Umiiwas dahil sa pait na kanyang nararamdaman dahil sa sitwasyon na nakikita nito sa kanyang ama.
Ito rin ba ang nararamdaman ng kanyang ama kung bakit siya nito iniiwasan noon?
Hindi.
Magkaibang-magkaiba sila ng sitwasyon.
Kalaban ni Gabriel ang sundong kamatayan ng kanyang ama.
At sa tingin ngayon ng binata, matagal na siyang nagsisinungaling sa kanyang sarili. Umaasa na balang araw may magandang balitang darating sa kanya. Iyon ay ang magkamalay ang kanyang ama.
Sa sitwasyon nito may kung ano sa kanya na pilit niya pinipigilan na hindi tangapin na hindi na nga ito magkakamalay pa.
Natatakot siya. Takot na hindi niya maintindihan kung para saan.
Sa buong buhay nito parang ilang oras lang sila nagkasama. Minsan lang mag-usap at minsan lang maging magulang sa kanya.
Kaya naman hindi masisi si Gabriel kung bakit kunting magagandang alaala lang ang pinanghahawakan niya.
Saka kung noon hindi niya maunawaan ang sinasabi ng kanyang ama, ngayon ay alam na niya dahil sa naranasan niya kung paano nga palakarin ang kompanya. Naging malinaw sa kanya ang lahat, lalo na ang mga salitang binitiwan nito noon habang namimingwit silang dalawa.
Napakahirap nga.
Ngunit kinaya niya.
Kahit wala ang kanyang ama napatunayan niya na mayroon siyang maibubuga sa pagpapatakbo ng kompanya. Naging mas maunlad nga ito, ngunit naging kapalit naman ang oras niya na dapat inilaan niya sa ginagawa ng mga normal na binata sa gulang niyang iyon.
Naiyukom ni Gabriel ang kanyang kamao.
Napapikit…
Hindi niya namamalayan na basang-basa na ng luha ang kanyang pisngi. Sapagkat hindi malakas ang loob niya dahil may nakaligtaan siyang isa pa nitong habilin.
Yun ang kinakatakot niya.
Yun ang dahilan kung bakit umaasa siya na balang araw magigising pa ang kanyang ama.
Dinig na dinig pa niya na tumawa ang kanyang ama ng sabihin nito na kailangan niya mag-asawa kahit anong mangyari. Pero sa kalagayan niya ngayon paano niya gagawin yun kung nagiging irritable siya sa mga babaing nakikilala niya?
Inaamin niya na wala nga siyang maihaharap na babaeng masasabi na makakasama niya habang buhay. At yun ang dahilan ni Gabriel kung bakit tumagal ng husto ang kanyang ama na nakaratay sa hospital. Yun ang dahilan kung bakit wala siyang lakas upang pirmahan ang documento na pilit niyang iniiwasan.
“Mahal na mahal ko ang iyong ina kaya hindi ko magawang mag-asawa pa muli.”
Nararamdaman ba niya ang pagka-irita sa ilang babaing nakilala niya ay dahil natural sa kanila na iisa lang ang mamahalin na babae?
“Dad siguro hindi ko pa nakikilala ang babaing para sa akin… Ngunit masyado kitang pinapahirapan para hintayin lang na dumating ang araw na yun. Patawarin mo sana ako.”
Ang mahina niyang sinabi.
“Ngunit alam natin na darating ang panahon na makikilala ko siya. At gaya ng sinabi niyo, kahit anong mangyari kailangan ko yun gawin. Kung sakali ngang kailangan niyo na magpahinga, sana manatili na gabayan niyo ako sa bawat desisyon na gagawin ko sa aking buhay.”
“Yung babae naman, sa ngayon lang pabaon lang muna ang pangako kong ito, pero gagawin ko yun. Makikilala ko din siya balang araw, ngunit sana bigyan niyo ako ng senyales kung siya na ba yun. Saka ipapangako ko na, mamahalin ko siya kagaya ng pagmamahal niyo kay Mom. Walang ibang makakakuha ng atensyon ko at pagmamahal ko kundi siya lang. Dad… Maghihintay ako sa senyales na iyon. Gabayan niyo ako ni Mom palagi.”
Saka inipon niya ang lakas niya para hawakan ang palad ng kanyang ama.
Malamig ito…
At buto’t balat na nga ito gaya ng sinabi ng mga kaibigan nito.
Halos matagal na silang iniwan nito.
“Hangang dito na lang siguro Dad. Patawarin niyo ako kung nabigo ko kayo. Masaya ako na sa gagawin kong ito makakapagpahinga na kayo at makikita mo na si Mom, Dad. Sa ginawa niyo para sa akin, labis akong nagpapasalamat. Maraming salamat sa lahat.”
At bumuhos ang luha sa kanyang pisngi.
Lumingon sa mesa kung nasaan ang dokumento na nais ng ama-amahan niya na pirmahan ito. Ang documento na tuluyang maglalaho ng maliit na pag-asang magigising pa nga ang kanyang ama. Sa oras na pinirmahan niya iyon, tuluyan na niyang bibitawan ang pag-asang yun.
Binitiwan niya ang kamay ng kanyang ama at lakas loob na nilapitan ang folder na paulit-ulit nga niyang binabasura.
Nanginginig man ng mahawakan ang dokumento, ngunit kailangan na niya iyon harapin. Napapikit siya at huminga ng malalalim.
At ng imulat ang kanyang mata halos wala siyang maintindihan sa kanyang binabasa kundi ang katotohanan na ngayon mismo mamatay ang kanyang ama. Ang pirma niya ang dahilan kung bakit tuluyan na itong lilisan sa mundo.
May pumatak na luha sa dokumento na hindi niya namamalayan hangang sa pinirmahan na niya ito.
Halos hindi siya makahinga…
At ang luha niya bumugso na parang walang hanganan. Tila yun ang luha na inipon niya sa loob ng sampung taon na lumipas.
Bago siya tumalikod, sa huling pagkakataon pinagmasdan niya ang kanyang ama. Sinusubukan na kinakausap na nagawa na niya… Makakapagpahinga na ito.
Sa paglapit niya ulit, isa lang ang ibinulong niya bilang pabaon…
“Dad, magpahinga na kayo ng tahimik. Ako na ang bahala.”
Bumukas ang pinto at lahat ng paningin sa labas kay Gabriel nakatitig, lalo na sa hawak niyang dokumento.
Lumapit siya kay Seneca. Hindi siya makatitig ng diretso dito.
“Gawin niyo na ang nais niyong gawin.” Ang mahina niyang sinabi sabay abot ng dokumento.
Isa lang ang ibig sabihin ni Gabriel pumirma na ito.
Tinangap ito ni Seneca at wala siyang masabi para dito.
Lumapit naman sa kanila si Oxford at tinapik ang balikat ng binata. May nais itong sabihin ngunit walang boses na lumabas.
Tumalikod si Gabriel na tila ba kung magtagal siya roon baka bawiin nito ang dokumento. Kaya sa pagkakataon na iyon kailangan na niyang umalis… Tumakas.
Nauunawaan naman ng dalawa niyang ama-amahan kung hindi nga ito mananatili hangang sa maalis lahat ng supporta para sa katawan ng kanyang ama.
Masakit ito sa kanya.
Nang mawala na sa paningin nila si Gabriel, nagkatitigan si Seneca at Oxford sa isa’t-isa. Tumango ang abogado at ng buksan ni Seneca ang documento, agad na nakita nila ang malinis na pirma ni Gabriel.
Napabuntong-hininga ang doktor.
“Napakatapang ni Gabriel upang gawin yan.” Ani ni Oxford.
“Ngunit kailangan niyang harapin dahil ito ang mas makakabuti.” Saka napalingon si Seneca sa mga kasamahan nitong doktor. “Gawin niyo na.”
Na siyang kinuha ni Oxford ang documento para nga maging legal ang lahat ng proseso.
@DeathWish
[HER RETURN 2024]
Alam na ni Gabriel ang sasalubong sa kanya kung sa main exit siya dadaan. Kaya mula sa VIP area ng hospital dumaan siya sa VIP hallway papunta sa basement. Ngunit kahit sa basement may mga taga-media na nakaabang pero dahil sa presensya ng mga tauhan ni Gabriel hindi ito makalapit sa kanya.Kailan man hindi sini-sekreto ng gobyerno at mga ka-kompetensya ang mga nangyayari sa pamilya ng Aquinas. Aktibo nilang sinusubaybayan ang buhay nila lalo na siya bilang tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng pamilya. Kung may pagkakataon na may mahuthot sila ay gagawin nila yun. Palaging mayroong kinakaharap na kaso at hindi na yun bago kay Gabriel. Dahil wala naman napapatunayan sa mga kasong yun.Karamihan ng kalaban ng pamilyang Aquinas ang nais nila ang makapaghanap ng butas sa pamilyang Aquinas, ngunit nabibigo sila parati.At simula nang lumabas ang mukha ni Gabriel sa publiko siya na ang paboritong pinupuntirya ngayon.Matapos ma-comatose ang kanyang ama, saan man siya magpunta di siya nakak
Yung gabing iyon…Naalala ng dalaga…Ang isang gabi na kamutikan na siyang sumuko sa buhay. Sa maari naman tumakas diba? At bahala na yung maiiwan niya?Ngunit hindi… Hindi siya hinayaan ng Maylikha na gumawa ng hindi maganda sa sarili niya sa pamagitan nga ni Sister Agnes.At sa katayuan nga ni Serena, sino naman ang di aayaw sa buhay kung ang buhay ay palaging hinahamon ng problema?Napangiti ang dalaga ng maalala niya iyon.Napadpad siya mismo sa kinalalagyan ng sasakyan ngayon.Mismo sa sidewalk na yun.Naupo siya roon na parang isang baliw na wala na ngang pag-asang natitira sa kanya noon.Pero hangang ngayon marami parin siyang problema, ngunit sa awa ng diyos nabibilang pa naman sa kanyang mga kamay.‘Tiwala lang, at wag susuko. Lahat mayroong hanganan, at kapag tumigil ka, natural na hindi matatapos ang problema.’Dati rati maganda pa ang buhay nila kung hindi lang talaga sila hinamon ng buhay.Paralizado ang masipag niyang ama.Dalawa silang magkapatid sa unang asawa ng kanya
Kahit mahinang kislot kaagad iyon maririnig ni Gabriel, kaya ng may narinig siya na parang may bumagsak, kaagad na umangat ang paningin niya. Paglingon niya sa bintana, isang babae…Nadulas ito malapit sa kanyang sasakyan…At biglang hindi niya nahuli ang kanyang sarili dahil binuksan niya ang sasakyan at sa kanyang isipan kailangan niyang tulungan ang babae.Ngunit natigilan siya dahil nakatayo na ang babae.Hindi naman makapaniwala si Gabriel sa ikinilos niya.Ang dalaga naman nagmadaling pinulot ang mga dala niya.Babalik na sana si Gabriel sa loob ng sasakyan ng napansin niyang mayroong lalaking napatitig sa dalaga. Kaagad na kinutuban si Gabriel na parang hindi ito kilala ng dalaga. Para sa binata hindi naman kagandahan ang dalaga para pagnasaan ito ng isang lalaki. Ngunit yung lalaki kasi halata niya na isa itong manyak. Yung shirt pa naman ng babae masyado maluwag kaya habang pinupulot ang mga gamit nito kung sisilipin talaga nakikita ang cleavage nito.Wala nang nagawa si Gabr
“Paabot nga sa akin ng bag ko.” Utos ni Serena dahil iniwan nga niya iyon sa tabi ni Gabriel.Tinitigan ng binata ang bag saka tinitigan ulit ang dalaga.Inuutusan ba siya nito?“Kuya ang sabi ko ibigay mo sa akin ang bag ko.” Saka binaling ulit ng babae ang paningin sa inaayos niyang tatlong tangkay na bulaklak.Walang nagawa si Gabriel kundi sumunod sa sinabi nito. Kinuha ang bag nito at lumapit sa kanya para ilapag sa mesa ang bag.“Thank you.”Hindi na nagawang bumalik ni Gabriel sa inuupuan niya kanina, kundi pinagmasdan niya ang paligid. Luma na nga ang simbahan kahit ang straktura nito. Ngunit biglang tumama ang paningin niya sa isang lalaki na parang pinagmamasdan talaga ang babae kanina pa.Ang ginawa ni Gabriel hinuli niya ang titig nito at ng magtama ang paningin ng lalaki sa kanya, agad din na umalis ito.Sino nga ba ang hindi matatakot sa napakatalim na titig ni Gabriel?“Pagkatapos nito saan ka na pupunta?” Biglang naitanong ni Gabriel sa dalaga. May hindi kasi siya maga
Di niya alam kung bakit nakahinga siya para sa dalaga ng malaman niya sa kanyang mga tauhan na nahuli na iyong manyak at wala na siyang dapat na ipag-alala sa kaligtasan nito.Napa-iling na lamang siya sa kanyang sarili.Bakit niya iyon kailangan gawin sa babaing hindi niya alam kung muli pa ba mag-ku-kross ang landas nila? Ngunit ang pinagtataka niya ay kung bakit hindi man lamang niya iniwasan ang presesya ng dalaga.Umangat ang kanyang paningin sa altar. Maraming tanong ang umiikot sa kanyang isipan ngunit hindi niya iyon mabuo, lalo na sa nangyari ngayon sa kanya.Hangang sa dumako ang paningin niya sa tatlong tangkay ng puting bulaklak ng rosas. Ang bulaklak na ibibigay sa kanya sana ng dalaga.Ang bulaklak na alam niya makakakita siya noon pagbalik niya ng Aquinas manor.Tumayo siya at lumapit sa vase. Naguguluhan man kung bakit, ngunit kinuha niya ang isang tangkay. Sa buong buhay ni Gabriel kung tatangapin niya ang bulaklak, iyon ang una niyang pagkakataon na makakatangap siya
“Si Gabriel nakabalik na ba riyan?” Nang sagutin ni Miss Agatha ang tawag ni Seneca.“Wala parin siya. Alam kong ginagawa niyo ang lahat ni Oxford para mahanap siya, ngunit sa sitwasyon na ito nauunawaan ko na kailangan niyang mapag-isa, pero hindi sana sa lugar na maaring may masamang mangyari sa kanya.”“Wag kang masyadong mag-alala Agatha, mamaya lang babalik din siya. Kailangan niya ng sariwang hangin.” Saka nalaman ni Agatha na nagawa ni Gabriel pirmahan ang health care ng kanyang ama.“Kung wala pa siya riyan sa loob ng isang oras, ipapahanap ko na siya sa mga tauhan.”Napabuntong hininga na lamang ito at tahimik na ipinagdasal ang dating namamahala ng Aquinas Manor.Maya-maya lang tumatakbong nilapitan siya ng isang utusan at sinabing parating na si Gabriel. Kaagad na pumunta sa kanilang mga pwesto ang mga utusan upang salubungin nga ang binata.Ngunit hindi makakaila ni Agatha na bakas parin sa mukha ng binata ang kalungkutan nito simula nang may mangyaring masama kay William.
Kahit tulog si Gabriel ang kanyang isipan ay puno parin ng gawain para sa kompanya, kaya hindi niya malaman ang pagkaibahan ng realidad sa panaginip, hangang sa tumunog ang phone niya dahilan upang magising siya. Saglit hinayaan lang niyang tumunog ang phone niya at nakatingala lamang sa kisame, hangang sa napabangon na siya.Inabot ang kanyang phone at ang tumatawag ang kanyang sekretarya.“Atlas…”“Master Gabriel, maunawaan niyo sana kung bakit kailangan ko tumawag ng maaga.” At dumako ang paningin ni Gabriel sa orasan at hindi siya makapaniwala na mabilis na lumipas ang oras. Umaga na naman.“At para saan ang tawag na ito?”“Nalaman ng mga stockholders at board of trustees ang tungkol sa pagpanaw ng Chairman. Kaya maaga nilang kinuha ang attention ko. Nagpatawag sila ng pagpupulong at kayo ang pinakamahalagang tao na kailangan sa pagpupulong.”“Tsk.” Singhal ni Gabriel at napahilot sa kanyang sumasakit na sintido. “Masyadong maaga para magpatawag sila ng pagpupulong tungkol sa akin
Chapter Fourteen: “Heto ako, bakit hindi ninyo diretsuhin at linawin sa akin kung ano ba talaga ang layunin ng mga salitang inilalabas ng bibig ninyo? Chairman Kyo nagustuhan ko ang walang takot ninyo na pagduro sa akin. Nga pala, bakit si Chairman Kyo lamang ang nagsalita? Bakit hindi niyo siya gayahin?” Hamon ni Gabriel sa kanila. Kaya lalong itinikom ng mga naroroon ang kanilang bibig.“Walang kabuluhan ang bibig ninyo kung hindi naman sa akin makakadirekta ang sinasabi nito. Puro kayo salita. At yun ang nakita ko sa inyo sa loob ng sampung taon. Reklamo. Kaliwa kanan na pagrereklamo. Ako si Gabriel Aquinas, anak ni William Aquinas, ay hindi naghahabol sa mga katulad ninyo. Simple lang naman ang dapat ninyong gawin hindi ba? Ang kunin ang share ninyo kung talagang nagdadalawang isip kayo sa pamamahala ko. Saka kahit kailan hindi ko kinailangan ang mga kagaya ninyo. Walang tiwala sa akin. What is the worst, nagbubulagbulagan kayo. Hindi ko na kailangan sabihin ang nagawa ko, nakaka
Chapter 195 That bad... “Yung tulong na natangap ng pamilya ko dahil ayaw mo naman sabihin sa kanila ang tungkol sayo… Ano ba ang sasabihin ko sa kanila kung saan ito nangaling?”Alam ni Serena na magtatanong tungkol roon ang pamilya niya. “Obvious. Hindi ba ang Charity group ng aking ina ang nakapangalan sa lahat ng mga tulong na dumarating sa pamilya mo? Yun ang sabihin mo at walang kinalaman si Liam tungkol roon.”“Charity group ng Mama mo… Si Madam Bianca…”Tango ang itinugon ni Gabriel.“Tungkol naman kay Liam…” biglang bumilis ang tibok ng puso ni Serena. “Paano kung dumating siya bigla?”Ngumisi si Gabriel. Ang titig nito ay biglang kinikilatis ang buong pagkatao niya.“I assure you, he won't.”“Paano mo nasisigurado?”“Serena sa tanong mo parang minamaliit mo ako.”Napabuntong hininga na lamang siya. Nakikita naman niyang sigurado si Gabriel pero paano kung matagal nang pabalik-balik si Liam sa pamilya niya?“Hindi lang naman kasi ikaw ang dumating sa buhay ko na ipinipilit
Chapter 194 Death Hope “At isa pa pala, para maging malinaw ang lahat, kailangan mong sabihin sa iyong pamilya ang totoo na hindi ang antipatikong si Liam ang tumutulong sa inyo. Sabihin mo rin na matagal na kayong naghiwalay. Wala na kayong koneksyon sa isa’t-isa. Ang dahilan ng paghihiwalay ninyo? Wala siyang kwenta at napakasinungaling niya.” mayroong gigil sa mga mata ni Gabriel.“Hindi ba sapat na ang dahilan na yan para ayawan siya ng pamilya mo? O hindi kaya kahit sabihin mo yan magagalit parin sila dahil manghihinayang parin kay Liam. Si Liam na kahit paano mayroon binatbat ang pamilya. Kapag naghinayang sila at hindi mo kayang ipagtanggol ang sarili mo, si Venus ang magsasalita para sayo.”“…” hindi alam ni Serena ang kanyang sasabihin. Ngunit ang isipan niya naglalaro sa pangalan na binangit ng ilang beses ni Gabriel.Liam…Oo kilala niya ito…Biglang may kung anong sumakit sa kanyang ulo. Ang isipan niya parang mayroong gustong ipaalala sa kanya.Iniisip man niya pero mas
Chapter 193 Don’t Provoke Him “Hindi tauhan ko ang sasama sayo at nag-iisa lamang siya para hindi halata. Ang kapatid na babae ng sekretarya ko. Kapatid ni Atlas. Si Venus. Matanda siya kay Atlas at masisigurado ko ang kaligtasan mo dahil may kakayanan siyang protektahan ka. Ipapakilala mo siya bilang kaibigan mo. Sa kanya ka sasama. Hindi naman maghihinala ang pamilya mo dahil isa siyang sikat na actress.”“Actress… At may inihanda ka na palang kwento.” walang kaganaganang sagot ni Serena dahil kahit siya ayaw niya sa mga taong nagsisinungaling at ngayon inuutusan siya ni Gabriel.“Hindi ako ang nag-isip nito, all credits kay Atlas.”At naalala ni Serena ang tungkol sa ginawang kwento ni Atlas noong iniligtas siya ni Gabriel kay Liam sa bar isang gabi.“Dinadamay mo pa ang sekretarya mo sa kalokohan mong ito. Sa nakikita ko may potential na maging sikat na writer itong si Atlas at ikaw naman itong dakilang editor niya.”Ngumisi si Gabriel.“Hindi ako nakikipaglokohan Serena.“Sabi k
Chapter 192 Why Him? Dahil sa mga sinabi ni Gabriel may bagay na luminaw kay Serena. Nais siya nitong manatili dahil sa kagustuhan na panagutan siya nito at hindi iyon dahil sa pagmamahal kundi hindi masikmura ang kababuyan na ginawa nito sa kanya.Pangalawang dahilan… Bilang kabayaran.Sa totoo lang kung hindi niya pinipigilan ang sarili naibato na niya kay Gabriel ang basong nasa harapan niya.Upang kumalma… Napapikit na lamang niya ang kanyang mata. Huminga ng malalim… At pinipilit na hindi magpadala sa sinabi ng binata. Kailangan nila mag-usap ng maayos at hindi niya kailangan sumabay sa init ng ulo nito. Naiinis man siya sa sagot ni Gabriel pilit na lang niya uunawain.Kailangan niya makauwi…Muli niyang binuksan ang kanyang paningin… Sinalubong ang mukha ni Gabriel na nakangisi. Talagang inaasar siya nito. Pero hindi siya papatalo, ngumiti siya bilang tugon.Kinuha ang baso at ininom ang laman noon.“And it turns out na hindi mo nagustuhan ang sagot ko.”“May dahilan ba para ma
Chapter 191 Too Mean “Kumain ka na muna.” sagot ni Gabriel.“Hmmm. Maari naman natin pag-usapan yun habang kumakain tayo. Saka curious lang ako kung ano ba talaga ang pag-uusapan natin.”Umangat ang paningin ni Gabriel. “Talaga bang gusto mo nang pag-usapan natin iyon?”“Hindi mo naman ata ako gagawing hapunan hindi ba? Saka sana hindi na naman tayo magsigawan. Pilitin na lang natin unawain ang bawat isa. Kasi kapag nagsisigawan tayo, hindi natin masabi yung tunay nating nararamdaman. Pilit lang natin dinedepensa ang sarili na hindi natin namamalayan nakakasakit na pala talaga tayo. Napipikon, in short.”“Well said, Serena.”Napabuntong-hininga ang dalaga. “Nga pala may pabor din ako… At kailangan ko yun ipilit sayo.”Tuluyan na sinalubong ni Gabriel ang paningin ni Serena. Napangisi siya. Walang ibang bukang bibig ito kundi ang lumaya sa kanya. Ano pa ang aasahan niya?“Sa tingin ko ang pag-uusapan natin yung ipinipilit mo sa akin.”Nanlaki ang mga mata ni Serena. Tipong hindi siy
Chapter 190 Talked With “Kumain ka na ba?” tanong niya kay Serena dahil nakamasid siya sa mukha nito. Mukha na halatang walang ginawa sa buong maghapon kundi matuto maglaro ng chess.“Ikaw?” balik nito sa kanya.At dahil sa tugon ni Serena hindi natutuwa si Gabriel na marinig iyon. Isa lang ang ibig sabihin hindi pa ito kumakain.“Tsk.” naiinis niyang usal. “Pwes hindi tayo maglalaro hangang hindi ka pa kumakain.”“Hindi pa ako gutom Gabriel. Saka nanabik na kaya akong matalo ka.”“No.” kinuha ni Gabriel ang siyang ang telephono at may kung sinong tinawagan sa loob ng Manor.“Magdala kayo ng hapunan dito.” at hindi na hinintay ang sasabihin ng kabilang linya ibinaba niya ang tawag. “Hindi ba pwede na maglaro muna tayo?”Masama ang titig na itinugon ni Gabriel kay Serena. Kaya inilayo na lamang nito ang paningin sa kanya.“Pwede naman maglaro muna habang wala pa yung pagkain. Sigurado ako na walang limang minuto matatalo na kita. Checkmate kaagad.” mahinang sinabi ng dalaga ngunit um
Chapter 189 Lexie? Her Tutor Limang magagaling na manglalaro ng chess ang nagturo kay Serena. Marami siyang natutunan na mga strategy at kung paano dumepensa at gumawa ng opensa. Hangang sa tingin niya kaya na niyang matalo ang kanyang tutor kaagad niya itong pinatawag.Nang dumating…“Ang gagaling nila Miss Lexie, marami akong natutunan sa kanila.” habang inaayos na nila ang pyesa. “At sa tingin ko may ibubuga na ako sayo.”Pilit na ngiti ang inabot ni Lexie sa kanya. Hindi na din ito masyado masalita.“Pasensya na talaga kapag umuwi mamaya si Gabriel kakausapin ko siya tungkol sa trabaho mo na manatili ka bilang tutor ko.”Unang laro nila dahil medyo nga naiilang si Serena nanalo parin sa kanya si Lexie. At ang pagka-ilang na iyon nanatili hangang ika-anim na beses nilang paglaro. Ngunit hindi naman maitatangi na mas marami ngang natutunan si Serena sa mga manlalaro ng chess.At nang hindi na siya nagpadala sa pagka-ilang… bigla na lang siya napahiyaw at napatalon-talon sa saya da
Chapter 188 Sabotaging Her? Sa kalagitnaan ng mahalagang pagpupulong biglang tumunog ang phone ni Gabriel kaya natigilan ang nagsasalitang director dahil sinagot niya ito ng walang alinlangan lalo na si Agatha ang tumatawag sa kanya.“Yes?”“Master Gabriel nais kayong makausap ni Miss Serena.”“Give her the phone.” sabay na tumayo siya at binuksan naman ni Atlas ang pinto ng isang silid para nga magkaroon ng pribadong pag-uusap ang tumawag kay Gabriel.Ngunit kapag si Gabriel ang nagsasalita, ewan ba kung bakit lahat ng tenga ay nakikinig sa bawat salitang lumalabas sa bibig nito.Sa pagpasok niya sa silid, nagtinginan ang mga naroroon sa conference room… Malinaw na narinig nila ang salitang ‘her.’Nagtanong pa ang ilan kung nagkamali ba sila sa narinig ngunit kinumpirma iyon ng kalahatan na ganoon nga ang pagkasabi ng CEO nila.“Hindi kaya mayroon na siyang babae?”At isa sa may nakakataas na posisyon sa kompanya ay tahimik na lamang na napangisi.“Serena…” bangit ni Gabriel ng pang
Chapter 187 Mrs Gabriel Aquinas Naging determinadong matuto si Serena.Naglaro sila ni Lexie…At ilang ulit siyang natalo nito.Ang importante sa kanya nakakabisado niya ang bawat galaw ng pyesa. Yung mga galaw na dapat hindi niya gawin dahil kapag ginawa niya iyon manganganib na ma-checkmate siya.Di maiwasan na sumakit ang ulo niya at kung minsan-minsan nahihilo. Napapahilot na lamang ng kanyang sintido. Hangang sa napapahikab nga sa puyat na hindi niya aakalain na dadalawin siya.“Miss Serena…” pukaw sa kanya ni Lexie. Kaya muli siyang nagising at tumira…Ulit natalo na naman siya nito.Tinampal-tampal ang kanyang sarili at siniguradong dapat hindi siya tinatamad. Paulit-ulit na sinasabi sa sarili na kailangan niyang matalo si Gabriel para sa kalayaan niya.“Isa pa.” na hindi nga ininda kung ang tutor niya ay nababagot na sa kanya. Sa wala naman itong magagawa kundi sundin siya sa nais niyang matutunan.Sa ilang beses na paglaro nilang dalawa… Ulit… Talo parin siya ni Lexie.Naala