Share

Chapter 5: BE BRAVE

"Ano ba, Gwy? Bakit ayaw mo lumaban?"

Kuhang-kuha na naman niya ang inis ni Celestia. Sa paraan ng pagtanong nito, kulang na lang sasabunutan na siya at ingudngod sa lamesa.

Kasalukuyan silang nasa kusina at kasama nila si Natalie. Nakaupo lang ito sa upuan na nakaharap sa kaniya habang si Celestia naman nakatayo sa kabilang side ng lamesa. Halos hindi na nito magawang umupo dulot ng inis sa ginawa ni Avery at alam niyang mas matindi ang inis nito sa kaniya. Hindi kasi siya lumalaban at alam niyang gawain iyon ng talunan.

Kailangan ba palakihin niya ang gulo? Tamad siya sa gulo kaya lagi niyang pinipili ang manahimik at hindi lumaban.

"Alam mo, pwede mong sigawan iyon eh! Dapat pinamukha mo sa kaniya na iyong boyfriend niya ang humahabol sa'yo! Kasi mas maganda ka, at vírgín, siya kasi hindi na!" singhal pa nito with matching hand signs pa. Kulang na lang sabunutan nito ang sariling buhok. "Wala tayong may magagawa kay Ace, pero iyong ginagawa ni Ace sa'yo, pwede mong ipamukha sa kaniya in front of other people!"

Huminga siya nang malalim, nag-cross ng braso at umiwas ng tingin. "Iniwasan ko lang si Tatiana Cele, you know, she's worse than her daughter."

Natalie scoffed at napatingin naman siya rito. Tumaas pa ang kilay nitong, tumingin sa sahig na tila ba'y nandoon si Tatiana at sinabing, "That woman is one hundred percent enabler mama bear." Natalie rolled her eyes at tumingin sa kaniya. "Ayoko sa ugaling gano'n? Ginagaya ang mga kontrabida sa palabas?"

Umiling ito. "No. Naniniwala pa rin ako na lahat tayo may utak at lahat tayo alam natin kung ano ang tama at mali. Malinaw na ayaw sa'yo ni Tatiana dahil anak ka ng daddy mo plus mas gusto niya na ang anak niya ang maging asawa ni Ace. Ibig sabihin they want to be part of Sansmith at ang bagay na ito, pwedeng isampal sa mukha niya, Gwyneth."

Huminga siya nang malalim. Natalie is really Natalie. Naka-patong ang isang binti nito sa tuhod. Pasipa-sipa naman sa ere ang paa nito habang nagsasalita na tila ba'y naiinis rin.

"True," sang-ayon naman ni Celestia at nanatili pa rin ang inis sa boses nito. "Ewan ko ba dito kay Gwyneth, walang bunganga, walang kamay, kompleto naman pero ayaw gamitin para protektahan ang sarili niya. Sinasaksak na nga ng kutsilyo, sinasalo pa. Tángá lang di ba?"

Umiwas na lang siya ng tingin dahil sa sinabihan na siya nito ng tángá.

"Nasa iyo ang tama, Gwy. Fight for it, please," halos nakikiusap na wika ni Natalie. "You know me, ayaw kong nakikitang may sinasaktan sa mga kaibigan ko. Nakita mo naman ang ginawa ko kanina, di ba?" Kinuha nito ang baso ng wine sa ibabaw ng lamesa at bago ito uminom, dumugtong muna, "Ganoon ang dapat gawin sa mga taong, sugod nang sugod kahit mali, sinusupalpal. Madali lang gawin iyon, Gwy. Lalo na in front of many people."

Bakit kasi hindi na lang pagsabihan ng mga ito si Ace? Lalo na itong si Natalie, kapag binabara si Ace, tumatahimik lang din ang lalaking iyon.

Ang tanong ng isipan niyang iyon tila narinig ni Natalie kaya nagsalita pa ito. "My cousin Ace? Lumaking nakukuha niya ang lahat, hindi napagsasabihan... nakikinig lang kasi iyon sa parents niya, but when it comes to other people, for him, 'who are they anyway?"

She huffed at nagsalita na rin siya since si Ace na ang nababanggit nito, "Naniniwala ako na alam ni Auntie Eloise iyong issue ko sa anak niya. Pinagsasabihan rin siya noon ng nanay niya, bakit hindi siya sumunod?"

Tampong-tampo siya habang nagsasalita. "Well, saksi ako sa sagot niya diyan and he told us..." Tumingin sa kaniya si Natalie, ngumiting animo'y nang-aasar at sinabing, "He likes you."

She scoffed at umiwas na lang ng tingin. Pati kasi si Celestia ay napangisi. "And what about my sister?" sarkastiko niyang tanong.

Tumingin siya kay Natalie sunod kay Celestia. Kumibit-balikat si Natalie, at sumagot sa patanong rin since hindi ito sure, "His toy?"

Natawa si Celestia. "I'm second to that, iyon din kasi ang nakikita ko eh."

Napanganga na lang siya. To the fact na kapatid niya si Avery, at siya itong hinahabol-habol ni Ace. Hindi talaga maganda ang sitwasyon.

"Wala ba kayong may nakikitang mali doon? I mean, Avery and I...we're sisters," tanong pa niya, gusto nang magtampo kasi halatang nakukunsinti ng mga ito si Ace.

"We saw," simpleng sagot ni Natalie bago uminom ng wine. Nagpasya na ring umupo si Celestia sa harap niya. "Katulad ng sabi ko, hindi susunod si Ace kapag sinabi naming stop. We can't stop him, but you can dodge him."

Mas lalo siyang nalito sa linya ni Natalie, lalo na't tumango-tango si Celestia.

"Dodge? How?" tanong niya.

"Saktan mo si Avery sa harap niya," sagot nito.

Nagthumbs-up si Celestia na talagang sang-ayon na sang-ayon at gumatong pa, "Sa gaanong paraan mo maipakita kay Ace na hindi lahat ng gusto niya nakukuha niya. Saktan mo si Avery at isampal mo sa mukha ni Ace in front of Avery ang salitang ayaw mo sa boyfriend niya. Tapang lang kasi talaga ang kailangan mo, Gwyneth eh. At meron ka noon, ayaw mo lang gamitin."

Pero hindi niya kayang saktan si Avery, mas lalong gugulo ang sitwasyon at baka idemanda pa siya ni Tatiana. Baka sa sampal lang makulong pa siya. Madrama pa naman ang dalawang iyon.

Nag-cross na lang siya ng braso at maktol na tumingin sa dalawa. "Mas gusto kong umiwas na lang."

Tumaas ang kilay ni Natalie at nagtanong, "Makakaiwas ka ba?"

Gumatong si Celestia na nakalumbaba na sa ibabaw ng lamesa. "Maiiwasan mo ba si Ace?"

Napanganga siya. Celestia added, "Remember he's obsessed with you. Hangga't walang harang lalapitan ka niya."

Mas lalo siyang na-stress at naisautak na lang ang tanong na, 'gusto ko lang namang mabuhay.'

"Exactly and again, we can't stop Ace, gusto ka niya, at gagawin niya ang lahat para makuha ka. Wala kaming magagawa doon dahil personal niya iyon...I mean." Umiling si Natalie tila nag-iisip ng right term sa ibig niyang sabihin at sinabi nito, "Feelings niya iyon eh. Teenager pa lang tayo, gusto ka na niya at ayaw naming hadlangan. Mas lalo na ang parents niya."

Napatayo na lang siya, talagang aminado pa itong kinukunsinti ng mga ito si Ace.

Nagsalita siya, "Gusto niya ako pero ito ang ginagawa niya sa amin na magkapatid? Hindi na nga kami okay, pinapalala pa niya. Kung ako ang gusto niya bakit si Avery ang girlfriend niya?"

"So gusto mo ikaw na lang ang girlfriend ko?"

Napatalon siya ng biglang mangibabaw ang boses ni Ace papasok sa kusina. Kitang-kita na naman niya ang yabang sa mga ngiti nito pero siya, ramdam na ramdam niya ang pang-iinit ng pisngi niya na paniguradong nangangamatis na sa pula.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Robelyn Senador
hahahaha...nadagdagan 2loy ang yabang mo alas...hahaha..hnd ganun yun noh,saka ka na umasa....
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status