Share

Chapter 1

Amanda

INIRAPAN KO TARINIO na halos puti nalang ang matira sa mata ko sa sobrang inis. Anino niya palang sagad hanggang buto na ang inis ko sa kanya. Napakayabang at parang pag-aari ang lahat. Walang talab sa'kin ang gwapo niyang mukha dahil bagsak siya sa ethics.

Pinagbuti ko ang pagsayaw. Dinig ko ay magpipinsan sila. Hindi na ako nagtaka kung walang tulak kabigin sa hitsura nilang lahat, para silang mga adones na iniluwa ng salitang perfection. Si Tarinio lang ang sablay.

Hinawakan ko ang leeg ng birthday celebrant na ang pagkakarinig ko ay Anaxy ang pangalan. Sa unang tingin para itong lalaking hindi makabasag pinggan, gentle ang feature niya hindi tulad ng ibang mga nandito na nagsisigawan at halatang malilibot. I know, halos lahat sa mga lalaki m*****g.

Hinawakan ni Anaxy ang balikat ko, wala siyang reaksyon sa napakabongga kong sayaw. Inilapit ang dibdib ko sa mukha niya, akmang huhubarin ko na ang sosyal na robe na pinagamit sa'min ng manager namin pero pinigilan niya ako.

"Pasensya na sa trip ng mga pinsan ko, ayos lang pwede na kayong tumigil sa pagsayaw," sabi nito. Napangiwi ako. Sayang ang pagpapractice ko ng poll dancing ng halos dalawang araw para sa raket na 'to.

"Trabaho lang," sabi ko.

"Babayaran ko kayo kung magkano ang pinag-usapan niyo."

"Ayos lang, kailangan niyo rin masulit ang bayad niyo," sabi ko pa. Gusto kong paghirapan ang perang ibibigay sa'kin, isa pa ito ang trabahong dapat gawin ko para sa raket na 'to.

Tuluyan kong hinubad ang robe at wala na siyang nagawa. Kumandong ako sa kanya pero hindi pa man umaabot ng minuto ang pagkakakandong ko ay lumutang ako sa ere. May biglang bumuhat sa'kin.

"Sinabi na niyang babayaran niya ang halaga ng napag-usapan hindi mo na kailangang sumayaw." Si Tarinio. Umusok ang ilong ko sa inis. Napakapakialamero talaga nitong baluga na 'to.

"Bitawan mo ako, kailangan kong magtrabaho," madiin kong bulong. Ayokong sumigaw dahil baka magkaeskandalo.

"Matinik talaga ang taste mo, Tari," kantyaw ng isang lalaki.

"She's yours," dagdag ni Anaxy.

"Gusto palang masolo." Nagtawanan sila at ang ilan ay sumipol pa.

Kinurot ko ang dibdib niya. Napuno ng kantyaw ang room at ang mga kasama ko natigil na rin sa pagsayaw. "Bibitawan mo ako o pipisilin ko 'yang bayag mo?" banta ko.

"Subukan mo at itatapon kita sa binata."

Pumasok siya sa isang kwarto at pabagsak akong binaba sa kama. Inis kong inayos ang buhok kong tumabing sa mukha ko. "Namumuro ka na, ano bang problema mo? Bakit nang-aabala ka sa trabaho ng iba?" Pabalang kong hinubad ang heels ko at isa isang ibinato sa kanya.

"Gusto mong sumayaw, ha?" Seryoso ang mukha niya pero hindi ako takot. Kahit magboxing pa kami hindi ko siya aatrasan.

Inirapan ko lang siya. Kumuha siya ng steel chair na nasa gilid ng kama, inilagay 'yon sa harap ko at doon siya umupo. "Sige, sumayaw ka."

"Hindi ikaw ang celebrant," asik ko. Akmang bababa na ako sa kama pero tinulak niya ako.

"Wag mong sagarin ang pasensya ko."

Ikiniling niya ang ulo upang tignan ang mukha ko. "Hindi mo rin gugustuhin kapag ikaw ang sinagad ko."

Imbes na kiligin sa patutsada niya nagkunwari akong nasusuka. "Eww."

Humalukipkip siya at tumaas ang sulok ng labi. "Sumayaw ka na. Papanoorin kita, tutal gusto mong gampanan ang trabaho mo."

"Sumasayaw lang ako kung may bayad," diretsang sagot ko. Wala akong pakialam kung maging iba ang dating ng sinabi ko. Parang tunog bayarang babae pero alam kong hindi ako gan'on, ngayon ko lang pinatos ang raket na 'to para sa pagpapaayos ng apartment namin.

"Name your price," sagot niya.

"Napakayabang, bente pesos nga wala ka." Humalukipkip ako. Nakita ko ang pagsunod ng tingin niya sa dibdib ko. Dahil wala na ang robe halos kalahati ng dibdib ko ay nakaluwa dahil sa style ng bra na halos nipple nalang ang natatakpan. Bastos din talaga.

Tumikhim siya bago ibinalik ang tingin sa'kin. "Yes, I don't have cash. But I can use my cards."

Inilabas niya ang wallet niya. Inilabas ang apat na iba't ibang kulay ng credit cards. Nagningning ang mga mata ko. Gipit na gipit ako ngayon ang pera ang kailangan ko. Alam kong mayaman ang pamilya Castillion, kilala ang angkan nila at nakilala ko na rin si Seventh Castillion.

Kahit ang pad na 'to ay nabibilang sa high end. Milyones ang halaga pero ginawa lang nilang party house.

"Magkano?" tinaasan ko siya ng kilay.

"I told you, you can name your prize."

"Five thousand ang presyo ng raket ko ngayon hindi pa kasali ang tip." Pero ang totoo ay three thousand lang, gusto ko lang siyang abusuhin tutal nagyayabang naman siya sa kayamanan niya.

"I'll make it fifty thousand."

Nanlaki ang mga mata ko. Tinitigan ko siya para siguraduhin kong seryoso siya, pero ang baluga sa dibdib ko nakatingin. "Oy, alam ko na ang style na 'yon. Hanggang sayaw lang ang serbisyo ko. No touch. No sex."

Sumandal siya sa upuan at pinagcross ang mga paa. "Hindi kita type. Wala akong balak hawakan ka at makipagsex sa'yo."

"Sinungaling! Dibdib ko pa nga lang para ka ng asong naglalaway e. Paano pa kaya kung isubsob kita dito di tumirik mata mo." Pabalang akong tumayo. "Fifth thousand, ha. Wala ng bawian."

"You have my words."

Tumango ako. "Nasaan cellphone mo? Magpatugtog ko. Napakaawkward naman kung sasayaw akong walang music."

"Naiwan sa couch ang cellphone ko."

"Paano ako makakasayaw?"

Nagkibit balikat siya. "Just moan while you are dancing."

Kinuha ko ang unan at ibinalot sa kanya. "Gago."

"Just choose between fifty thousand or dancing while moaning?" Seryosong seryoso ang mukha niya. Inirapan ko siya pero pansin ko pa rin ang pagpitik ng kaba sa puso ko. Bakit naman kasi biglang sumeryoso.

"Adik ka ba?" Hindi siya umimik. Madali lang naman ang umungol at malaking bagay na rin ang fifty thousand. Napakamahal naman pala talaga ng halaga ng ungol ko. "Fine," pagpayag ko.

Nagsimula akong haplusin ang leeg ko pababa sa hita. Iginalaw ko rin ang balakang ko. Tumingala ako sa ceiling at nagsimulang magkawala ng mga halinghing. Hindi ko alam kung bakit imbes na makaramdam ng awkwardness tulad ng akala ko, naramdam ko ang simulang pag-init ng bagay na nasa pagitan ng mga legs ko.

Pumikit ako. Ano ba 'tong napasukan ko?

Nagpatuloy ako sa dahan dahang pagsayaw. Tumingin ako sa kanya at nasa akin rin ang seryoso niyang tingin. Hindi ako umiwas. Sumayaw ako habang magkahinang ang mga tingin namin. Mas lalo akong nakaramdam ng init. Ang ungol na likha ko ay may kakaibang hatid sa'kin dahil iyon lamang ang maririnig sa buong silid. Napakatahimik niya.

Umupo ako sa kama at iniunat ang mga hita ko. Pinaikot ko ang ulo ko at muling umungol. Napatili nang bigla niyang hilahin ang hita ko hanggang sa bumagsak ako sa kandungan niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang pagkabigla. Hindi ko rin napigilan ang malakas na tambol ng dibdib ko.

Bago pa man ako makaangal dumapo na ang labi niya sa labi ko at mariin akong hinalikan. Hinila niya ang buhok ko upang mas mapatingala sa kanya at masakop ang buo kung labi. Mariing nakapisil ang dalawa niyang kamay sa magkabila kong hita. Nakabukaka akong nakakandong sa kanya. Ramdam na ramdam ko kung gaano katigas ang inuupuan ko.

Madiin ko siyang kinurot sa tagiliran dahilan para mapahiwalay siya. "Napakaduga mong baluga ka. Sabi ko sayaw lang," asik ko. Mabilis akong umalis sa kandungan niya. Hinablot ko ang wallet niya at kinuha ang isang card. "Ibabalik ko sa'yo 'to kapag nakuha ko na ang bayad, gagawin kong one hundred thousand dahil sa paghalik mo sa'kin at pagpisil sa magkabila kong hita." Itinatong ko ang detials n'on para sa pagwithdraw na agad niya namang ibinigay.

Tuloy tuloy akong lumabas naglakad palabas. Nagkakasiyahan ang mga tao sa sala kaya hindi nila namalayan ang pagdaan ko. Hindi ko na rin kailangang magpaalam sa mga kasama ko dahil hindi ko naman sila mga kilala. Nagtungo ako sa room kung nasaan ang mga gamit namin.

Nang makuha ko ang mga gamit ko agad akong bumaba. Sinalubong ako ng bodyguard ko sa labas ng building at kinuha ang cheap bag na bitbit ko. Nakaparada sa harap ang black Bugatti La Voiture Noire na dala ko papunta rito.

Kinuha ko ang wipe at sanitary alcohol sa Bulgari Bvlgari Small Tote bag na nilagay ko sa gitnang parte ng passenger's seat at driver's seat. Agad kong pinunasan ang labi ko upang alisin ang bakas ng halik ni Tarinio. Itinaktak ko rin sa kamay ko ang alcohol at inilagay sa mga hita kong hinawakan niya.

Pumasok si Benj sa driver's seat. Ronz Benjamin Mattini is my most trusted personal assistant and my best friend. We are together since when I was seven.

"Kumusta ang lakad mo?" he asked.

I just shrugged. "Sa tingin ko hindi niya pa hawak ang kaso. There's nothing wrong with his moves, aside..."

"Aside?" he curiously asked.

Hindi ko itinuloy ang sinasabi ko. Inabot ko sa kanya ang credit card ni Tarinio. "Here. Withdraw one hundred thousand in his account."

"Aanhin mo ang one hundred thousand? Pangkape mo lang 'yon e," pang-aasar niya.

Inirapan ko siya. "I love coffee."

"Seryoso ko bang babawasan mo 'to?"

"Why not? Sometimes you need to make your enemy beneficial."

"As you say so." Nagdrive na siya palayo.

Dahil sa bilis niyang magmaneho agad kaming nakarating sa bahay. Sinalubong ako ng mga katulong at kinuha ang bag ko. Naabutan ko si Daddy sa sala. Malalaki ang hakbang na tumayo ako sa kanyang harapan. Agad siyang tumayo ng makita ako.

"Dad---" naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong sampalin. Mariin kong naikuyom ang kamao ko upang damhin ang hapdi ng pagputok ng labi ko.

Tumingin ako ng diretso sa kanyang mga mata. Galit na galit siya. Palagi naman siyang galit. "What do you think you are doing, Amanda? Bakit kumikilos ko ng walang order mula sa'kin?"

Hindi ako kumurap. "Isa sa mga tao na'tin sa labas ay nagtip sa'kin na ipapasa ang kaso sa pagbabantay ng mga transactions na'tin kay Tarinio Castillion. Muli nilang bubuksan ang mga kaso noon. Nagpasya akong bisitahin kong may ginagawa na siyang hakbang."

Dahan dahang humupa ang galit niyang mukha dahil sa mga sinabi ko. "At?"

"Sa ngayon wala pa, mukhang hindi pa niya natatanggap ang order. Kung sakali man plano kong dumikit sa kanya para mas maging advance sa magiging mga kilos niya."

"Good job," pagmamalaki niya. "Kung kailangan pati katawan mo gamitin mo para mapalapit sa kanya at pigilan siya sa mga gagawin niyang hakbang gawin mo." Ginulo niya ang buhok ko.

"Ako na ang bahala," sagot ko. Yumuko ako bago siya iwan. Taas noo akong nagtungo sa elevator, pinindot ng maid ang third floor. Nang sumara ang pinto n'on syaka ko lang pinunasan ang dugo sa gilid ng labi ko.

Napatiim bagang ako dahil sa kirot n'on. Parang namanhid ang buong mukha ko sa lakas ng pagkakasampal niya sa'kin. Nang makarating sa kwarto tumuloy ako sa opisina ko at tinapos ang mga trabahong dapat kong gawin.

Abala ako sa harap ng laptop ko nang tumunog ang cellphone ko. Si Benj. "Why?" sagot ko.

"Ayos ka lang?"

"I'm fine, don't worry."

Narinig ko ang malalim niyang pagbuga ng hangin. "Tapos na ang transactions ngayong gabi. Successful na naclose ni Saferino ang worth ten million deal ng mga armas patungong Russia."

"Good. Titignan ko kung pumasok na sa account." Binaba ko ang tawag. Isinara ko ang tab ng binabasa kong dokumento at nagtungo sa bank application ng Trei Empire. May sariling bangko ang business namin mula legal to illegal. Upang walang maging aberya sa lahat ng mga transactions.

Dumating na nga ang ten million. Isinara ko ang laptop at bumaba upang ibalita kay daddy ang successful transaction. Nandoon pa rin siya sa sala. Matapos kong ipaalam sa kanya akmang aalis na ako pabalik sa kwarto ko nang magsalita siya.

"Ako na ang bahala sa mga susunod na transactions, ang dapat mo nalang gawin ngayon ay ang pagbabantay sa mga galaw ni Agent Tarinio."

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko inaasahan 'to. "Pero---"

"Saferino and Benj is enough to handle the transactions. Mawawalan ng saysay lahat ng pinaghirapan na'tin kung magtatagumpay ang agent na 'yon. Doon ka dapat magfocus."

Hindi na ako tumutol pa. "Consider it done." Nang makatalikod ako nanlisika ang mga mata ko sa inis.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status