Isa lang ang subject namin ngayon. Pumasok lang din ako para mag-attendance, after no'n ay uuwi na ako. Hindi ako sinundo ni Yatco dahil mamaya pa ang pasok niya. Nag-text na lang ako sa kaniya ng good morning kanina para naman mapangiti ko siya kahit papaano.After kong makapag-attendance, bumaba na agad ako ng building namin para umuwi. Niyayaya pa ako kanina nina Jessa, Lilibeth, Shammy, at Zendi na magliwaliw muna pero tumanggi ako. Gusto ko na munang makapagpahinga. Habang naglalakad ako sa daan ay nakasalubong ko si Klarisse, may kasama siyang lalaki - iyon yata ang boyfriend niya ngayon."Hi, Juness. Kumusta?" bati niya sa 'kin."Hello, okay naman ako. Ikaw ba?" wika ko."Heto, okay na okay. Mas masaya ako ngayon kasi may bago ng nagpapatibok ng puso ko," aniya."Oo nga pala, Noel this is Juness, kaibigan ko. Juness, this is Noel, boyfriend ko nga pala," maligaya niyang pakilala sa 'min sa isa't isa."Hello, nice to meet you," sambit ko kay Noel."Nice to meet you, too," nakang
Pagkahawak ko sa may seradura ng pinto ay sakto namang nahawakan niya ako sa may balikat. Nataranta talaga ako matapos 'yon kaya agad ko 'tong hinigit para bumukas ang pinto. Nagtagumpay naman ako at bahagya itong bumukas. "Tulong! Tulungan ninyo ako!" sigaw ko pa. Ginamit ko talaga ang opportunity na 'yon para ipangalandakan na kailangan ko ng tulong."Kahit magsisigaw ka pa rito, walang ibang tutulong sa 'yo," sambit niya. Nakangiti lang siya para tuyain ako. Kahit gano'n, ayaw ko pa ring mawalan ng pag-asa."Tulong! Please, tulong!" pagpalahaw ko pa.Sa pagkakataong 'yon, ginamitan niya ulit ako ng puwersa. Agad niya naman ako sinakal at hinila niya ako habang nakahawak ang kaniyang kamay sa aking leeg sapag diin niya sa 'kin sa may pader."Ayaw ko sana 'tong gawin kaso namumuro ka na sa 'kin. Kung hindi ka man magiging sa 'kin, sisiguraduhin ko namang hindi ka magiging kaniya," aniya. Medyo nakalawit na ang dila ko nang sabihin niya 'yon dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa le
Friday na ngayon, heto na 'yung huling araw ng pasok namin. Bukas, bakasyon na. Hindi naman na kami ni-require na mag-uniform. Pagkaligo ko, tiningnan ko ang aking sarili sa may salamin at napansin ko nga ang may galos at pasa na medyo halata. Maging sa aking leeg ay medyo pansin ang tila ba bakat ng kaniyang daliri kapag malapitan. Mabuti na lang at hindi 'yon napansin ni Mama, medyo malayo rin naman kasi kami sa isa't isa.Naghanap ako ng damit sa aking cabinet pagkatapos. Nakita ko 'yung turtle neck kong kulay dark green kaya iyon na ang kinuha ko. Long sleeve rin naman ito kaya maitatago nito ang dapat na itago. Mabuti na nga lang at wala akong galos o pasa sa mukha. Hindi naman nagkaroon ng bakas 'yung pagpigang ginawa ni Amos sa aking panga kaya wala akong dapat na ipag-alala.Nagsuot ako ng pants na medyo fitted at saka ko ipinaloob doon 'yung damit ko saka ako naglagay ng belt. Rubber shoes ang isinuot ko sa aking paa para maging komportable naman ako. Nagsuot din ako ng sungl
May mga tao talaga na mawawala sa buhay natin pero mayroon din namang papalit. Noong mawala sina Gela at Osang, nagkaroon ako ng panibagong kaibigan. Akala ko, hindi na maaayos pa at maibabalik dati ang aming samahan. Mabuti na lang at nagbago ang ihip ng hangin. Sobrang saya ko dahil maayos na ang dati naming samahan.Nang mawala si Zerudo sa buhay ko, para bang guguho na rin ang mundo ko. Noong panahon na 'yon, hindi ko kayang tanggapin na wala na kami. Pilit akong umaasa na puwede pang maibalik ang pagmamahal niya sa 'kin kaya ginawa ko ang lahat, gumawa ako ng plano para makuha siya ulit. Hindi ko alam, iyon pala ang magiging pundasyon para maibukas ko ang aking puso sa iba. Salamat sa pagdating ni Yatco dahil muli niyang binigyan ng kulay ang madilim kong mundo.Sa kabila ng nagawa sa 'kin ni Zerudo, natutuhan ko pa rin naman siyang patawarin. Pagtungtong ng semester break, tinawagan ako ni Ate Mariz na magbabakasyon na muna sila ni Zerudo sa ibang bansa. Maaaring nagtamasa raw k
Hindi ko maipaliwanag ang kaligayahan na aking nadarama matapos niya akong anyayahan sa kanilang tahanan. Ito na ang simula ng aking pangarap para maabot siya; para lubos ko pa siyang makilala.---Noon pa man, hindi ko maiwasan ang pagtangi sa kaniya. Nang makita ko pa lang siya na tumatakbo at nagdidribol ng bola, napukaw niya agad ang aking pansin. Magaling siyang manlalaro sapagkat na-shoot niya agad ang bola. Hindi ko maiwasang hindi mapatigagal nang maglandas ang aming mga mata. Bumilis ang tibok ng aking puso, gusto kong kalmahin ang aking sarili ngunit ayaw tumahimik sa pagsilakbo ng aking damdamin. Siya na, siya na nga yata talaga...Para akong punong natuod sa aking kinatatayuan nang masilayan ko ang matamis niyang ngiti na namutawi sa kaniyang labi. Kasabay pa no'n, isang kindat ang kaniyang pinakawalan patungo sa aking direksyon."Para sa akin ba ang kindat na 'yon?" tanong ko sa aking isipan. Gusto kong magtatalon
Masaya akong naghuhugas ng pinggan sa kusina habang nakikinig sa magandang himig ng isang musika mula sa radyo. Hindi ko inalintana ang makulimlim na panahon kaya pakanta-kanta pa 'ko. Mahilig akong kumanta kahit na hindi ako nabiyayaan ng talento pagdating dito. Napatigil akong bigla sa pagkanta dahil naalala ko 'yung g'wapong lalaki kanina sa may bukana ng simbahan."Juness, masyado ka yatang masaya ngayon?" bungad ni Ate Aprilyn, ang nakatatanda kong kapatid."Naku Ate, ang g'wapo kasi kanina no'ng lalaki ro'n sa may simbahan. Alam mo naman, bihirang makakita ng g'wapo rito sa atin," turan ko. Hindi matanggal ang aking ngiti sa labi sa tuwing nakikita ko ang maamong nitong mukha sa aking imahinasyon.Lumapit sa akin si Ate at kumuha ng isang baso mula sa aking nahugasan at siya'y tumungo sa may ref upang punan ito ng malamig na tubig."Hindi naman masamang mamangha ka sa isang g'wapong nilalang pero dapat kontrolado
Hinding-hindi ko malilimutan ang unang lalaking bumihag sa aking puso. Ipinaramdam niya sa akin kung paano lilipad at sasabay sa saliw ng dagundong na namumutawi sa aking puso.Napaka-memorable ng una kong pag-ibig sapagkat dito ko rin naramdaman kung paano kiligin nang wagas. Sa mga munting bagay na ginagawa niya para mapasaya ako, rehistradong-rehistrado iyon sa utak ko.Pinatunayan niya rin sa akin na hindi kailangan ng mga materyal na bagay para mapasaya mo ang isang tao. Sakto lang din naman ang antas ng kaniyang pamilya sa buhay, hindi mahirap at hindi mayaman.Sa kabila ng lahat ng sayang itinanim niya sa pinakamatabang bahagi ng aking puso, ay siya ring pait sa pagkakapunla upang ito'y dumugo.---"Babe, akalain mo 'yon, tatagal tayo ng tatlong buwan..." bungad ko kay Martin habang nakasakay kami sa ferris wheel.Madilim ang kalangitan ngunit laganap at kumukutikutitap ang
Itinigil ko na muna ang pagninilay-nilay at inasikaso ang dapat kong lutuin. Tiyak na pagod si Mama mamaya pagkauwi kaya mas mainam nga ang sopas para sa kaniya.Iniluto ko na ang elbow na pasta roon sa chicken stock. Nang sa palagay ko'y okay naman na iyon, isinunod ko na agad ang iba pang rekado. Makalipas ang limang minuto, pinatay ko na ang kalan dahil luto na ang sopas. Tiyak na matutuwa rito si Mama kapag natikman niya.Tinatamad na ako ngayon dahil wala na akong ginagawa. Minabuti kong mahiga na lang muna sa may sofa at magbasa ng kung anu-anong story online.---Inabot din ako ng kalahating mnuto sa pagbabasa ng maikling kuwento. Ilang saglit pa, napa-awts na lamang ako.Bakit gano'n ang nabasa ko? Ang sakit naman nito sa puso. Mabuti na lang at hindi dumating sa punto na nagtangka akong kitilin ang sarili kong buhay.Salamat sa pamilya kong umagapay sa akin noong nalugmok ako.Hindi