Share

Chapter 7

PRESENT

“Miss Yumi, okay lang po ba kayo?” tanong ni Jana, ang assistant secretary ko.

“Huh? Bakit naman hindi?”

“Eh, kasi kanina ka pa pong nakatitig diyan sa screen. Ang higpit pa ng pagkakahawak niyo sa mouse. Baka masira.”

Tila bigla akong natauhan at agad kong binitawan ang mouse at napaayos ako ng upo sabay tikhim. Narinig kong mahina siyang natawa bago nagpatuloy na rin sa ginagawa. Mag-iisang buwan pa lang si Jana rito pero pareho na kaming komportable sa isa’t isa. Isang taon lang din kasi ang tanda ko sa kaniya kaya siguro gano’n.

Muli akong napatitig sa screen ng desktop nang maalala ang nangyari kagabi. Kung paanong parang dinurog ang puso ko dahil sa mga nabasa kong text mula kay Gavin. It’s been months since we’ve been keeping our relationship. Pero iyon pa lang ang unang beses na pinaramdam niya sa ‘kin na hanggang kama lang ako.

Nakaramdam ako ng panliliit sa sarili dahil sa mga mensahe niyang iyon. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang kirot sa dibdib ko kapag naaalal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status