Share

Chapter Five

MATAPOS makapagpalit ni Joanna ng damit na bigay sa kaniya sa baniyo sa likuran ng bahay ni Marvin, ay lumabas na siya sa banyo habang tinutuyo ang buhok niya gamit ang bagong tiwalya. Habang tinutuyo ni Joanna ang buhok niya ay hindi niya maiwasan na madagdag ang inis kay Marvin, ilang oras siyang pinaghintay nito kanina sa labasan kaya lamig na lamig siya. At ng bumalik ito na may dalang tiwalya at damit na gagamitin niya ay hindi man lang nito inabot ng ayos at dere-deretso siyang iniwan.

“Hindi sa nagiging ungrateful ako dahil may gustong tumulong na makapaghiganti ako kay Gin ah, pero may attitude problem ba ang Marvin na ‘yun? Doesn’t he know ang tamang pag-abot ng gamit? Hindi ko naman pinagpilitan ang sarili ko na tulungan niya ako ah, siya ang nag-offer kaya bakit parang masama pa sa loob niya?”inis na reklamo ni Joanna ng magulat siya ng may tumikhim sa bandnag likuran niya na agad niyang nilingon.

“Kung wala ka ng irereklamo at tapos ka na diyan, get inside. Madami pa tayong pag-uusapan regarding sa paghihiganti mo, and don’t talk behind my back say it to my fvcking face.”ani ni Marvin na umalis na din sa pintuan na kinatatayuan nito.

“Say it to my fvcking face, murahin kita diyan eh.”sambit ni Joanna na naglakad na papasok sa loob kung saan malawak na kusina ang dadaanan niya.

Hindi naiwasan ni Joanna na igala ang kaniyang paningin sa dinadaanan niya, mula sa  labas ay alam niyang malaki ang bahay ni Marvin pero nagtataka siya kung bakit wala  siyang makitang katulong sa loob ng bahay nito.

“Mag-isa lang ba siya sa malaking bahay niya?”tanong ni Joanna sa  kaniyang sarili ng makalabas na siya ng kusina at makarating sa  sala kung nakikita niya ang ulunan ni Marvin sa may upuan na ikinalakad  niya papunta dito.

Napatingin ito sa kaniya, hindi muna siya umupo dahil ayaw niyang punahin na naman siya nito.

“What? Gusto mo pa bang sabihan kitang umupo ka? Can’t you fvcking sit already.”singhal nito sa kaniya na hindi napigilan ni Joanna ang simangutan ito.

“Sorry ha, baka kasi pag umupo ako sa sofa mo ng walang permiso kung ano-ano na naman ang sabihin mo.”

“Just sit already.”wika nito na pigil ang inis ni Joanna na umupo nalang.

Pagpasensyahan mo nalang Joanna, baka may saltik lang sa ugali ang isang ‘to, tutulong naman sayo eh. Anii ni Joanna sa kaniyang sarili ng mapababa ang tingin niya sa papel na ibinaba ni Marvin sa harapan niya sa ibabaw ng mesa.

“Ano ‘yan?”tanong ni Joanna na poker face na ikinatingin ni Marvin sa kaniya.

“Bobo ka ba? Hindi mo ba alam na papel ‘yan o nagtatanga-tangahan ka?”

“Alam kong papel ‘yan, pero anong meron diyan? Kung makatanga at makabobo ka naman, bakit matalino ka ba?”inis na singhal ni Joanna.

“148, that’s my IQ. Pwede ka ng manahimik?”sagot ni Marvin sa kaniya na itinuro ang papel na nasa harapan niya.

“Try to read that, intindihin mong mabuti, I’m sure naman kahit papaano may IQ ka.”ani pa nito na padabog na kinuha ni Joanna ang papel at binagsak ang tingin niya dito.

“Plans, Rules and Regulation for Ms. Ugly revenge? Ako ba ang Ms. Ugly na tinutukoy dito?”baling na tanungin ni Joanna kay Marvin.

“Why? May iba pa bang pangit na narito sa pamamahay ko?  Sa itsura ng mukha mo sa tingin mo maganda ang nakikita ko? Just continue reading will you.”sagot sa kaniya ni Marvin na parang gustong sapakin ni Joanna ang lalaking nakikita niya.

“Alam mo bang napupunta sa impyerno ang mapanglait na katulad mo?”

“Hell is not true, but you being ugly that’s the fact.”wika ni Marvin ikinaalis ng tingin ni Joanna dito.

Pakiramdam ni Joanna ay mabilis mapuputol ang pisi ng pasensya niya sa ugali ng lalaking nasa harapan niya, ngayon lang siya naka encounter ng lalaking may attitude problem na katulad nito. Huminga nalang ng malalim si Joanna at pinipigilan na lumabas ang inis sa kaniya na binasa ng muli ang nasa papel na hawak niya.

“Magpapakasal tayo ‘yun ang plano mo, paano maapektuhan si Gin ng plano mo na ito?”tanong ni Joanna na hindi nalang niya binalingan ng tingin dahil naiinis siya sa mukha nito.

“Trust me, he will react when he heard about you being married to me. And don’t worry, everything will just a play, a fake one, so get along. Kung gusto mong gantihan ang lalaking ‘yun, galingan mo.”ani ni Marvin.

Hindi maisip ni Joanna na magiging epektibo ang plano na naiisip nito, pero kung makakatulong ‘yun tulad ng sinabi nito ay hindi nalang siya siya magrereklamo.

“Fine, nakakahiya naman sa 148 mo na IQ kung di ko pagkakatiwalaan ang plano mo.”saad ni Joanna na ikinaingos lang ni Marvin bago niya tinuloy ang pagbabasa.

“Wait? Kailangan kong baguhin ang pangalan ko? Bakit kailangan ko pang magbago ng pangalan, eh makikilala din naman ako ni Gin.”muling tanong niya kay Marvin na poker face na tumingin sa kaniya.

“Bakit ba ang dami mong tanong? Changing your name is part of your revenge, why don’t you just read that fvcking paper silently and agreed to it, then let me handle everything. Tanong ka ng tanong naririndi na tenga ko sayo.”

“Masamang magtanong? Sa hindi ko maiwasan na magtanong eh, bakit ba kasi ang sungit mo?”

“Tangna! Just fvcking read will you?!”may kalakasang singhal ni Marvin sa kaniya.

“Did you just cuss at me?” hindi makapaniwalang ani ni Joanna na hindi kinaya ang matalim na tingin na binibigay ni Marvin kaya pinagpatuloy nalang niya ang pagbabasa.

Bwisit! Kung hindi lang ako tutulungan nito sasabunutan ko ‘to hanggang maubos ang buhok nito.

“Okay na, sige kung anong maganda sa plano na naisip mo Mr. Genius para makapaghiganti ako kay Gin okay ako. I will agreed, wala ng tanong-tanong.”pahayag ni Joanna na ibinaba na ang papel sa mesa.

“Kailangan ko pa bang pirmahan?”

“Nah, hindi ko na kailangan ng pirma mo. But you forgot to read very important rules in that paper.”ani ni Marvin na ikinasalubong ng kilay ni Joanna.

“Important rules?”

Agad na kinuhang muli ni Joanna ang papel at muling pinasadahan ang mga nakasulat sa papel ng makita niya sa pinakababa at nakahiwalay na number sa ibang rules.

“Don’t fall in love with Marvin Guevarra?”saad ni Joanna na ikinalingon niya kay Marvin.

“This is your important rule? Sa tingin mo mai-inlove ako sa’yo na mapanglait at masama ang ugali?”

“Just to be sure, now kung naiintindihan mo na ang nakasulat sa papel na ‘yan then we’re good. You’ll live here in my mansion, lahat ng sasabihin ko as part of my plan makikisakay ka lang. There’s a room in the back yard, doon ka tutuloy. At to remind you hindi ka bisita, maglilinis ka ng bahay ko at gagawa ng mga gawaing bahay. At ayokong makakarinig ng reklamo mula sa’yo, para makapaghiganti ka kay Gin Cristobas, better follow my rule. Hindi ka pwedeng tumaas sa second floor, I forbid it maliban nalang kung pinapataas kita. Are we clear?”pahayag nito na alam ni Joanna na wala din naman siyang magagawa.

“Yeah, sobrang linaw.”

“Good, bukas ay may lakad tayo. You need some decent dress for your act, and we will take care the other name that you will use.”ani nito na tumayo na sa kinauupuan nito.

“Anong oras tayo aalis?”tanong ni Joanna.

“Mas maaga mas maganda, alam mo naman siguro ang pinaka malaking mall sa lugar na ‘to. Let’s meet there.”

“Teka? Ibig sabihin hindi ako sasabay sa pag-alis mo bukas?”kunot noong tanong ni Joanna.

“Yeah, hindi ka sasakay sa kotse ko. Mag commute ka papunta doon wala akong pakielam basta huwag kang mala-late.”saad nito bago naglakad na paakyat sa hagdanan na hindib makapaniwala na sinundan ni Joanna ito ng kaniyang tingin.

“Seryoso ba siya?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status