Meeri's POV
I just want to clear things about me and Uncle Ilay but now..."W-what did y-you say?" I stuttered, but I can't help it!Hindi agad umimik si Uncle Ilay kaya naman napatingin na lang ako sa daan at napahawak sa aking dibdib. I guess he didn't say anything. Yeah. It's probably my hallucinations. I'm hallucinating!"The kiss," saad ni Uncle Ilay. "I like it. It was my intention to kiss you that time. And I did it because—""Stop!" pagpuputol ko sa kaniyang sinasabi.Because he likes me. I know. He already says it a while ago and I'm not hallucinating. This is all real. He's confessing his feelings to me, his niece."Y-you're not supposed to feel that way," mahina kong saad at humigpit sa pagkakahawak sa seatbelt na nakakabit sa aking katawan.I don't like how this conversation goes. How I wish we can reach the school sooner."I know," tugon nito at muli akong sinulyapan. "God knows how many times I tried to avoid and stop myself falling but... it was imposible. The images of you, smiling, pissed, laughing, crying, everything, always ran through my mind. As I watched you grow, I kept on falling, and now I can't find myself from the void I've fallen."'...as I watched you grow.' That thing keeps ringing on my mind. He didn't loved me when I was just a kid... isn't he?Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, isipin, ikilos, at sabihin dahil sa mga narinig. I didn't expect all of this. This is too sudden.... I just made the situation worse."We're here," pag-iimporma ni Uncle Ilay pero hindi ako nakakilos sa aking pwesto. I know, hinihintay kong makarating na sa school para matakasan na ang usapang ito, but this made me stunned. My brain can't process everything so my body can't move.Nanlaki ang aking mata at napaatras nang mapansin ang mukha ni Uncle Ilay malapit sa aking mukha. Tinanggal nito ang pagkakasuot ng aking seatbelt at pinunasan ang namamawis kong noo, sabay hinalikan iyon."Don't worry. I won't force you to love me too," bulong nito at lumayo na sa akin.Nanginginig man pero nagawa kong buksan ang pinto at lumabas doon bitbit ang bag ko. Isinarado ko na rin ang pinto at dumiretso na sa paglalakad papasok ng hindi siya nililingon.This is f*cked up!Pagkarating ko sa aking opisina ay isinalampak ko agad ang aking katawan sa silya. Ramdam ko ang pag-iinit ng buo kong mukha at hindi mapakali ang aking puso.Pumikit ako at sinimulang pakalmahin ang aking sarili. May klase pa ako kaya hindi dapat ito makaapekto sa pagtuturo ko. Kailangan kong isantabi na muna ito. Act like a professional, Meeri. I know you can do it.Pagdilat ng aking mata ay okay na ang lahat. Naabsorb ko na ang mga sinabi ni Uncle Ilay pero nababalot ng katanungan ang isip ko na alam kong siya lang ang makakasagot pero... I don't think kaya ko pa siyang harapin sa ngayon."Ma'am Salazar, pinapatawag ka po ng principal," pamamalita ng isang estudyante kaya naman tumango ako at nagpasalamat.Iwinakli ko na muna ang lahat ng iniisip ko bago nagtungo sa Principal's Office. Nang makita si Ma'am Pia ay agad ko naman itong nilapitan at naupo sa bakanteng silya sa tapat ng desk nito. Her face, she looks troubled."Ma'am Pia, pasensya na po kung late ako," anas ko at umayos sa aking pagkakaupo. "Ano nga po pala ang gusto niyong pag-usapan?""Ma'am Salazar." Huminto ito at bumuntong-hininga. "Paniguradong aware ka na sa issue na laganap ngayon sa social media, tama?" panimula nito na tinanguan ko naman. "I don't think that should be posted and be known by other people especially your students. I know, those comments were all lies. They don't have any proofs and keeps on making stories but still... they're ruining your reputation and you are a teacher. You should be the role model of these students."Hindi naman ako nakasagot sa mga sinabi nito at napayuko na lang.I can't avoid this I know but... f*ck.Great. Just great. The break up already gave me too much heartache but the issue was ruining my reputation too as a teacher.Just how far will this go?"Should I leave the school?""No, Ma'am Salazar," agad na pagpipigil sa akin ni Ma'am Pia at huminga ng malalim. "You're good in your profession. We need you, the school needs you, especially the students. But, we need to ask that you should make a way to stop this. Probably talking about your ex and his management to stop spreading bad news about you 'cause you're not a bad person.""Thank you for you trust, Ma'am Pia," sagot ko at ngumiti. "Don't worry, I'll talk to them and wrap this things up. And I'm really sorry for the trouble.""That's okay with me. But I hope you're fine."Ngumiti na lamang ako at hindi na sumagot. Nagpaalam na ako rito dahil may first class pa ako at pumayag naman siya. Dinaanan ko lang sa library ang gamit ko bago tumungo sa first class ko, it was my advisory class. At gaya ng inaasahan ko, bumungad sa akin ang walang tigil na chismisan at dinig na dinig ko pa ang pangalan ko."Good morning, class!" bati ko pero walang bumati pabalik. They probably don't want to greet a teacher with an issue all over the internet. I see.Naupo na ako sa silya at binuklat ang librong hawak ko. "I talk to Ma'am Divad and asked on when did your discussion ends and..." Natigilan ako nang magsimula silang mag-ingay sa paligid na para bang walang guro sa harapan. Nanahimik na lang ako at pinanood sila.Ilang minuto ang lumipas hanggang sa mapansin nilang wala akong imik ay nagsitigil na sila't nakapokus na ang atensyon sa akin kaya naman suminghap ako at isinarado ang libro."Now, I want you to prepare a title for your research. This will be individual. And we'll have a title defense tomorrow," anunsyo ko na ikinasinghap ng lahat."Pero kasasabi mo lang ngayon!" reklamo ng isa at sinundan iyon ng iba."What? You can't do that?" painosente kong tanong na ikinabakas ng pagkairita sa kanilang mga mukha. "You've been talking to your chairs even though y'all know that there's a teacher in front. Doesn't that mean y'all are not interested in listening to me since you already knew everything? Only smart people can do that and it looks like you all are smart. I'm amazed. So we'll settle these things next meeting."May nagtaas ng kamay at tumayo agad ito ng walang permiso. At least he still raised his hands."Pero kasasabi mo lang po ngayon. Kailangan din namin ng time para makapag-isip ng title at magresearch agad para sa background para may masabi sa title defense," pangangatwiran nito na sinang-ayunan ng lahat."Then, kailan ang gusto niyo?" malamig kong tanong."Three weeks after!" sagot ng isa at nakipag-apir sa kaniyang katabi."Hanggang doon lang ba ang kaya niyo?" pangungewstyon ko na ikinatahimik nila at tumaas agad ang tensyon sa apat na sulok ng classroom. Yeah, I know, what I said is quite offensive."Next week," sabat naman ng babae sa harapan. Gaya ng dati ay ngumunguya ito ng bubble gum. "Next week Monday, I'll do the title defense and even the research defense," puno ng pagmamalaki niyang sambit kaya naman napangiti ako."Very good then. How about the others?"Nagsimula silang magbulong-bulungan at kalauna'y pumayag na next week ang title defense pero tanging title lang. They don't have the guts like this girl has."That's fix then," komento ko at ngumiti. "But I'm really amazed to your section. They say this is the worse section but at least you're all smart and wise. I like it."Walang umimik sa kanila, actually sa ekspresyon nila ay mukhang iniisip ng mga ito na iniinsulto ko sila. But I don't. I really don't."Now, let's do some review of what you learned in your practical research 1, that thing you study in your grade 11..." Sinimulan ko na ang discussion at nakinig naman sila.A forced agreement is set up but at least now they know how to shut their mouth whenever there's a teacher in front. This is just a first day, and I need to continue this to discipline them.This is the reason why teachers are called the second parent. We are obligated to discipline them.Meeri's POVAbala ako sa pagtipa sa aking laptop habang inaasikaso ang lesson plan. Lunch time na kaya naman nagkalat ang mga estudyante at guro sa loob ng canteen. Nasa kalagitnaan ako ng pagtatrabaho nang dumating si Ceed."Tama na 'yan, kumain muna tayo," anito at isinarado ng kaunti ang laptop ko. "Kaya ko nga tinatrabaho dahil hinihintay kita," sagot ko naman at in-save muna iyon bago pinatay at ibinalik sa bag. Inilatag naman ni Ceed ang mga tupperware sa ibabaw ng mesa na may mga ulam at kanin kaya agad akong natakam. Nang bigyan niya ako ng permisong kumain ay agad akong kumuha ng makakain at sumubo."Meeri," pagtatawag ni Ceed kaya naman tinignan ko siya. "I don't want to ruin your appetite but... can we talk about that b*stard ex of yours?" Natigilan naman ako sa pagnguya pero kalauna'y nagpatuloy at tumango. "But what do want to know about him? Just ask," saad ko at muling sumubo kahit na alam ko... hindi pa ako handang pag-usapan ang tungkol sa kaniya o sa naging relasy
Meeri's POV Natapos ang unang linggo ng pagtuturo ko at weekends na. Nag-aya si Rosie na mamasyal at mamili kaya naman hindi ako tumanggi, actually ay kung saan-saan ko pa siya dinala para magpalipas ng oras hanggang sa gumabi na."Oh my God, Meeri, I'm so tired," bagsak ang balikat nitong reklamo habang nakasubsob ang kaniyang mukha sa manobela ng kaniyang sasakyan. "I'm sorry, Rosie, nadala lang ako," natatawa ko namang sambit at napatingin sa aking wristwatch. Tamang-tama lang. "May tinatakasan ka ba?" Agad akong natigilan pero kalauna'y naiilang na natawa. "Ako? May tinatakasan? You mean 'yung reporters?" saad ko na ikinapaningkit ng mata ni Rosie. "Napansin ko lang kasi na kanina ka pa tumitingin sa oras na para bang ayaw mong umuwi.""'Yun nga, tinatakasan ko mga reporter," pagsisinungaling ko pero tumaas lang ang kilay ni Rosie."You sure?"Tumango ako at tinanggal na ang pagkakaseatbelt ng aking katawan. "Salamat sa paghatid sa akin," pag-iiba ko ng usapan. Ayoko ng madag
Meeri's POV"Meeri! You came earlier than I thought." Sinalubong ako ni Rosie at hinalikan ang aking pisngi."Pasensya na pero kailangan kong umalis ng maaga sa bahay," tugon ko naman at ngumiti, isang pilit na ngiti. Mukhang napansin naman iyon ni Rosie dahil agad na lumungkot ang mga mata nito. "You'll explain to me everything, right?" aniya na tinanguan ko."As a payment for my stay, you say in the phone."Tumawa naman ito at tinulungan na akong buhatin ang gamit ko papasok sa kaniyang bahay. She's living here alone pero malawak ang bahay. Iniregalo ito sa kaniya ng parents niya since gustong-gusto ni Rosie na maging independent. They were afraid at first, but later on they were proud having a strong daughter like Rosie.While me? Obviously I'm still protected by my mom, and... yeah, Uncle Ilay.Inihatid ako ni Rosie sa magiging kwarto ko at sapat na ang lawak para sa akin. Bukod sa mayroong sala, kusina, at banyo, mayroon ding isang kwarto na tumatayo bilang art room ni Rosie. It
Meeri's POV I was busy tapping my fingers on my table while listening to students to their title defense, just like what we've planned to do now. I can feel the heavy aura inside the room. Lahat sila ay kinakabahan maliban sa lalaking nasa harapan."So Mr Tamayo, you're saying that you want to conduct a research about sexy teachers of our school?" paglilinaw ko na tinawanan ng klase habang tumango naman ang estudyante sa harapan. He even wears that smirk of his on his lips. "What do you think the advantage a student can get? Does this research will benefit our school? Is it applicable?" sunod-sunod kong tanong."Well, advantage po niyan ay gaganahan ang mga estudyante na mag-aral at pumasok sa eskwelahan. Ang benefits naman po ay makakatulong 'to sa school dahil dadami ang estudyante at dadami ang matalino," taas noo nitong sagot.Tumango-tango naman ako at ginuhitan ng malaking ekis ang kaniyang papel at ipinakita sa kaniya na agarang ikinalaho ng ngisi sa kaniyang labi."Mr Tamay
Meeri's POV Agad na nakarating kay Uncle Harold at Logan ang nangyari sa akin kaya naman sinundo agad ako ng mga ito sa bahay ni Rosie at ipinaalam na iuuwi nang mabantayan nila ako ng maayos. Dahil doon ay hindi na ako nakaangal at napauwi agad ng mas maaga sa balak ko."Ouch, Logan!" sita ko rito dahil wala man lang kaingat-ingat ang kamay nitong ginagamot ang sugat ko sa leeg at nang mapalitan na rin ang bandage. "Dapat ay sumama ka na lang sa parents mo," singhap nito at tinignan ako. "Malalagot pa kami kay Uncle Roj nito." "Ayos lang naman ako, maliit na gasgas lang 'yan," pangangatwiran ko at napangiwi ng sobra sa pagtapal nito ng bandage. Matapos iyon ay agad kong hinampas si Logan at napahawak sa sugat ko. Ang sakit."Anong maliit na gasgas? Ang dami mong dugong nawala at medyo malalim ang sugat. Paniguradong matatagalan pa 'yan sa paghilom," sermon naman nito at lumayo na sa akin. "But mentally, are you okay?" pag-iiba nito ng usapan na hindi ko inimikan. I don't want to
Meeri's POVPagkababa ko ng hagdan ay agad kong natanaw si Logan at Uncle Harold na nakaharap sa saradong pintuan. Nangunot naman ang aking noo. Bakit hindi pa nila binubuksan? "Anong ganap?" tanong ko sa mga ito dahilan upang mapunta sa akin ang kanilang atensyon. "Umm, Meeri, mas mabuti siguro kung hindi ka muna papasok sa trabaho o lalabas ngayong araw," saad ni Uncle Harold na mas lalo ko lang na ipinagtaka."Well, pinagpipyestahan ka na naman sa social media." Hinarap ako ni Logan. "Nalaman agad nila ang nangyari sa'yo kahapon at bumaliktad ang kwento. Ayon sa kanila ay—""She'll work."Napatingin naman ako sa likuran at nakita si Uncle Ilay na pababa ng hagdan hanggang sa magkatabi na kami. I suddenly jolted when he put his hand in my shoulder. "I'll be her guard for the whole day," dagdag pa nito at tinignan ako at nginitian pero nag-iwas lang ako ng mukha habang masamang nakatingin sa sahig. "Pero... sa labas pa lang ay puno na ng reporter. I bet susundan siya hanggang sa
Meeri's POVNaglakad palapit sa amin si Sulie at Mr Tamayo hanggang sa magkaharap-harap na kami. "Sabihin mo na," bulong ni Sulie at siniko pa nito ang lalaki kaya naman napangiwi ito at iniabot sa akin ang isang bouquet ng bulaklak. "Ma'am Salazar, sorry po sa nagawa ko!" anito sa malakas na boses habang nakayuko. Mas mataas pa ang kamay niyang nakaabot sa akin ng bulaklak kaysa sa kaniyang mukha.Tinignan ko naman si Sulie pero nakatingin lang ito kay Uncle Ilay, sinusuri niya ito mula ulo hanggang paa at gaya ng dati ay may nginunguya siyang bubblegum. Sa hitsura nilang dalawa, parang hawak-hawak ni Sulie sa leeg si Mr Tamayo kaya naman napipilitan itong humingi ng tawad. Tinanggap ko ang bulaklak at tinignan iyon. "How can I sure that you didn't put anything to this that will kill me?" malamig kong sambit na ikinaangat ng mukha ni Mr Tamayo. "Wala po!" agaran niyang depensa. "Sorry po talaga sa nagawa ko," aniya at mariing napalunok. "At sa ginawa po ng parents ko. My Mom real
Meeri's POVDays have passed and I never had a chance to talk to Uncle Ilay, or even had a single conversation with him. He was so busy that he can't even looked at me when I give him food. His eyes were glued to his laptop, or to those bunch of paperwork on his table. Guilt was eating me alive. Well, the day after Uncle Harold told me that Uncle Ilay might jealous, I brought Ceed in our house to have a coffee but Uncle Ilay came home tired and didn't even glanced at us, so I didn't bring Ceed ever since. As I tried to talked to him in his room I only saw his things packed in bag and realized, he'll leave soon. This sounds ridiculous but... every night I was feeling anxious. There's part of me that hated this situation of us, but I hate myself for putting us in a situation like this. I don't want him to leave!Kinagat ko ang aking kuko habang walang tigil sa paglalakad ng pabalik-balik. Hinihintay ko pa ang oras para mag-time out bago ako umalis ng school. Oh right! Agad kong kinuh