KAPANSIN-PANSIN ang hindi pagkanali ni Jin sa kinauupuan nito sa kusina.
"Hijo, masakit ba ang tyan mo? Mukhang may dinaramdam ka yata ah!" pag aalalang tanong ng lola ni Namjoon."Ah hindi po!" pag iling ni Jin at nagpatuloy na sa pagkain. Hindi na ito nagpahalata pang may inaalala.Maya maya pa ay kanya kanya na sila ng pagtambay sa dalampasigan."Napansin nyo yung dalawa ni Yanie at Yoongi, magka holding hands na!" saad na sabi ni Hoseok habang nakatanaw sila sa karagatan."Baka official in a relationship na sila!" diin naman ni Namjoon."Kaya ba hindi sumabay sa pag uumagahan natin si Jimin?" tanong naman ni Taehyung."Mas inalala mo pa si Jimin kaysa sa kapatid mo! Nakapananghalian na tayong lahat pero yung immature mong kapatid ay hindi pa bumabalik buhat kanina!" singhal ni Jin."Nandyan lang iyun sa tabi tabi! I'm nagpapa impress na si Athina sa ibang boys dyan!" singit na usal naman ni Jungkook.DALAWANG ARAW pa ang lumipas at nasa ilsan pa rin ang bangtan at sina Yanie, Jen at Athina. Nayayamot na pinagmamasdan ni Jin ang bawat kilos ni Athina sa pamamahay nina Namjoon na aniya'y tila walang natatandaan sa nangyari nu'ng huling gabi na nakita niya ito lasing sa dalampasigan."Aray!" daing niya dahil sa mainit na tasang idinampi ni Hoseok sa kanyang noo."Tea! Mainit init pa kaysa ulo mo yung uminit dyan katitig kay Athina!" sabi nito at panay na iniaabot sa kanya ang tasa."Wala ba syang natatandaan sa ginawa nya nu'ng isang gabi kaya kung malampas lampasan nya ako ay parang wala talaga syang utang na loob sa'kin?" Seryoso pa rin syang nakatitig sa dalaga. Narinig naman ni Taehyung ang kunoo't noong maktol niya."Hoy Athina! Saan ka ba galing nu'ng isang gabi huh?" tanong ni Taehyung sa kapatid na nanonood ng cooking shows sa TV nina Namjoon."Night Swimming at my own risk!" naka irap nitong tugon."Ang sabihin mo nagla
...BANGTAN'S DORMITORY.NAPAKA-LAKAS na alarm ang gumising kay Yanie at napabalikwas na siya sa kanyang kinahihigaan nang makita ang oras sa orasan na nasa gilid ng kama.Sa pakiwari niya'y marami na naman s'yang gagawin na siguradong ikapapagod niya maghapon. Nag inuman kase ang pitong amo niya kahapon kaya hindi na nya kinaya pang tapusin ang linising kalat ng mga ito kagabi.Hindi naman nga siya nagkamali sa kanyang tamang hinala. Sa salas pa lamang ay naghamya na ang mga bote ng soju na pinag inuman ng pito niyang Amo. Bukod sa mga bote ng soju ang bumungad sa umaga niya ay may nagkalat rin na brief sa lamesita.Nanunuot ang pagkainis niya sa umagang ito. Araw araw na lamang ang kalat ng mga ito buhat nu'ng magbakasyon sila. Wala na siyang inatupag kun'di ang maglinis nang maglinis. Hindi naman sa nagrereklamo siya, since ito naman talaga ang trabahong pinasok nya doon pero parang hindi naman na yata tamang pahirapan siya ng ganoon.
...KANINA pa nagri-ring ang telephone house, ito na rin nga ang umistorbo sa pagbabasa ni Taehyung kanina kung kaya't sinagot na niya ang kung sinong istorbong tumatawag.Ang manager nilang si Sujin (Isa sa pinaka striktong Manager ng Big Hit Entertainment) ang tumawag para sabihing may Urgent Fan signing sila ngayon sa isang TV Commercial."Kainis, May fan signing tayo sa KTV studio!" Singhal ni Taehyung matapos ibaba ang telepono. Ang akala niya ay mas magtatagal ang kanilang bakasyon kaysa sa trabaho ngunit wala pang isang linggo ang nakakalipas ay may asikasuhin na trabaho na naman sila."Alam naman ni Mr. Sujin na wala pa tayong pahinga since last week at ngayon lang tayo nakapag bakasyon, tinanggap pa rin niya ang offer na iyun!" Reklamong usal ni Jungkook na kauupo lang sa couche habang umiinom ng paborito niyang banana milk."Mr. Sujin knows best!" Gigil pa ni Taehyung na sadyang may pagkainis."Nagising na ba ni Ya
SAMANTALA, bwisit na bwisit si Yoongi sa panggigising na ginawa ni Taehyung. Napaka aga pa nga naman sa alarm clock niyang 12:00 midnight. Napansin niyang wala na sa kanyang tabi ang Yaya Yanie niya, ipinagpalagay na lamang niya na isinasaayos na nito ang dadalhing gamit nila sa Studio.Naligo muna siya para tuluyan nang mawala ang kanyang antok. Nang magbalik ang diwa niya sa normal na pamumuhay ay nagbalot siya ng towel sa pang ibaba at saka dumaretso sa kusina. Nadatnan niyang naghuhugas na ng pinggan ang Yaya niya.Ganu'n sila ka-swerteng pito kay Yanie. Lahat ng households chores ay alam nito. Kahit pa anong ipaluto nila ay alam rin nito. Pang House wife material na nga kung tutuusin si Yanie ngunit hindi nila alam ang tunay nitong pagkatao maliban sa dating trabaho nito sa bar kung saan nakilala ito ni Yoongi.Kpop Idols best request ito bilang waitress bonus pa sa pagiging entertaining nito sa mga costumer. Hindi siya maduming babae, maayos ang trab
...ISANG LINGGO ang muling nakalipas ngunit ang paghihirap ni Yanie sa pitong amo niya ay tila hindi na niya matatagalan pa. Pagod at puyat ang nakapanghihina ng loob niya. Sa sobrang kapaguran na nga ay halos hindi na niya magawa pa ang iba.Minsan ay may pagkukusa ang mga ito ngunit ang minsan na iyun ay walang kasing dalas na pinahihirapan siya.Ang pagod na nararanasan niya sa loob ng dormitoryo ay hindi halintulad sa nakamtan niyang pagod noon sa loob ng bar.Kinakausap lang niya ang mga boring na kpop idols na sa TV lang din niya napapanood noon ngunit iba na sa panahon ngayon na Yaya siya ng pitong pasaway at walang pakundangan sa pagsisilbi niya.Na-aalala na nga lang niya ang kwento sa likod ng pagiging Yaya ng BTS. Kung saan nagsimula ang lahat.Tumutulong siya sa isang maliit na kainan ng kanyang step mother. Madalas siyang maltratuhin nito lalo na kapag nasa trabaho ang kanyang ama.Sinasabunutan, Pinahihira
...PINAPASOK na ni Jimin ang kanilang Yaya sa loob ng dormitoryo at pinagpalit ng casual dress."Ang bagal naman niya!" maktol ni Jimin habang pauli uli na lumalakad sa salas. Hinintay niyang makatapos sa pagbibihis ang Yaya.Napansin naman siya ni Hoseok na tila inip na inip sa paghihintay kay Yanie."Anong mayroon at pinagbibihis mo si Yaya?" tanong nito sa kanya at nagdekwatro sa pag upo."May pupuntahan kami saglit!" maigsing tugon niya at napinta sa kanyang mukha nang matunghayan si Yanie na bumababa sa hagdan.Napaka simple lamang ang suot nitong white dress na tinu-angan ng brown sandals at walang pag aayos na kolerete sa pagmumukha kun'di polbos lamang.Sa pagka-pinkish na pisngi ni Yanie ay hindi na nangangailangan pa ng blush on. Makinis rin naman ito kaya lalong nangibabaw ang pagkakaroon nito ng glass skin na bibihira sa mga babae roon.Sadya naman kamangha mangha ang kakaibang awra niya ngayon na k
NAMUMUO na ang galit ni Yoongi sa kanyang ulo nang mabalitaan sa isang live video ang paghahabol ng users kina Jimin at Yanie. Pauli-uli na siya sa salas at panay na rin ang pag inom ni Hoseok nang tubig upang kumalma. Si Namjoon naman ay nakikipag usap na kay Manager Sujin habang si Jin ay nag iisip na ng mga plano kung paano aayusin ang malaking problema nila."Bakit kase hinayaan nyo pa rin si Yaya na sumama kay Jimin-ssi? Alam nyo naman na mainit ang mga mata ng paparazzi sa'ting pagbabakasyon na ito!" tutong na turan ni Jungkook sa harap ng computer niya."Tulog ka yata kanina para sabihin yan sa'kin?" matigas na sabi ni Yoongi."Chill lang guys!" sumisingit na pagpapakalma ni Hoseok."Alam na ni Jimin ang gagawin nya! Trust him!" saad pa ni Jin.Nagmamadaling pumasok sa loob si Jimin at hingal na hingal ito sa pagod. Sumilip pa sa bandang bintana upang tingnan sa labas kung may nakabuntot pa rin sa kanya. Masuwerte pa nga siya at ta
***BINISITA pa muna ni Yoongi si Yanie sa kwarto nito kung natutulog na ba ito pero nadatnan pa niya ang Yaya na nakamasid sa harap ng bintana at tinitingnan ang kabilugan ng buwan."Gabi na, bakit gising ka pa?" pagkatok niya sa bukas na pinto."Ahm.. Hindi pa po ako inaantok!" tugon nito sa kanya at sumadali lamang siya na tiningnan. Gandang ganda si Yanie sa maliwanag na sinag ng buwan."Okay ka lang ba?" tanong pa niya at iniisip na nililibang lang ng Yaya ang sarili nito sa magandang silaw ni Luna."Hindi naman po sinasadya ni Jimin na magkahiwalay kami kanina!" paliwanag nito sa kanya at tuluyan na syang pumasok sa kwarto nito. Minasdan ang malinis na paligid ng silid.Tumaas ang kanyang kilay sa narinig na tawag ni Yanie sa pangalan ni Jimin."Inutos nya ba sayo na 'wag mo na syang tatawagin na sir?" tanong niya."Umh.. Ganu'n din po si Taehyung, Hindi ko po alam kung paano ko sasabihin kay Manager Bang