"Nasaan na ba ang babaeng 'yon kanina pa siyang late! Pinakaayaw ko sa lahat bulok sa time management," reklamo ni Dustin habang nililinga si Celine sa paligid.
Halos isang oras nang naghihintay ang binata. Kung hindi niya lamang talaga kailangang makausap si Celine ay kanina pa sana siyang umalis sa kanilang tagpuan. He loathed late comers the most.
Inihahampas ni Dustin ang kaniyang sapatos sa paa ng silya habang ang kanang kamay naman niya ay paulit-ulit na nagta-tap sa lamesa. Inaliw niya ang sarili sa panonood ng mga balita sa kaniyang iPhone.
"I hate this! Ngayon lang ako naghintay sa babae nang ganito katagal! Seryoso ba siyang darating siya o pinaghihintay niya lang ako sa wala?"
Sa sobrang inip ni Dustin ay tinawagan na niya ang cellphone ni Celine. Laking gulat niya nang sagutin ito ng isang hindi pamilyar na boses.
"Ikaw ba si Dustin Saavedra?" tanong ng lalaki sa kabilang linya.
Nang marealized ni Dustin ang posibleng nangyari sa kaniyang fiance ay agad niyang sinagot ang nasa kabilang linya.
"Ako nga. Anong kailangan mo? Bakit ka tumawag?" nagpipigil tumawa si Dustin habang nakikipag-usap.
"Anong bakit ako tumawag eh ikaw itong tumawag sa number ni Celine? Sabog ka ba?" inis na tugon ng lalaki.
Saglit na ngumiti si Dustin bago nagsalita.
"Bakit nasa iyo ang cellphone ni Celine? Sino ka at anong ginawa mo kay Celine? Bakit mo ako kilala? Magkano ang kailangan mo?" sunod-sunod na tanong ni Dustin.
The man laughed devilishly before he answered Dustin's queries.
"Unang-una, hindi ako obligadong sabihin sa'yo ang pangalan ko. Pangalawa, mahimbing lang na natutulog ang babaeng hinahanap mo. WALA PA AKONG GINAGAWA SA KANYA. At higit sa lahat, hindi ko kailangan ng pera mo dahil ikaw mismo ang kailangan ko. Itetext ko sa'yo ang lokasyon namin. Hihintayin kita sa loob ng bente minuto. Kapag hindi ka dumating, alam mo na ang pwedeng mangyari sa babaeng mahal mo," paliwanag ng lalaki.
Dustin gave him a silly laugh.
"Sige. Gawin mo kung anong gusto mong gawin sa babaeng 'yan. Wala naman akong pakialam sa kaniya." Hinintay ni Dustin ang isasagot ng lalaki subalit wala siyang nakuhang kasagutan.
"Hindi ba umubra ang sinabi ko?" Isip-isip ni Dustin.
Napamura siya nang makita niyang call ended na pala. Nais niya sanang pakawalan ng kusa ng lalaki si Celine kaya nagpanggap siya na wala lang sa kaniya kung mapahamak man ang dalaga. Alam ni Dustin na mananagot siya sa kanyang papa kapag nalaman nitong na-kidnap si Celine ng dahil sa kaniya. Sa dami ng taong na agrabyado niya, hindi na niya maisip kung sino ang kumuha kay Celine.
Tumawag sa kaniya si Don Alexander para ipaalam na napalipat ang petsa ng kasal nila. Mapapaaga ng walong araw ang kanilang kasal buhat sa orihinal na plano. Lalong sumakit ang ulo ni Dustin sa balitang iyon.
Nilisan niya ang cafeteria at dalas-dalas na nagmaneho papunta sa lugar na itinext sa kaniya ng hindi pa niya nakikilalang lalaki.
Dinala siya ng waze sa isang abandonadong lugar. Ang building ay binubuo ng humigit-kumulang dalawamput limang palapag. Walang kabuhay-buhay ang gusali dahil wala itong kapintu-pintura. Wala pa ring mga nakakabit na bintana at pinto sa gusali. Nagtataasan din ang mga damong nakapaligid dito.
"Bakit ba ako nagpunta rito? Wala naman akong pakialam sa babaeng 'yon!"
Napatingin siya sa kaniyang cellphone nang mag-vibrate ito. Nagtext ang kaniyang papa. Napabuntong hininga siya bago magdesisyon na tumuloy sa loob ng gusali.
Wala siyang pagpipilian kung hindi ang iligtas si Celine dahil hindi niya nanaising magalit sa kaniya si Don Alexander.
Nag-vibrate muli ang kaniyang cellphone ngunit sa pagkakataong ito ay isang multimedia message na ang kaniyang natanggap mula sa numero ni Celine. Tumakbo na siya nang mabilis papunta sa gusali nang makita niyang walang malay na nakatali si Celine. Tiningala niya ang gusali at naaninag niya ang isang babaeng nakabitin.
"Celine," bulong ni Dustin bago kumaripas ng takbo paakyat ng gusali.
Nasa twenty-fifth floor si Celine kaya kailangan niyang makarating doon sa loob ng limang minuto. Labing limang minuto na ang nakalipas buhat kanina.
Naghahabol nang hininga si Dustin sa sobrang taas ng kaniyang tinakbo. Hindi siya gaanong nakakapag-exercise dahil palagi siyang busy sa kumpanya at sa pambababae. Basang-basa na ng pawis ang kaniyang panloob na damit. Itinapon niya ang kaniyang suit para mabawasan kahit papano ang init ng kaniyang katawan. Nais na niyang huminto sa pag-akyat para mamahinga ngunit hindi niya magawa. Nasa ika-benteng palapag pa lamang siya. Dalawang minuto na lang ang natitira kaya ibinuhos na niya ang natitira niyang lakas para makarating ng sakto sa usapan.
Hingal na hingal si Dustin nang makarating siya sa pinakatuktok ng gusali. Napahawak siya kaniyang mga tuhod. Pumatak sa sahig ang butil-butil niyang pawis. Napatunghay siya nang marinig niya ang pagpalakpak ng isang hindi niya makilalang lalaki.
"Bilib din naman ako sa tibay ng tuhod mo, Dustin! Mahusay! Salamat sa pagpapaunlak mo sa aking imbitasyon."
Ang lalaking kumuha kay Celine ay mayroong hindi kasindak-sindak na hitsura. Mahaba ang buhok nito at malago na rin ang balbas at bigote. Namimilog ang kaniyang mga mata at bungi ang front teeth niya. Approximately five feet and four inches ang tangkad niya. Kayumanggi ang kaniyang kulay at may nunal siya sa kanang pisngi niya.
Nais sanang tumawa ni Dustin ngunit wala na siyang lakas para rito. Lumakad siya palapit sa direksyon ng kinaroroonan ni Celine.
"Ibaba mo siya," utos ni Dustin.
Hinila nga ng lalaki pababa ang tali kaya lalong kumabog ang dibdib ni Dustin dahil sa kaba.
"ANO BANG GINAGAWA MO? ANG IBIG KONG SABIHIN PAKAWALAN MO SIYA!"
"Huwag mo akong sigawan Mr. Saavedra. Gan'to ba ang tipo mong babae?" usyosong tanong ng lalaki.
"Anong kailangan mo sa akin? Bakit mo ginagawa 'to?"
"Sinagot mo ng isang tanong ang tanong ko. Napakahusay!" Tumawa ng nakakatakot ang lalaki bago tumingin ng diretso sa mga mata ni Dustin.
"Ibalik mo ang asawa ko sa trabaho niya," saad ng lalaki. "Papakawalan ko ang kasintahan mo kapag ibinalik mo sa trabaho ang asawa ko."
Napaisip si Dustin. Sa sobrang dami niyang inalis sa trabaho ay hindi niya mawari kung sino ang tinutukoy ng lalaki sa harapan niya.
"Si ... sige. Tatanggapin ko ulit ang asawa mo sa trabaho. Pakawalan mo lang 'yang babaeng 'yan!"
Pumalakpak ang lalaki at nagsalita, "nakalimutan ko. Gusto kong lumuhod ka sa harapan ko. Kapag nagawa mo 'yon, makakaligtas nang walang kasugat-sugat ang girlfriend mo."
Bumagting ang panga ni Saavedra.
"Kahit kailan hinding-hindi ako luluhod sa harap ng kung sino maliban na lang kung sa harap ng babae para magpaligaya. Sige lang. Bahala ka na sa babaeng iyan dahil sa totoo lang, hindi ko siya girlfriend at wala kaming kahit anong relasyon. Hindi nga kami magkaibigan eh!" Dustin uttered.
"Kung wala lang siya sa'yo bakit nandito ka ngayon?"
Hindi nasagot ni Dustin ang tanong ng lalaki.
Nang magkamalay si Celine ay nagsisigaw ito at nagpumiglas. Halos lumuwa ang kaniyang mga mata nang makita niya kung gaano kataas ang pwede niyang bagsakan. Sinuway naman siya ni Dustin na huwag maging magaslaw dahil sa tantsa niya ay hindi ganoon katibay ang taling naghahawak kay Celine.
"Oh ano, Saavedra? Luluhod ka ba sa harap ko o tutuluyan ko na itong kasintahan mo?" pananakot ng kidnaper.
"Ano ba ang kasalanan ko sa'yo manong? Kung may galit ka sa lalaking 'yan huwag mo akong idamay dahil hindi kami magkaano-ano! Lumaban ka ng patas! Huwag kang duwag!" sigaw ni Celine habang nakapikit ang kaniyang mga mata. Si Celine ay takot sa mga matataas na lugar.
"TUMAHIMIK KA D'YAN! HINDI MO ALAM KUNG PAANO SINIRA NG DUSTIN NA 'YAN ANG BUHAY NAMING MAG-ANAK! MATAPOS NIYANG PAGSAWAAN ANG ASAWA KO, TINANGGAL PA NIYA SA TRABAHO! SAGAD SA BUTO ANG KADEMONYOHAN NG LALAKING IYAN! KAYA MAG-ISIP-ISIP KA MUNA BAGO KA PUMATOL SA LALAKING ITO!" Lumabas ang litid ng lalaki sa kaniyang leeg dahil sa pagsigaw. Mababakas sa kaniyang mga mata ang poot at pagkasuklam kay Saavedra.
Napaisip naman si Dustin sa sinabi ng lalaki. Hindi iyon kagwapuhan kaya iniisip niyang hindi sexy at hindi maganda ang asawa niya. Nakikipaglandian lang siya sa mga babaeng pasok sa panlasa niya.
"Naaalala mo na ba ang misis ko, Mr. Saavedra? Si Jasmine Montefalco!"
Dustin laughed berserkly. Naalala na niya ang sinasabi ng lalaki.
"Seriously! Asawa ka ni Jasmine? 'Yong dati kong secretary?" hindi makapaniwalang tanong ni Dustin. Mala-dyosa ang ganda ng dati niyang sekretarya.
"Oo asawa niya ako! May nakakatawa ba? Baka gusto mong ihulog ko na 'tong babaeng 'to?" pagbabanta ng lalaki.
"Pakawalan mo na siya riyan. Huwag mong hintaying magalit ako ng tuluyan," seryosong usal ni Dustin habang ikino-kondisyon ang kaniyang katawan.
Puputulin na sana ng lalaki ang tali nang bigla siyang inupakan ni Dustin. Dumugo agad ang ilong ng lalaki. Tatayo pa lamang ito nang bigla na naman siyang sinipa ni Saavedra. Sunod-sunod na suntok ang pinakawalan ni Dustin na naging dahilan ng pagbagsak ng lalaki sa sahig. Nakahawak ito sa kaniyang tiyan at dumada*ng na masakit ang kaniyang katawan. Agad namang hinila ni Dustin ang tali at pinakawalan si Celine.
Hawak-hawak na niya ang kaniyang bride to be ngunit nanginginig pa rin sa takot ang dalaga. Itinext naman ni Dustin ang best friends ni Celine sa cellphone ng dalaga.
“HINDI PA TAYO IKINAKASAL PERO HALOS IKAMATAY KO NA! ANO BANG KLASENG TAO KA HA, MR. SAAVEDRA? ISA LANG BA SIYA SA MGA TAONG NAGTANIM NG GALIT SAÝO? AYOKO NA DUSTIN! WALA AKONG PAKIALAM KUNG ITAKWIL MAN AKO NG MGA MAGULANG KO! AYOKONG MAGING ASAWA MO!” Celine remonstrated.
“Kumalma ka Celine. Huwag mo akong sisihin sa nangyari saýo dahil hindi ko ito ginusto. Aaminin kong maraming nagagalit sa akin pero hindi dahil masama akong tao. Babaero lang talaga ako at iyon madalas ang nagiging dahilan ng gulo,” pagpapaliwanag ni Dustin.
Tinaasan siya ng kilay ni Celine. Nakita niyang dumudugo ang kanang kamao ni Dustin. Pawisang-pawisan din ang katawan nito mailigtas lamang siya sa kamay ng kidnaper.
“Hindi ka man lang ba magpapasalamat Ms. Jones?” pabirong tanong ni Dustin.
Inirapan lang siya ni Celine bago kumawala sa mga braso nito. Lalakad na sana palayo si Celine nang bigla niyang makita ang lalaki sa likod ni Saavedra. May hawak itong malaking kahoy.
“DUSTIN SA LIKOD MO!” sigaw ni Celine.
Unti-unting bumagsak sa sahig si Dustin. May dugong tumutulo sa kaniyang noo. Agad namang tumakas ang lalaki. Hindi magkaintindihan si Celine kung ano ang kaniyang gagawin.
“You should ... marry me. I just need ... to get ... my inheritance.”
Iyon ang mga huling salita ni Dustin bago siya tuluyang nawalan ng malay.
"Nahihilo na ako sa friend natin, Freya!" komento ni Celestine. "Oo nga eh! Ako rin nahihilo na sa kaniya, sa true lang. Kanina pa siya pauli-uli riyan. In love na ba ulit ang lola natin?" pabirong tanong ni Freya. "Pwede ba magsitigil kayong dalawa?" pagsaway ni Celine sa dalawa niyang kaibigan. Celine was walking back and forth for about thirty minutes. Wala pa ring malay si Dustin matapos mapukpok sa ulo ng taong kumidnap sa kaniya. Kinakain siya ng kaniyang konsensya sa tuwing mapapatingin siya sa walang malay na si Saavedra. Sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari dahil agad siyang nagtiwala sa lalaking iyon. ***Flashback*** Naglalakad na si Celine patungo sa sakayan nang biglang may lumapit na lalaki sa kaniya. "Miss kilala mo po ba si Dustin Saavedra?" magalang na tanong ng lalaki. "Opo. Papunta po ako ngayon sa kaniya eh. Kaibigan po ba niya kayo?" pag-uusisa ni Celine. "Ano kasi miss ... naaksidente po siya eh!" "ANO? NASAAN SIYA NGAYON? ALAM NA BA NG KANIYANG PAPA?
"Congratulations Mrs. Celine Jones-Saavedra and Mr. Dustin Saavedra!" masiglang bati ng host. Isang masigabong palakpakan ang sumalubong sa bagong kasal. Habang naglalakad sa red carpet ang mag-asawa ay naririnig ni Celine ang mga bulungan sa paligid. "Sus hindi naman mahal ni Dustin ang babaeng 'yan. Si Don Alexander lang ang dahilan kung bakit sila ikinasal," sabi ng pinsan ni Dustin na si Elaine. "Oo girl, tama ka riyan! Ang chaka-chaka saka ang tanda na no'ng wife niya nakakaloka! Ang dami-daming nagkakandarapa sa pinsan mong mas bata at mas maganda kaysa sa napangasawa niyang 'yan! Bakit kaya siya ang napili ni Dustin?" sulsol naman ng babaeng katabi ni Elaine. Lalong nawalan ng gana si Celine na ngumiti sa araw ng kaniyang kasal. Napansin ni Dustin ang biglang pagtungo ng kaniyang bride. "May problema ba Celine?" tanong ni Saavedra. Umiling lang si Celine at nagpatuloy sa paglakad. "Hindi sila bagay! Mahirap lang 'yong babae tapos sobrang yaman naman no'ng lalaki! Parang l
Matapos ang kasal nina Dustin at Celine ay agad silang lumipad sa Palawan para mag honeymoon. Hindi pumayag si Celine na lumipad pa patungo sa ibang bansa para lang sa iilang gabing magkasama sila ni Dustin. Ang kanila namang honeymoon ay sinagot na ni Don Alexander. Tanging apo lamang ang hinihingi niyang kapalit. Tinawanan lang siya nina Celine at Dustin sa kaniyang request dahil wala silang balak na pagbigyan ang matandang bilyonaryo.Nang makarating sila sa Banwa Private Island ay agad silang sinalubong ng mga staff ng resort. Halos dalawang oras ang itinagal ng kanilang byahe mula sa Manila at umubos naman ng tatlong oras ang kanilang ibinyahe mula Batangas patungong Manila kaya lambot na lambot na sila bago pa man makarating sa kanilang destinasyon. Pinapagamit ni Don Alexander ang kanilang private helicopter pero mariing tinanggihan iyon ni Celine kaya ang ending ay nag commute silang dalawa ni Dustin. Asar na asar naman si Dustin sa sobrang pagkamahiyain ni Celine.Banwa Privat
"Ahh. Shit! Dahan-dahan naman Dustin!" sigaw ni Celine."First time mo ba Celine?""Malamang!" tugon ni Celine habang umuungot dahil sa sakit."Ah kaya pala dumugo. Sige dadahan-dahanin ko na lang. Relax ka lang kasi!""Paano ako magrerelax nito! Eh masakit nga! Ahhhh! Oh shit! Dustin ano ba?" Tiningnan ni Celine ang kaniyang asawa nang matatalim."Sorry Celine, napabigla eh. Ipasok ko ulit ha," ani Dustin."Bilisan mo na kasi Dustin para isang sakit na lang!" suhestiyon ni Celine."Sabi mo dahan-dahanin ko! Ano ba talaga?""Ughhhh," ungot ni Celine."'Yan patapos na. Sa una lang 'yan masakit. Maghihilom din 'yan sa mga susunod na araw."Magkasabay silang humiga matapos butasan ni Dustin ang tainga ni Celine para lagyan ng hikaw."Sana hindi na lang ako nakinig sa'yo. Sabi mo maalam ka? Sabi mo hindi ako masasaktan? Dapat sa nurse or midwife na lang ako nagpabutas," reklamo ni Celine habang hawak-hawak ang ngayo'y namamaga niyang kanang tainga. "Kapag ito nainfection, naku!" dagdag pa
Celine and Dustin tried a wide variety of activities in Banwa Island such as snorkeling, kayaking, jet skiing, scuba diving, sailing, yoga, and tennis. Inubos nila ang kanilang oras sa mga aktibidades na iyon. Isang linggo silang nanatili sa pribadong isla ngunit wala man lang nangyari sa kanilang dalawa. Nag-impake na ang mag-asawa pabalik sa kanilang probinsya. Hindi na pumayag si Dustin na mag-commute na naman sila dahil aksaya raw sa oras. Pinagbigyan niya lang si Celine noong papunta pa lang sila sa isla. Nasa daan na ang private plane na susundo sa kanila. "Ayaw mo talaga mag-commute, Dustin?" pangungulit ni Celine. "Kung gusto mo ikaw na lang," masungit na tugon ni Dustin. "G-Galit k-ka pa rin ba sa a-akin?" nauutal na tanong ni Celine. Dustin gave her a cold look before giving his answer. "Sa tingin mo?" Dustin examined her entire appearance from head to toe. Padabog na inilagay ni Celine ang kaniyang mga damit sa maleta. "Tinanong kita tapos sinagot mo na naman ako ng
“A-Ate.” Matapos magbihis ni Shantal ay agad niyang niyakap ang kaniyang kapatid na na-istatwa na sa kaniyang kinatatayuan. Hindi kumikibo si Celine habang yakap siya ng kaniyang kapatid. “A-ate. S-sorry.” Inalis ni Celine ang pagkakayakap ni Shantal sa kaniya. “Celine, please don’t tell this to anyone,” pakiusap ni Dustin habang hinahanap ang kaniyang boxer. “T-tama si Dustin, ate. Magkakagulo lang pag nalaman 'to ni Don Alexander at ng mga magulang natin. Ate please. Ayokong kasuklaman ako nina mama at papa," humihikbing sambit ni Shantal. “Celine, makinig ka sa amin ni Shantal,” mahinang saad ni Dustin na ngayon ay nakabihis na rin. Tahimik lang na nakikinig si Celine sa sinasabi ng dalawa. Marami pa silang sinabi ngunit hindi na iyon narinig ni Celine dahil paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari kanina. “I’m begging you, Ate Celine. Wag mo akong isusumbong kina mama at papa ha. 'Di ba hindi mo naman mahal si Dustin? Kasal lang naman kayo pero wala naman talagang
“CELINE, SAGUTIN MO ANG TANONG KO. TOTOO BA ANG MGA NARINIG KO?” Nagmistulang naglalagablab na apoy si Clenthon nang malamang sumiping sa asawa ni Celine ang kaniyang bunsong anak na si Shantal. Halos hindi siya makapaniwala na nagawa iyon ni Shantal sa kaniyang kapatid. Habag na habag siya kay Celine samantalang suklam na suklam naman siya kay Shantal. “T-tatang. Kanina pa po ba kayo riyan?” Nawala ang hangover ni Celine dahil sa pagkagulat. Ang kaniyang kalamnan ay nangangatal hindi dahil sa galit siya kay Shantal kung hindi dahil sa takot. Sa buong buhay niya ay hindi pa niya nakikitang magalit nang husto ang kaniyang mga magulang. “TOTOO BA? TOTOO BANG NAKIPAG-SEX SI SHANTAL SA ASAWA MO?” Nakailang tanong na si Clenthon kay Celine dahil hindi siya sagutin ng kaniyang anak. Nang mapansin ni Freya ang panginginig ng kamay ni Clenthon ay sumabat na siya sa usapan. “Tito Clenthon, ipagpaumanhin niyo po ang pagsali ko sa inyong usapan," ani Freya. Hinawakan ni Celine ang kamay ni
Naglakad pabalik sa kanilang tahanan si Shantal dahil doon siya susunduin ng kaibigan niyang si Glydel. Bagamat may matitirahan na siya ay hindi pa rin niya magawang maging masaya. Sa isang iglap ay nasira na ng tuluyan ang kaniyang pamilya.Pinupunasan niya ang kaniyang mga luha habang nakaupo sa kaniyang mga pinagpatong-patong na mga bag. Sa sobrang dami niyang damit ay hindi iyon nagkasya sa iisang maleta. Napatayo siyang bigla nang marinig niya ang pagbukas ng maliit nilang gate. Nagbabakasakali pa rin siyang muling tanggapin ng kaniyang mga magulang sa kabila ng kaniyang nagawang pagkakamali."Anak, Shantal bakit nandito ka pa?" nag-aalalang tanong ng kaniyang Mama Lyn. "Sabi na nga ba eh. Dapat 'di na ako umasa," pabulong na saad ni Shantal."Ano 'yon anak? Hindi ko narinig.""Hindi ko na ho kasalanan kung bingi kayo."Hindi namalayan ni Shantal na nasa likod lamang ng gate ang kaniyang papa. Nang lumabas ito ay isang mag-asawang sampal ang lumapat sa mga pisngi niya."Sumosobra