Share

CHAPTER 2

Meeri's POV

"Welcome Back, Marylane!"

Ngumiti ako nang makita ang pamilya kong nakahilera. Nag-effort pa talaga silang magkabit ng kung ano-ano at maghanda gayong umuwi lang naman ako, isa pa, anim na buwan lang naman akong nasa Japan, wala pang isang taon.

"Come here, baby." Nilapitan ko naman si Mom at niyakap ako nito ng mahigpit. "I missed you," malambing pa nitong bulong kaya naman maging ako ay nakaramdam ng pangungulila't niyakap siya. Dahil sa sinabi at ginagawa niya ay parang ang tagal ko rin siyang hindi nakita at gusto ko na ring magdrama.

"I missed you too, Mom," saad ko at hinalikan pa ang pisngi nito. "Mabuti naman at okay ka na." Tinignan ko naman si Dad. "Thank you for taking care of her."

"I'm her husband, of course I'll take care of her," matigas naman nitong sagot habang masamang nakatingin sa akin. Halatang hindi niya nagustuhan ang sagot ko kaya naman natawa ako.

You can't blame me. You never take care of us in the past.

"Hey, let's do a cheers for Meeri!" anunsyo naman ng pinsan kong lalaki, Logan, at inabutan kami isa-isa ng bote ng alak. "Let us welcome our beloved Marylane. Cheers!"

"Cheers!"

Pinagbangga namin ang hawak naming mga bote at sabay-sabay iyong tinungga ng minsanan. Agad akong napangiwi dahil humahagod ang pait nito sa lalamunan ko habang si Logan naman ay humiyaw pa, halatang lasinggero.

"Hey bestie." Binangga ni Rosie ang aking balikat. "Can I get my pasalubong na?"

She really can't wait, huh?

Naupo na ako sa sofa at inabot ang aking bag. Napatili naman ito at lumapit sa akin habang sinisilip ang laman pero tumambad lang ang gamit ko. Ipinasok ko ang aking kamay sa loob at nang mahawakan ang bottle at inilabas ko iyon at iniabot kay Rosie. Ang kaninang excited nitong mukha ay agad na napalitan ng pagkadismaya.

"Tang*nang regalo 'yan, bottled water?!"

"Made in Japan," pagmamalaki ko sa kaniya.

Kinuha naman ni Logan ang hawak ni Rosie na bottled water at binuksan. Walang sabi-sabi niya iyong ininom at ninamnam ng mabuti kaya naman nakatingin kaming lahat sa kaniya.

"Anong lasa?" tanong ni Rosie, mukhang nakahanap siya ng panibagong kapananabikan.

"Teka..." tanging sagot ni Logan at muling uminom. Kinalahati niya na ang laman nu'n at tumango-tango. "Lasang tubig," sagot niya kaya naman natawa ang lahat. Samantalang inagaw naman iyon ng kaniyang kapatid, si Avy.

"Akin na nga 'yan. Palibhasa wala kang alam," aniya at nagtungo sa lababo. Napasinghap kaming lahat nang makitang ipinanghilamos niya iyon. "I'll wait until tomorrow. I know this will help my face glow."

"Wait... inubos niyo? Then." Tinignan ako ni Rosie. Sa mga mata pa lang nito ay nababasa ko na ang gusto niyang ipahiwatig.

"'Yun lang ang pasalubong ko," sagot ko kahit na hindi siya nagtatanong.

Napasinghap naman ito at agad na bumagsak ang balikat kaya naman inilabas ko na ang isang maliit na kahon na ikinatuwa nito. Dahil sa ginawa kong iyon ay nagsilapitan na rin ang lahat para hingin ang pasalubong nila kaya wala na akong nagawa kundi ipamigay. Nauna ko pang ibinigay ang pasalubong kaysa ayusin ang mga gamit ko.

Pero kalaunan naman iyon ay kinumusta na nila ako at pinagkwento sa mga nangyari sa akin sa Japan. Agad naman akong nagkwento dahil marami akong baon na karanasan. I really love Japan! Hindi naman ako uuwi agad kung... hindi lang dahil sa breakup.

"So ano ng balak mo? Handa ka ng maghanap ng lalaki ulit? Just tell me, marami akong kilala na nag-aabang sa'yo," hayag ni Logan pero agad siyang binatukan ni Mom para sitahin.

"No, we shouldn't talk about that. We should plan on what will we do to that Kenji. I know an assassin who can--"

Sumigaw agad si Mom para sitahin din ang pinsan nito. We'll, pareho sila ng takbo ng isip ni Logan, halatang mag-ama sila.

Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti. "Magfo-focus po muna ako sa pagtatrabaho, namiss ko ring magtrabaho at makaharap ang mga estudyante kaya 'yun muna ang pagkakaabalahan ko sa ngayon," sagot ko.

Hindi naman sila nakaimik pero ramdam ko na gusto pa nilang magtanong, probably about what really happened between me and Kenji, pero mas pinili nilang manahimik na lang. At least they know that I don't want to talked about that now.

I'm still hurt, yes, of course I am. I've loved him and we've been together for almost 8 years. We are the first love of each other, first partner, first in everything, except to doing something steamy on the bed. We never did that. Dad prohibited us.

Ipinagpatuloy na lang namin ang pag-iinom at pagkain na sinamahan ng walang tigil na tawanan. Hindi natigil ang ingay ng kahit na isang segundo ang lugar na ito. Paano ba naman matitigil gayong nagkumpol-kumpulan ang mga taong siraulo, the Salazar I mean, sa side ni Dad. Well, si Mom at Uncle Ilay lang naman ang Gresham sa pamilya. Sila lang ang purong Spanish. And speaking of Uncle Ilay...

"Mom, where's Uncle Ilay?" tanong ko habang inililibot ang aking mata sa kabuoan ng bahay. Hindi ko pa siya nakikita simula nang makarating kami ni Rosie sa bahay.

"Oh, he's at your room. Cleaning it all over again even though I already wiped all the dirt. He probably want you to sleep comfortably since you're tired from your flight," she answered then kissed my cheeks. "I guess you should go and rest."

Hindi naman ako umangal dahil ramdam ko na ang bigat ng aking katawan. Nagpaalam na muna ako kay Rosie, pinayagan niya naman ako habang nag-stay pa rin ito. Since she's my very close friend ay close na rin siya sa pamilya ko and so I am in her family.

Pagod na pagod na ako nang makarating sa aking kwarto. Tutungo na sana ako sa aking kama nang maramdaman ko ang palad sa aking noo at nang mag-angat ng mukha ay nakita ko si Uncle Ilay.

"I prepared a bath for you. It will help you feel more comfortable before sleeping," saad nito.

Napasinghot naman ako at natuwa nang maamoy ang lavender sa aking kwarto. Agad naman akong pumunta sa banyo at mula roon ay tumambad ang bathtub na pinagmumulan ng amoy ng lavender.

"Thank you, Uncle!" sigaw ko rito at isinarado na ang pinto.

"Don't overstay there. You'll catch a cold!" habilin naman nito na hindi ko na inimikan.

Naghalfbath lang muna ako bago inilublob ang aking katawan sa bathtub. The warmth of the water and the sweet smell of lavender really makes me comfortable. I want to stay here for the rest of the day.

Inilublob ko ang kalahati ng aking mukha sa tubig at niyakap ang aking tuhod. Sumisikip ang aking dibdib. Kahit na nakakagaan ng pakiramdam ang pwesto ko ngayon ay para naman akong binuhusan ng malamig na tubig kapag naaalala ang tanging trauma na ibinigay sa akin ng Japan.

I saw him, Kenji, dating a Japanese girl.

"F*ck, I don't want to remember it," komento ko sa aking sarili at ang balak na 'wag basahin ang buhok ay hindi ko na nagawa dahil sa ginawa kong paglublob ng buo kong katawan sa tubig.

Iminulat ko ang aking mata at pinagmasdan ang malabong liwanag mula sa kisame. If I die... will I forget all those bad memories I got?

Natigil naman ang aking pagmumuni-muni nang may maramdamang kamay sa aking katawan at iniangat ako nito. Napatingin naman ako sa gilid at natigilan nang makita ito.

"U-uncle Ilay," bulalas ko at agad ding inilublob ang aking katawan sa tubig. "What are you doing?! Why did you enter?"

"I... I was calling out your name but you're not responding. You didn't even locked the door so I peep but saw you..." Huminto ito at nasapo ang kaniyang noo sabay napangiwi. "I'm sorry."

Tumayo na ito at nagmamadaling naglakad paalis. Hindi naman ako nakakilos sa aking pwesto pero naiintindihan ko ang kinikilos niya.

He saw me in that state. He probably thinks I was planning to kill myself. Because when he was a kid, he saw his Mom... lying in a bathtub with blood all over and the results say's that she killed herself due to depression.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status