Share

CHAPTER 12

CHAPTER 12

HINDI ako mapakali sa aking upoan lalo't katabi ko si Rafael na tahimik na nagmamaneho ng aking sasakyan.

Hindi ko inaasahang magiging ganito ang aming muling pagkikita.

Kailangan ko ba siyang batiin?

'Rafael, kumusta? Nakatutulog ka ba ng mahimbing kahit bigla mo na lang akong iniwan?' dapat ay ganoon ba ang aking pagbati?

"So boys hunting huh." Bigla siyang nagsalita sa pagitan ng aking malalim na iniisip.

Hindi ako umimik. Ayokong magpaliwanag at wala akong dapat ipaliwanag.

"Tingnan mo kung anong nangyari sa'yo? Kung wala ako roon, papaano na?" matutunugan doon ang pagkainis.

Lumunok ako ng ilang beses at walang maisip na idahilan.

"Pero wala namang nangyari sa akin 'di ba?" pagmamaldita ko.

"Kasi nga nandoon ako. Paano kung wala? " naiinis pa rin siya.

Hindi na lang ako nakipagtalo. Wala rin namang saysay kung gagawin ko pa 'yon.

"Wait, where are we going?" tarantang tanong ko dahil iba ang daan na tinatahak niya.

Hindi siya ulit nagsalita hanggang sa mapansin kong
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status