"Dad, I saw my mom, s-she's my new teacher," Bungad ni Issel sa 'min ni Sabrina pagkarating namin sa school, I actually refused our today's lunch with her because I'm quite busy. Pero hinding hindi ko ata kayang ipagpalit sa trabaho ko ang bagay na 'to.
"Yes, I know." Sagot ko at inilapag ang tray ng pagkain namin.
"Really? Dad, I already have a plan!" Matipid akong ngumiti.
"Me too,"
"Hoy teka-paano ako? Extra lang?" Sabat ni Sabrina.
"Of course you have a role," Sabay naming sambit ni Issel sa kaniya.
--
"Daddy, wake up!" Naalimpungatan ako sa marahas na pagyugyog ni Issel sa 'kin. Napahilamos ako sa mukha ko at marahang napabangon. Ang sakit ng ulo ko, may hangover pa kasi ako, pagkatapos ay biglaan niya naman akong ginising.
Masayang mabuhay. Lalo na kapag kasama mo na ang mga taong mahal mo at mahalagang-mahalaga para sa 'yo. Masayang mabuhay, kapag nalampasan mo na ang lahat ng mga pagsubok na dapat mong malampasan upang makamit lang ang tagumpay at totoong kasiyahan na dapat mong matamasa. At masayang mabuhay, kapag sa kabila ng lahat ng paghihirap na narasanan mo, ninyo ng taong mahal mo na halos naging dahilan na ng paghihiwalay ninyong dalawa at pagsuko, ay... Nagawa n'yong matagumpay na malagpasan kasi... Sobrang worth it ng magiging pagtatapos ninyong dalawa. Anim na taon na ang nakararaan matapos kong maipanganak ang ikalawa naming anak na si Rage. Matapos maging tatlo ni Rage ay siya naman naming nasundan ang dalawa naming anak ni Reigan ng ikatlo at ikaapat pa na si Radleigh at Raven. Ang aming tahanan na
"Manong, saglit. Paki-stop ang car," Utos ko sa driver ko. Agad niya namang itinigil ang sasakyan namin sa harap ng isang under construction na mall. Pinababa ko ang wind shield ng sasakyan at ang shades ko upang mapasadahan ng maayos ang site. Napangisi ako. I'm so excited, nagsasawa na kasi ako sa Mall sa 'min, that's why nae-excite na talaga akong mabuo ang Mall na 'yan para may bago naman. Ang laki ng building, siguro mga ilang taon pa bago ito matapos. Pero anyways, I can wait. Dumako ang tingin ko sa mga construction workers na nagtatrabaho, yay! They looks so unpleasant in my eyes. Hindi ko alam kung kinalakhan ko lang ba talaga ang mali, o nawi-weirduhan talaga ako sa kanila. "Manong, paandarin mo na nga." Utos kong muli kay manong nang maumay na 'ko sa tingin sa kanila. Mabilis ko nang pinataas windshield at muling isi
Nasubukan ko nang ipagtanggol ang sarili ko sa matandang 'to, pero siyempre mas pinanigan niya ang walang kwenta niyang apo. Napairap nalang ako sa hangin.Tinanong niya pa 'yung dalawang t*ngang alipores ni Alicia kung totoo 'yon, at todo tango naman ang mga walang-hiya, at sinabi pang tinadyakan ko sila. Matindi 'di ba?Eh, sila nga ang nanadyak sa 'kin. Baka kapag tinadyakan ko sila, eh, dumiretso na sila sa Pluto.Ang sasakit nila sa bangs.At dahil nga ro'n, maghe-hello na naman ako sa walis, mop, at sa CR. So? Sanay na rin naman ako.Mas dito pa nga ata ako natutong gumawa ng mga ganitong klase ng gawain kaysa sa bahay namin."Miss Amor, about your grades, I need to talk to your parents!" Malditang sabi ni Dean matapos ipahayag ang nakakatamad kong punishment.Dinukot ko ang cellphone ko sa Gucci
Hindi ko na namalayang naparami na pala ang inom ko. Gano'n naman lagi, pero kasi ngayon, dapat medyo kinontrol ko dahil lalandiin ko nga pala si Steven. Hindi ko na alam kung nasaan na sina Camila at Lavien, bahala na sila sa buhay nila. Saktong naubos ko ang panghuling shot ko ng alak nang mag-iba ang tugtog at mas dumami ang tao sa dancefloor. Unang hinanap ng mga mata ko ang table nina Steven, napangisi ako dahil wala na sila ro'n, pati na rin ang table ng Sky Spade. Nagsisigawan ang mga tao sa saya at nagtatalon. Ibinaba ko ang hawak na shot glass at masayang tumakbo sa dance floor. Nakisayaw ako, hindi naman ako nakakahiyang sumayaw, malambot din ang katawan ko at lagi naman akong sumasayaw dito. Nakangiti ako at humaharap sa mga lasing na lalaki habang kumekembot, kapag nahawakan na nila ang bewang ko at ihahapit sa kanila ay mabilis akong umaatras, alam ko ang mg
Mas nanlaki ang mga mata ko at napasinghap nang makita ang nagkalat kong dress, undergarment ko, at-at boxers ng lalaki! Hindi ko alam kung lilingon ba ako. Nangangatog ang mga tuhod kong bumaba ang tingin sa pang-ibaba ko, natatakpan ito ng kumot ngunit alam kong hubad ito at nararamdaman ko rin ang kaunting kirot dito, at... Ang mabigat na binti ng lalaki na nakapatong dito. Napapikit ako nang mariin, sh*t talaga! Anong ginawa ko?! Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi. Napasapo ako sa aking noo nang maalala ko na ang lahat. T*ngina-'Yung paghahanap ko kay Steven ay nauwi sa gan'to! Pero sino ba 'tong lalaking 'to?! Siya dapat ang sisihin ko rito dahil baka sinamantala niya kagabi ang sobrang pagkalasing ko! "Hmm..." Mahina niyang ungol at tinanggal ang pagkakadantay ng binti sa akin
"Anong ginagawa n'yo dito?" Bungad ko kina mommy at daddy nang makapasok sa mansion at mabungaran sila. Didiretso na sana ako paakyat kanina pero agad ko silang nabungaran sa sala na nagtsa-tsaa. Masama akong tinignan ni mommy at pinasadahan ng mapanghusgang tingin mula ulo hanggang paa. Si daddy naman ay tumikhim lamang at umiling, habang patingin-tingin sa 'kin. "Is that how you politely greet your parents?" Sarkastikong tanong sa 'kin ni mommy habang nakataas ang isang kilay. Pagak naman akong natawa at napapalakpak pa sa sinabi niya. "Parents ko ba kayo?" Sumama ang timpla ng mukha ni daddy at naibagsak ang baso niya bago napatayo. Totoo naman, biologicial parents ko lang sila pero hindi naman sila kailanman tumayo bilang magulang ko. "Alwyna!" Sigaw nito ngunit hindi manlang ako
Ang tanging mahalaga nalang ngayon ay dapat ko na 'yong kalimutan. At umaktong parang walang nangyari, para sa ikatatahimik ko at ni Reigan the weirdo. Oo nga pala, nasa'n na kaya si Steven? Bigla ko siyang namiss... Bakit 'di nalang kasi siya? Naku naman! 1 month later. . . Nagising ako nang pakiramdam ko ay parang may umiikot na kung ano sa sikmura ko. Agad akong napadilat at napatakbo sa CR saka napasuka.Nakahawak ako sa tiyan ko habang sumusuka ng parang tubig lang. Nang maramdamang tapos na ay naghilamos at nagmumog na ako. Nanghihina akong napabalik sa kama at napaupo. Bakit naman ako nagsuka? Sa pagkakaalam ko ay sushi lang naman ang kinain ko kahapon. Tanging sushi lang, dahil one meal a day na kasi ako kasi parang tumataba na ako. Hindi pupwedeng mangyar
"No, I'm not pregnant." Pangungumbinsi ko sa sarili ko. Mabilis na 'kong umalis sa lugar na 'yon kanina at kasalukuyan ako ngayong nasa isang coffee shop naman. Ayoko pa kasing pumasok, sobrang aga pa. Saglit akong napatingin sa tiyan ko at biglang napailing. No, hindi nga ako buntis. At hindi rin ako pwedeng mabuntis, bw*sit naman kasi ang Reigan na 'yon.Bakit hindi ko manlang natanong kung gumamit siya ng proteksyon bago namin ginawa 'yon? Hay, ang sakit sa ulo!Hindi talaga ako pwedeng mabuntis, swear. Sirang sira na nga 'ko, pihadong madudurog na 'ko kapag totoo ngang buntis ako. For f*ck's sake, I'm just 19 years old, and I am too young for this! I never planned this, at kailanman ay hindi sumagi sa isip ko na maging ganito. And this is also why