa pagtatanim. Dito nila ako dinala.
Itinulak ako ng dalawang lalaki sa loob at pagkatapos ay sinara ang pinto. Nang subukan ko itong buksan, laking gulat ko nang malamang nakakandado ito mula sa labas.
"Senyora! Maawa na kayo sa akin! Pakawalan ninyo ako!"
Nangilid ang maraming luha sa pisngi ko habang malakas na pinaghahampas ng kamay ang pinto. Namaos na lang ang boses ko pero hindi pa rin ako pinapakawalan ni Senyora Celestia. Tuluyan nila akong iniwan dito!
***
Nakahiga ako sa lupa at yakap ang sarili ko nang marinig ang ingay sa labas. Mabilis akong bumangon at makitang bumukas ang pinto ng bodega.
Walang ilaw sa loob pero sa tulong ng liwanag ng buwan, nagawa kong makita ang mga mukha ni Senyora Celestia at ng dalawang bodyguards na nakasunod sa kaniya.
"Senyora, bakit n'yo ako ikinulong dito? Hindi ito ang ipinangako n'yo sa akin sa hospital!"
"Bakit? Kapag sinabi ko bang ikukulong kita, sasama ka? Tonta!"
"Maawa kayo sa akin! Buntis po ako at apo n'yo ang dinadala ko!"
"Wala akong pakialam kung apo ko o hindi ang batang iyan! Hindi puwedeng malaman ng ibang tao na pinatulan ka ng anak ko! Masisira ang pangalan namin!"
Pinitik niya ang mga daliri niya. Pumasok sa loob ng bodega ang dalawang katulong dala ang isang banig, isang unan, at ang lumang bag na dala ko nang pumasok akong katulong dito.
"Anong ibig sabihin nito?"
"Hindi ka puwedeng lumabas ng bodegang ito hangga't hindi ka nanganganak!"
Pinanlakihan ako ng mga mata sa narinig. Mabilis na binalot ng takot ang dibdib ko. "Anong ibig mong sabihin? Senyora, hindi mo puwedeng gawin sa akin ito!"
"Alan!"
Lumapit sa akin ang bodyguard niyang si Alan at sapilitan akong hinatak palapit kay Senyora Celestia. May ibinigay sila sa akin na isang kasulatan.
Elementary lang ang natapos ko pero nakakabasa ako at kahit papaano ay nakakaintindi ng Ingles. At hindi ko nagugustuhan ang mga nababasa ko.
"Senyora, ano ito? Kukunin n'yo sa akin ang anak ko?"
"Pagkatapos mong manganak, iiwan mo sa amin ang bata. Aalis ka at hindi na muling magpapakita!"
"Pero senyora, anak ko ito! Hindi n'yo siya puwedeng kunin sa akin!"
Nang-iinsulto niya akong tinawanan. "Kabisado ko na ang mga taong katulad mo! Gusto mo lang naman ng pera, di ba? Huwag kang mag-alala! Makakatanggap ka nang 100,000 pesos kapalit ng batang iluluwal mo!"
"Ayoko! Senyora, hindi bagay o damit na puwedeng ipagbili ang anak ko! Akin siya! Pakawalan mo ako rito!"
Sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak sa akin ni Alan, pero mahigpit akong hinawakan ng dalawang lalaki. Hindi nila ako hinayaang makalapit man lang sa pinto.
"Mamili ka, tatanggapin mo ang alok ko o iinumin mo ito!" Naglabas siya ng maliit na bote.
"Ano iyan?"
"Pampalaglag ng bata! Kapag naubos mo ito, mamamatay agad ang bata sa sinapupunan mo!"
Mabilis na nag-init ang ulo ko sa kaniyang sinabi. Anong binabalak niya? Papatayin niya ang anak ko?
"Hindi ko iinumin iyan!"
Nginisian ako ni Senyora Celestia. "Hawakan n'yo iyan!"
Nagsimula akong sumigaw at mas lalong nagpumiglas nang makitang binubuksan na niya ang bote. Hinawakan niya ako sa panga at muling pinakita sa akin ang bote ng gamot.
"Pipirmahan mo ba ang kasulatang ito o mawawalan ka ng anak ngayong gabi?"
Kahit gaano ko kagustong tumanggi, wala akong nagawa kundi pumayag sa gusto niya. Ayaw kong mamatay ang anak ko.
Iyak ako nang iyak habang pinipirmahan ang kasulatan kung saan nakasaad na pumapayag akong ipamigay ang anak ko... kapalit ng malaking halaga ng pera.
ISALUMIPAS ang maraming buwan, palaki na nang palaki ang tiyan ko hanggang dumating ako sa punto na nahihirapan na akong maglakad o maski ang tumayo.Nakakulong pa rin ako sa bodega, nakahiga sa banig at dinadalhan lang ng pagkain ng mga katulong ni Senyora Celestia. Paminsan-minsan ay dinadalaw niya ako kasama ang family doctor nila para matingnan ang kalagayan ko. Katulad ngayon."Senyora, maawa na kayo sa akin. Paalisin n'yo na ako dito. Mababaliw na po ako rito.""Tonta! Ngayon ka pa magrereklamo? Isang buwan na lang, manganganak ka na!""Hindi po ako magsusumbong sa mga pulis. Hayaan n'yo lang akong makaalis kasama ang anak ko! Maawa na kayo, senyora!"Umiiyak na ako sa puntong ito, nakaluhod sa lupa at nagmamakaawa sa kaniya. Pero para siyang walang naririnig. Parang hangin lang ang pagmamakaawa ko sa kaniya."Kahit magsumbong ka pa sa mga pulis, sinong maniniwala sa iyo? Kumpara sa akin na kilala sa lipunan, sino ang maniniwala sa isang katulong lang?"Mariin akong pumikit pag
ISANAKAUPO ako sa isang maliit na silya sa loob ng higanting gift box. Nakasuot ako ng maskarang tumatakip sa kalahati ng mukha ko. Kung gaano katahimik ang paligid, ganoon naman kalakas ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay para itong sasabog sa sobrang kaba na nararamdaman ko."This is our surprise for you, bro! Parang pinaagang bachelor's party! I'm sure you'll like it!"Naghiyawan ang mga lalaki sa labas ng kahon kasunod ng sinabi ng MC. Lalo akong kinabahan. Kung hindi nga lang malamig dito, paniguradong pagpapawisan ako nang malapot."Make sure of that."Natigilan ako sa narinig. Imagination ko lang ba o parang pamilyar sa akin ang boses na iyon?Habang nagsasalita ang MC, kabado akong sumilip sa maliit na butas ng kahon. Hinanap ko ang lalaking nakasuot ng all black bow tie tuxedo—ang lalaking may birthday at siyang sasayawan ko.But I was too shocked to gasp or even react when I saw the man sitting on chair in the center of the room.Diyos ko! Totoo ba ito o nananaginip lan
ISAMATAGAL akong nakatitig sa mukha ng doctor na kumausap sa akin. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng sinabi niya."Pero doc, ang akala ko po, normal lang ang sakit ng anak ko? Bakit ngayon, sinasabi n'yong puwede niyang ikamatay ito?""Hija, nagkamali ang huling doctor na nakausap n'yo. Mabuti nga't nadala mo rito ang bata. Maaagapan pa natin ang sakit niya."Hindi kumbinsidong umiling ako sa kaniya. "Hindi pa mamamatay ang anak ko, doc! Bawiin n'yo ang sinabi n'yo!""She will not die, pero kailangan niyang sumailalim sa bone marrow transplant. May rare blood disease ang anak mo, hija. Kapag hindi ito naagapan, manganganib ang buhay niya."Wala sa sariling hinampas ko nang paulit-ulit ang dibdib ko nang mahirapan akong huminga."Ang dami nang pinagdaanan ng anak ko! Pagod na pagod na siya."Naaawang tiningnan ako ng doctor. Hindi ko alam kung anong sakit ang tinutukoy niya, pero wala akong balak mawalan uli ng anak."Doc, iligtas n'yo po ang anak ko! Nakahanda akong pasukin ang laha
ISAILANG araw na mula nang magsimula akong magtrabaho bilang housemaid sa mansion ni Uno, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin ito nakikita dahil nasa business trip ito sa ibang bansa.Ilang araw na rin pero hanggang tanaw lang ako sa kuwarto ng anak ko. Hindi siya madalas na lumabas ng kuwarto, at kung lumabas man, hindi ko pa rin matyempuhan. Hindi ko siya malapitan o mahawakan man lang.Sabik na sabik na ako sa anak ko. Gusto ko siyang mayakap at mahalikan. Tatlong taon na rin mula nang maipanganak ko sila, pero hanggang ngayon, hindi ko man lang siya nakikita."Bwiset ka talagang bata ka!"Natigilan ako sa ginagawang paglilinis nang marinig ang tila galit na boses na iyon. Mukhang si Kuring iyon, ah? Ang yaya ng anak ko!"Aray! You're hurting me! Let go!" Sunod kong narinig ang boses ni Alas.Mabilis kong iniwan ang ginagawa ko at patakbong pumunta sa garden kung saan nanggagaling ang mga boses nila."Masasaktan ka talaga sa akin! Punong-puno na ako sa iyo—""Anong ginagawa mo s
ISAMABILIS akong nagbaba ng paningin nang makita ang matalim na mga mata ni Uno—titig na titig sa akin.Kanina pa kami nandito sa loob ng private library ng mansion niya. Hindi siya nagsasalita pero hindi niya rin ako pinapaalis. Namamawis na tuloy ang mga palad ko sa sobrang kaba dahil sa mga titig niya.I bit my lower lip and tried to open my mouth to say something, pero mabilis din akong natigilan nang tumikhim siya."Buhay ka pa pala."Mariin akong lumunok. Para hindi ako hanapin ni Senyora Celestia noon, pinalabas ng nurse na namatay ako sa panganganak. Iyon ay para maiwasan na rin na malaman nila ang tungkol kay Heart."Tell me, where have you been all these years?"Nag-angat ako ng paningin dahil sa tanong niya. Halos hindi na siya kumurap habang nakatingin sa akin ang matatalim niyang mga mata.Anong dapat kong sabihin? Natatakot akong malaman nila ang tungkol kay Heart. Paano kung kunin nila sa akin ang anak ko? May sakit siya ngayon. Hindi malayong gawin nila iyon dahil wal
ISA"Alas, Isa will be your new yaya starting today."Nakasunod ako sa likuran ni Uno habang papasok ito sa loob ng kuwarto ng anak namin. Napangiti ako agad nang makitang gising na si Alas at abalang naglalaro sa ibabaw ng kama niya."Really? She's my new yaya?" Tumingin ito sa akin at malapad na ngumiti. I waved my hand at him.Kinarga ito Uno at pinatayo sa harap nito. "I need to go to work. I want you to behave, okay? One call from Edna and you'll be in the province—with your lola.""But I don't like her!""Then behave!" Tumayo na si Uno at bumaling naman sa akin. "Give him everything he wants, except, don't let him go outside. Do you understand?"Agad akong tumango sa mga sinabi niya. Bago umalis ay matagal pa niya akong tinitigan. Hindi ko sinalubong ang mga tingin niya. I focus my eyes on the ground. "Kapag may problema, tawagan mo ako."Nang makalabas siya ng kuwarto, agad kong nilapitan si Alas at niyakap."Madalas na tayong magkakasama ngayon, anak!"He giggled. "Why do you
ISA"Sir Uno!"Mabilis na tinakpan ni Uno ang bibig ko na muntikan nang isubo ang banana niya. Narinig namin ang mga sigaw sa labas. Sinabayan pa ito ng pagkalampag sa pinto."Edna?" takang tanong ni Uno nang makilala ang boses nito.Mabilis niya akong itinayo at isinandal sa pinto. Ramdam ng likod ko ang lamig na hatid niyon. Nanuot ito sa aking balat."Sir Uno, si Alas po!"Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Mabilis akong humarap sa pinto at akmang bubuksan ito kung hindi lang ako napigilan ni Uno."You're still naked," bulong niya.Sa sobrang pag-aalala ko ay nakalimutan ko nang nakahubad pa pala ako. Takot na takot ang boses ni Ate Edna kaya sigurado akong may hindi magandang nangyari.Inayos ni Uno ang suot niyang pantalon saka lumabas ng silid. "Anong nangyari?""E, kasi sir, si Alas, kanina pa nananakit ang tiyan! Namimilipit na ang bata sa sakit.""What?"Nanginig ang mga kamay ko sa narinig. Nang umalis sila para puntahan si Alas, mabilis akong nagbihis at sumunod sa kanila.
UNOPINAMULAHAN ng mukha si Isa sa sandaling mahubad ko ang pantalon ko at bumungad sa kaniya ang pagkalalaki ko."O, ayan, ginalit mo ang alaga ko. Tatlong taon ka rin hinintay niyan."She bit her lower lip as I rubbed her pussy from behind. Hinding-hindi ko makakalimutan ang magaganda niyang biyas. Ang malalaking suso, bilugan na pang-upo at ang masikip niyang puwerta. She was almost perfect.She's not the only virgin I have ever fucked to be honest, pero ewan ko ba. Sa kaniya at sa katawan lang niya ako nabaliw noon. Pinagnanasahan ko siya hanggang ngayon."Alam kong na-miss mo rin ito, Isa." Hinimas ko ang katawan ng pagkalalaki ko sa basang-basa niyang puwerta. "Aminin mong tama ako at na-miss mo rin ang matusok ng alaga ko?"Nakita ko ang pagkagat niya ng labi niya na parang nagdadalawang isip sa isasagot, pero napangiti ako nang tumango niya habang nakapikit. Parang dinadama ang bawat hagod ng kargada ko sa mabasang bukana niya."Ayoko nang dinadaan sa tango, Isa. I want to hea