Stella
WHAT IF one day nabunyag ang kasal namin ni Jaxon, ano kayang mangyayari? Anong gagawin ko? Aamin ako o magtatago?
Siyempre, joke lang 'ang magtatago ako. Bilang isang asawa ng pribadong tao na katulad ni Jaxon ay maging maingat na lang ako sa magiging kilos ko lalo na at kapag lalabas kami sa publiko.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung sa oras na mabunyag ang sikreto naming dalawa ni Jaxon. Siguro sa ngayon ay maging alerto na lang talaga ako.
"How's your day?"
Napasigaw na lang ako sa gulat ng makita ko ang mukha ni Jaxon pagkabukas ko ng pintuan ng bahay namin. Nagkagulatan pa nga kami dahilan para hawakan niya ang braso ko dahil matutumba pa ako.
"I'm sorry if I startled you." Mahinahong saad niya at marahang binitawan ang braso ko kaya tumawa na lang ako at diretsong pumasok.
"No, it's okay. Kasalanan ko rin naman." Nakangiting saad ko at umupo sa sofa. Pagkaupo ko ay doon ko lamang naramdaman ang matinding pagod dahil maghapon akong nakatayo sa photoshoot.
Naramdaman ko naman ang presensya ni Jaxon sa tapat ko pero mariin kong pinikit ang mata ko dahil nagsimula na namang sumakit ang ulo ko. Pero naimulat ko na lamang ang mata ko ng marinig ko ang boses niya.
"Here, drink this. Para mabawasan ang sakit ng ulo mo," saad niya at nakita kong inilapag niya ang isang basong tubig sa harapan ko. Kaya nagpasalamat ako at ininom ang tubig na dinala niya para sa akin.
Habang umiinom ako ay pinagmamasdan ko lamang ang kilos ni Jaxon sa harapan ko. Akala ko ay tuluyan na siyang uupo pero halos masamid at maibuga ko ang tubig na iniinom ko ng kuhanin niya ang dalawang binti ko at inilagay sa hita niya para hilutin ito.
"Jaxon, hindi mo na kailangang gawin iyan!" Namumulang saad ko kaya nag-angat siya ng tingin at ngumiti. Ako naman ay halos mahimatay dahil sa pinakita niya sa akin ngayon.
Ano kayang nakain nitong lalaki na ito?
"It's okay, relax yourself Stella. Ramdam ko ang pagod mo ngayong araw." Saad niya kaya wala na akong nagawa kundi ang pabayaan siya sa ginagawa niya.
Kaysa maging awkward ay muli kong inilibot ang paningin ko sa buong bahay at natigil ang mata ko sa nakita ko sa gitna ng hagdan namin. Nakasabit ang wedding picture namin ni Jaxon. Kitang-kita sa picture na akala mo ay inlove na inlove kami sa isa't-isa at hindi isang arrange marriage ang naganap na kasalan.
"Ang ganda pala ng kinalabasan ng picture nating dalawa." Hindi ko mapigilang sabihin kaya napatigil si Jaxon sa ginagawa niyang panghihilot at lumingon sa wedding picture na nakasabit sa gitna ng hagdanan.
"Yeah, it looks like we are really in love with each other." Diretsong sambit niya dahilan para mahigit ko ang hininga ko at maramdaman ko na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ko kaya palihim akong humawak dito.
Ano bang nangyari sa iyo, Stella? Nagsama at ikinasal lang kayo ni Jaxon ay kung ano-ano na ang nararamdaman mo. Umayos ka, self. Bawal mainlove sa isang Jaxon Azrael Buenaventura.
"Stella." Nabalik ako sa reyalidad ng tawagin ni Jaxon ang pangalan ko kaya ng tingnan ko siya ay sumalubong sa akin ang misteryosong mata niya. Hindi ko talaga mabasa ang tumatakbo sa isipan niya.
"Hindi mo ako nireplyan kanina," dugtong niya dahilan para matigilan ako at mag-loading sa utak ko ang sinabi niya. Dahil doon ay mabilisan kong hinagilap ang cellphone ko at tiningnan kung may text nga siya sa akin.
Nang makita ko ang unregistered number ay agad ko itong binuksan at binasa ang text na ipinadala niya sa akin kanina.
Are you already there in your workplace?
How's the photoshoot?
Have you eaten your lunch?
I really guess that you're literally busy now. I will wait for you at our house, Stella. Don't forget to eat your food.
Nang mabasa ko ang apat na unread messages ay hindi ko maiwasang mamuo ang luha sa mga mata ko. This is the first time when someone literally cared for me, minsan kasi ay si Manager lang talaga ang nangangamusta sa akin.
"I'm sorry, Jaxon. Minsan kasi ay hindi ko na talaga natitingnan ang cellphone ko dahil sa sobrang daming photoshoot na kailangan asikasuhin." Mahabang litaniya ko at hindi ko kayang iangat ang paningin ko dahil nahihiya ako sa kaniya.
Kahit busy siya sa trabaho niya ay naglaan siya ng oras sa akin na kumustahin ako sa trabaho habang ako naman ay hindi man lamang sumagot. Kaya nahihiya tuloy akong tumingin sa kaniya. Kaya para mabawasan ang tensyon ay pinaglaruan ko na lamang ang kamay ko at pinapakiramdaman ang kasama ko.
"Look at me, Stella." Seryosong saad niya kaya nang iangat ko ang paningin ko ay hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala siya.
"I'm really so-" Halos nag slow-motion ang paligid sa sunod na ginawa ni Jaxon sa akin. Basta na lang niya akong binuhat na pangkasal kaya hindi ko maiwasang mapalapit ang mukha sa kaniya at mapahigpit ang pagkakakapit sa batok niya.
Halos maglapat na nga ang labi naming dalawa dahil sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. Imbis na tumutol sa ginawa niya huminga na lamang ako ng malalim at marahang inilagay ang ulo ko sa dibdib niya.
Pero nagtaka na lamang ako dahil katulad ko ay mabilis din ang tibok ng puso niya. Nang tingnan kong muli si Jaxon ay namumula ang tainga niya kaya hindi ko na mapigil ang mapahawak sa pisngi niya. Dahil sa ginawa kong 'yon ay napatigil siya at mariing napapikit.
"Are you okay?" Mahinang usal ko kaya pagtango na lamang ang sinagot niya at muling nagpatuloy sa paglalakad.
Baka mamaya ay nabibigatan na pala sa akin si Jaxon. Nakakahiya tuloy gumalaw dahil baka mas lalong mabigatan sa akin si Jaxon. Hindi ko ba malaman sa lalaking ito kung bakit kailangan niya pang gawin sa akin ito. Hindi niya ba alam kung ano ang nararamdaman ko sa ginagawa niya sa akin.
Nang makita kong malapit na kami sa kwarto ay lihim akong napangiti dahil tuluyan na kaming makakapagpahinga ni Jaxon sa magdamag naming trabaho. Akala ko ay tuluyan na kaming papasok pero nagulat na lamang ako ng tumigil siya sa harap ng pinto at muling tinawag ang pangalan ko.
"Stella."
"Why? Is there something wrong?" Pagtatanong ko pero mas lalo lamang sumeryoso ang pagkakatitig niya sa akin dahilan para kabahan ako.
"Can we sleep together?"
…
NATAGPUAN ko na lamang ang sarili kong katabi si Jaxon sa iisang kama. Nitong nakaraang araw kasi ay sa guest room siya natulog dahil para maging komportable daw ako. Pero sa ngayon ay halos gusto ng lumabas ng puso ko dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.
Nawala rin ang antok ko dahil amoy na amoy ko ang pabango ni Jaxon sa buong kwarto. Kulang na lang ay singhutin ko ito dahil nakakaadik ang pabango niya. Kung kanina ay pagod na pagod ako pero nabura lahat ng iyon dahil magkatabi na kami ni Jaxon sa iisang kama.
Baka mamaya ay mangyari ang dapat mangyari. Dahil sa naisip kong iyon ay mahina kong kinurot ang sarili ko, dahil kay Lara ay kung ano-ano tuloy ang pumapasok sa isip ko ngayong gabi.
Nang hindi na ako nakatiis ay humarap ako sa kaliwa at natagpuan ko na lamang si Jaxon na nakasalamin at nagbabasa. Kainis, kahit ano yatang ipasuot ko dito ay talagang hindi mababawasan ang kagwapuhan niya. At saka hindi pa ba siya inaantok.
"Jaxon," pagtawag ko kaya tinanggal niya ang salamin niya at lumingon sa akin.
"Why? Bakit hindi ka pa natutulog?" Imbis na sagutin ang tanong niya ay muli akong nagtanong.
"Can I ask you a question?" Kinakabahan tanong ko kaya napatagal ang pagkakatitig niya sa akin at seryosong tumango. Kaya bumangon muna ako para lalong makita ko ang guwapong mukha niya.
"Are you happy with your life right now? I mean you have everything, kasi 'yung iba is naghahangad pa sila kahit nasa kanila na ang lahat." Panimula ko kaya nakita ko ang pagtigil niya at saglit na pag-iisip sa naging tanong ko.
"Yes, I'm happy with my life right now. How about you, Stella? Are you happy?" Balik niyang tanong dahilan para mapatigil din ako at mahinang tumawa.
"Yes…" Napatigil ako at saglit na nag-isip. "I'm happy because I achieved my dreams and goals in life. Pero kahit na ganun ay may mga bagay ako na pinagsisisihan kong gawin," dugtong ko pa kaya napatango naman siya.
"Do you regret marrying me, Stella?" Pakiramdam ko ay isang bala ang tumama sa akin dahil sa binitawang salita ni Jaxon.
Matagal ang nagiging pagkakatitig ko sa kaniya at hindi ko rin maiwasang tanungin ang sarili ko. Nagsisi ba akong magpakasal sa kaniya? Kaya malakas akong bumintong hininga at pikit mata siyang sinagot.
"No, I don't have any regret marrying you, Jaxon. Unless you're hurting me verbally." Diretsahang sagot ko sa kaniya.
"I see." Tipid niyang sagot kaya ngumiti naman ako at muling nagsalita.
"Last question, bakit pumayag ka na pakasalan ako? Base doon sa mga naging interview mo ay you hate arrange marriage. So, bakit pumayag kang pakasalan ako?" Madaldal kong tanong kaya nakita ko ang pagtaas ng labi niya sa narinig.
Habang ako naman ay natulala dahil talagang hindi ko napigilan ang sarili kong itanong iyon. My gosh Stella! Nakakahiya ka talaga. Baka mamaya ay ayaw pa lang sagutin iyan ni Jaxon. Kaya ang ginawa ko ay nagkunwaring umubo.
"It's okay kung hindi mo masasagot. Sorry kung nabigla kita…'
"Do you want to hear my answer, Stella?" Nanlamig ako ng marinig ko ang seryosonf boses ni Jaxon. Diretso lamang ang pagkakatitig niya sa akin na akala mo ay gusto niyang basahin pati na rin ang kaluluwa ko.
Kaya kahit gusto kong malaman ang sagot niya ay umiling ako. Akmang magsasalita na sana ako pero tuluyan na akong mabingi ng idugtong niya ang mga salitang dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko at makaramdam ng kakaiba sa aking tiyan.
"Because you're the only exception, Stella."
StellaI AM AN EXCEPTION TO HIM? But why? I didn't get it. Kaya muli akong umayos sa pagkakaupo at tinignan ulit siya ng seryoso. Gusto kong alamin. Gusto kong marinig ang paliwanag niya."Why?" Maikling sagot ko at halos mapugto ang hininga ko ng lumapit siya sa akin. Kaunting espasyo na lamang ang natira ay magkadikit na ang labi naming dalawa."Jaxon, I'm asking you. Why am I the only exception?" Muli kong pagtatanong pero mariin lang siyang tumitig sa akin at lumipat naman ito sa labi ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa mga titig na binigay niya sa akin."Can I kiss you, Wife?"Halos lumipad ang utak ko sa naging tanong niya. Umawang ang labi ko sa gulat at hindi makapaniwala na nakatitig sa kanya.Gosh, what are you saying Jaxon? Imbis na sagutin niya ako ay ito pa ang ginawa niya."Anong-" Naputol na lamang ang sinasa
StellaANONG ISASAGOT KO SA KANYA? Hanggang ngayon kasi ay nakatulala lang ako at nabigla sa sinabi niya. Isa rin ito sa pinaka-ayoko kay Jaxon. straight to the point kung magsalita, sasabihin niya talaga kung ano ang nasa isip niya.Wala ba talagang preno ang bibig nito? Bigla-bigla na lang manggugulat?"You're not scared? Paano kung isang araw ay malaman ng lahat? Kahit nga itong ginagawa natin ngayon delikado na kahit tayong dalawa lang." Saad ko pero ngumiti lang siya sa akin at muling hinaplos ang pisngi ko."I'm also scared, Stella. Pero gusto ko bigyan ng try 'tong relationship natin. Ayokong maging awkward tayo sa isa't-isa."Kaya pumikit ako ng mariin at malakas na bumuntong hininga. Kinagat ko pa ang labi ko bago muling magsalita."Why are you willing to take a risk with me, Jaxon? Kapag ba dumating ang panahon na malaman
Stella NAPAHAWAK AKO SA BIBIG KO at tuluyan ng napahagulgol sa nakita ko. Nakita kong nataranta naman si Jaxon kaya bigla niyang naibaba ang cake sa maliit na lamesa at nilapitan ako. "Bakit ka umiiyak? Did something bad happen, Stella?" Pag-aalala niya kaya umiling ako at sumisinghot bago sumagot. "This is the first time that someone surprised me on my birthday. You're the first man who did this to me. Kaya naging emosyonal ako." Humihikbi kong sagot kaya naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa akin at ang paghaplos niya sa likod ko para pakalmahin ako. "Thank you, Jaxon. Nakakainis ka, ang haggard ko na nga ngayon tapos paiiyakin mo pa ako. Baka mamaya ay ang panget ko na pala." Pagbibiro ko kaya natawa naman siya at hinalikan ang noo ko. Ako naman ay nabigla na naman sa ginawa niya dahilan para bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Palihim
StellaNAKATULALA akong pumasok sa kumpanya namin. Nagpasalamat na lang ako dahil mamayang hapon pa ang photoshoot para sa ine-endorse kong pabango at bag.Wala pa si Manager, siguro ay late na namang gumising dahil alam niyang mamayang hapon pa ang magiging photoshoot ko. Nang makapasok ako sa opisina ay basta ko na lamang binagsak ang sarili ko sa sofa.Mariin akong pumikit dahil hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin ang sinabi sa akin ni Jaxon. Ito ang kauna-unahang beses na hindi talaga ako nakatulog ng ayos ngayon."You're my present and future, Stella.""My Gosh! Self huwag kang masyadong kiligin! Baka mamaya ay iba pala ang ibig sabihin ni Jaxon. Malay mo ikaw pala ang magiging future friend niya. Edi ligwak ka kaagad."Pagalit kong saad sa sarili ko at umikot-ikot pa sa sofa. Mabuti na lamang ay
StellaHE'S JEALOUS? But why? Si Devron lang naman ang kaharap at kausap ko. Hanggang ngayon ay nakatitig lang siya sa akin ngayon kaya hindi ako maka-iwas ng tingin."You don't have to be jealous of him, Jaxon. He's my cousin. Walang aagaw sa akin." Paninigurado ko at doon ay tuluyan ng lumambot ang mukha niya sa narinig.Kinagat niya ang kanyang labi at mahina muling natawa. Ipinikit niya ang mga mata niya na akala mo ay nagtitimpi sa kung ano niyang kayang gawin."I'm sorry, Stella. Pinangunahan lang ako nitong nararamdaman ko. Hindi lang ako sanay na may kasama kang iba bukod sa akin." Masuyong sambit niya at naramdaman ko na lamang na hinigit niya ako at ikinulong sa mga bisig niya.Napapikit Naman ako sa ginawa niya. Gusto kong tanungin kung bakit siya nagseselos? May nararamdaman na ba siya sa akin? O nasanay lang siya ang kasama ko
Stella"You'll be away for three days, right?" Paninigurado niya ulit habang nasa sasakyan kami papuntang airport."Yes. At saka sure ka bang ihahatid mo talaga ako papasok sa airport? Paano kung may nakakakilala sa'yo kahit naka-disguise ka na?" Nag-aalala kong tanong kaya nginitian niya lang ako at marahang hinawakan ang kamay ko.“Don’t be scared, Wife. Walang makakakita at makakakilala sa akin. I just want to make sure that you’re safe.” Sagot niya kaya hindi ko na mapigilan ang mapangiti at nilagay ko naman ang ulo ko sa balikat niya.“Thank you, Jaxon. Kahit wala naman akong sinasabi na ihatid mo ako sa airport ay ginawa mo pa rin. Mas inuuna mo pa ako kaysa sa trabaho mo.” Saad ko pa kaya muli ko namang narinig ang pagtawa niya.“Because you are my wife, Stella. Nakakapaghintay naman ang trabaho ko, mas gusto k
StellaNAPAKAGAT labi naman ako ng marinig ko ang sinabi ni Jaxon. Mariin ko ulit itong kinagat upang hindi kumawala ang impit na sigaw ko na nagmumula sa bibig."Stella, are you still there?" Nabalik na lang ako sa ulirat ng marinig ko ang boses niya kaya peke akong umubo at kinalma ko ang sarili ko."Hmm… I'm still here, Jaxon.""I miss you, Wife. Don't you miss me?" Muli niyang pagtatanong kaya huminga muna ako ng malalim at sinagot na siya."Jaxon, kalahating araw lang tayong hindi pa nagkikita, miss mo na agad ako. Ako kasi ay hindi kita namimiss." Pagbibiro ko at nagulat na lang ako ng magreklamo siya na akala mo ay isa siyang bata na
Stella"HOW DID YOU FIND ME?" Tanong ko agad ng humiwalay ako sa yakap niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa isip ko na naandito talaga si Jaxon sa harap ko. Nakangiti at mapungay ang mga mata ng tumingin siya sa akin."I secretly contacted your Manager. Hindi ako nakatiis, pinuntahan na talaga kita kahit dalawang araw na lang ay uuwi ka na." Sagot niya kaya muli ko na naman naramdaman ang mga paro-paro sa tiyan ko.Jaxon, bakit ka ganyan? Lalo tuloy lumalalim ang nararamdaman ko sa'yo. Nakakainis ka na."Ibig sabihin ay ikaw talaga ang nakita ko kanina sa fashion show. That's you, right? Hindi ako namamalikmata kanina?" Sunod-sunod ko pang tanong kaya mahina naman siyang tumawa at hinalikan ang noo ko bago sumagot."Yes, that's me, Wife. I'm sorry kung umalis agad ako. Baka kasi may makahalata sa akin since hindi ako nag full-disguise kanina. Seeing you walking on that runway makes you the brightest star in the world.