Share

Chapter 14

Malawak ang ngiti na naglakad ako palapit sa sasakyan. "Madam!" Kakapalan ko na ang mukha ko. Ayaw kong maghintay dito nang matagal at mas lalong ayaw kong maglakad pabalik.

Gulat na napalingon sa akin ang driver samantalang hindi man lang nagulat si Madam. Parang inaasahan niya nang lalapitan ko siya.

Hindi naalis ang ngiti sa mga labi ko. "Madam, long time! Kumusta ka na po?" bati ko na para bang matalik kaming magkaibigan na matagal nang hindi nakita. Sadya ngang nagbabago ang ugali ng isang tao kapag nahaharap sa isang sitwasyon kung saan desperado ka na.

Ngumiti pabalik sa akin si Madam, "Heto't sumasakit ang balakang sa biyahe. Ikaw bakit nandito ka pa sa labas? Asan si Achie?" Lumingon siya sa likod ko na para bang may hinahanap.

"Iniwan lang naman po ako ng magaling niyong apo. Hindi din ako makapasok kasi wala akong ID." Humigpit ang hawak ko sa lunchbox na dala dahil sa inis at galit na nararamdaman sa ginawa ni Archer. Talagang sinadya niya akong iwanan dito sa labas, a
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status