ZATURNINOLagi akong nakaalalay sa bawat kilos niya.Mula pa naman noon, ay parang babasaging cristal na ang tingin ko sa Irog ko. Lalo na sa napaka-espesyal na araw na ito. I want to make more memorable every moment for us together. Lalo na sa mga espesyal na okasyon tulad ng aming wedding anniversary. My Irog looks really so beautiful tonight. I mean, sobrang ganda na niya para sa akin noon pa man, but tonight?Damn man, I can't take off my eyes of her.Maski kumurap yata ayaw ko. Ultimo kaliit liitang detalye ng galaw niya ay ayaw palagpasin ng mga mata ko.She looks so stunningly beautiful. Hanggang ngayon, namamangha at natutulala pa rin ako sa ganda niya. Naka-anim na kaming anak, pero ang katawan ng asawa ko ay lalo pang naging kaakit-akit sa paningin ko. Napapakagat ako sa aking ibabang labi. Unti-unting ginagapangan na naman ng init ang kokote ko papuntang pagkalalake ko. Relax, buddy... Baka kapag di ako nakapagpiggil, dito ko na siya maangkin sa deck. Pero sino bang l
ZATURNINONandiyan ka na namanTinutukso-tukso ang aking puso "Mukhang puspusan ang naging paghahanda ni Samuel a, parang original na e." Natatawang komento ng Irog ko. Malawak ang ngiti kong inabot ang aking kamay sa Irog ko. Nang umpisahang kantahin ni Samuel ang kantang laging alay ko para lamang sa kaniya. Nagniningning naman ang mga mata niyang tinanggap ang palad ko, I mouthed I love you. And she answered me back her, I love you too. Ang ngiti namin dalawa ay parang naka-plaster na yata sa mga labi namin at hindi na mawala-wala. "Sa taon taon na nagtsatsaga tayo sa boses ni Samuel baka nasanay na lang ang tainga natin Irog ko," ang biro ko. Napansin ko ngang gumanda at parang original ang pagkakakanta ni Samuel ngayon. Anong practise kaya ang ginawa ng gago?Ilang ulit na bangIniiwasan ka di na natutoHinapit ko siya sa baywang, inamoy ko ang leeg niya at binigyan ng mumunting mga halik doon. She giggled as she encircle her arms around my neck. Pinagdikit ko ang noo na
PROLOGUE SINISTER"Hindi ko matatanggap ang batang 'yan Maximo. Kahit kailan walang lugar ang batang 'yan sa mansyon na 'to!" "Anak ko rin siya Sheila, at mula ngayon ay dito na siya titira sa ayaw at sa gusto mo." Kalmado ang boses ni Papa, hindi niya alintana ang galit ni Mama. Mula sa pinagtataguan kong cabinet ay sumilip ako. Naaawa kong tiningnan si Mama na ngayon ay puno ng luha ang mga mata habang mababakas ang matinding galit sa kaniyang mukha para kay papa. "Kumuha ako ng taong personal na mag-aalaga sa bata, wala kang dapat ipag-alala dahil hindi mo magiging problema ang pag-aalaga sa kaniya," pagpapagtuloy ni Papa. Pero hindi man lang iyon napakalma si Mama. Mas mababakas ngayon ang matindi nitong galit para kay Papa. "Hindi ako papayag na makihati ang batang 'yan sa kayamanang dapat ay para sa anak ko lang, Maximo! Ilang taon na akong nagtitiis sa mga pananakit mo, sa pangbabae mo..." Nanginginig ang boses niya habang patuloy sa pagluha. "Tinanggap ko lahat para sa
THIRD PERSONPagkabukas pa lamang ng elevator ay sinalubong na siya ng mga putok ng baril. Agad siyang nakapagkubli. Mabilis gumalaw ang kaniyang mga mata. Ang magkabila niyang kamay ay may hawak na baril. He was currently in the mission. Mula sa itaas ng organisasyon ay inatasan siyang pumunta ng Japan para sa isang delikadong misyon. Isang yakuza ang pinapatumba sa kaniya. Nahirapan man siya sa pagpasok dahil sa higpit ng security sa buong gusali ay matagumpay pa rin siyang nakarating sa palapag kung saan ang target. Walang mababakas na takot o pagkabahala sa kaniyang mukha. He used to kill and trained to kill. Bawal ang mahina at salitang konsensya sa organisasyong kinabibilang niya. Hindi na ito bago sa kaniya at sanay na sanay na siyang makipagpatintiro kay kamatayan."You have to get out of there in fifteen minutes, North" mula sa suot niyang wireless earbuds ay dinig niyang ani West, isa sa kaniyang kasamahan. "How many are they?""Twenty-two. Seven of them are guarding
TASHA Unang araw ng trabaho ko sa mansyon ng mga Villamar, bilang isa sa kanilang taga silbi. Kaka-graduate ko pa lamang ng high school noong nakaraang taon. Sa edad na labing pitong taong gulang, ay punong-puno pa ako ng pangarap. Marami pa akong gustong marating at maabot sa buhay.Unang-una na roon ang makapagtapos sa kolehiyo. Pero mukhang sa ngayon, ay malabo pa iyong mangyari. Sa estado kasi ng aming pamumuhay, ay parang malabo pa talagang matupad ko ang pangarap kong iyon. Ako ang panganay sa aming apat na magkakapatid. Si Nanay ay tumatanggap lang ng paglalabada at si Tatay naman sa ngayon, ay nagkasakit na sa kakasaka sa maliit naming lupain. Mahal ang mga gamot ni Tatay na kailangan n'yang inumin nang tuloy-tuloy. Hindi dapat mahinto ang gamutan ni Tatay. Kaya naman nang mabalitaan kong naghahanap ng karagdagang kasambahay ang butihin naming Governor, ay nakipagsapalaran akong mamasukan at nagbakasakali akong palaring matanggap sa trabaho.Nag-aalangan akong mamasukan
TASHABawat magdaan na mga oras at araw ay naging kakambal ko ang kaba. Simula nang dumating ang anak na panganay ni Governor.Minsan kasi kahit tila wala naman tao akong nakikita sa paligid, pero ramdam ko ang tila mainit na titig sa akin ng kung sino!Hindi ko alam kung guni-guni ko lamang iyon at dala ng nararamdaman kong takot para sa panganay na Villamar, o talagang nasa palagid lamang siya at naghihintay ng pagkakataong masakmal ako? Pero bakit naman niya gagawin 'yon? Tsk. Itatanong ko pa ba 'yon sa isip ko? 'Di ba ang isang rapist ay hindi namimili ng bibiktamahin?Maari rin akong maging kaniyang biktima tulad ng ibang naging kasambahay na nila!Isang nakakatakot na imahe ang laging umaalipin sa isip ko, simula nang makilala ko ang panganay na anak ni Governor. 'Ni hirap ko ngang banggitin ang pangalan niya!Hindi mapigilan ng tuhod kong mangatog mabanggit lamang ang pangalan ng panganay na Villamar!"Tasha, tawag ka ni Señorito Zaturnino," ang imporma sa akin ni Lena. Isa s
TASHAARAW ng Sabado. Nasa mansyon ang magkakapatid na Villamar. At tulad ng araw-araw na naming nakasanayan ay maagang umaalis ng mansyon ang Governor.Ngunit madalas naman na naiiwan ang may bahay nito lalo na tuwing Sabado at Linggo. Likas na mabait ang may bahay ni Governor, magiliw ito sa mga anak.Kahit pa kapansin-pansin ang malamig na pakikitungo sa kan'ya ng panganay na Villamar. Ang naririnig kong bulong-bulungan noon, ay hindi naman kasi nito totoong Ina ang Ginang. Matagal na raw namayapa ang unang Ginang ng butihing Governador na siyang tunay na Ina ng panganay na Villamar. Pero ang hindi ko makuha-kuha ay kung bakit kailangan pang pakitunguhan ni Beast nang hindi maganda ang naging pangalawa nitong Ina gayong kitang-kita naman kung gaano sinusubukan ng Ginang na mapalapit sa kaniya.Inumpishan kong ligpitin at nilinis ang kuwarto ni Señorito Zyron. Sinunod ko naman linisin pagkatapos ay ang silid ni Señorito Zackie. Lagi kong hinuhuli ang silid ni Señorito Beast at
TASHADALA ang tray ng pagkain, tubig at gamot ay pinuntahan ko si Senyorito Zyron sa may library. Nasa library ito at nag-aaral kahit masama ang pakiramdam. 'Ni hindi ito bumaba kanina para makasabay sa pananghalian. Gamot lamang ang hinihingi nito sa akin ngunit pinagdala ko na rin ito ng pagkain. Masama ang uminom ng gamot nang walang laman ang tiyan kaya dapat lang siyang kumain kahit kaunti lang. Parang kinurot ang puso ko sa nabungaran pagbukas ng pinto.I pity him. When I saw him bent over with his forehead covered. Kung masama ang pakiramdam niya, bakit hindi na lang siya magpahinga?Marahan akong lumapit dito at inilapag sa may bandang gilid ng mesa ang tray ng pagkain, tubig at gamot.Napaangat ito ng mukha. Ngumiti ako nang tipid."Bakit may dala kang pagkain? Sabi ko gamot lang e," matamlay na anito. Napahinga ako ng malalim.Naaawa ako sa kan'ya, medyo namumutla siya. Halatang may dinaramdam.“Masama ang pakiramdam mo. Hindi ka kumain kanina. Masama ang uminom ng gamot na