Share

CHAPTER 2

NAPAHAWAK AKO SA MASAKIT KONG ULO. Kinusot ko ang mata ko at napaupo bago iginala ang aking paningin. Hindi ko yata kwarto ito? Kaninong kwarto ba 'to? Napatingin ako sa gilid ko kong saan mahimbing na natutulog si Monti.

"Nasa condo ba n'ya ako?” Bulong ko sa sarili ko bago inalog ang ulo ko para alalahanin 'yung mga ginawa ko kagabi.

May ilang eksenang bumalik, pero ang tanda ko lang ay 'yung sumakay ako sa kotse n'ya at tawa nang tawa. Nakakahiya 'yung ginawa ko kainis! May pasok pa pala ako, at s'ya rin late na s'ya.

Kaya ayaw kong umiinom kasi nawawala ako sa aking sarili.

"Governor Monti gising na,” kinalabit ko s'ya. "May appointment pa po kayo ngayon. Matatambakan na naman kayo nang trabaho.” Dagdag ko pa habang kinakalabit s'ya.

"Leave me alone broken hearted woman! Masyado kang wild kagabi pinagod mo ako." Aniya bago ibinaon ang mukha sa unan at hindi talaga bumangon.

Ha? Talaga ba? Ako ba ang wild o s'ya lang talaga?

We both know na mas mahilig s'ya kaya wag niyang ipinapasa sa akin ang gawin n'ya.

"Kaya pala mahapdi petchay ko na parang ayaw pa akong makalakad?” Sarkastikang saad ko.

"Ikaw may gusto niyan Jewel. Sabi mo sige pa, idiin mo, ibaon mo pa at bilisan mo. Kung utusan mo 'ko para akong alila, and now your saying—"

Hindi ko na s'ya pinatapos pa.

"Uuwi na ako!” Inis na sigaw ko dahil sa kahihiyan, bago siya tinalikuran at akmang lalabas na pero nag salita na naman ang demonyito.

"Hindi porque niloko ka at broken ka ay exempted kana, before you leave cook breakfast.” Utos n'ya.

Napataas ang kilay ko bago sumagot. "All around ba trabaho ko sayo Monti? Hindi ko na trabaho iyan. Kumuha ka ng katulong mo at wag ako ang istorbohin mo. May mga kaylangan rin naman akong gawin, at hindi pwedeng pati personal na bagay i-aasa mo sa akin.”

"I'll pay you,” tumayo s'ya. "Gutom na ako and besides napaligaya naman kita kagabi, right? Pay back time, pagod ako sa kakautos mong bilisan ko.”

Bakit kasi sinunod?! Lasing nga ako eh!

"Kainis talaga!” Napasabunot ako sa buhok ko bago padabog na pumunta sa kitchen. "Anong gusto mong breakfast? Itlog, bacon or hatdog?” I asked.

Ayaw kong tapunan ng tingin ang mapang-asar niyang pagmumukha. Napabuntong na lamang ako habang hinahanda ang mga iluluto ko.

"Basta masarap,” he answered.

Habang nagluluto hindi ko mapigilang isipin 'yung pangloloko ni Anton sa akin. Gusto ko paring umiyak sa tuwing maiisip kong sinayang n'ya lang 'yung two years na pinag samahan naming dalawa. Masaya naman kami ah? Oras lang talaga 'yung kulang sa amin, at hindi rin naman oras ang mag a-adjust sa aming dalawa.

Kapag naman kasi wala akong trabaho at ginagawa s'ya naman itong walang time. Saan ba ako lu-lugar? Bakit ba kasi ang daming utang na naiwan sa akin? Samantalang si Kuya na abroad hindi man lang ako matulungan sa bayarin namin. Panay lang s'ya flex nang buhay niya sa amerika, at ako hirap na hirap kakabayad dito sa pinas.

Ulila na kami sa magulang ni Kuya. Dalawa lang rin kaming anak, at si Mama ang dahilan kaya kami na baon sa utang. Tinamaan kasi ng cancer si mama. Dahil sa paninigarilyo niya at madalas na pag i-inom. Huli na kasi e, may sakit na siya nang maisipan niyang huminto. Mahal ang gamot at treatment n'ya. Kaylangan nang malaking halaga.

Kaya nga biglaan akong pumirma sa alok ni Monti e, dahil sa pangangaylangan ko that time. Pinilit ko namang humanap nang iba, pero si Monti lang kasi 'yung may pinakamataas na pasahod.

Pinangako ni Anton na hindi n'ya ako iiwan. Maging sa magulang ko ipinangako nya, pero bakit iniwan parin n'ya ako? Pinahid ko ang luha ko at inalis muna sa isip ang alalahanin. Susubukan ko nalang na pumunta sakaniya, baka sakaling hindi n'ya sinasadyang hiwalayan ako.

Umaasa parin ako na magiging maayos pa kami ni Anton. Sabay pa naming sasalubungin ang third anniversary namin ng may pagmamahal at masaya sa piling ng isat-isa. Kasalanan ko naman 'to kung tutuusin. Kaya nga heto ako nilulunok lahat ng pride ko pag dating kay Anton. Kahit wala akong matira sa sarili ko makabawi lang kay Anton kasi sobrang laki ng kasalanan ko sakaniya.

"Luto na." Matamlay na wika ko. Ihinain ko na ito at sinandukan narin s'ya nang kanin. "Aalis na ako kumain kana.” Paalam ko.

"Kumain kana muna.”

At dahil gutom na ako ay hindi na ako umarte pa sa alok ni Monti.

"Masarap itong itlog na luto mo, pero mas masarap parin itlog ko.” Nasamid ako bigla sa sinabi n'ya. "What?” Nakataas ang kilay na tanong niya.

"W-Wala.”

"Parang wala ako sa mood pumasok today.”

Sinamaan ko s'ya nang tingin bago sumagot. "May appointment ka nga po! Ano na namang sasabihin at ipapalusot ko?! Pahihirapan mo na naman ako? Masakit pa puso ko have mercy on me! Kahit ngayong araw lang wag ka munang pasaway na bwiset—” Hindi ko naituloy.

"Fine, just stop talking. Masakit sa tenga iyang boses mo, parang laging nasa palengke.” Tinuloy n'ya ang pagkain niya at hindi na ako binigyan pansin.

Itinikom ko narin naman ang bibig ko dahil sabi n'ya masakit sa tenga. S'ya nga masakit sa mata sinabi ko ba? Nakakairita ugali, pananalita at trato n'ya sakin umangal ba ako? Hindi n'ya makita sarili n'ya puro nalang ako.

"Good morning Mark,” bati ko.

"Dito ka natulog?” Gulat na tanong nito bago ako tinignan mula ulo hanggang paa. "Anong meron Jewel?” Dagdag na tanong pa n'ya.

"Lasing ako kagabi di'ba? Daan naman tayo sa bahay bago dumiretsong opisina. Sa isang kotse na s'ya sumakay, tapos bilin n'ya ako nalang daw ihatid mo.”

Nauna na kasi si Monti. Ayaw ko rin naman siyang sabayan sa pag pasok, baka masilip ng mga mosang na reporters ma-diyaryo pa beauty ko. Kung machichismis na lang rin ako wag nalang sa Governor, mas gusto ko kay Chris Evans.

Napatango naman ito sa sinabi ko. "Grabe ka pala malasing noh? Ang tapang mo manalita kay boss tapos supalpal s'ya sayo. Kaya hinahayaan ka nalang.”

"Talaga? Sobrang nakakahiya ba?” Nakangiwing tanong ko kay Mark.

"Hindi ko alam e, pero para sa akin cool ka parin at tsaka pabayaan mo na pala 'yung ex mong manloloko. Kakarmahin rin iyon at mababaog dahil sa sumpa mo haha. Mabuti nalang talaga hindi ako manloloko kundi nadamay pa ako sa sumpa mo.” Natatawang sabi pa nito bago sumakay sa kotse.

"Ano bang sinabi ko?” Gagad na tanong ko.

"Sabi mo mabaog sana lahat nang manloloko.” Humalakhak si Mark bago pinaandar ang sasakyan.

Hindi na talaga ako iinom!

Napahilot ako sa sentido ko ng bumaba sa kotse. Nakaramdam ako na masusuka kaya kumaripas ako ng takbo papasok sa bahay. Binilin ko kay Mark na hintayin ako dahil saglit lang naman akong maligo.

After maligo agad akong nag bihis at inayos ang aking sarili.

"Nainip kaba? Pasensya na Mark abala pa tuloy ako.” Wika ko kay Mark na agad namang napatayo. "Late na tayo, tara.”

Papasok palang ako ng office ni Monti ng masalubong ko si Mayor Galvez. "Good morning po Mayor,” bati ko bago papasok na sana ng pigilan n'ya ako.

"Clyde nalang hindi naman nalalayo edad natin.”

"Pero nasa trabaho po tayo Mayor.” Ngumiti ako sakaniya bago huminga nang malalim. "Tatawagin lang kita sa name mo kapag nasa labas tayo o tayong dalawa lang.” Dagdag ko ng makitang nalungkot ang itsura niya.

"Are you free tonight? I heard there's a dog who broke your heart, is it true?”

"Yes po, pero sa akin nalang po iyon. That's too personal.” Pinihit ko na ang doorknob at papasok na nang mag salita na naman siya.

"Dinner with me tonight as a friend.”

"Kapag po tapos na working hours ko." Sagot ko habang nakangiti.

"Thanks."

Tumango nalang ako bago tuluyang pumasok. Nadatnan ko si Monti na busy sa monitor niya at hindi man lang ako napansing dumating na. "Nasa labas si Mayor Clyde bakit hindi mo pinapasok?” Tanong ko.

Agad siyang tumigil sa ginagawa at sinulyapan ako. "Clyde? Sinabi na n'ya sayo pangalan niya?" Pagak na tumawa si Monti. "Ang bilis mo yata mag move on Jewel?”

"Mukha bang joke 'tong nararamdaman ko? Alam mo kung pwede nga lang umiyak ako ng umiyak eh. Naisip ko lang na paano ko patitigilin mundo ko para sakaniya at iiyakan s'ya, kung 'yung obligasyon ko una-unahan?” Patanong na sabi ko sakaniya.

"Stop the drama, go back to your work. I hate dramatic scene, wiped your tears.”

Pinahid ko ang luha ko na tumulo na pala at ibinaling nalang sa trabaho ang isip ko. Habang binabasa ang mga papers na nasa table ko ay hindi ko maiwasang mapahilot sa sentido. Masakit parin ang ulo ko dahil sa hangover, pero baka mamaya mawala narin ito.

"Aano ka Governor?” Tanong ko nang bigla itong tumayo.

"Monti nalang itawag mo sakin mas sanay ako. Lalabas lang ako para bumili dito kana lang.” Lalabas na sana s'ya nang pigilan ko s'ya.

"Ako na bibili o kaya ipauutos ko nalang maupo kana.”

"No thanks, but I can manage.” Lumabas na s'ya kaya hinayaan ko nalang. Mahirap bawalan ang taong pasaway kaya hindi ko na s'ya pipigilan pa. Habang wala pa naman s'ya ay ipinikit ko muna ang mata ko dahil kanina pa talaga ako dinadalaw nang antok.

"Jewe—Fuck, tulog pala.”

Minulat ko ang mata ko ng marinig ang mahinang boses ni Monti. Kaylan pa s'ya nahiya kapag ganito ako? Parang kaylan lang sinigawan n'ya ako kasi nakatulog ako sa trabaho. Binigyan n'ya ako ng punishment at ginalaw ng wanto sawa para daw hindi na ako umulit.

Kaylan pa nakonsensya ang demonyito?

"Pasensya na nakatulog—” Hindi na n'ya ako pinatapos at may nilapag sa table ko.

"Drink this,” tinuro niya ang ilinapag niyang calamansi juice. "Baka pwede na iyan makabawas sa hangover? I don't know, just try it.” Nakapamulsang sabi niya bago bumalik sa swiveling chair niya.

Lumabas siya para lang ibili ako? Weh? Napatingin ako sa binili niya at sinuri ito. "Baka may lason 'to ah?” Bulong ko habang sinusuri parin ang juice.

"If you don't like it just throw it out.” Walang emosyong sabi pa nito nang mapansing may alinlangan ako sa binigay niya. "Hindi ako bumili niyan Jewel kundi si Mark, request nya iyan. Pansin n'ya daw kasi na masakit ulo mo so, thank him for buying that cheap drink.” Dagdag na paliwanag pa nito kaya nawala ang alinlangan ko.

Kay Mark naman pala galing e, bait talaga ng bestfriend ko. Boy bestfriend ko si Mark since day one. S'ya lang kasi laging kumakausap at sumasama sa akin, tapos minsan sya 'yung sumasalo ng galit ni Monti kapag may nagagawa akong ayaw nito.

May tumawag sa office telephone kaya agad ko itong sinagot. "Hi, good morning sir/ma'am this is the Governor office how can I help you?”

Narinig ko ang mahinang tawa sa kabilang linya bago sumagot. "It's me,” anito bago ulit mahinang tumawa.

"Mayor Clyde gusto nyo po bang makausap si Governor Monti?” Agad na tanong ko bago sumulyap kay Monti na nakatingin narin pala sa akin.

"No, tumawag ako dahil sayo haha. May hangover ka di'ba? You should rest ako na bahala kay Monti, and may binili nga pala ako para sayo just wait, bye.” Binaba na n'ya ang tawag kaya nalilitong tumingin ako kay Monti na wala paring sinasabi.

"Sabi n'ya may binili daw—” Agad n'ya akong pinutol sa sinasabi ko.

"Next time sabihin mo wag gagamitin office telephone. Dagdag gastos pa dahil sa harot lang naman, may phone ka naman.” Banas na sabi ni Monti.

Bakit galit? Kasalanan ko ba na tumawag si Clyde? Malay ko ba na ta-tawag si Clyde para lang sabihing may binili s'ya, at chichikahin lang ako. Ang hirap kasi sa bwiset na 'to sa akin lahat ang sisi eh.

Ikinalma ko ang sarili ko dahil baka mapatulan ko lang s'ya. Kanina lang ang bait tapos biglang naging asal demonyo na naman. Hindi ko na talaga maintindihan si Monti nakakagago na s'ya literal.

"Bakit natahimik ka?"

Walang emosyong binalingan ko si Monti. "Ano bang gusto mo daldalin kita?" Sarkastikang tanong ko.

"Bakit ba ang sungit mo?"

Bwiset talaga oh! Bandang huli ako pa pala? Ako pa talaga? S'ya nga itong natitimang nalang bigla at nagagalit ng walang malalim na dahilan.

"Bago ako tanungin mo Monti subukan mong humarap sa salamin at simulang tanungin 'yang sarili mo." Napairap nalang ako at sinubukang mag focus na sa trabaho.

"Sabagay pag broken talaga ganiyan." Kibit balikat na sabi pa n'ya na ikinakulo nang dugo ko.

Ngunit hindi ko na lamang siya pinansin dahil maasar lang ako lalo.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
wag muna isip o patulan si monti hahaha sasakit lang lalo ulo mo hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status