Chapter 59"Look i'm okay. Ayoko kumain."After magising ni Fabian sa aksidente bigla na lang ito nanlamig sa akin at kapag kasama niya ako gusto niya ako palagi paalisin. Ganito siya sa mga lumipas na araw 'nong una iniintindi ko siya dahil baka iritable lang ito dahil nasa hospital lang ito buong araw pero nagtagal— feeling ko nanadya na siya at kapag kakausapin niya ako hindi niya ako tinitingnan sa mata. "Gusto mo ba lumabas? Kukuha ako ng wheel chair. May magandang garden sa baba," ani ko na may kalmado na boses kahit ang totoo naiinis na ako. Agad na sumagot ng no si Fabian. "Gusto ko matulog," bulong ni Fabian at bahagya umikot paharap sa kabilang side. Nahawakan ko ng mahigpit iyong hawak ko na tray. "Ayaw mo na ba sa akin?" tanong ko. Nakita ko na bigla nanigas katawan ni Fabian. Sa inis ko malakas ko na hinagis iyong tray sa sahig dahilan para mapaharap ito sa akin dahil may laman din iyon na soup natapon ang iba 'non sa kamay ko. Masakit at mahapdi pero hindi iyon maik
EpilogueLumipas ang mga buwan at taon. Pagkatapos ng aksidente at makalabas ng hospital si Fabian bumalik na kami sa work. Agad namin inasikaso ang drama na magkasama kami na dalawa and as expected super naging smooth iyon to the point na abo't abot ang natatanggap namin mga compliment sa mga director bukod kasi sa smooth parehong napaka-flawless ng acting namin na dalawa ni Fabian. Hindi ako naga-assume pero mas nakita namin iyong 100% acting skills ni Fabian 'nong maka-partner niya ako. Hindi din ni Fabian masyado need mag-effort sa character niya kasi natural na lumalabas pagiging sweet, caring at childish ni Fabian kapag nasa harapan ko. Halos maglupasay si Hirayu sa harapan namin na dalawa after makita ang whole series ng buong drama at biniro pa nito na kami na pwede na siya mamatay. Perfect na perfect daw talaga kami sa drama. Ngayon nasa isa kaming conference at maraming nakapaligid sa amin na camera nagsimula na magtanong ang mga reporter siyempre about iyon lahat sa dr
Special Chapter"Oh my! Si Sonia!"Nagsigawan ang mga fans after makita ang sasakyan na papasok sa set kung saan gaganapin ang next drama ni Sonia. Pagkababa ni Sonia agad siya pinalibutan ng mga bodyguard niya at sinabihan ang mga fans na huwag lalapit. "Ang ganda talaga ni Sonia! Mukha siyang anghel!"Ngumiti lang si Sonia at kumaway. Nag-sorry siya dahil bawal siya magbigay ng autograph. "Nagmamadali ako," ani ni Sonia at nag-thank you. Dire-diretso si Sonia sa loob at sinalubong agad siya ng mga staff para ayusan. Dinala si Sonia sa tent at sinimulan lagyan ng make up. After ng maraming treatment at operation bumalik na din sa dati ang mukha ni Sonia. Mas gumanda pa nga ito dahil doon. Mas naging flawless ang face ni Sonia kaya kahit saan ito pumunta ay agaw pansin agad ito. "Mas maganda si Sonia sa personal."Napa-wow ang ilang artist din ngayon na nasa set at nakatitig kay Sonia na kasalukuyang nagbubukas ngayon ng script. "Sonia, himala wala dito asawa mo."Napaangat si
Chapter 013rd Person's POV"No! Let me go! Hindi ikaw ang mommy ko!"Nagkagulo ang mga doctor matapos magwala ang isang batang lalaki. Agad na dumating ang isang lalaki at kinuha ang bata. "Sonia, anong ginagawa mo. Hindi ba sinabi ko na huwag mo na muna lapitan si Vladimir at huwag ka magpapakita," ani ng lalaki habang buhat ang anak na lalaki at pinapatahan. Nakaluhod naman ang isang babae na sunog ang kalahati ng mukha at halos hindi na ito makilala dahil sa matinding pagkakasunog ng mukha ng babae. Iba ang tingin na iyon ng asawa. Kahit kailan hindi siya tiningnan ng ganoon ng asawa sa ilang taong pagsasama nila. "Victor, nais ko lang makita ang anak ko. Tingnan kung ayos lang siya at walang galos," naiiyak na sambit ng ginang. Dumilim ang mukha ng lalaki. "Tingnan? Sa tiyura mo na iyan? Hindi ka na nakilala ni Vladimir! Hindi mo ba nakikita nanginginig ang bata!" sigaw ni Victor Napatigil si Sonia at pilit na tumayo. "Bakit ka nagagalit? Parang kasalanan ko pa na ganito ang
Chapter 023rd Person's POV"I think— mas magandang mag-divorce na lang tayo. Hindi ko kayang tagalan ang tiyura mo at isa pa natatakot na sa iyo si Vladimir. Pasensya na Sonia— ayoko din na mas magalit pa sa akin ang pamilya ko at tuluyan nilang tanggalin ang kompanya sa akin. Kailangan ko ang kompanya para kay Vladimir," iyon ang mga salitang binitawan ni Victor Valencia. Ang unang asawa ni Sonia at ang taong nangako sa harap ng diyos na sa hirap at ginhawa magsasama silang dalawa— hindi siya iiwan at sasaktan. "A-Ano? Divorce? Victor! Hindi mo pwede ito gawin sa akin," naiiyak na sambit ni Sonia. Ilang taon niya din hindi nakita ni Sonia ang pagmumukha ng asawa pagkatapos siya nito ikulong sa silid nila at ituring na isang preso. Sa muling pagkikita nila ito ang binungad sa kaniya ni Victor. May hawak na dokumento si Victor at inuutusan siya nito na pirmahan iyon. Agad na sinabi ni Sonia na ayaw niya. Lumapit si Sonia at lumuhod pa sa harap ni Victor. "Nagmamakaawa ako Victor.
Chapter 033rd Person's POVNakababa na sila sa sasakyan. Nakarating sila sa napakalaking mansion. May mga maid doon na agad sila binati. "Mommy, ito ang house natin. Naalala mo?" tanong ng bata habang hawak ang kamay ni Sonia. Hindi nakapagsalita si Sonia. "France, hindi siya ang mom—""No! Siya ang mom ko!" sigaw ng bata at yumakap sa bewang ni Sonia. Nakagat ng babae ang gilid ng labi. Bumuga ng hangin ang lalaki. Tiningnan nito si Sonia at sinabing pumasok na muna sa loob. May ilang maid ang sumunod at butler. Nanatiling nakayuko si Sonia dahil sa mga pinupukol na tingin ng mga ito sa kaniya. Noong nakapasok sila sa loob ng mansion biglang nawala ang mga taong kasunod nila kanina lang. Pinaupo ng lalaki si Sonia sa sofa. Umupo si Sonia katabi ang batang lalaki. "France, mag-shower ka na at magbihis," ani ng lalaki na kasalukuyang niluluwagan ang suot na kurbata. "No! Hindi ako aalis. Paalisin mo ulit si mommy!" sigaw ng bata. Tiningnan ng lalaki si Sonia at parang sinasabi
Chapter 043rd Person's POV"Bukas bibigyan kita ng advance payment. Bumili ka ng mga susuutin mo na damit at ilang kailangan mo," ani ni Fabian. May inabot ang lalaki na ilang damit."Mga damit ko ito na hindi ko naman nasuot at nakatambak lang sa closet sa ngayon ito na muna suutin mo para may pamalit ka," ani ni Fabian. Nagulat si Sonia. Gusto niya tumanggi ngunit— tiningnan niya ang suot na damit. Punit-punit iyon at sobrang dumi.Nahihiyang kinuha iyon ni Sonia at nagpasalamat. Tiningnan niyang mabuti iyon at hinawakan ng mahigpit."Sure na ako may dinner sa ibaba. Pagkatapos mo mag-shower bumaba ka na din para kumain," ani ni Fabian at tumalikod. Naglakad ang lalaki palapit sa pinto ng room ni Sonia. "Wala ka bang ibang itatanong sa akin? Katulad ng background ko as a nanny and work experience ko," tanong ni Sonia. Even kasi sa name niya hindi ito nagtanong— nagpakilala siya kanina. "Honestly, hindi na kailangan. Kilala kita," ani ni Fabian. Nagulat si Sonia— lumingon bahagya
Chapter 053rd Person's POVSa kalaliman ng gabi may narinig siyang bumabangga sa pinto. Napabangon si Sonia at napababa ng kama. "France?" tawag ni Sonia. Lumapit siya sa pinto na kadugsong lang ng room ni France. Binuksan niya iyon. Napasubsob si France sa hita niya. Agad na binuhat ito ni Sonia at tiningnan mabuti. Tulog pa nga ang bata. "Mommy," bulong ni France. Niyakap ni Sonia ang bata at bumulong na nandoon ang mommy. Naglakad si Sonia patungo sa kama ni France at inihiga ulit doon ang bata. Nakita niyang namumula ang noo ng bata. "Hindi ko na dapat isara ang pinto," bulong ni Sonia. Umupo si Sonia sa gilid ng kama. Nanatiling nakahawak si France sa kamay niya. "Siguradong nangungulila ka din sa mommy mo hindi ba?" bulong ni Sonia. Biglang pumasok sa isip niya ang anak na si Vladimir. Parang pinupunit ang puso ni Sonia matapos maalala ang anak. "Nalulungkot din sigurado ang mommy mo lalo na nakikita kang ganito," bulong ni Sonia. Hinaplos ni Sonia ang buhok ni France.