Kabanata 10Napasigaw na si Glydel nang pilit siyang pinaghahalikan ng matandang lalaking kasama niyang lumabas ng bar. Silang dalawa lang naman ang nasa loob ng sasakyan nito kaya’t wala siyang kawala kung sakali mang ano ang gawin nito sa kanya. Grade 10 pa lamang siya sa paaralang pinapasukan ngunit malaking bulas na siya at inunahan na ng kanyang katawan ang kanyang totoong gulang kaya kung titingnan mo sa panlabas na kaanyuan ay isa na siyang ganap na dalaga. Ngunit hindi para sa kanya. Mistula lamang siyang isang bubot na pilit na pinitas dahil sa pangangailangan ng iba at dahil nangangailangan din siya.Kung mayroon lang sana siyang pagkakataon na ibahin ang kapalaran niya maaaring ginawa na niya.Napatulo nalang ang luha niya nang maramdaman niyang hinawakan ng matandang lalaki ang ulo niya at pwersahang inilapit ang mukha niya sa mukha nito upang mahalikan siya. Akala niya’y masisikmura niyang gawin ang ganoong bagay, lalo na’t unang gabi pa
SUMASALIPADPAD na ang isipan ni Lemuel sa kung saan-saan dahil kay Stella. Nagsisimula pa nga lang siyang manligaw rito pero tila tinatapos na ng babae ang sinisimulan pa nga lang niya. Hindi niya ito madala sa pa-bouquet kahit pa na nag-effort siyang itanong kay Gabrielle kung anong paboritong bulaklak ni Stella. Hindi rin naman yata ito mahilig sa pagkain dahil tila nainis pa ito nang padalhan niya nang napakaraming pagkain na tila may piyesta na itong dinaluhan.Dulot ng mga isiping iyon ay nawala na sa kanyang isipan ang trabahong dapat ay kanyang pinagkakaabalahan. Hanggang sa tinawag siya ni Zierelle na nagpanumbalik sa kanya sa kasalukuyan. May babae raw na magpa-file ng reklamo kaya naman ay nagmamadali na siyang nagpunta sa complaint desk. Nakayuko siya kung kaya’t hindi niya na natingnan nang mabuti ang mukha ng babaeng kaharap.“Irereklamo ko sana rito ang kasamahan ninyong pulis na pagkatapos ko siyang iligtas ay bigla niya na lang akong iniwan sa e
PINAGSUSUNTOK ni Zierelle ang pader ng kanilang headquarters nang maalala niya ang kanyang ginawang paghalik kay Gabrielle. Nahihiya siya rito baka isipin nitong sinasamantala niya ang kahinaan nito bilang babae. Ngunit tama ba ang naalala niyang tinugunan din nito ang bawat paghalik niya rito?Napailing nalang siya dahil sa mga naiisip niya. Wala dapat muna siyang panahon sa kanyang lovelife dahil kinakailangan niyang mag-focus sa trabaho lalo pa’t pinag-iinitan siya ngayon ng Major nila at Colonel. Nagsisimula na nga rin siyang maghinala na totoo talagang may balak ang mga itong pahirapan siya. Of all the policemen in their department siya lang ang tanging alam na pahirapan ng dalawang nakatataas. Bukod sa kilala siya sa kanilang departamento na hindi makapanghuli ng buhay sa kriminal, sa palagay niya ay may hindi pa siya nalalaman na sikreto ng dalawa. At iyon ang kanyang dapat malaman.Ipinagtataka niya rin kung bakit kasing-edad niya na mga police officers ang i
NAPAATRAS si Stella nang makita niya ang mainit na tagpong iyon sa pagitan ni Zierelle at ni Gabrielle. Parang pinagpira-piraso ang kanyang puso dahil sa eksenang naabutan niya.Pagkalabas na pagkalabas lamang ni Gabrielle ng faculty nila ay sinundan niya ito upang matingnan kung ano nga bang namamagitan sa dalawa. Narinig niya ang pag-uusap ng mga ito at kahit sa pag-uusap lamang ng dalawa ay nakaramdam na siya ng matinding pagseselos sa kaibigan.Naiisip niyang siya dapat ang nasa kalagayan ngayon ni Gabrielle. Siya dapat ang kausap ni Zierelle. Siya dapat ang nakakulong sa mga bisig nito at siya dapat ang hinahalikan nito.Hindi na siya makapag-isip pa ng maayos ng mga panahong iyon, kung kaya’t nasuntok niya ang pader di-kalayuan lamang sa kinalalagyan niya. Nagdilim na ang paningin niya at ang nasuntok pa pala niya ay ang fire alarm kung kaya’t biglang tumunog ito at napansin na niyang nagsilabasan na ang mga co-teachers niya sa faculty at maging ang
NANINGKIT ang mga mata ni Gabrielle habang pinapakinggan ang usapan ng kapwa guro na si Eris at ng kausap nito sa cellphone na tinawag nitong Ashtear. Hindi nito namalayan na napadaan din siya sa gawing iyon ng pasilyo at kinutuban siyang parang may kung anong maling nangyayari kung kaya’t nagkubli siya sa hindi kalayuan at sapat na ang kanyang distansya para marinig niya ang usapan ni Eris at ng babae.Napaangat ang kilay niya nang malamang Veronica pala ang totoong pangalan nito at sigurado siyang nagnakaw lamang ito ng pagkakakilanlan sa isang babaeng guro na ang pangalan ay Eris at dinoktor lamang nito ang ilang dokumento upang mapatunayan nitong ito nga ay si Eris Napabuntunghininga siya.Nakakaawa naman ang babaeng guro na nabiktima ng mapagbalat-kayong babaeng iyon. Sisiguraduhin kong matatapos na rin ang ginagawa mong panloloko sa amin..Kung kaya’t nang makita niya itong kausap si Vanessa ay kinutuban na agad siya na may maitim itong plano sa kanilang e
Tiningnan muna ni Gabrielle ang kanyang wristwatch kung mayroon pa siyang oras na maibibigay kay Eris at Brent upang makausap ang mga ito. Sakto na mayroon pa siyang trenta minutos upang magbreak kaya hindi na siya nagdalawang-isip pang ayain ang dalawa upang makapag-usap sila sa labas.Humantong sila sa isang coffee shop na nasa di-kalayuan lamang sa pinapasukang paaralan. Umorder na siya ng kape para sa kanilang tatlo at nagmamadali na siyang umupo upang mabilis silang makapag-usap.“Hindi ko na patatagalin pa ito Brent pero iba talaga ang kutob ko sa Eris na substitute teacher namin noong una ko pa lamang siyang makita. Nagkaroon kasi siya ng pagkakataon na makapasok sa paaralan namin dahil sa maling ginawa niya sayo Eris pati na rin sa ginawa ng isa sa mga kasamahan nila sa kasamahan naming MAPEH teacher na hanggang ngayon ay nawawala pa,” napabuntunghininga muna siya at humigop ng kape bago muling nagsalita.“At tama nga ang aking hinala.
"KAMUSTA ka na Julian?” masiglang tanong ni Brent sa kasamahan habang nakaupo siya sa gilid ng higaan nito.“Heto masakit pa rin,” mahahalata ang kalungkutan sa mga mata nito.“Mabuti nalang at sa balikat ka lang napuruhan ng babaeng iyon,” parang may galit sa tinig ni Brent habang sinasabi iyon.Nabuhayan ng loob si Julian nang marinig ang pagkukuwento ni Brent tungkol sa babae,“Nasaan na ang babae? Kamusta siya? Nahuli na ba siya? Sumuko na ba siya?” sunod-sunod ang tanong ni Julian kaya nakahalata naman si Brent.“Teka nga, binaril ka na nga ng babaeng iyon, bakit siya pa ngayon ang inaalala mo?”Napabuntunghininga muna si Julian bago nagkuwento. “Alam kong ayaw niya akong barilin pero wala na siyang ibang maisip na paraan. Tinangka kong maunahan siya at magawa ko ang tungkulin ko bilang alagad ng batas ngunit hindi ko agad nagawa dahil puso ang pinairal ko,”“Julian, kaila
"BITIWAN mo ako,” halos may bumara sa lalamunan ni Gabrielle pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. Hawak pa rin ni Zierelle ang kanyang braso upang pigilan siya sa tangkang pag-alis pero nilakasan niya ang kanyang loob at iwinaksi ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. Ginusto niyang harapin ito at kausapin ngunit ayaw niyang gawin dahil nakatingin sa kanila si Stella.Dire-diretso na siyang lumayo sa mga ito at nagpunta sa mesang nasa di-kalayuan. Kung tutuusin, hindi naman ito masyadong malayo dahil kitang-kita niya pa rin ang mga ito at ganoon din ang mga ito sa kanya. Nakaharap pa nga siya sa mesa ng mga ito kaya’t kitang-kita niya kung anong ginagawa ng mga ito.Nakita nga pa niyang sabay na tumawa ang dalawa. Kung kaya’t napasimangot siya at inis na tinawag ang waiter at nag order ng anim na bote ng beer pati isang pinggang manok bilang pulutan.Nakakaasar naman ang lalaking ito. Pipigil-pigilan pa niya ako kanin