ISA"Saan ka galing?"Napapitlag ako nang may magsalita mula sa likuran ko. Dahan-dahan akong lumingon nang makilala ang nagmamay-ari ng boses. Sinalubong ako ng matalim na mga mata ni Uno."Ha? A-ah, sa labas. Nakipagkita ako kay Alicia.""Alicia? Si Ali?""O-oo."Mariin akong lumunok. Bakit ba ako nauutal? Wala naman akong ginagawang masama. Nakakatakot naman kasi itong mga titig ni Uno. Parang lulunok ng taong buhay."Bakit?" tanong ko nang mapansin kong matagal siyang natigilan."Ayaw kong lumalabas ka nang hindi ko nalalaman, lalo na kung makikipagkita ka sa lalaki."Nagsalubong ang mga kilay ko sa tono ng pananalita niya. "Uno, hindi naman talaga lalaki si Ali. He's gay. At isa pa—""Lalaki pa rin siya.""Pero matagal ko na siyang kaibigan."At matagal na niya akong tinutulungan sa anak nating si Heart.Naiiling niyang hinila ang kamay ko patungo sa kuwarto niya. Nang makapasok ay pinaupo niya ako sa kandungan niya at sinimulang himasin ang mga braso at hita ko."Sundin mo na la
ISAPALIHIM akong umalis ng mansion matapos magpaalam ni Uno para sandaling pumasok sa trabaho nito. Kadarating lang kasi ng mga invitation card, kinuha ko ang para kay Alicia.Sa totoo lang, pinilit ko talaga si Uno na imbitahan si Ali sa kasal namin. At first, he was hesitant, pero katagalan ay napapayag ko rin.Ito ang gagawin kong rason para mapuntahan si Alicia. Kahapon pa ako kinakain ng takot at kaba. Ni hindi na nga ako nakatulog dahil sa pag-aalala. Gusto ko nang takasan si Uno kanina pang madaling araw."Alicia! Anong nangyari sa anak ko? Kumusta si Heart? M-may nangyari bang masama? Lumala ba ang lagay niya?"Mahina niya akong pinalo sa braso. "Hindi! Ano ka ba? Ang sabi ko lang, emergency! Pero hindi ko naman sinabi na bad news!"Nagsalubong ang mga kilay ko. "Hindi bad news? Ano ba kasing ibig mong sabihin? Hindi ko maintindihan, Ali! Mamatay-matay na ako sa pag-aalala mula kagabi!""Ay, sorry-sorry! Kasalanan ko! Hindi ko kasi sinabi agad. Ang gusto ko sana, sa personal
ISANANLAKI sa gulat ang mga mata ni Uno dahil sa sinabi ko. Mabilis niya akong hinawakan sa kamay habang umiiling."No, baby, please! Don't do this.""Mauulit lang ang dati! Kung wala kang tiwala sa relasyon natin, madali lang tayong masisira ni Senyora Celestia!"Pinilit kong bawiin ang kamay ko pero lumuhod siya sa sahig. Matagal na oras akong natigilan dahil sa ginawa niya."Mahal kita. Sobrang mahal lang talaga kita kaya natatakot akong mawala ka ulit sa akin. I'm sorry, Isa! Please, huwag mo akong iwan."Nangilid ang mga luha sa pisngi ko habang nakatitig sa mukha niya. Pain was visible in his eyes. This is my chance to stop the wedding, pero kapag hindi namin itinuloy ang kasal, hindi ko magagawa ang plano."I won't do it again! Mahal, please, patawarin mo na ako. I-if you want, mag-abroad tayo pagkatapos ng kasal."Bigla akong natigilan sa sinabi niya.He smiled at me. "Magbagong-buhay tayo kasama si Alas. Umalis na tayo ng Pilipinas para makalayo sa gulo, huh?""Aalis tayo?"
ISAI INHALED a deep breath and looked myself at the mirror. Nasa loob ako ng suite sa isang kilalang hotel at inaayusan ng makeup artist ko. Napangiti ako nang makita kung gaano ako kaganda sa mga oras na ito.Everyone's waiting for me at the church, but here I am, still having second thoughts. Sa kabila ng kasiyahang nararamdaman ko, ayaw pa rin mawala ang takot... at matinding lungkot sa aking puso."It's time to wear your wedding dress!" excited na sabi ng makeup artist ko.Agad nitong nilapitan ang ballgown wedding dress na sa isang tingin lang, masasabi nang mas mahal kaysa sa akin."Nakakainggit ka naman!" saad ng assistant ng makeup artist ko na siyang tumutulong din sa pagdadamit sa akin. "Mahal na mahal ka talaga siguro ni Mr. Cavallaro! Sa hitsura nitong wedding gown mo, sigurado akong hindi bababa sa sampung milyon ang halaga nito!""Ano?" gulat ko siyang nilingon. Muntik na akong mabilaukan sa sarili kong laway. Bilog na bilog ang mga mata ko na parang kwago.Natigilan si
ISATAIMTIM akong nagdadasal habang nasa loob ng chapel ng hospital. Kasalukuyang nasa operation room ang anak kong si Heart. Ngayon na siya ooperahan para sa kaniyang bone marrow transplant.Hindi ako mapakali. Nahihirapan akong huminga sa takot na baka masamang balita ang makuha namin sa paglabas ng doctor. Kaya umalis ako at dito nagtungo."Diyos naming maawain, iligtas n'yo po ang anak ko. Napakabait niyang bata, pero puro paghihirap ang mga dinadanas niya. Please, let my daughter live, oh, God. Gagawin ko po ang lahat, upang maayos na itong problema sa aming pamilya."Suno-sunod sa pagtulo ang mga luha ko. Alam kong malalagpasan ni Heart ito. My daughter is strong, and I believe in her. Karapatan niyang sumaya. Karapatan ng anak kong makatikim ng ginhawa.Mahigit kalahating oras akong nakaluhod habang nagdadasal. Natigilan lang ako nang marinig ang humahangos na boses ni Alicia sa bungad ng pintuan ng chapel."Isa!"Hindi ako agad nakapagsalita nang humarap sa kaniya. Hinihintay
ISA"Anong ibig mong sabihin na hindi ka sasama?"Halos mag-hysterical na si Alicia nang sabihin ko sa kaniya ang plano ko. Nakapamaywang siya ngayon sa harap ko at pinandidilatan ako ng mga mata."Kailangan kong balikan si Alas.""E, paano si Heart? Katatapos lang ng bone marrow transplant ng anak mo! She needs you!""Alam ko. Kaya nga sandali lang ako, susunod agad kami."Umiling siya at napahawak sa noo. Nilingon namin si Heart na ngayon ay abalang nagkukulay sa kaniyang drawing book."Isa, bakit hindi ka na lang namin hintayin? Siguradong malulungkot ang anak mo kapag nauna kami sa probinsya nang wala ka.""Hindi puwede, Ali. Baka matunton kayo ni Senyora Celestia.""Ewan ko sa iyo!"Medyo napalakas ang boses niya kaya nakuha namin ang atensyon ng anak ko. Ngumiti lang ito at bumalik din ulit sa ginagawa."Sa tingin mo ba, sa ginawa mo kay Uno, makakabalik ka pa sa kanila? Baka nga ipakulong ka pa no'n! Nagnakaw ka lang naman ng 2 million pesos sa kaniya, Isa! Diyos ko, day! Stres
ISA"Palabasin n'yo ako dito! Maawa na kayo! Palabasin n'yo ako!"Nakaluhod akong bumagsak sa sahig matapos sumigaw nang paulit-ulit sa loob nang ilang oras.Pagkatapos akong dukutin ng mga hindi kilalang lalaki, nagising na lang ako sa loob ng maliit na space na ito. Madilim. Malamig. Halos dalawang araw na, pero hindi pa rin nagpapakita sa akin ang taong gumawa nito.Sino pa ba? Sino pa ba ang makakagawa ng ganitong bagay kung hindi si Senyora Celestia lang? Siya ang gumawa nito! Siya ang nagpadukot sa akin!"Pakawalan n'yo ako! Maawa na kayo!"Muli akong umiyak. Bumuhos ang napakaraming luha sa mga mata ko habang iniisip sina Heart at Alas... habang iniisip si Uno. Makikita ko pa kaya sila?***Nagising ako dahil sa malakas na pagkalam ng sikmura ko. Tatlong araw na akong nakakulong dito, pero ni kaunting tubig, hindi nila ako binigyan. Uhaw na uhaw na ako at nagugutom. Papatayin ba ako ni Senyora Celestia sa gutom? Ito ba ang balak niya?Tumayo ako at luminga sa paligid. Para akon
ISA"Saan mo nakuha ang mga larawang ito?"Sunod-sunod sa pag-agos ang mga luha sa pisngi ko habang tinitingnan isa-isa ang mga pictures na ipinakita ni Uno.He grinned at me. "Akala mo siguro, hindi ko malalaman ang tungkol sa kababuyan mo?""What? What do you mean, Uno? Kababuyan? Naniniwala ka sa mga litratong ito?""Ano pa ba? After you took 2 million from me, you went to have fun with those filthy old men.""Hindi totoo iyan!""Bakit, Isa? Mas masarap ba sila? Mas napaliligaya ka ba nila?""Stop it!" Marahas kong tinapon ang mga pictures sa gawi niya.Nakita ko ang pagbangis ng mukha niya dahil sa ginawa ko. Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Galit niya akong hinawakan at hinila sa buhok. Napadaing ako dahil sa sakit."You filthy bitch! Pera lang pala ang kailangan mo kaya bumalik ka sa akin! Why do you have to act like you wanted to marry me? Sana umpisa pa lang, sinabi mo na ang kailangan mo para hindi ako nagmukhang tanga!""No! Nagkakamali ka!" Hindi ko napigilan ang hin