Share

12

"You're doing great," puri sa akin ni Damian. Tipid akong ngumiti baho hinawakan ang rein ng kabayo.

"Bababa na ako," sabi ko. Kanina pa kami naglalakad ng kabayo pero hindi man lang ako pinatakbo ni Damian. I understand naman na kakaturo niya lang sa akin pero kung paglalakad lang ang gagawin namin buong araw ay mas mabuti pang bumaba na ako dahil halos naikot na yata namin ang buong farm.

"Ayaw mo na?" tanong niya sa akin. Sunod-sunod akong tumango. Maliban sa nagsasawa ay nangangalay na rin ang likod ko dahil walang masandalan. Gusto ko nang magpahinga.

Hinawakan niya ang tali ng kabayo at dinala kami kung saan kami nakapwesto kanina bago sumakay. Sinabit niya sa isang kahoy ang tali bago ako hawakan sa magkabilang bewang at binuhat pababa.

"How was the experience?" tanong niya sa akin. Saglit akong sumulyap sa kabayo bago nagpagpag ng damit.

"Nangangalay ang likod ko. I wanna go home na," sagot ko. Mahina siyang tumawa bago ako tinanguan.

"I'll tell your father," sabi niya bago inilabas ang cellphone mula sa bulsa. May kung ano-ano siyang pinindot doon bago uli 'yon ibalik sa bulsa.

"Itinext ko na. Papunta na 'yon dito mamaya." Tumango ako. Lumakad ako malapit sa malaking barn house at umupo sa nakita kong upuan. Ilang beses ko pang inunat ang katawan ko bago sumandal sa upuan. Sumunod naman sa akin si Damian at umupo sa tabi ko. 

I'm kinda sleepy.

Ilang minuto kong hinintay si daddy bago siya rumating. He's talking to mang Cario while walking towards us. I bet it's all about the problem yesterday again.

Nang makalapit sila sa akin ay mabilis akong tumayo. Parang kaunti na lang kasi ay babagsak na ang talukap ng mga mata ko.

"Dad, I'm sleepy. Let's go home?" yaya ko sa kanya. Sinulyapan niya ang relo bago ako tinanguan.

"Sige, uuwi na tayo. Anong oras na rin, may pasok ka pa bukas," sabi niya. Nauna na akong lumakad papalabas ng barn house dahil kinausap pa ni daddy si Damian saglit. Binati pa ako ng guard bago pagbuksan ng gate.

Sumakay ako ng kotse at doon nagpahinga. Antok na antok na ako.

Hindi ko na naabutan ang pagdating nina daddy sa kotse dahil sa pagod. Dumilim na ang paningin ko.

Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kwarto ko dahil ang huling naaalala ko lang ay nakatulog ako sa kotse. Hindi ko alam kung bakit nandirito na agad ako.

Binuhat ba ako ni daddy?

Hindi man lang ako ginising, hindi tuloy ako nakapag hapunan. Tumayo ako ng kama at nag-ayos ng sarili. Nang matapos ay bumaba ako para kumain ng almusal. It's still early kaya naman ako pa lang ang kumakain, tulog pa siguro silang lahat.

Matapos kumain ay marami pang natitirang oras bago ako magklase. Hindi na naman ako naantok dahil ang haba ng itinulog ko kagabi kaya naman nag ikot-ikot na lang ako sa buong mansion. Dumiretso ako sa garden at tumambay roon. It's still 7:00 am kaya naman hindi pa masyadong masakit sa balat ang sinag ng araw.

Habang nasa garden ay puro pagkuha lang ng litrato ang ginawa ko. Maganda ang lighting kaya naman gusto kong kuhanan. I'm sure if Elli is here, mas marami pang litrato ang kukuhanan non. That girl is a photophile.

Lumipas ang mga minuto hanggang sa mapagod ako. Umupo ako sa batong upuan at isa-isang tiningnan ang mga kuha kong litrato gamit lang ang cellphone. I deleted some of them because of the bad quality. Hindi ako kasing galing ni Elli mag picture kaya karamihan sa mga kuha ko ay medyo malabo. 

Habang tinitingnan ang mga ito ay biglang tumunog ang cellphone ko, senyales na may tumatawag.

Elias calling...

Elias? Bakit naman tatawag si Elias sa ganitong oras? Paniguradong mag aalas otso na ng gabi sa kanila dahil ganon ang oras ngayong umaga rito. Kumunot ang noo ko at nagtatakang sinagot 'yon. 

"Hello?" panimula kong bati. Mas lalong kumunot ang noo ko nang tahimik lang ang kabilang linya. Nanti-trip ba 'to si Elias? 

"Hello?" muling tawag ko ngunit tahimik pa rin. Papatayin ko na sana ang tawag nang marinig ko ang malalim na pag buntong hininga ni Elias mula sa kabila.

"Elias?" muling tawag ko. Dahil sa pag buntong hininga niyang 'yon ay alam ko na agad na hindi siya okay. Plus, minsan lang tumawag 'tong lalaking 'to dahil wala naman kaming pake sa isa't isa. 

"Ari, kill me now," problemadong sabi niya. Mabilis akong umayos ng upo. Ghad, problemado nga ito. Si Elias 'yung tipo ng tao na bibiruin ka pero tatakbo 'pag gusto mo nang patayin. Tapos ngayon eh wala naman siyang ginagawa sa akin tapos gusto niya nang magpakamatay? 

"Do you have a problem, Yassi?" mahinahong tanong ko. I always call him Yassi tuwing ganito ang usapan. He's my very first bestfriend simula noong bata pa ako. Nakilala ko si Elli because of him. Mas naging close lang kami ni Elli ngayon dahil kadalasan ay pang babaeng topic lang ang pinag uusapan namin. He calls me Ari everytime he needs his childhood friend which is me. I call him Yassi whenever I'm being his very bestfriend. We call each other "babe" if we're having a friendly but not a serious talk. 

Naging Elias lang naman ang tawag ko sa kanya dahil nabibwisit ako sa buong mukha niya. 

"Damn, I think I'm inlove," mababang boses na sabi niya. Saglit akong natahimik at hindi nakasagot. Parang may dumaang anghel sa tawag namin dahil sa sobrang katahimikan. I don't know if I should laugh or cry because finally, this fucker is inlove. 

It's funny though.

"Pft--BWAHAHAHAHAHAHA!" malakas na tawa ko. Kung siguro ay may nakakarinig sa akin na nakilala ako bilang masungit ay hindi sila maniniwala na ako ang tumatawa. Sa sobrang funny kasi ni Elias ay pati ugly laugh ay nagawa ko na. 

"Babe, stop laughing," muling mahina ang boses na sabi niya.

Here we go with his endearments again. 

Nagpatuloy ako sa pagtawa pero nang marealize kong tahimik na naman ang kabilang linya ay tumigil na ako. Suminghap ako at mabilis na dumapo ang palad sa mga labi. 

"Omg, are you serious?" hindi makapaniwalang tanong ko. 

"Would I call you if I'm not?" sarkastiko niyang tanong. 

Omg. 

"Ha? Paano--I mean, how? When did it happen? Who's the cursed woman? Damn, I think that woman did a terrible crime in her past life to have a life like this in the present. I mean, who would love to be loved by you?" miserable kong sabi. Dahil sa sinabi ko ay narinig ko na naman ang buntong hininga niya. Parang naging mas problemado pa ata. 

"She hates me and...I don't think she'll forgive me for what I did. I admit it now, Ari. I'm a coward. I accidentally spill a lot of ink on her painting. I tried to fixed it but it only got worse. Now she's very mad because that painting is her mother's gift before she died. She thinks that I did it purposedly because I love teasing her," problemadong sabi niya. Dahil sa sinabi niya ay ako naman ang napabuntong hininga.

Problema nga 'to. 

"Everything's gonna be alright, Yassi. You know what, babe? I wish I could hug you right now," seryosong sabi ko. I'm sure this guy needs a friend right now. Alam kong nahihiya 'tong mag open up kina tita Elena kaya naman sa akin lumalapit. 

Malamang, ako lang naman ang kaibigan niyang babae. Sigurado akong hindi pa siya ready na umamin sa mga playboy rin na kaibigan niya na inlove na siya. Ang hirap naman kasing paniwalaan. 

I believe him, though.

"I don't know what to do," dugtong niya.

"You are a very good man, babe. You always tease me a lot but I know you have a good heart. You won't be part of my life if you don't have one," pagpapagaan ko ng loob sa kanya. 

"Damn, Ari. You're improving, huh? You are good at reassuring people. Did you mean all of that?" tanong niya. 

"No," kunwaring seryosong sagot ko.

"Fuck you," pagmumura niya sa akin. Humalakhak ako. 

"I'm kidding," natatawang sabi ko bago kami sabay na tumawa. 

"Thank you, Ari. But I need to go because mom is already calling me. It's dinner time you know. But thank you, babe. You made me feel lighter," seryosong sabi niya. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangiti siya ngayon. 

"Anything for you, Yassi," sabi ko rin. Siya na ang nagpatay ng tawag kaya naman pinatay ko na rin ang cellphone ko. Marahas akong bumuntong hininga bago matamis na ngumiti. 

Tumayo ako at babalik na sana sa loob nang makita ko si Damian na nakapameywang sa gilid ko. Halos mapatalon ako dahil sa gulat nang makita ko siya. 

"Ano ba? Ba't ka nanggugulat? Kanina pa ba r'yan?" sunod-sunod na tanong ko. Hawak ko ang dibdib ko dahil sa lakas ng kabog ng puso ko. 

Grabe, pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso dahil sa gulat.

"Sino 'yung kausap mo?" tanong niya sa akin. Tumaas ang kilay ko at nagpamewang din. 

"Bakit ka nagtatanong?" tanong ko pabalik. Kumunot ang noo niya at lumapit sa akin, napaatras naman kaagad ako. 

"You have a boyfriend?" nakakunot noo niyang tanong sa akin. Mas lalong tumaas ang kilay ko. 

"Wala!" tanggi ko. 

"Wala? Ano 'yung babe? I wish I could hug you right now? Anything for you?" sarkastikong tanong niya. 

Hah! So nakinig siya? Tsismosa rin 'tong Damian na 'to.

"Wala nga! At anong pakialam mo kung meron? Ano? Isusumbong mo ako, ha?" naghahamon na tanong ko. 

"You're only 15," kalmadong sabi niya. 

"So? Ano naman? Ikaw nga 16 ka pa lang  pero kwinestiyon ko ba 'yung edad mo, ha?" pilosopong sabi ko. He deeply sighed before massaging his nose bridge. Humakbang siya papalapit sa akin ngunit lumayo ako. 

"Ano ba? Bakit ka ba lapit nang lapit, ha? Ano? Isusumbong mo ako? Edi go, isumbong mo ako! Mas gugustuhin ko pa para pabalikin na ako ni daddy sa US!" Lumayo siya sa akin at seryoso tiningnan. 

"Hindi kita isusumbong," kalmado ngunit nakakunot pa rin ang noo niyang sabi. 

"Oh, eh bakit ka nagkakaganyan? Anong problema mo?" 

"You're only 15, Zari."

"So?" 

"Hiwalayan mo 'yan," utos niya. Kumunot ang noo ko. 

Nabibwisit na ako. 

"Ano? Bakit?" tanong ko. 

"Ang bata mo pa. Alam kong nadadala ka lang sa kasiyahang naidudulot niyan sayo pero--" 

"Bakit? Ano bang alam mo?" putol ko sa kanya. Gumapang ang pagkairita sa buong pagkatao ko. Ito 'yung pamilyar na pagkairita tuwing nag aaway kami ni Melania. 

"Wala akong alam. Kaya nga sinasabihan kita dahil--" 

"'Yun nga, wala kang alam! So stop acting like you know what I feel and I what I do. Kasi hindi mo naman alam. Sinabi ko naman sayong wala akong boyfriend 'di ba? That guy is my bestfriend! He's inlove with a girl which is not me. Alam mo? Para kang sila daddy, eh! Okay na sana pero hindi man lang pinapakinggan ang punto ko! Gusto kong umuwi pero ayaw pumayag dahil miss niya ako, eh lagi naman siya wala rito. Anong pinagkaiba non? Ikaw, tinatanggi ko na nga pero hindi ka naniniwala. Pare-parehas lang kayo!" tuloy-tuloy na sabi ko bago siya iwan doon. 

Nabibwisit ako. Alam kong bata pa ako pero kung ituring niya ako ay parang wala akong alam. Ilang beses ko na ngang tinangi pero hindi naniniwala. Pakiramdam ko tuloy ay wala siyang tiwala sa akin. Sabagay, bakit nga ba siya magtitiwala? Hindi niya naman ako kilala. 

Kunot noo akong naglakad papasok ng bahay. Halos lahat ng nakakasalubong kong kasambahay ay napapayuko dahil sa sama ng itsura ko. 

"Oh, iha? Anong nangyari sayo? Ayos ka lang ba?" tanong ni yaya Belen sa akin nang makasalubong ko siya. Pilit akong ngumiti at tinanguan siya. 

"Oo naman po," sabi ko at nilagpasan siya. Didiretso na sana ako sa sala nang mapahinto ako ulit. May nakalimutan pala akong itanong.

"Uh, yaya Belen? Anong oras po kaming dumating ni daddy kahapon?" tanong ko at muling lumapit sa kanya. 

"Mag aalas sinko ka umuwi, iha. Si daddy mo naman ay alas otso na," sabi niya. Agad na kumunot ang noo ko. Huh? 

"Po? Hindi po ba kami nagsabay?" 

"Hindi, iha. Si Damian ang naghatid sa iyo rito kagabi. Ang sabi niya ay may biglaang alis ang daddy mo kaya sa kanya ka muna pinahatid. Hindi ka na namin ginising dahil ang sarap ng tulog mo," paliwanag niya. Hindi ko pinakita ang gulat ko. 

Don’t tell me siya rin ang naghatid sa akin sa kwarto? No way! Nagkalat ang mga damit ko kahapon dahil sa pag sukat ko. Hindi ko na naligpit 'yon dahil sa sobrang excitement. 

"Siya rin po ba ang naghatid sa akin sa kwarto?" tanong ko ulit. 

"Oo iha. Bakit? May problema ba?" Mabilis akong umiling at pilit na nginitian siya. 

"Wala naman po. Sige po, una na ako," sabi ko at tinalikuran siya. Nagmadali ako sa pag akyat papuntang kwarto at pinagmasdan ang kabuoan non. Kumunot ang noo ko nang maalala na malinis na 'yon pagkagising ko kanina. 

Don’t tell me siya rin ang naglinis? 

"Gagi," mahinang sabi ko bago pabagsak na umupo sa kama. Nakakahiya. 

"Omg, Azarrrriiiii!" tili ko. Matapos murahin ng kung ano-anong mura ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto.

May klase pa ako. 

Seryoso akong naglakad pababa at hindi pinapansin ang bawat nakakasalubong ko. 

Nakakahiya ka, Azari. Tapos nakipag away ka pa kanina? Ano na lang sasabihin sayo non? Bastos na burara? 

Lumipas ang oras hanggang sa natapos ang klase ko. Hindi ko alam kung magkukulong ako sa kwarto o kakausapin si Damian para magpasalamat dahil kahapon. 

Pero bakit ako magpapasalamat? Hindi ko naman siya sinabihan, ah? Pero kasi hinatid niya pa rin ako. Pero nag-away kami kanina at nabibwisit pa rin ako. 

Bahala na. 

Dumating ang gabi hanggang sa tawagin ako dahil kailangan ng mag dinner. Pagkapasok ko sa loob ng dining area ay kumpleto na sila roon. Kahit ang mga kaibigan ni Ria ay naroon sa loob at ako na lang ang kulang. Palihim kong sinulyapan si Damian sa tabi ni Ria. Nang tingnan niya ako ay mabilis akong nag-iwas ng tingin. 

Sa tabi ako ni Peter umupo. Sa kanya lang kasi ang may bakanteng upuan dahil katabi na ni Ria si daddy. Ayokong tumabi kay Damian at lalong lalo na sa tabi ni Dixie.

"Good evening," bati sa akin ni daddy. Tinanguan ko lang siya at umupo na sa tabi ni Peter. Hindi na siya uli nagsalita at hinayaan na ako. Siguro ay napansin niyang wala ako sa mood makipag usap kaya nanahimik na lang siya. 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status