Share

Tainted Hearts 11

Madilim at ilaw lang sa kalangitan ang makikita. Buong grupo, sa iisang bahay tumuloy. Iisa ang kuwarto kaya't napagpasyahan na sa sala matutulog ang mga kalalakihan. Sa kuwarto naman ang mga babae.

Nakahiwalay ang banyo nila kaya lumabas pa ako para makagamit ng banyo. Maglilinis lang ako ng katawan bago matulog. Nasa kamay ang mga damit ko at gamit panligo nang lumabas ako. Madilim pero kita ko naman ang daanan hanggang sa makalabas ako sa bahay.

"Where are you going?"

Napasinghap ako at napahawak sa dibdib nang magsalita si Lennox sa likod ko habang sinasara ko ang pinto. Hindi ko alam na may gising pa. Puro hilik na kasi ang naririnig ko sa sala nang madaanan ko. Nasa labas pala siya't mukhang nagpapahangin pa.

"Maglilinis lang ako sandali ng katawan."

Tiningnan niya ang mga hawak ko. Walang salitang inagaw niya ang mga iyon mula sa aking kamay.

"Sasamahan na kita."

"Sasamahan mo ako? Bakit?"

Naglakad siya patungo sa banyo. Habang sinusundan siya'y kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan ko.

Malamig ang gabi at madilim. Ano ang ibig sabihin niya sa sasamahan ako? Papasok ba siya sa loob at sasamahan akong maglinis ng katawan sa loob?

Napapikit ako. Binilisan ko ang pagsunod at kinuha ulit sa kamay niya ang hawak niya na gamit ko.

"Ako na! Kaya ko nang maglinis mag-isa! Hindi mo na kailangang sumama sa loob!"

Naawat ang paa niya sa paglalakad. Hinarap niya ako. Malamig na ang hangin at wala nang tao sa labas, kaming dalawa na lang. Mahina siyang natawa pagkakitang namumula ako.

"Iniisip mo na tutulungan kitang maglinis ng katawan? Tingin mo ba matutulungan kitang linisin ang katawan mo kung sasama ako sa loob? Kung sasama ako sa loob, iba ang gagawin ko sa 'yo."

Tumawa ulit siya't hinablot pabalik ang mga gamit ko.

"Clean yourself, I'll wait outside. Tell me if you're finish, I'll hand you your things after you took a bath."

Sumandal siya sa tabi ng pintuang kahoy ng banyo. Tumango ako at pumasok na sa loob. Kagat ang labi na naghubad ako ng damit dahil medyo naiilang ako kapag naiisip na nasa labas lang siya. Malamig ang tubig pero sanay naman ako. Nakapusod ang mahabang buhok ko paitaas para hindi iyon mabasa.

"Lennox," mahinang tawag ko pagkatapos kong magsabon at magbanlaw.

"Hmm?" He didn't say a word but his voice came husky. "You done?"

"Oo. Akin na ang tuwalya."

Binuksan ko ng maliit ang pinto para sumilip. Nakatingin siya kaagad pagkasilip ko sa labas. Inangat ko ang kamay ko para hingin ang tuwalya pero tinitigan niya lang ako.

"Lennox, akin na..."

Umawang ang labi niya't tumingin sa basa na labi ko. Naghilamos din kasi ako kaya tumutulo pa ang tubig mula sa mukha ko pababa sa aking leeg.

"Lennox—"

Ang sunod na tawag ko sa pangalan niya'y nabitin na. Sa halip na ang tuwalya ang ibigay sa akin, labi niya ang ibinigay niya. Mabilis naghabulan ang kung anong bagay sa dibdib ko. Nakahila sa batok ko ang isang kamay niya. Halos mahila niya ako palabas. N*******d ako kaya't hinila ko siya papasok sa loob.

Isinandal niya ako sa nakasaradong pinto. Nang maramdaman na hindi ako umaangal sa halik, inalis niya ang kamay sa batok ko at pinadulas iyon sa basa kong katawan. Nagmura siya sa ibabaw ng labi ko bago niya pinadausdos ang labi pababa sa aking leeg at pababa pa sa aking dibdib. Pinisil ng kamay niya ang dibdib ko at isinubo sa bibig ang tuktok. Mabilis akong nakiliti sa init na hatid no'n.

"Ah...Lennox..."

Ilang beses niyang isinubo ng salitan ang dibdib ko. Nanginig ako at halos maiyak sa naramdaman. Bumalik ang halik niya sa labi ko. Kinagat niya ng madiin ang ibabang labi ko. Tila ba nanggigigil siya't sa labi ko iyon ibinunton. Pakiramdam ko'y nagsugat iyon. Tumigil siya sa paghalik at saka ipinatong ang ulo sa balikat ko. Mabilis ang paghinga niya at mahigpit ang hawak sa bewang ko.

"Hurry up and get dress," he whispered and quickly went outside.

Hindi ako nakakilos kaagad. Sunod-sunod ang paglunok ko at pagbuga ng hangin. May nanunulay na kuryente sa buong katawan ko. Pumikit ako at inabot ang damit na ipinatong niya sa ibabaw ng malaking asul na drum.

Napahawak ako sa dibdib ko nang maalala ang ginawa niya na paghalik doon. Naroon pa rin ang pakiramdam ng mainit na labi niya. Nakaramdam ako ng kakaiba at gusto ko ang pakiramdam na iyon.

Lumabas ako na nakabihis na. Kagat ko ang labi ko nang humarap si Lennox. Sigurado na kahit gabi na'y kita niya ang pamumula ko. Huminga siya ng malalim nang makita ako. Tumingala siya't pumikit ng mariin at nauna nang maglakad.

Hindi ako makatulog dahil hindi ko maiwasang maalala ang nangyari. Maya't maya ang naging pagkagat ko sa labi ko dahil nararamdaman ko pa rin ang halik niya. Mabigat tuloy ang mga mata ko nang magising kinabukasan. Namulatan ko si Millie na basa pa ang buhok at katatapos lang maligo.

"Mag-ayos ka na, Xena. Aalis na tayo."

Umupo ako at nagkusot ng mata. Tinitigan niya ako nang nakangisi.

"Mukha kang puyat, ha? Wala ka sa kuwarto nang maalimpungatan ako. May nangyari ba kagabi?

Nasagot ang tanong niya nang pamulahan ako. Humalakhak siya. Iniwan ko siya sa kuwarto para makaligo na't makaalis na kami. Para rin maka-iwas sa panunukso niya.

Sa isang sumunod na pinuntahan namin ay mas naging madali ang daan. Walang gaanong matarik. Karamihan nga lang ay matubig. Magkatulad lang ang mga ibinigay namin sa kanila. Mayroon akong dalang mga candy na ipinamudmud ko sa mga bata. Natatawa ako habang nakaupo sa tabi nila. Nakatitig silang lahat sa akin pero hindi nagsasalita.

"Tara na?" Tanong ni Millie pagkalapit. "Baka abutin tayo ng dilim!"

Tumango ako at nilingon ang mga kasama na nakabasta na. Si Lennox, nakasandal na naman sa puno at nakatitig kung nasaan ako. Sa anyo niya, wala sa itsurang nagpupunta siya sa mga ganitong lugar. Sumama lang talaga siya dahil sa akin. Napangiti ako.

"Ang dami ninyong pictures sa akin! Nakakakilig!" Si Millie.

"Anong picture?"

Inangat niya ang dala niyang camera at ipinakita ang mga piling pictures sa akin. Marami kaming kuha ni Lennox doon at lahat ng kuha ay nakatingin ito sa akin. O hindi kaya naman ay nakahawak. Nag-init ang pisngi ko't nilingon ang lalaki na papalapit na.

"Let's go?"

Ngumiti ako at tumango. Napangisi si Millie nang kunin ni Lennox ang mga gamit ko. Nauna na siyang maglakad papunta sa sasakyan. Ang gaan ng pakiramdam ko habang nasa biyahe kami. Ang gaan ng puso ko sa tuwing tinititigan ko siya. Pabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa daan. Napapangisi siya sa tuwing nakikita na nakatitig ako.

"Why are you staring?" He said as he jokingly narrowed his eyes at me.

Natawa ako at umiling. Binagalan niya ang pagmamaneho at inabot ang kamay ko.

"Are you thinking about the kiss?"

Magkasalikop ang mga kamay namin at nakangiti sa isa't isa. Sa mga sumunod na araw, dumalas ang pagdalaw niya sa bahay. Nagdala siya ng mga sikat na video games para kay Along. Kaya ngayon, nasa sala sila at nakatutok sa tv habang naglalaro.

Hindi alam sa bahay na professor ko siya. Ang alam din ni mama ay kaklase ko lang siya. Iyon ang sinabi ko dahil ayoko na mag-alala siya kapag nalaman niya.

Lumapit ako at nagdala ng miryenda para sa kanila. Nalipat ang atensyon ni Lennox sa akin kaya natalo siya ni Along. Natawa ako nang tingnan niya ako ng masama.

"Did you do that on purpose? Did you distract me so your brother could win?" Paninisi niya na tinawanan ko lang.

"Nagdala lang ako ng pagkain! Hindi ko kasalanan kung bano kang maglaro ng video games!"

Humalakhak siya.

"No. I knew it! You did that on purpose!"

"Hindi nga!"

Nagtawanan kami.

Naging maayos ang mga dumaan na araw. Buong sembreak nitong disyembre ay nasa amin siya. Kung hindi si Along ang kalaro niya'y si Rico at Mena naman.

Napansin ko rin ang pagiging malapit ni Rico sa kanya. Marinig pa lang ang tunog ng sasakyan niya sa gate, nakaabang na ang kapatid ko sa pinto. Para itong aso na nae-excite sa tuwing uuwi ang amo.

Gabi nang dumating siya sa araw ng pasko. Tinanong ko kung wala siyang pamilya na pupuntahan para makasama sa mahalagang selebrasyon. Ngumiti lang siya at umiling at sinabi na kami raw ang gusto niyang makasama.

"I'll celebrate my new year here too."

Tapos na ang noche buena. Dito siya matutulog. Nasa labas kami ng bahay samantalang tulog na sila Mama at ang mga bata. Nakapatong ang mga paa ko sa upuan. Ang mga tuhod ko'y yakap ko dahil malamig ang hangin.

"Hindi ba magagalit ang pamilya mo dahil nandito ka?" Kuryuso na tanong ko.

Araw-araw kasi siyang nandito pagkatapos dito pa siya nagpasko at ngayon sasabihin niyang pati bagong taon dito siya magc-celebrate. Lahat ng mamahalin na bagay, nireregalo niya sa mga kapatid ko. Hindi ko naman sinasaway lalo na kapag nakikita ko na masaya ang mga bata.

"Hindi naman..."

Umiling siya at hinawakan ang kamay ko. Sa mga nagdaan na araw ay lalong lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Lumala ngayon na nakikita ko kung paano niya pasayahin ang pamilya ko. Pati si mama, walang masabing masama sa kanya.

Dinala niya sa kanyang labi ang kamay ko't marahan na hinalikan ang ilalim ng magkabila kong pulsuhan. Nasa akin ang mga mapungay na mata niya habang hinahalikan ako roon. Nakagat ko ang aking labi at magaan siya na nginitian.

"I really like you, Xena."

Napangiti ako at nag-init ang mga mata. Lumapit ako sa kanya at marahan siyang niyakap. Napaka-komportable ng init niya sa katawan ko at parang ayaw ko nang bumitaw. Masyadong mabilis pero gusto ko ang nararamdaman kong ito. Kung ipagpapaliban ko, pakiramdam ko'y pagsisisihan ko.

"I like you too, Lennox."

Komen (1)
goodnovel comment avatar
Jekk
Ayieee nagka aminan na ang dalawa ..
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status