Share

CHAPTER 11.

"Baka maya-maya ay dadating na rin iyon anak," sambit ni nanay Rosa. Tinapik pa siya nito sa braso bago umalis ang matanda at tumungo sa sarili nitong silid.

Kinuha ni Abi ang anak at inilipat sa kama. Malaki naman ang kama nila at nakadikit ang kabilang side nito sa wall kaya safe na hindi mahuhulog si baby Gavin kapag itatabi niya ito sa kama.

Maingat niyang inilapag ang anak sa malambot na kama. Nilagyan niya ng maraming unan ang gilid ng wall. Nahiga na rin siya sa tabi ng anak. Tumagilid siya paharap dito at itinukod muna ang isang siko para titigan ang anak na payapa nang natutulog.

"Thank you, baby sa pagdating mo sa buhay namin, lalong-lalo na sa akin. Binuo at kinompleto mo ang kakulangan ko bilang isang babae. Thank you, dahil sa'yo nararanasan ko ngayon ang maging ina. Sa'yo ako ngayon kumukuha ng lakas ng loob anak," garalgal ang boses na kausap niya sa bata na mahimbing ng natutulog na ngayon sa tabi niya.

"Nangilid ang mga luha sa mga mata ni Abi. Ano bang nangyayari say
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ma Sofia Amber Llanda
pa update nmn Ms author
goodnovel comment avatar
Mylaflor Heredero
nko kawawang ABI
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status