Share

Tainted Hearts 15

Nagawa ko pa ring makapasok sa sumunod na klase pagkatapos ng nangyari. I closed my thighs tightly and bit my lower lip as I remembered what happened. The intensity of the new feeling I felt was addicting.

Pagkalabas ko sa classroom ay ginulat ako nina Josh at Minerva. Nagtatago sila sa gilid ng pintuan ng classroom kaya't hindi ko sila kaagad nakita.

"Ano'ng ginagawa n'yo rito?"

"Tara nuod tayo sa gym!"

"Manuod ng ano?"

"Mayroon naglalaro ng basketball!"

"Yayayain ninyo akong manood kaya kayo nandito?" Nasa tono ko na ang pag-ayaw. Parating na kasi si Lennox sa parking lot nang ganitong oras. "Kayong dalawa na lang. Kailangan ko na kasing umuwi."

Lumabi si Minerva.

"Sige na! Sumama ka na kahit isang quarter lang! Hindi ka na nakakasama sa amin! Ngayon nga lang ako ulit nagyaya!"

Nakagat ko ang labi ko, nagi-guilty na hindi ko na sila nasasamahan tuwing kumakain sila sa labas sa mga karinderya at street food. Magkasama kami ni Lennox tuwing break o lunch time at sa mga restaurant niya ako dinadala.

"Sige na nga!" Kalaunan na sagot ko. "Saglit lang ako, ah? Hindi ko na tatapusin."

Hila-hila ako ni Minerva hanggang sa makarating kami sa malaking gym ng school. Marami na ang tao at maingay na rin dahil nagsimula na ang laro sa gitna ng gym. Dinig na dinig ang kiskisan ng sapatos ng mga naglalaro sa makintab na sahig ng court.

Puno ang lahat ng upuan kaya sa pinakababa kami na-puwesto. Nakatayo kami sa gilid sa tabi mismo nang kalaban na grupo ng school namin. Schoolmate namin ang isang grupo ayon sa uniform na suot nila. Ang kalaban nila ay galing sa ibang school.

Inalis ko ang tingin sa mga naglalaro nang magwala ang mga kababaihan dahil nakapuntos ang grupo ng ibang school. Mayroon mga babae na naka-uniporme at hindi rito nag-aaral. Siguro'y dumayo lang para suportahan ang school nila. Pansin kong marami rin ang mga babae sa school namin na sa kabilang grupo nakikisigaw. Mukhang kilala nila ang kabilang team.

Binalingan ko ang naka-puntos na lalaking tinitilian nila. Hawak nito ang bola't tumatakbo papunta sa ring na malapit sa kinatatayuan namin nina Minerva. Napatitig ako sa kanya. Matangkad ang lalaki at guwapo. Matangkad lang yata ng kaunti si Lennox. Magulo ang buhok ng lalaki at pawisan dahilan ng walang hintong pagtakbo.

"Kian! Ipasok mo!" Sigaw ng teammates niya at nagtawanan.

Naka-puntos ulit siya at nag-ingay ulit ang mga kababaihan. Hindi niya pinapansin ang sigawan ng mga babae at patuloy lang siya sa paglalaro. Panay ang dila niya at kagat sa labi kaya't lalong nagkakagulo ang mga babae.

Nang maka-shoot ulit siya ng isang beses, nagtawag ng time out ang school namin.

Pinagmasdan ko siya habang ginugulo niya ang buhok niya na basang-basa na ng pawis. Naglalakad siya palapit sa puwesto ng team niya. Nakayuko niyang pinagmamasdan ang kanyang sapatos. Pagka-angat niya ng tingin, dumirekta iyon sa akin. Nagkatitigan kami dahil saktong nakatitig ako sa kanya dahil hinahanap ko kung bakit siya tinitilian ng mga kababaihan.

"That's a nice shot, Kian!"

Umiwas siya sa akin ng tingin nang makalapit siya sa mga ka-grupo niya. Tinalikuran niya ako pero hindi ko inalis ang mga mata sa kanya.

His aura looks like the boy next door. Pleasant to the eyes and looks clean even when sweaty. Maganda rin ang tindig ng katawan niya at bagay ang gupit ng buhok. He's handsome but I don't think he's friendly because he knows how to snob the whole crowd cheering for him.

Aalisin ko na sana ang tingin sa kanya dahil sa naramdaman na pag-vibrate ng telepono ko nang bigla siyang lumingon ulit sa gawi ko. Nahuli niya na nakatingin pa rin ako sa kanya. Napangisi siya't tinaasan ako ng kilay. Tila ba nagtatanong ang mata kung bakit ako nakatingin at kung ano ang kailangan ko.

Saglit na umawang ang labi ko para sagutin iyon dahil hindi niya inaalis ang tingin kung nasaan ako. Naisara ko lang muli ang aking bibig nang tumigil ang pag-vibrate ng phone ko sa bag. Sa huli, ngumiti na lang ako at inilingan siya para ipaalam na wala akong kailangan sa kanya.

Nagsisimula na ulit ang laro nang magawa kong kunin ang phone ko sa bag. Tatlo ang na-miss ko na call ni Lenox. Balak ko siyang tawagan pabalik kaya lang ay naalala ko na hindi ako nakabili ng load. Sa halip ay nanuod na lang muna ulit ako ng laro habang naghihintay sa susunod na pagtawag niya.

Sinisigaw ng mga kababaihan ang pangalan na Kian Evans. Tiningnan ko ang lalaki kanina at nabasa sa likurang damit nito ang Evans zero one. Napasinghap ang mga babae sa likuran ko nang tumingin siya sa banda namin bago inihagis ang ishu-shoot na bola.

"Oh my god! Tiningnan niya ako!"

"Hindi ikaw! Ako!"

"Anong sa 'yo? Sa akin nga siya nakatingin!"

Kinikilig na nagtatalo ang mga babae sa likuran ko habang nataranta naman ako nang muling maramdaman ang pag-vibrate ng phone ko. Bago pa mamatay, mabilis ko nang sinagot iyon. Hindi pa man ako nakakapag-hello, bumungad na ang galit na boses ni Lennox.

"Lalabas ka o lalapitan kita?"

Malakas na tumunog ang speaker sa loob ng gym gawa na nag-announce kung sino ang nanalo. Hindi ko napansin na sa kakapanood ko sa lalaki'y natapos ko na ang laro. Huling puntos din noong lalaki ang nagpanalo.

Nagtakbuhan ang mga naglarong nanalong player papunta sa grupo nila na naka-puwesto sa gilid namin. Doon nagpunta ang mga kasamahan niya ngunit ang lalaki'y nakangisi na lumapit sa kinatatayuan ko. Nagulat pa ako nang humarap siya sa akin at nang magsigawan ang mga ka-grupo niya na para bang may interesante silang pinapanood.

"Hi."

Natulala ako at napatingala sa kanya. Nasa tainga ko pa rin ang telepono kung saan nasa kabilang linya si Lennox.

"Hoy! Si Kian pumuporma!" Tudyo ng isa sa mga ka-grupo niya.

Natawa ang lalaki sa harapan ko bago niya inilahad ang kanyang kamay sa akin.

"Kian," pakilala niya.

Naguguluhan kong tinitigan ang kamay niya. Nakatulala ako ng ilang sandali at nag-iisip ng dapat gawin.

"Uhm..." Kukunin ko ba ang kamay niya at magpapakilala rin dahil nagpapakilala siya?

Nasa gitna ako ng pag-iisip nang muling maalala si Lennox pagkarinig sa sigaw niya.

"Xena!"

Halos mapatalon ako sa malakas na pagtawag niya sa pangalan ko. Kasabay ng pagkagulat ko'y nahanap din siya ng mata ko. Nasa tapat namin siya sa kabilang panig ng sentro ng court. Malayo siya dahil nasa kabila siya ngunit hindi nakaligtas sa aking paningin ang galit niyang tingin at nakakuyom na kamao.

"Lalabas ka o hihilahin kita palabas?!"

Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako sa paligid at saka lang napansin na maraming mata ang nakatingin sa amin ni Kian.

"Sorry. Kailangan ko nang umalis," paalam ko sa kaharap na lalaki.

Napanganga siya't napatingin sa kamay niya na hindi ko inabot. Hindi ko na pinansin iyon. Hinarap ko si Minerva at Josh para makapagpaalam na rin. Tumatakbo na ako palabas ay umabot pa rin sa tenga ko ang tukso ng teammate ni Kian sa kanya. Na hindi pa man raw nakakapanligaw ay basted na.

Pagkalabas ko'y nilingon ko si Lennox na nasa loob. Galit at salubong pa rin ang kilay niya. Gayunpaman, hindi ko mapigilang mapuna na nangingibabaw talaga siya. Maraming guwapo na estudyante sa school na ito. Maraming mas bata pero kahit na may edad na'y mas malakas pa rin ang karisma niya.

Kinagat ko ang labi ko nang magkatinginan kami. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o kakabahan dahil sa dami ng naggagandahang mga babae rito'y sa akin lang siya nakatingin. Pagkapasok sa sasakyan, hindi siya nagsasalita. Nalibang ako kanina sa panunuod at hindi ko napansin ang oras. Kahit ang pagsundo sa akin ni Lennox ay nakaligtaan ko.

"Galit ka?"

Nanguya kong muli ang labi ko nang hindi siya sumagot. Madilim lang ang tingin niya sa kalsada habang nagmamaneho.

"Sorry na. Nayaya ako nina Minerva," bulong ko sabay humawak sa braso niya.

Naramdaman ko ang paninigas niya nang hinawakan ko siya. Sinulyapan niya ang kamay ko na nasa braso niya at nagbuga ng malalim na paghinga.

"I waited for an hour in the parking lot. I called you not just once but you didn't answer. Pagkatapos maaabutan ko na nakikipagtitigan ka sa ibang lalaki? How do you think I will react?"

Gumalaw ang panga niya.

"Sorry na. Nalibang ako. Nakalimutan ko 'yung oras."

Nilingon niya ako para tingnan ng masama. Nakagat ko ulit ang labi ko at inalis ang kamay sa braso niya.

"Nalibang? Nalibang kang makipagtitigan? I've been standing there watching you! I saw you staring at him in awe while he was playing!"

Hindi ako nakapagsalita. Tinitingnan ko lang naman kasi siya 'yung tinitilian ng mga babae at mas madalas na nasa kanya ang bola. Magaling din naman talaga siya at nakaka-amaze nga. Umayos ako ng upo at kumapit sa seatbelt ko nang bumilis ang patakbo niya. Doon ko napagtanto na talagang masama ang loob niya sa nagawa ko.

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng bahay. Diretso ang tingin niya sa harapang kalsada at nanatili ang galit sa mga mata. Hindi ko tuloy alam kung kakausapin ko ba siya. Sa itsura kasi niya'y sa palagay ko kahit magsalita ako'y hindi siya sasagot.

Nakalabi ako habang bumababa. Hindi umalis ang sasakyan niya hangga't hindi ako nakakapasok sa loob ng bahay. Hindi rin siya bumaba sa sasakyan niya na madalas niyang ginagawa sa tuwing hinahatid ako. Kahit nakaramdam ng dismaya, inintindi ko na lang dahil nga galit siya.

Habang paakyat at tinatahak ang hagdan, iniisip ko si Lennox at kung ano ba ang tamang gawin kapag ganito na galit siya. What's the proper reply? Talk? Silence? Should I call him? Or should I let him cool for tonight?

Sa huli at dahil na rin sa pagod, pagkalinis ng katawan at pagkahiga sa kama'y agaran akong nakatulog habang nakayakap sa unan.

Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog nang makarinig ng tunog ng telepono. Nakapikit ang isang mata na inabot ko iyon. Alas dos na ng madaling araw ayon sa oras na nasa screen nito.

"Hello," paos na sagot ko.

"You didn't text me good night."

Kahit hindi pa tuluyang nagigising ang diwa, gumaan ang pakiramdam ko pagkarinig sa boses niya.

"Sorry. Nakatulugan ko."

Natahimik kaming pareho ng ilang sandali bago siya ulit nagsalita.

"Nasa labas ako."

Napamulagat ako. Nawala ang antok ko dahil sa sinabi niya. Patalon akong bumaba sa kama para masilip siya mula sa bintana. Nasa labas nga siya't nakasandal sa sasakyan niya.

Hindi ako sigurado kung dahil ba sa biglaang pagkagising o dahil ba sa patakbong pagtalon ko sa kama kaya ang lakas ng tibok ng dibdib ko pagkatanaw ko sa kanya. Hindi ko na alam kung bakit kahit magkasama lang naman kami kani-kanina'y nami-miss ko na siya.

Hindi na ako nag-atubiling tumakbo pababa. Nakapambahay lang ako't hindi na nagawang magpalit. Pagkabukas ko sa gate, nagmamadali akong lumapit sa kanya.

"Bakit gising ka pa?"

"Hindi ako makatulog."

Ngumiti ako't yumakap sa kanya. Huminga siya ng malalim at niyakap ako pabalik.

"Do you like that guy?"

Natawa ako at umiling.

"You're drooling over him like those women."

Umiling ulit ako. Malaki ang ngiti ko habang nakatago sa dibdib niya. Pinapakinggan ko ang tibok ng puso niya. Malakas ang tibok no'n ngunit kalmado hindi gaya sa akin na nagwawala na. Kasi...bakit pakiramdam ko sa mga tanong niya....nagseselos siya?

"I don't like how you look at him," bulong niya habang magaan na humahaplos sa buhok ko.

"Mmm..." I love the sound of our heartbeat.

"Answer me." He said. "Do you like him?"

"I love you, Lennox..." That's my answer.

Biglaan ang paghinto ng kamay niyang humahaplos sa buhok ko. Kasabay ng pagbaba ng kamay niya ay ang pag-angat ko ng tingin.

Hindi ko mabasa kung anong nakapaloob sa mga mata niya. Magulo? Madilim? Gulat? Takot? Para saan?

Sa kabila no'n at kahit halos umatras ang dila ko dahil sa hindi malinaw na reaksyon niya, malinaw kong inulit ang sinabi ko.

"Tingin ko..." Ngumiti ako. "Mahal na kita..."

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status