NAPAATRAS si Stella nang makita niya ang mainit na tagpong iyon sa pagitan ni Zierelle at ni Gabrielle. Parang pinagpira-piraso ang kanyang puso dahil sa eksenang naabutan niya.
Pagkalabas na pagkalabas lamang ni Gabrielle ng faculty nila ay sinundan niya ito upang matingnan kung ano nga bang namamagitan sa dalawa. Narinig niya ang pag-uusap ng mga ito at kahit sa pag-uusap lamang ng dalawa ay nakaramdam na siya ng matinding pagseselos sa kaibigan.Naiisip niyang siya dapat ang nasa kalagayan ngayon ni Gabrielle. Siya dapat ang kausap ni Zierelle. Siya dapat ang nakakulong sa mga bisig nito at siya dapat ang hinahalikan nito.Hindi na siya makapag-isip pa ng maayos ng mga panahong iyon, kung kaya’t nasuntok niya ang pader di-kalayuan lamang sa kinalalagyan niya. Nagdilim na ang paningin niya at ang nasuntok pa pala niya ay ang fire alarm kung kaya’t biglang tumunog ito at napansin na niyang nagsilabasan na ang mga co-teachers niya sa faculty at maging angNANINGKIT ang mga mata ni Gabrielle habang pinapakinggan ang usapan ng kapwa guro na si Eris at ng kausap nito sa cellphone na tinawag nitong Ashtear. Hindi nito namalayan na napadaan din siya sa gawing iyon ng pasilyo at kinutuban siyang parang may kung anong maling nangyayari kung kaya’t nagkubli siya sa hindi kalayuan at sapat na ang kanyang distansya para marinig niya ang usapan ni Eris at ng babae.Napaangat ang kilay niya nang malamang Veronica pala ang totoong pangalan nito at sigurado siyang nagnakaw lamang ito ng pagkakakilanlan sa isang babaeng guro na ang pangalan ay Eris at dinoktor lamang nito ang ilang dokumento upang mapatunayan nitong ito nga ay si Eris Napabuntunghininga siya.Nakakaawa naman ang babaeng guro na nabiktima ng mapagbalat-kayong babaeng iyon. Sisiguraduhin kong matatapos na rin ang ginagawa mong panloloko sa amin..Kung kaya’t nang makita niya itong kausap si Vanessa ay kinutuban na agad siya na may maitim itong plano sa kanilang e
Tiningnan muna ni Gabrielle ang kanyang wristwatch kung mayroon pa siyang oras na maibibigay kay Eris at Brent upang makausap ang mga ito. Sakto na mayroon pa siyang trenta minutos upang magbreak kaya hindi na siya nagdalawang-isip pang ayain ang dalawa upang makapag-usap sila sa labas.Humantong sila sa isang coffee shop na nasa di-kalayuan lamang sa pinapasukang paaralan. Umorder na siya ng kape para sa kanilang tatlo at nagmamadali na siyang umupo upang mabilis silang makapag-usap.“Hindi ko na patatagalin pa ito Brent pero iba talaga ang kutob ko sa Eris na substitute teacher namin noong una ko pa lamang siyang makita. Nagkaroon kasi siya ng pagkakataon na makapasok sa paaralan namin dahil sa maling ginawa niya sayo Eris pati na rin sa ginawa ng isa sa mga kasamahan nila sa kasamahan naming MAPEH teacher na hanggang ngayon ay nawawala pa,” napabuntunghininga muna siya at humigop ng kape bago muling nagsalita.“At tama nga ang aking hinala.
"KAMUSTA ka na Julian?” masiglang tanong ni Brent sa kasamahan habang nakaupo siya sa gilid ng higaan nito.“Heto masakit pa rin,” mahahalata ang kalungkutan sa mga mata nito.“Mabuti nalang at sa balikat ka lang napuruhan ng babaeng iyon,” parang may galit sa tinig ni Brent habang sinasabi iyon.Nabuhayan ng loob si Julian nang marinig ang pagkukuwento ni Brent tungkol sa babae,“Nasaan na ang babae? Kamusta siya? Nahuli na ba siya? Sumuko na ba siya?” sunod-sunod ang tanong ni Julian kaya nakahalata naman si Brent.“Teka nga, binaril ka na nga ng babaeng iyon, bakit siya pa ngayon ang inaalala mo?”Napabuntunghininga muna si Julian bago nagkuwento. “Alam kong ayaw niya akong barilin pero wala na siyang ibang maisip na paraan. Tinangka kong maunahan siya at magawa ko ang tungkulin ko bilang alagad ng batas ngunit hindi ko agad nagawa dahil puso ang pinairal ko,”“Julian, kaila
"BITIWAN mo ako,” halos may bumara sa lalamunan ni Gabrielle pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon. Hawak pa rin ni Zierelle ang kanyang braso upang pigilan siya sa tangkang pag-alis pero nilakasan niya ang kanyang loob at iwinaksi ang kamay nitong nakahawak sa braso niya. Ginusto niyang harapin ito at kausapin ngunit ayaw niyang gawin dahil nakatingin sa kanila si Stella.Dire-diretso na siyang lumayo sa mga ito at nagpunta sa mesang nasa di-kalayuan. Kung tutuusin, hindi naman ito masyadong malayo dahil kitang-kita niya pa rin ang mga ito at ganoon din ang mga ito sa kanya. Nakaharap pa nga siya sa mesa ng mga ito kaya’t kitang-kita niya kung anong ginagawa ng mga ito.Nakita nga pa niyang sabay na tumawa ang dalawa. Kung kaya’t napasimangot siya at inis na tinawag ang waiter at nag order ng anim na bote ng beer pati isang pinggang manok bilang pulutan.Nakakaasar naman ang lalaking ito. Pipigil-pigilan pa niya ako kanin
AAHHHHHHHHHHHHHHH!!!” ang malakas na sigaw na iyon ni Gabrielle ang nagpagising sa natutulog na si Zierelle sa sofa.Marahil nagulat si Gabrielle pagkagising dahil ibang damit na ang suot nito at hindi na ang damit na suot nito noong nagdaang gabi. Kaya’t dali-dali saying nagtungo sa kama kung saan nakahiga ang babae. Nakatalukbong na ito ngayon ng kumot at tila nahihiya sa kanya. Dapat nga siya ang mahiya dahil nasa pamamahay siya ni gabrielle ngunit nabaliktad ang pangyayari.“Gab, show yourself,” kalmado niyang wika habang pilit na hinihila ang kumot na pinagtataguan nito.“N-nahihiya ako,” she stammered.“Why? Narito nga ako ngayon sa bahay mo, hindi ba dapat ay ako ang mahiya sayo?” pangungumbinsi niya pa rito.“Tell me, ikaw ba ang nagbihis sa akin? A-ano bang nangyari kagabi?”Napangiti siya. “Siyempre hindi ako ang nagbihis sayo kundi ang landlady mo. Binastos ka ng isang lalaki s
"CHIEF, itutuloy mo pa ba ang date ninyo ngayon ni Stella?” tanong ni Lemuel kay Zierelle.“Kailangan kong ituloy, Lemuel dahil pumayag na kasi ako, ayaw ko namang isipin niyang wala akong isang salita,” napabuntunghininga pa si Zierelle habang sinasabi iyon.“Puwede naman, Chief. Tapos magkunwari kang tumawag si Major at pinapapunta ka sa opisina tapos ako nalang ang papalit sa puwesto mo para maka-date ko naman si Stella,”“Tama ka, Lemuel! Ang galing mo talaga!” napapalakpak pa si Zierelle na parang nanalo sa lotto sa naisip ng kanyang kaibigan.Magsasalita pa sana si Lemuel pero biglang sumigaw si Brent at Julian. Abala na ang dalawa sa paghahanda upang umalis na sila at pupunta sa crime scene.“Chief! May natanggap kaming tawag ngayon lang. May nakitang patay malapit sa ilog! Kainakailangan na nating puntahan!” wika ni Brent.Iyon lang ang tanging nais marinig ng dalawa upang mabilis na rin sila
"BESHY! Kamusta ang date ninyo ni Mr. Police Officer?” masiglang tanong ni Gabrielle sa kaibigan nang makasalubong niya ito sa hallway. Nagulat pa siya nang humarap ang kaibigan sa kanya dahil hindi niya maipaliwanag ang emosyon sa mukha nito. Galit naman ang nababanaag niya sa mga mata nito.“Puwede ba, huwag kang magkunwaring masaya ka para sa akin. Hindi na uso ngayon ang plastic,” galit na wika ng babae at itinulak pa siya.“A-anong ibig mong sabihin, Stella?” naitanong niya pa rin dito kahit na hindi na niya alam kung ano ang dapat na isagot sa kaibigan.“Naalala mon ang sabihin ko sayong gusto ko si Zierelle? Bukal ba talaga sa kalooban mon a iparaya siya sa akin?”“Gusto mo bang malaman kung ano talaga ang kasagutan sa katanungan mo?”Tumango si Stella at nakita pa niyang naikuyom nito ang kamao dahil sa tindi ng galit na nararamdaman.“Stella, bestfriend kita, kaya kahit na masaktan ako
HUMANTONG si Gabrielle sa sementeryo kung saan palagi siyang pumupunta doon upang maglabas ng hinanaing sa kanyang ina. Dulot na ring ng wala naman siyang kahit na isang tao na mapagsasabihan.Pinalis niya muna ang mga luhang nagsisimula nang pumatak sa kanyang pisngi. “Nay, bakit po ganoon? Ako na nga palagi ang nagpaparaya at nasasaktan pero sa huli ako pa rin po ang naging masama at ang palaging iniiwan,” napabuntunghininga siya. Sobrang sikip na ng dibdib niya dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman niya.She felt betrayed and worthless. Iniiwan nalang siya palagi ng mga taong pinapahalagahan niya. Isa na roon si Stella na parang basahan nalang kung itapon ang kanilang ilang taon ding samahan bilang magkaibigan.Kahit na hindi niya ito pinapili ay malinaw na malinaw sa kanya na si Zierelle ang pinipili nito. Kahit na nasasaktan siya ay lihim niya nalang na idinadalangin na sana’y piliin din ni Zierelle si Stella upang mapatunayan din nito sa sari