Share

13

"Uh, let's eat?" medyo awkward na sabi ni Ria. Doon muli nabuhay ang ingay na meron kanina bayo ako rumating. Ako ang nagsilbi sa sarili ko at tahimik na kumain. I was minding my own business nang kalabitin ako ni Peter.

"What?" tanong ko. Itinuro niya sa daddy na nakatingin sa akin kaya naman kumunot ang noo ko.

"Anong meron kay daddy?" kunot noo kong tanong.

"Kanina ka pa niya tinatawag," sagot niya. Mabilis akong lumingon sa upuan ni daddy at mahinang nag paumanhin.

"Sorry, what?" tanong ko. Ako na tuloy ang sentro ng atensyon dahil sa pagkabingi ko.

Gosh, am I spacing out too much?

"I was asking kung anong plano mo sa birthday mo. Malapit na 'yon, Azari. Sa 20 na," sagot niya. Saglit akong natigilan. Oo nga pala, tuwing birthday ko pala ay rito ako lagi nagse-celebrate.

3 araw na lang pala ay darating na ang araw na 'yon. I'm turning 16.

"I don't know," sagot ko na lang. Totoong hindi ko alam ang gagawin ko tuwing darating ang kaarawan ko. Taon-taon niya tinatanong kung anong plano ko pero pare-parehas lang naman ang sagot ko lagi.

Hindi ko alam.

Most of the girls are always throwing a big party when they're turning 16. Some of them spends a lot of money for their birthday celebration because it's their sweet 16. Samantalang ako ay hindi ko magawa 'yon dahil wala naman akong kilala rito. Andami kong nasasayang na pagkakataon na sumaya dahil lang nandirito ako sa puder ni daddy. My last happy birthday was almost 9 years ago. Noong pitong taong gulang ako dahil kasama ko si mommy mag celebrate. My only guests were Elli, Elias, tito Frank and tita Elena.

But we were happy.

"What do you mean I don't know, anak? This year is your sweet 16. Kailangan natin maghanda. Ano bang gusto mo?" tanong niya uli.

"I wanna go home," sagot ko. Saglit siyang natahimik bago marahas na bumuntong hininga.

"We've already talked about this, anak--"

"Then I won't celebrate," putol ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nawala sa mood. I'm feeling homesick again.

Gusto ko na umuwi.

"Uh, Azari masaya kayang mag celebrate! Noong 16th birthday ko ay sa isang isla ginanap. Promise, maganda! Gusto mo ba non?" tanong sa akin ni Ria. Umiling ako at nagpatuloy na lang sa pagkain.

"We celebrated mine sa isang hotel sa manila. Masaya kasi maraming dumalo. One of the best birthdays ever! You know what, Azari? You should try it na roon na lang mag celebrate."

"Mine was on a cruiship. It's really nice because I was the center of attention when the hosts called my name infront of a lot of foreigners! Try mo, Azari!"

"Azari, I think mas maganda kung mag rent ka na lang ng buong resort then doon ka mag celeb--"

"Can y'all shut up even just for a minute? You guys never let me eat in peace," iritadong sabi ko sa kanila. Natahimik ang buong lamesa kaya naman nakaramdam ako ng sobrang hiya.

What did I just say?

"Respetuhin mo ang bisita," malumanay na sabi ni Melania sa akin ngunit hindi ko siya sinagot. Nananatiling tahimik ang lamesa kaya naman tumayo na lang ako at naglakad pabalik sa kwarto nang hindi nagpapaalam.

Pagpasok sa loob ay dumiretso agad ako sa banyo. Siguro ligo lang ang katapat sa mainit na ulo. 

Dahil sa paniniwalang 'yon ay nagbabad ako sa banyo. Halos makatulog pa nga ako sa bath tub dahil sa sobrang pagbabad. Nang magsawa ay nagbihis ako at sumampa sa kama. 

Nakatulong din naman ang malamig na tubig, mas gumaan ang pakiramdam ko. 

Kinabukasan ay hindi rumating si Ms. Williams sa kadahilanang may sakit ito. Hindi naman siya makakapagturo nang maayos dahil sa sama ng pakiramdam niya. She still left me a few tasks to answer, though. Hindi nga lang 'yon kasing rami ng normal kong sinasagutan tuwing may klase ako. 

Dahil gusto ko ng katahimikan ay sa library ako tumambay. Dalawang libro lang at laptop ang dala ko roon. Dinalhan din ako ni yaya Belen ng meryenda para hindi na ako kumuha sa baba sakaling magutom ko. 

Tahimik akong nagsasagot nang may naglapag ng chrysanthemum sa lamesa ko. Tinanggal ko ang suot kong airpods at tiningala ang naglapag non. 

It was Damian with his intimidating face again. 

Muli kong sinulyapan ang chrysanthemum bago nagpatuloy sa pagsagot. Muli kong ibinalik ang suot kong airpods pero hininaan na ang volume nito. 

Mamaya minumura na pala ako ni Damian tapos wala pa akong kaalam alam. 

"It's for you," sabi niya at umupo sa harap ko. Hindi ako sumagot at nananatili lang ang paningin sa papel. 

Talk to the air. 

"Yaya Belen hit me because of that. Accept it," dugtong niya. Sandali akong natigilan at sinulyapan siya. 

Kinuha niya 'yan sa mga bulaklak ni yaya Belen? For what? For peace offering? Pinigilan ko ang pag ngiti ko at ipinagpatuloy na lang ang pagsasagot. 

"Hindi ko na kasalanan 'yon. Hindi ko naman sinabing pitasin mo 'yan para sa akin," sabi ko sa kanya. Rinig ko ang pag buntong hininga niya sa harap ko ngunit hindi ko pa rin siya pinansin. 

Habang nagsasagot ay binuksan ko ang isa kong libro at may binasa roon. I can't understand this one. Paulit-ulit kong binasa 'yon ngunit talaga nga namang dahil sa kamalasan ay parang walang pumapasok sa utak ko. 

"Nahihirapan ka?" tanong sa akin ni Damian. Dahan-dahan akong tumango. There's no point of denying it naman na, baka mapahiya lang ako. Inilipat niya ang upuan niya sa tabi ko at kinuha ang binabasa kong libro. Seryoso niyang tiningnan 'yon na parang iniintindi pa. 

"Give me a paper and a pen, please," sabi niya. Kumuha ako ng isang pahina ng papel at ibinigay ang extra kong sign pen sa kanya. He started explaining it all to me especially the parts that I really can't understand well. He even gave me a lot of examples so I won't need to search for one. 

"Thank you!" nakangiti kong sabi bago isa-isang sinagot ang mga tasks na iniwan ni Ms. Williams sa akin. 

"I'm sorry," mahinang sambit niya ngunit dinig na dinig ko. Tinanggal ko ang airpods ko at kinunotan siya ng noo. 

"Huh? Sabi ko thank you. Bakit ka nag so-sorry r'yan? Mali ba 'yung tinuro mo sa akin, ha?" nanlalaki ang mga matang sabi ko sa kanya. Bahagya ko pa siyang tinulak papalayo sa akin ngunit hindi man lang siya gumalaw sa pwesto niya. 

Ganon na ba talaga siya kabigat? 

"Silly. I'm sorry for what I've said yesterday. I'm sorry for not believing you at first," sabi niya bago pinitik ang noo ko. 

"Aray!" d***g ko bago siya kinurot sa tagiliran. Kita ko ang pag "Aw" niya ngunit walang tunog 'yon.

Akala mo ikaw lang ang strong dito? 

"Ano? Naniniwala ka na ngayon, ha?" sarkastiko kong tanong sa kanya. Nakangiti siyang tumango at nag thumbs up pa sa akin. 

"Apology accepted. Sorry rin," mahina kong sabi. Ngayon ay siya naman ang kumunot ang noo. 

"For what?" kunot noong tanong niya. 

"I was being childish yesterday. I should've said my words clearly and understandable. Nasabihan pa kita ng kung ano-ano. I'm sorry," sagot ko at nagkagat labi. 

This is kinda embarrassing. 

"Apology accepted," nakangiting sabi niya sa akin. Ngumiti ako pabalik bago inilahad ang kamay ko sa harapan niya. 

"So?" tanong ko. Nakakunot ang noo niyang tiningnan ang kamay ko bago ako taasan ng kilay. 

"So? Anong gagawin ko riyan?" tanong niya. Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. 

That's my line!

"Friends?" nakataas ang kilay kong tanong. Mas lalong kumunot ang noo niya at tiningnan ako na parang ako ang pinaka imposibleng tao sa buong mundo.

"Aren't we friends?" kunot noong tanong niya bago sulyapan ang nakalahad kong kamay.

"Uh...not yet?" patanong na sabi ko. Hindi pa naman kami nag ganito noon so hindi pa. 

"HUUUUH? I separated the meat from the barbecue stick for you, I did teach you how to ride a horse, we fought yesterday and I also taught you how to solve your tasks and we still aren't friends?" hindi makapaniwalang tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay. 

"Uh-huh," tumatango kong sabi. Tinitigan niya lang ako kaya malakas ko siyang pinalo sa braso. 

"C'mon! I'm nangangalay na!" reklamo ko at itinuro ang kamay kong kanina pa nakalahad sa harap niya. 

"Tch, friends," nakasimangot na sabi niya bago marahan akong kinamayan. 

Damian stayed at the library the whole time I was studying. Hindi niya ako iniwan doon at binantayan lang akong magsagot. He sometimes teach me whenever I can't understand the lessons. He's a big help for today. 

"What's your plan for your birthday?" he asked out of the blue. Kinagat ko ang labi ko at seryosong tinitigan siya. Ilang segundo ang nakalipas nang tanging pag kibit balikat lang ang naisagot ko. 

"I heard you haven't celebrated your birthday with your mom since you turned 8," sabi niya. Tumango lang ako at hindi na siya sinagot. Of course, kay Ria niya malalaman iyon. Lahat naman ata ng impormasyon ko sa buhay ay kay Ria niya nakukuha. 

"Don't you want to celebrate your 16th birthday?" muling tanong niya. Marahas 

akong bumuga ng hangin at problemado siyang tiningnan. 

"I always wanted to celebrate my birthdays. But how? I don't want to celebrate with them. I don't think I'll be happy," mahinang sagot ko bago muling kinagat ang labi. 

"Celebrate with me then," mabilis na sagot niya. Nag angat ako uli ng tingin sa kanya at gulat siyang tiningnan. 

"Ha?" tanong ko, hindi pa ata napoproseso ang sinabi niya. 

"I said celebrate with me. We won't be friends if you hate me, right? I am confident that I'm not suffocating you either," mayabang na sabi niya sa akin. Nagpigil ako ng ngiti at tinaasan siya ng kilay. 

"I hate you though," kunwaring seryosong sabi ko. 

"What? Again? Why?" sunod-sunod na tanong niya. Nagpigil ako ng tawa at mas lalong pinaseryoso ang mukha.

"Because you are Damian," sagot ko. 

"You hate me because I am Damian? Who do you want me to be then? Peter?" sarkastikong tanong niya. Mas lalong tumaas ang kilay ko. 

"Bakit naman nasali sa usapan si Peter?" mataray kong tanong. 

"Well, Dixie hates you to the bone because she thinks that Peter likes you. She even thinks that you liked Peter back," kwento niya sa akin. Mabilis akong napaayos umupo.

"HUUUUH? That's the reason why she acts like a bitch to meee? I can't even remember Peter's surname!" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Yeah. She even rant about you in our group chat," dugtong ni Damian. Lumaki ang mga mata ko. 

"What did she say?" tanong ko at inalog-alog pa siya para sabihin niya na agad. 

"It's nothing. Just cursing your name," sagot niya. Ramdam ko ang pag init ng pisngi ko at pag dugtong ng mga kilay ko. 

"So she's backstabbing me?" tanong ko kay Damian. Maraming beses siyang tumango. 

"Yep," sagot niya. 

"Hah! Imma backstab her too," nakangising sabi ko. 

"With whom?" tanong niya. Humalaklak ako at pumalakpak. 

"You!" malakas na sabi ko at itinuro siya. Agad na tumaas ang kilay niya pero maya-maya ay natawa na rin. 

Damian and I talked about a lot of things. Doon na kami nagpalipas ng hapon sa library. He told me everything that Dixie said about me, I told him what I think about Dixie too.

Ilang oras ang lumipas hanggang sa magdilim na kaya naisipan na naming magligpit ng gamit. Ako na ang nagdala ng mga gamit ko dahil kaya ko naman. Palihim ko ring ibinulsa ang chrysanthemum na nakapatong sa lamesa noong hindi siya nakatingin. 

"We'll celebrate your sweet 16th. I promise you that," muling sabi niya at tatalikod na sana ngunit pinigilan ko siya. 

"Ah, ano may tatanong lang ako," pigil ko sa kanya. He turned on me before mouthing the word "what" 

"Uh...ikaw ba 'yung naglinis ng kwarto ko?" mahina kong tanong. Pinigilan kong hindi mag iwas ng tingin dahil sa titig niya. 

"Yes," sagot niya. Nakagat ko ang labi ko dahil sa kahihiyan. 

"Uh, ano...salamat. I was excited kasi na aalis kami ni daddy kaya nagmadali ako. Salamat sa pagligpit and sa...paghatid," nahihiyang sabi ko at nagkamot pa ng ulo dahil sa sobrang awkward. 

"It's nothing," he said with his intimidating face again. Or maybe normal facial expression? 

"Uh, sige. Una na ako," sabi ko at tinalikuran na siya. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tuloy tuloy na naglakad papunta sa kwarto ko. 

Nang makapasok sa loob ay agad kong sinarado ang pinto at nilock 'yon. Nanghihina kong inilapag ang mga hawak kong gamit sa lamesa at hinawakan ang kanina pang kumakabog kong dibdib. 

Para akong aatakihin dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pabagsak kong hiniga ang katawan ko sa kama at parang tangang nakangiti na tumitig sa ceiling. 

This was the best day for summer so far. 

Simula noong araw na pumunta ako rito ay ngayon lang uli ako humalakhak nang katulad kanina. I love the way he listens to my rants about Dixie's bad mouth. I love the way he teach me those lessons that I can't understand. I love the way he told me how important may birthday is. Nagpumilit pa siya na icelebrate 'yon dahil importante. He's the very first person na nakanotice na hindi maganda ang pakiramdam ko kapag nasa iisang lugar kami nina Melania at Ria. 

That man is something. Ria's very lucky to have him. 

Ilang beses akong gumulong sa kama bago tumayo at dumiretso sa banyo. Ilang minuto akong nagbabad ng kalahating katawan sa bath tub para naman ma relax ang katawan ko. Good thing my restroom has a tv so I can watch at n*****x while I'm relaxing my body inside the tub.

Isang movie ang tinapos ko bago umahon sa bath tub at nagbihis. Lamig na lamig ang katawan ko nang lumabas ng kwarto dahil sa malakas na aircon. Nilakasan ko kasi 'yon kanina bago pumasok ng banyo para pagkalabas ko ay malamig na. 

Lumiwanag ang pakiramdam ko nang makita ko ang malakas na pagpatak ng ulan sa labas. This night is perfect. 

Hihiga na sana ako sa kama nang maalala ko ang chrysanthemum na binigay ni Damian sa akin kanina. 

Baka nadurog na 'yon! 

Para akong tangang tumakbo papuntang banyo at hinanap ang ginamit kong damit kanina. Nang makita 'yon ay hinalughog ko agad ang mga bulsa non. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko 'yon sa bulsa ng suot kong dress kanina. 

Yes, the dress has a pocket.

Muli akong lumabas ng banyo at kinuha ang isang notebook ko na hindi pa ginagamit. Inipit ko roon ang chrysanthemum at marahang sinara 'yon. It's okay kung mabulok 'yon doon kesa madurog. I don't know rin naman kung paano mag alaga ng mga bulaklak. 

I'll just leave it there. That's a safe place. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status