Share

Chapter 3

Narinig ko ang mga bulung-bulungan ng mga estudyante pero hindi ko na ito pinansin. Mabilis akong tumalikod sa kanila, nagmamadaling naglakad palayodi alam kung saan papunta. Gusto ko lang makalayo, sobrang kahihiyan ang dinanas ko ngayong umaga.

Bitbit ko ang paper bag na may lamang macaroons. Tumutunog ang cellphone ko pero wala akong lakas na sagutin yun. Hanggang sa naramramdam ko na lang ang pag-uunahan ng mga luha sa aking pisngi.

Don't cry Sam. It's your fault.

Binilisan ko ang bawat hakbang ko.Salamat na lang at wala akong nakasalubong na mga studyante kundi lalo akong mapahiya.

May nakita akong bench sa likod ng mga halaman. Patakbo akong pumunta doon saka umupo. Pakiramdam ko kasi nanghihina ang mga tuhod ko. Parang nawalan ako ng lakas. Ilang minuto pa lang akong nakaupo ng muling tumunog ang cellphone ko. Ayoko mang sagutin pero napilitan akong kunin ito sa bag ko. Si Belle Marie ang tumatawag.

"H-hello?" nanginginig pa ang boses ko.

"Babe! Saan ka? Dumaan ako sa room niyo wala ka. May quiz daw kayo sabi ni Luna."

Oh shit! Lalo akong nanghina sa kinauupuan ko. Pagtingin ko sa relo tatlong minuto nalang ang naiwan. Malayo pa itong pwesto ko sa building namin. Dahil sa kagagahan ko, nakalimutan kong may quiz kami.

Kasalanan mo yan Samantha! Kung sana yung pag-aaral mo ang inatupag e di sana di ka umiiyak ngayon.

"Hey are you crying? What happened, Sam? Where are you? Puntahan kita. "

"No, I'm not. Sinisipon lang ako Babe." pagsisinungaling ko. "I'll talk to you later, Belle. I need to go, hahabol pa ako sa quiz namin."

"Okay, Babe. See you after class. Daanan kita sa room niyo."

"See you, Babe, love you." pagkatapos kong marinig ang labyu too ni Belle, pinutol ko na ang tawag. Mabilis kong pinalis ang mga luha sa aking pisngi at tumayo. Tatakbo na sana ako pero bago pa man ako makatakbo biglang sumulpot si Rome sa aking harapan.

"Hey Sam, what are you doing here alone? What's that?" tanong niya nakatingin sa paper bag na dala ko. Sumabay ito sa paglakad sa akin kahit lakad takbo na ang ginagawa ko.

"Pasensya na Rome ha, nagmamadali kasi ako. Kailangan kong humabol sa quiz namin. Nakalimutan kong may quiz pala kami. Anyway, macaroons to, gawa ko."

"Wow! You baked it? Pwede patikim, kahit isa lang?" prang bata nitong sabi. Natawa pa ako sa kanya dahil para kaming nagmamarathon na lakad takbo ang ginagawa.

"Gusto mo ba?" Tanong ko. Tutal ayaw niya naman, e di sa iba ko na lang ibibigay kesa hindi mapakinabangan. "Sayo nalang, pero di ko sure kung magugustuhan mo yung lasa ha." Binigay ko sa kanya ang paper bag at walang pagdadalawang isip niya naman itong tinanggap.

"Sure ka ba dito, Sam?"

"Oo, sure ako. Sige na ha, mauna na ako. Sobrang late ko na talaga eh."

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Rome. Nagmamadali na akong tumakbo palayo sa kanya.

"Corrine! Thank you sa macaroons mo." Pasalamat ni Rome sa akin. Medyo malayo na ako kaya kumaway lang ako sa kanya at nagpatuloy na sa pagtakabo.

Habol hininga ako pagdating sa room. Late ako ng limang minuto, nagsisimula na si Miss Prado sa quiz niya.

"Sorry Miss, I'm late." hinihingal pa akong humhingi ng paumanhin sa professor namin. Pinasadahan niya ng tingin ang mukha ko saka ako pinapasok. Mabuti nalang at nasa mood ito ngayon at hindi ako pinagsungitan.

"Take your seat Miss Dela Vega and get one whole sheet of paper." Nagmamadali akong pumunta sa upuan ko. Pawisan pa ang likod at mukha ko pero hindi ko na ito binigyang pansin.

"Here, Sam, take it." si Luna sabay abot sa akin ng isang buong papel at may ball pen pa. Di na ako nahiyang tanggapin ito sa kanya. Agad ko itong sinulatan ng pangalan dahil nagsimula ng basahin ni Miss ang ikalimang tanong.

First five question , wala na akong answer kasi nagsimula na sila bago ako dumating. Namental block pa ako sa question six to ten. Akala ko nga magtuloy-tuloy pa hanggang matapos ang thirty questions ni Miss pero mabuti nalang at nakabawi ako.

Akala ko pa naman short quiz lang. Salamat nalang at kahit pagod ako kagabi nakapag-review ako. May ibang tanong pa na hindi ako sigurado sa sagot ko kaya hindi ko alam kung lagpas kalahati ba ang magiging score ko. Babagsak pa ata ako dahil sa mga kalokohan ko eh. Karma nga naman. Ang bilis gumanti.

"We have a faculty meeting. I will leave you early today. Nasa sa inyo na kung lalabas kayo o manatili kayo dito sa room." paalam ni Miss Prado sa amin.

Pagkalabas ni Miss Prado isa-isa ding nagsilabasan ang mga kaklase ko hanggang sa kami nalang ni Luna ang naiwan. Maliban kay Belle , isa si Luna sa tinuturing ko ring kaibigan. Kaso sobrang mahiyain ito. Hindi din pala-salita. Her name is Selene, pero Luna tawag namin kasi siya ang goddess of the moon.

Tahimik lang kaming dalawa. Nagpapakiramdaman, hanggang sa may inabot itong cream sa akin. Nagtataka akong tumingin sa kanya pero simpleng ngiti lang binigay niya sa akin sabay tingin sa kamay ko.

Sinundan ko ng tingin ang mga mata niya at ganun nalang ang pagkabigla ko ng makita kong namumula ang balat kong napaso kagabi. Nag-pop yung blister at may natuklap na kaunting balat sa gilid. Saka ko pa naramdam ang kaunting kirot mula dito.

"Maganda itong ointment ko. Ito ang madalas kong ginagamit kapag---" pero di niya na tinuloy at nag-iwas na ito ng tingin sa akin. Selene is always like this. She's always quiet and reserve. She's pretty pero tinatago niya ang kanyang ganda. Malambing din ang boses niya. Para din siyang si Belle kapag nagsasalita. "You can use that Sam if you want. Pero kung sensitive yung skin mo, samahan nalang kita sa clinic. "

"No thanks, I'm okay with this, Luna. Thank you ha, nakalimutan ko kasi yung ointment ko sa car." Pasalamat ko sa kanya sabay kuha sa ointment. Tipid lang itong ngumiti sa akin.Nilagyan ko ng cream ang paso ko, may kaunting hapdi lang akong naramdaman. Nakatingin lang si Luna sa akin habang ginagamot ko ang paso sa kamay ko.

I smiled as I looked back at her. Her beautiful pair of midnight black eyes is so pretty. Yung tipo ng mga mata na may kakaibang misteryong dala. Yung kahit hindi siya nagsasalita, mabibighani ka sa ganda ng kanyang mata. There's something different in her eyes that can capture your soul. That's how beautiful her eyes is.

"Moon!" Sabay kaming napalingon sa lalaking dumaan at sumilip sa room namin. Nakita kong nagpang-abot ang mata nila ni Luna. Matamis na ngumiti yung lalaki na kulay asul ang mga mata sa kanya saka kumaway.

"Mauna na ako Sam. May pupuntahan lang ako." pagpaalam ni Luna sa akin. Tumango lang ako sa kanya at di na nagtanong pa.

Nang ako nalang ang naiwan saka pa ako nakadama ng lungkot. May klase pa si Belle kaya wala akong ibang mapuntahan. Lumipat ako ng upo sa pinakadulong bahagi ng room. Malapit ito sa bintana at mula sa pwesto ko kita ko ang mga studyante sa quadrangle na busy at masayang nagkukwentuhan.

Ewan ko pero bigla parang nakadama ako ng lungkot. Madami naman akong kaibigan pero bilang lang talaga yung close sa akin. Takot na kasi akong magtiwala kasi dati ang dami kong kaibigan pero yun pala nakikipaglapit lang sila sa akin para mapansin sila ng mga kuya ko.

Tapos kapag hindi nila nakuha ang gusto bigla nalang nila akong aawayin. Hindi ko naman kasalanan kung hindi sila matipuhan ng mga Kuya ko. Si Kuya Sandro sobrang seryoso sa buhay ni hindi ko nga alam kung may girlfriend ba ito. Si Kuya Joe naman, sobrang maligalig at sa sobrang kulit nito kung sino-sinong babae lang ang pinapatulan. Ang ending ako pa tuloy ang masama kapag bini-break na sila ni Kuya Joe.

"Have you seen her?" Natigil ako sa pagtitingin-tingin sa labas ng may narinig akong ka-boses niya sa labas. Pero hindi ko ito nilingon dahil imposible naman na siya yun. Natutuliro lang itong utak ko at pinapaasa na naman ako ulit.

Pagkatapos ng mga salitang binitiwan niya kanina at sa galit na nakita ko sa mga mata niya, imposibleng hahanapin niya ako. Sinabi niya ring tigilan ko ang pangungulit sa kanya kaya imposible talaga.

Kinuha ko na lang yung ointment na binigay ni Luna at muli kong nilagyan ang paso ko. Sigurado akong kapag nakita ito ni Mamu pagagalitan na naman ako.

"Ano magbe-bake ka pa ba, Samantha? Tamo napaso ka pa. Wala namang pakialam yung pinagbake-kan mo." mahinang kausap ko sa aking sarili. Malungkot akong napangiti. Yung effort ko para sa kanya nasayang, mas lumala pa yung galit niya sa akin. Pero di bale, hindi naman nasayang yung macaroons dahil tinanggap naman ni Rome.

Ganun talaga ang buhay hindi araw-araw masaya kaya laban lang. Tomorrow is another day.

Yes another day pero di ko alam kung bukas pupunta pa rin ba ako sa department nila. Siguro kong pupunta ako hanggang sasakyan na lang. Saka ko na lang kunan ng picture ang development nung halaman na ino-observe ko. Pero baka di na nalang din siguro. Hahanap nalang siguro ako ng ibang subject sa ibang department para di niya na ako makikita. Baka lalo lang siyang magalit sa akin eh.

May naramdaman akong naglakad palapit sa akin pero hindi ko ito nilingon. Ganun naman dito sa school, may lumalapit sa akin, minsan nagpapa-picture, minsan nagpapa-autograph.

Ipapasok ko na sana ang ointment sa bag ko ng biglang may tumikhim sa likod ko. Tikhim pa lang yun pero parang lumundag na ang puso ko sa loob ng aking dibdib. Kilala ko kasi ang may-ari nun kahit hindi ko pa tingnan. Ganun ko siya ka-kabisado.

Pero hindi ako lumingon, ayokong isipin niya na ganun ako ka-atat sa kanya. May pride din naman ako. Marunong din akong masaktan. Tinuloy ko ang pagpasok ng ointment sa bag. Pagkatapos sininop ko na ang notebook ko para makalabas na ako.

Tumayo ako na parang wala akong kasama pero kahit hindi ako nakatingin sa kanya dama ko yung intensidad ng tingin niya sa akin. Umikat ako sa kabilang side para hindi ko siya madaanan pero bago ako tuluyang makalayo sa kanya inisang hakbang niya ang layo namin sabay hawak sa kamay ko.

"Ouch!" mahina akong napaaray dahil nahawakan niya yung sa parteng napaso ako. Nabaling ang mata niya doon bago ito nagtatanong ang mga matang tumingin sa akin. I saw the guilt in his eyes but I immediately looked away.

"What are you doing here, Sir Sarmiento?" I asked coldly, still not looking at him. I heard him heaved a deep sigh before he gentle caressed that burnt area. I tried taking my arms from him but he didn't let go.

I look at him without any emotion in my face. His eyes met mine. May nakita akong kakaibang emosyon sa mga mata niya pero ayoko ng pangalanan at baka umasa lang ako. Alam kong andito lang siya dahil siguro nakonsensya.

"I'm here to apologize. I know I've been hard to you this morning that's why I'm to say sorry for all the harsh words I said, Corrine."

Hindi ako nagsalita. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Oo brat naman talaga ako pero hindi niya ako kailangang pagsalitaan ng ganun. Marunong naman akong umintindi. Hindi yung insultuhin niya pa ako. Inaamin ko naman ang kasalanan ko at humihingi ng tawad sa kanya pero sobrang kahihiyan lang yun natanggap ko.

I maybe brat but I have a heart too.

"I am very sorry, Corrine. Please let me make it up to you. Hayaan mo sana akong bumawi." malumanay niyang sabi pero sobrang nasaktan ang pride ko. "Just tell me what to do..."

Hindi ko siya sinagot sa halip marahan kong tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"Please Corrine, what should I do? Tell me."

Kahit ang paraan ng pananalita niya ay sobrang iba sa nakasanayan ko. Parang ibang Knight ang nasa harapan ko ngayon. Pero hindi na ako magpapaloko. He said his piece and I should respect that.

Mataman akong tumingin sa mga mata niya bago ako nagsalita.

"I will give you your peace, so please give me mine, Sir Sarmiento." mahinang sabi ko sabay talikod sa kanya.

Komen (2)
goodnovel comment avatar
Alona Sumalinog
hahaha nkabalos pod...
goodnovel comment avatar
Karen Calvarido Mu
Ohhh.so sad naman po.Thank Ms A .Take care and God Bless
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status