Share

Night's Guests

SAPPHIRE 

Matapos ang halos isang linggong estrus ay sa wakas nakalabas na ako ng bahay. At ni hindi ko man lang nakita ang presensya ni Night maliban na lang noong isang beses na nag-iwan siya ng pagkain sa pinto ng silid ko. 

Ewan ko ba, palagi siyang may ginagawa. Isang beses lang naman sa dalawang linggo kami nagbabahagi ng mga nakalap namin kaalaman kay Tatay. Siya kasi ang naatasan ng alpha na kumuha ng mga ito.

Apat na araw na rin ang lumipas simula nang nagtapos ang anim na araw kong estrus. Sigurado na ako na wala nang sisingaw na pheromones sa katawan ko. Kailangan ko muna itong ikonsidera para iwas disgrasya.

“See you next week, Sapphire!” Paalam sa akin ni Joseph bago sumakay sa kotse ng nobyo niya. Habang maglalakad naman ako papuntang pamilihan na katabi lang ng tinitirhan naming gusali.

Naghahanap kasi ako ng sangkap para sa lulutuin ko mamayang hapunan. Noong nakaraang linggo pa noong huli akong nakatikim ng disenteng pagkain. Nasaan na naman kaya ang kasama ko sa bahay? Sana naman ay magdala siya ng maayos na ulam galing sa mga babaeng nanlilibre sa kanya ng hapunan. Panay instant noodles at canned goods na lang kasi ang kinakain ko noong nasa bahay lang ako. At kahapon lang ay agad naubos ang pinamili kong gulay noong isang araw lang. Kailangan kong bumawi sa mga araw na nasa bahay lang ako.

Naku! Kung ako makahanap ng malawak na gubat dito, titiyakin ko na makakapanghuli ako ng maliliit na hayop.

Hindi na gaanong presko ang gulay sa pamilihan na ito. Siguro dahil iilan lang silang nagtitinda at nasa sentro pa ng siyudad ang lokasyon nila. May malaking palengke naman kaso malayo pa, at tuwing Linggo lang ako nakakapunta.

Hays. Mas mabuti talaga sana kung marunong mamili ang kasama ko, at nauutusan ko siya. Gusto kong makisama siya sa akin kahit sa mga gawaing bahay man lang. Kaya lang pati pakikupag-usap sa kanya ay nahihirapan pa nga ako, ano kaya ang utusan siya? Ang hirap niya hagilapin.

“Salamat, po.”

“Sige, hija. Sa susunod na balik mo ay darating ang preskong repolyo namin.”

“Sige, po.”

Nginitian ko ang ale habang palabas ng maliit na pamilihan.

Ginto na ang kulay ng kalangitan nang dumating ako sa tapat ng gusali. Ang dami pa kasi naming ginawa ni Joseph para sa paparating na cultural festival ng paaralan namin. Masaya rin ako sa dami ng mga bagong kaalaman na nakuha ko tungkol sa mga tao habang tumutulong sa paghahanda.

Papalapit pa lang ako sa pinto ng unit namin ni Night ay may naamoy na akong bakas ng artipisyal na pabango ng mga mortal. Matamis ito na maihahambing sa rosas, ngunit may bahid din ng kemikal – mapait at matapang – madalas ko itong naaamoy sa mga artipisyal na likido na gawa ng mga tao.

Bakit naman kaya may ganitong amoy sa loob ng unit namin?

Ah! Hindi kaya ay kay Night ito galing?

Saang lugar na naman ba kasi siya nagpupunta para dumikit sa kanya ang ganito ka tapang na pabango?

Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa entrada ang tatlong pares ng sapatos. Dalawa rito ay hindi ko alam kung kanino. Rubber shoes ang isang pares at kulay itim na may mahabang takong naman ang isa.

Lumiko muna ako sa kusina bago dumiretso ng sala, para ilagay ang mga pinamili ko. Hindi ko pa man nakikita ang dalawang estranghero ay rinig ko na ang boses nila.

“Aw, thanks for being considerate.”

“Choose whichever you want.”

“I like this! I like the minty taste when I suck.”

“Ooh… You want spice.”

“Uh-huh.”

Tsk. Imbes na pagkain ang dalhin ni Night, ay nagdala pa talaga siya ng sakit ng ulo.

Base sa boses ng mga ito ay mukhang hindi sila nagmula sa paaralan namin. Mas mature kung tawagin ang boses ng mga ito.

“Hindi ba’t sinabi ko na sa labas mo gawin ang traba… ho… mo— Night, sino sila?”

Hindi pa rito nagtatapos ang sakit ng ulo na dala ni Night. Dahil hindi ko kinaya ang datingan ng pares ng mga mortal na dala niya.

Nakasuot ng napakababang damit ang babae, halos lumuwa na ang dibdib nito. Idagdag pa ang masikip niyang pambaba na kung tawagin nila ay leggings. Kulay itim ito ngunit sa sikip at nipis ay nagmukha na niya itong balat. Habang wala namang mali sa suot ng kasama niyang lalaki. T-shirt at shorts, ang problema lang ay kung saan nakapatong ang mga kamay niya.

“Mm… Is this your roommate, Night? You didn't say your roommate is a woman.” tanong ng lalaki.

Sinundan naman ito ng hiyaw ng babae nang pisilin ng lalaki ang dibdib niya. 

“Ahn! Haa… You're so naughty… Mmngh…”

Hinawakan ng babae ang pisngi ng lalaki saka sila naghalikan na para bang walang wala ako sa harap nila.

“Uhm, hindi ba’t parang ma— I mean, Night… Uh, you seem lost. I think you got the wrong place.”

Pinanlakihan ko ng mata si Night, umaasa ako na maintindihan niya na nais kong paalisin niya ang dalawang mortal sa pamamahay namin.

Subalit hindi man lang nag-aksaya ng ngiti si Night, imbes ay sinabi niya pa na, “Yeah, she's right. You've been squeezing her b**bs for a while now. Don't you think it's time to do the act and get the right place– or area?”

Napasinghap ako sa pamimilosopo ng kasama ko.

“Excuse me? I meant ‘went to… you went to the wrong place!’ Hindi ba dapat ay nasa isang hotel kayo? Hindi rito!”

“We're supposed to. But we learned about you so, we're here to see you,” ani ng babae.

“Ngayon na nakita niyo na ako, pwede na kayong umalis!” Buong lakas kong tinuro ang pintuan namin. Ang sarap nilang kaladkarin palabas, sadyang ayaw ko lang makasakit ng mortal.

Isa pa, anong gusto nila akong makita? Malamang ay palusot lang nila ito. Gumagawa lang sila ng dahilan. Akala ba nila na gusto ko silang makita na naglalampungan sa upuan ko?

Matapos ang galit na galit kong pagpapaalis sa dalawang estranghero ay wala pa rin sa kanila ang tumayo. Imbes ay si Night ang lumapit sa akin.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” anas ko. “Sa palagay ko ay hindi na lang ito tungkol sa pangangalap ng impormasyon, Night. Sinasadya mo ba ‘to para inisin ako?” 

It is for information gathering. Apparently, humans have the best control of their lust than any other creatures. I want to observe that behavior.”

“Diyos mio naman, Night! Kung ganun, bakit mo sila dinala rito? Naaamoy ko ang pheromones nila. Napakatapang!”

Mas matapang pa sa pabango ng babae. At palala nang palala ang amoy ng pheromones ng dalawang mortal na unti-unti nalululong sa sarap.

“This plac—”

“Oh! I was so focused on Patricia that I forgot to properly look at your roommate.”

Lumapit sa akin ang lalaki. Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa.

“Hey, Patricia! Isn't she your type?”

Type?

“Hm? Let me see closely. Let me see closely.”

Nagmamadaling inayos nung Patricia ang damit niyang konti na lang ay mahuhubad na saka siya lumapit din sa akin.

“You're right. She's indeed so beautiful and charismatic.” 

Tila ba sinusubukan akong akitin ng babaeng mortal gamit ang mapupungay niyang mga mata. Pero… bakit ako?

“Aah… gay ba siya?”

Natigilan ang dalawa. Mukhang hindi nila inaasahan ang tanong ko. Ako nga rin, eh. Hindi ko inaasahan na maimutawi ang nasa isipan ko. 

Kumawala ang malakas na pagtawa ng babae tapos sinabi na, “I like her. Hahaha!”

Humakbang pa ng isang beses ang babae. Masyadong kakaiba ang awrahan nito sa malapitan. hindi ako komportable, kaya napahakbang din ako ng paatras. Balak ko sanang lumayo pa pero mabilis niyang inangat ang kamay niya. 

Naku naman, oh! Ang tapang-tapang pa rin ng pheromones ng babaeng ‘to. Ayaw kong dumampi sa balat ko ang mabahong amoy niya.

Iiwas pa sana ako ulit nang mistulang kidlat na umeksena ang kamay ni Night. Sa bilis nito ay huli na nang maramdaman ko ang sakit sa dibdib ko. Para bang nahulog ako na nakatindig sa lakas ng pagkakatulak ni Night sa akin.

“Nig—”

“That's it.”

Hm? Ano naman kaya ang problema ng lalaking ito sa akin?

“I had enough.”

“A-Ano?”

“Go home.”

Go home? Saan niya ba ako balak papatulo… gin.

Sa pagkakataon na ito ay ako naman ang natigilan nang napagtanto ko na hindi ako ang kinakausap ni Night. Hindi siya sa akin nakatingin.

“Bro, what? I thought you wanted a threesome?”

“You're too noisy. I'm no longer interested.”

“Wait! Night!”

“Seriously, man? Are you having s*x alone with your roommate?”

“No. She's incapable of such things. I only want you to go home.”

“The heck!? You're a damn assh*le!”

“W-Why is he s-so strong!?”

Hindi ko na sila sinundan pa. Sunod-sunod ko na lang narinig ang kaluskos ng mga paa nila at ang walang kalaban-laban nilang mga reklamo habang sabay silang hinahatak ni Night palabas ng unit namin.

“Ha,” buntong-hininga ni Night sa pagbalik niya, “you made so much fuss that I had to make them leave.”

“A-Ano!? Kasalanan ko pa ngayon?”

“Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko. I only wanted to observe. Manonood at mag-aanalisa lang naman ako.”

Manonood at mag-aanalisa? Talaga ba? Dahil iba ata ang nakikita ko kanina. Nakakasigurado ako na sa gagawin ng dalawang mortal, sa lakas at tapang ng pheromones nila, imposible na hanggang panonood lang ang magagawa ni Night. 

“At ano naman ang panonoorin mo?” 

Bakit hindi na lang niya panoorin ang sarili niya na ninikapaglandian sa mga babaeng tao? Ba’t pa siya lalayo at maghahanap ng iba? 

Diyos, mio. Hindi ko inaasahan na may ganitong hilig pala si Night. Ang tagal na nga naming hindi nag-uusap.

“I happen to know a few things about the human male-female physical relationship. It's pretty similar to ours.” Huminto si Night bago tumitig sa mga mata ko. Ngumisi siya sabay sabi ng, “Oh. Since you drove away my fun, why don't you entertain me now?”

Papalapit nang papalapit sa akin si Night. Nakangisi siya habang tinititigan ako ng malalim. Like a wolf who's ready to devour his prey.

Hindi naman ako natinag sa kabila ng pang-iirita niya. I am still physically stronger than him. Nasa tapat ko na siya at sentimetro na lang ang layo niya sa akin. Ang sarap niya lang gantihan sa ginawa niyang panunulak sa akin kanina.

“Ano ba ‘yang pinagsasabi mo?” ani ko sabay tulak sa kanya. “Subukan mo lang at hindi ka na makakabangon pa bu…kas…”

Teka. 

“Ano? Tapusin mo ang sasabihin mo,” hamon niya.

“B-Basta! Huwag mo nang uulitin ‘yun! Nagkalat tuloy ang amoy ng kalandian sa sala natin!” sigaw ko bago nag-walk out at pumasok sa kwarto ko.

Nang nasa loob na ako ay agad kong hinubad ang matapang kong maskara. Napatitig ako sa kamay kong pinantulak ko kay Night kanina.

Oo. Tulak. Natitiyak akong nilakasan ko ang tulak ko sa kanya. I was really trying to make him fall. Pero imbes na malakas na pwersa ay nagmistulang itong sapak. 

Nanghihina ba ako? At saka, kanina. Napaatras ako sa ginawa ni Night kanina. Napakalakas ng pag-sapak niya muntik na akong matumba. 

Ang lakas naman ata ni Night? O baka ako lang itong mahina? 

Hm. Hindi rin naman ito imposible lalo na at katatapos lang ng estrus ko apat na araw na ang nakali…pas.

Pero, oo nga, apat na araw na ang lumipas… Hindi ba dapat ay nasa mabuting kondisyon na ang katawan ko?

Nakakabahala isipin.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status