Share

Kabanata 14

Hurt

Ilang beses akong nag pagulong-gulong sa kama ko at knanina pa 'di dalawin ng antok matapos akong ihatid ni Lawrence mula sa date namin kanina.

Ilang beses ko na rin pinag-isipan kong tatangapin ko ba ang alok niyang maging girlfriend nito sa loob ng Isang buwan.

Hindi naman ako ganoon ka-despirada para mag panggap na girlfriend niya at ano naman kaya ang mapapala ko kung tatangapin ko ang alok niya?

Nasa ganon akong pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko sa side table. Agad ko 'yon dinampot at ganoon nalang kumabog ang puso ko ng rumehistro ang kaniyang pangalan. Ilang beses muna ako huminga ng malalim bago sagotin ang tawag.

"Hello?"

Ngunit walang sagot akong narinig mula sa kabilang linya.

"Lawrence?!"

"I'll hung up the phone pag hindi ka nagsalita." Banta kong sinabi sa malakas kong boses.

"Sweetie," he whispered in husky voice.

Agad akong natigilan, ako naman ngayon ang hindi nakapagsalita.

"Naistorbo ba kita?" Tanong nito.

"Hindi naman, bakit?" Mahina kong saad.

"Bakit gising kapa?" Balik nitong tanong sa baritonong boses.

"Hindi pa kasi ako inaantok, bakit ka pala napatawag?" Pangungulit ko kahit na alam ko na ang dahilan.

But I only hear those heavy breath that comes for his over the phone. My heart starts pounding hindi ko makakaila ang matinding kaba sa puso.

"Rence?" Wala sa loob na tawag ko.

"Alright, Elliesse will be having a photoshoot at Saavedra's Resort by next week and–" Tumigil ito sa pagsasalita at muli ay namutawi ang katahimikan sa pagitan namin.

"I need you to come with me," aniya sa akin.

My lips quivered, hindi alam ang dapat na isagot sa kaniyang alok.

"Margaux," he whispered my name ina sweet sultry voice.

I swallowed hard, hindi ko madampot ang tamang salita para dito.. Sa totoo lang hindi ito ang inaasahan ko. Akala ko rin ay madali akong makakatanggi pero bakit parang gusto ko ng tumango.

"Alam kong mahirap para saiyo ito, pero ito na ang una't huling hihilingin ko saiyo ito."

I shut my eyes and filled my lungs with heavy air before I speak. "Yes! I'll come with you," I said timidly.

He cleared his throat first very he finally speak, "A–are you sure?" His voice gets warmer and deeper.

"Yes, payag na ako, but promise me one thing–" I paused as I've waited for him to answer.

"Sure.." Sagot nito.

Huminga muna ako ngmalalim bago muling magsalita, "Please, no string attach."

Ilang minuto na buhat ng ibaba ko ang telepono ay hindi pa rin ako dalawin ng antok. Hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag sa gusto niya. Basta ang alam ko lang masaya ako sa naging desisyon ko.

***

Naka ayos na ang mga gamit na dadalhin ko sa lakad namin ni Lawrence. Ilang beses akong humarap sa salamin at inayos ang sarili. Hindi na kasi mawala ang kaba sa dibdiib ko habang hinihintay itong dumating.

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang sunod-sunod na pag doorbell sa pinto.

"Just a minute!" I yelled, bago pasadahan muli ng tingin ang suot na reddish-orange drees at tiptoe shoe.

"Hi!" Bungad na bati ko dito nang mapag buksan siya ng pinto.

His eyes burned me, hindi nakaligtas sa akin ang marahan niyang pag suyod sa kabuoan ko.

"Ah, pasok ka muna, kukunin ko lang ang mga gamit ko sa loob." ani ko dito bago tumalikod.

When he walk inside, I sneak a glance of him. My heart blush as I noticing the power behind his breathtaking features. He wore a simple white T-shirt and faded denim jeans, ganoon rin ang suot nitong nike shoes na binagayan ng suot niyang brown na leather jacket.

Bitbit ko traveling bago nang salubongin niya, "Let me help you with that." he said, then took my bag from me.

Wala kaming imik pareho buhat ng makasakay ng kaniyang sasakyan. I felt the awkwardly silence between us. I don't think I have to open a conversation right now.

"Kamusta ang tulog mo kagabi?" he asked, then started to switch on the engine.

"Uh, ayos naman." I inwardly smile.

"Good," aniya pa, hindi na ito nagsalita pa dahil tumulak na ang sasakyan nito paalis. Pinagkasya ko ang sarili sa panood sa unti-unting pag lipas ng istraktura, maya pa ay napalitan ng kulay berdeng mga puno at bukirin.

Matapos ang halos dalawang oras naming byahe ay sa wakas narating na namin ang Saavedra Resort. Gaya ng dati pinahanga ako ng magandang tanawin na sumalubong sa amin.

Giniya ako nito papasok sa loob ng hotel, hindi rin kami nakalimutang batiin ng ilang empleyado nang makita kami ni Lawrence.

"Let me take you to your suite first, then I'll pick you up later, for our lunch." Blong nito sa akin.

Tumango lang ako dito, paano ay kami lang dalawa ang nasa loob ng elevator, pero hindi ko maintindihan ay kung bakit sobrang lapit nito sa akin. My heart pounding so fast, pakiramdam ko ay babagsak ang mga tuhod ko pag masyado pa kaming nagtagal sa loob ng elevator.

"Are you alright?" he asked softly to my left ear.

I stand in froze and drop my gaze at the floor. "Yeah, I'm fine.."

Napapikit ako nang haplosin nito ng marahan ang puno ng buhok ko. "I'm sorry hindi ka dapat narito, but I promise to take good care of you, what ever happens," he whispered again.

Laking pasalamat ko nang bumukas na sa wakas ang pinto. Nagkaroon ako sa wakas ng pagkakataon na makalayo dito. Damn it, Margaux! it's just a whisper, It's just a touch! Calm the fuck down!

Mabuti ay mabilis namin narating ang silid na pinalaan niya para sa akin. I could see a perfection at every corner of this room. Walang tinipid na detalye at mukang pinaglaanan ng panahon para pagandahin.

Nang makontento ang mga mata sa nakikita ay bumaling naman ako kay Lawrence na bit-bit ang bag ko.

"Thanks, ako na dito.." Maagap kong hinila dito ang bag ko.

"Are you sure?"

I nodded, "Salamat ulit." I say then smiled a bit.

"I-tse-check ko lang sa baba ang mga dumating na staff, I'll be back in a minute." Paalam naman nito sa akin.

Nang makaalis ito sandali akong nag shower at nagbihis ng pulang bestida at parehong sandals. I gather my hair into a bun and painted my lips with light color.

Ilang sandali pa ay kumatok muli si Lawrence para ako sunduin.

"Hi, gorgeous!" A soft smile appeared on his lips as he laid his back against the doorframe.

My face became the color of a bad sunburn, I turned my head to the side to avert my gaze. Sanay akong pinupuri ng iba pero hindi ni Lawrence.

Pakiramdam ko rin ay nasa ulap ako habang naglalakad kami pababa ng grand staircase, dagdag pa ang atensyong binibigay ng ilang empleyado at guest sa amin ni Lawrence.

"Are you feeling nervous?" Bulong nito bago mariing ginagap ang kamay ko.

I look up at him and suddenly we exchange look. "No, I'm not.." I bravely said.

"Good, mas madali para sa akin." aniyapa.

Kumunot ang noo ko dito, what does it mean? Iyon ang naiwang tanong sa isip ko hanggang sa makarating kami sa may lobby at dumiretso na sa Isa sa mga diner na naroon.

"Good afternoon Mr. President!" Magalang na bati dito ng waiter bago ilapag ang mainit-init pang tenderloin steak sa amin.

"Please, give her juice instead." Pigil ni Lawrence dito nang tatangkang salinan nito ng champagne ang flute glass sa aking harapan.

"Right away, Sir," anito kay Lawrence bago kami talikuran. Mabilis rin itong nakabalik para dulogan ako ng lemonade juice.

"Thanks!" I said, then beam at him.

Bahagya lamang itong yumukod sa akin bago na umatras at bumalik sa trabaho.

"Ganyan ka rin ba sa lahat ng mga empleyado mo?"

Umangat ang tingin ko dito, "What do you mean?" I asked him with furrowed brows.

"My employee. I thinks, he does like you," aniya bago sundan ng tingin ang waiter na palayo.

Sinundan ko ng tingin ang tinuturo nito bago nag iling. "Hindi na bago 'yon sa akin." I said, bago mag kibit balikat.

He shook his head with grimace, kita ko rin ang pag tangis ng bagang nito dahil sa sinabi ko.

"I'm afraid, they were took this as a advantage, para mapalapit saiyo and I will never let that to happen." May diin nitong sinabi..

Gusto kong matawa sa naging reaksyon niya. "Kasama ba ito sa pagpapangap natin bilang mag kasintahan? I'm sorry hindi ko gustong magkaroon ng boyfriend na seloso." I said, then I smirked.

"I will talk to the manager regarding this matter." he declared with a serious voice.

"Tungkol saan?" Nagtataka kong tanong dito.

Ngunit hindi na nito nagawa pang sumagot ng tumuon ang tingin nito sa bandang likuran ko. Dala ng kuryosidad ay lumingon ako sa likuran ko kung saan namataan ko ang pagpasok ni Ellisse sa main door ng hotel.

She wore dashing clothes in a offbeat way. Her hair was sunrise-gold and had a shapely figure with burnished complexion.

Halos lahat yata ay napalingon dahil sa agaw pansin niyang pagpasok.

"Hi, Rence!" Masiglang bati nito buhat ng makalapit. Hindi nito nakalimutang gawaran si Lawrence ng halik sa pisngi..

Mabilis ang ginawa kong pag-iwas ng tingin sa eksenang 'yon. Hindi naman dapat ako apektado dahil alam kong nagpapanggap lang kami, pero iba pa rin pala pag harap harapan kang magpa-panggap.

"Hi, Margaux!" She greeted then waved her hands and beam at me.

I smiled back with my most innocence face.

"How was your trip?" Lawrence interrupted. They are remained standing and look at each other eyes.

"It was good, na miss ko ang bayan ng San Simon," she said and show off her sweet smile.

Pakiramdam ko ay may ibig itong ipakahulogan sa kaniyang sinabi. Gayon din ang reaksyon ni Lawrence na nag igting ang panga dito.

"Ah, please join us.." Lawrence offered her seat.

Agad kong pinukol ng tingin ang aking pagkain. Pakiramdam ko ay bigla akong nawalan ng gana.

"Sure!" Mabilis na nga itong na upo sa silyang katabi ni Lawrence. Agad rin itong dinulogan ng pagkain ng waiter na sineyasan ni Lawrence.

Buong oras ng pagkain namin ay halos sila lang dalawa ang nag-uusap parang wala nga ako doon. Pakiramdam ko ay isa akong hangin na nasa paligid lang ngunit hindi mo nakikita.

Dala ng sobrang inis ay madiin kong tinusok ang steak na nasa harapan ko dahilan para matigil sila sa pag uusap.

"Sorry! Ano kasi medyo matigas yung steak." I explained.

Kumunot ang noo ni Lawrence sa naging reaksyon ko. Pilit nitong binabasa kung ano ang nasa mga mata ko at sa huli ay ito ang unang sumuko at nagbaba ng tingin bago mag tiim bagang.

Mabilis nitong sinenyasan ang waiter na agad namang lumapit sa amin. "Paki palitan mo ang pagkain ni Ms. Collins, make sure na malambot ang steak na ihahain ninyo." He ordered, and looked at me seriously.

"Right away, Mr. President!" Magalang nitong sinabi bago kunin saakin ang aking plato.

"No, actually I'm good." Marahan kong pinunasahan ang aking labi bago tumayo, "I'll go take some rest, mukang marami pa kayong pag-uusapan." May diin kong sinabi sa mga ito.

"Oh right," ani Elliesse na siyang nag kibit balikat.

Lawrence looked intently into my eyes, kaya pinasya kong mag-iwas nalang ng tingin. "Just enjoy your moment, together. I'll be upstair." I added bago sila talikuran.

Nang maka-akyat ay pinasya ko munang magpalit ng damit para ma preskohan. Naka walking short lang ako at plain white T-shirt na binagayan ko ng flip-lops.

Lumabas ako ng balcony para sandaling magpahangin. Dito ay tanaw ko halos ang kabuoan ng Saavedra Resort. Pansin ko ang dami ng turistang nasa beach ngayon. May ilang nag su-surfing dahil sa tindi ng alon kahit tanghaling tapat, habang ang ilan ay nag kasya nalang sa pag sa-sun bathing.

Humugot ako ng malalim na buntong hininga, "Kamusta na kaya sila sa ibaba?" sambit ko sa sarili habang naka pangalumbaba.

Sunud-sunod ang ginawa kong pag iling, "No, hindi ka dapat apektado ng ganito. Tutal trabaho lang naman ang ipinunta dito ni Elliesse kaya hindi dapat ako mabahala.

Para matigil na sa pag-iisip ay pinasya konalang na matulog. Madilim na ang paligid nang magmulat ang mata ko. Mabilis kong kinapa ang lampshade sa night stand at dinampot ang cellphone ko doon para sulyapan ang oras.

Ala-sais na pala ng gabi, napahaba yata ang tulog ko. Pero ang lubos kong ikina-dismaya ay ang wala man lang akong na receive na text o tawag mula kay Lawrence.

Hindi ko mapigilang bumangon ang inis para dito. Siya na nga itong nanghingi ng pabor tapos siya pa itong may ganang mang-iwan sa ere? Mabibigat ang hakbang na lumabas ako ng hotel para sana ito hanapin, ngunit bigla akong natigilan.

Tss, bakit ko naman siya kailangang hanapin? I don't need to play the role of a possessive girlfriend in the first place! Kaya sa huli ay nagpa room service nalang ako ng dinner at binuro ang sarili sa paghihintay.

Comments (42)
goodnovel comment avatar
Saet Byul
how to unlock?
goodnovel comment avatar
Marjorie Lazaro Layug
pa unlock pls
goodnovel comment avatar
Mariela Formaran
unlock please....
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status