Share

Chapter 11

Akala ko hanggang doon na lang ang gagawin namin. Pero si boss ay naglabas pa ng cake, may dalang regalo at nilagyan pa ako ng party hat tulad ng kanya.

"Happy birthday to you~ Happy birthday to you~ happy birthday, happy birthday... Happy birthday to you~~"

Kinakanta n'ya 'to habang naglalakad palapit sa'kin dala ang cake. May sindi na rin ang kandila sa gitna nito. Pareho kaming naka party hat na hindi ko alam kung saan pa n'ya kinuha. Pero ang ganda pala ng boses n'ya kapag kumakanta.

Mas magarbo naman 'yong hinanda ni Tita sa bahay, pero bakit mas parang naiiyak pa ako sa ginawa ng boss ko? Sa simpleng ganito na touch ako. Siguro dahil, ganito ang taon-taon kong nakasanayan kasama ang pamilya ko. Ganito namin i-celebrate ang birthday ko sa amin.

Tumigil ito sa harap ko at ngumiti sa'kin.

“Make a wish Belle,” mahinang saad nito.

Pumikit ako habang magkadaop ang aking mga palad.

Sana... Mai-ahon ko sa hirap ang pamilya ko. At sana, sa susunod na mahalagang araw sa buhay ko, kasama k
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status