Habang nasa biyahe pauwi ay panay ang pangungulit ni Paolo kay Anna na dumaan sila sa Kidzoona. Madaanan lamang nila iyon pauwi, pero hindi pumayag si Anna kahit na gusto niya sanang pagbigyan ang bata. Alam niyang nasa rules iyon ni Brett, at bawal iyon labagin.''Ate Anna, please...'' ulit na panunuyo ni Paolo. Sinadya nitong palambingin ang boses at sinabayan pa ng pagpapa-cute.Napabuntong-hininga si Anna, kapagkuwan ay ginulo ang buhok ni Paolo. Yumakap naman sa bewang niya ang bata. Ang driver naman ay panay ang sulyap sa kanila sa rearview mirror.''Magpaalam muna tayo sa daddy mo. At kung papayag siya, bukas na lang tayo pupunta sa Kidzoona.'' paliwanag ni Anna sa bata.''Okay...'' anang bata na tila hindi sang-ayon sa sinabi niya. ''Si mommy ko lagi niyang sinusunod ang gusto ko. Lagi kaming pumupunta sa Malls, especially sa Kidzoona.'' malungkot na sabi ni Paolo na ikinalingon ni Anna rito.Oo nga pala may mommy itong si Paolo pero bakit hindi ito nakikita ni Anna? Hindi ba
Malakas ang pagbuga ni Brett ng hangin nang makalabas ng silid si Anna. Napahawak siya sa sariling baba, at hinilot-hilot iyon. Nang hindi pa rin matanggal ang manhid no'n ay nag-utos na siyang magpadala ng yelo kay Bebang."Ano bang nangyari, hijo?" takang-tanong ni Bebang habang nakatingin ito sa binatang hindi maipinta ang mukha na naglalagay ng yelo sa baba nito."Nauntog lang ako sa isang matigas na bagay." walang ganang sagot ni Brett."Gano'n ba? Si Anna naglalagay rin ng yelo sa noo niya. Ewan ko kung ano'ng nangyari sa babaeng iyon. Malaki ang bukol sa noo e." sumbong ni Bebang.Ngumisi si Brett sa sinabi ng matanda.Mabuti nga sayo! Aniya sa isipan."You can leave now. Ako nang bahala rito." ma-awtoridad na utos niya kay Bebang.Sa sinabi niya ay tumango si Bebang at lumabas ng silid. Wala pang ilang segundo nang lumabas ang mayordoma ay pumasok naman ang anak niyang si Paolo."Dad..." anito."Hmm...something wrong?"Nakitaan niya ng pag-aalinlangan ang itsura ng anak kaya p
Nagpaalam si Anna kay Brett kinabukasan na magda-day-off siya. Gustong sumama ni Paolo sa dalaga pero hindi iyon pinayagan ng ama nito. Umiyak pa ang bata nang umalis si Anna at sumakay ng kotse na maghahatid sa kan'ya sa San Pedro.Hindi alam ni Anna kung namalikmata ba siya nang makita ang reaksyon ng mukha ni Brett na para bang hindi na siya babalik sa mansion nito nang pasakay na siya sa kotse. Umiling na lang ang dalaga dahil kung anu-ano ang napapansin niya na wala namang katuturan.Nang makababa sa Bayan ng San Pedro ay tuwang-tuwa na sinalubong nina Agnes at Gina ang dalaga. Nagulat pa si Anna nang makitang kasama rin ng mga ito si September."Anna!" sabay na wika ng dalawang babae. Kapagkuwan ay niyakap si Anna."Hello, kumusta kayo? Na-miss ko kayo ng sobra a." ani ni Anna."Heto, okay lang naman sana kung walang buntot nang buntot!" saad ni Gina na tinapunan pa ng masamang tingin si September."Woah. Wala akong kinalaman d'yan. By the way, how are you, Anna? Kumusta naman
Sikat ng araw ang tumama sa mukha ni Anna na siyang ikinagising niya kinabukasan. Mabigat ang ulo na bumangon siya at tinungo ang banyo para maghilamos at magsipilyo. Makaraan ang ilang minuto ay lumabas siya ng silid at sinilip ang alaga niya sa silid nito.At dahil anong oras na siya nakatulog kagabi ay panay pa ang hikab niya at hindi niya maitatangging inaantok pa rin siya sa mga sandaling iyon. Dala ng antok ay hindi niya namalayan na ang kuwartong pinasokan niya ay hindi silid ni Paolo, kundi ng ama nito."What the fuck, Anna?!" Isang malakas at gulat na boses ang nagpagising sa inaantok niyang diwa.Kinusot-kusot niya ang mga mata at pilit na inaninag ang taong nakatayo hindi kalayuan sa harapan niya."Are you dreaming, Anna?! Shit! Bakit ka narito sa silid ko?" Sa pangalawang pagkakataon naging malinaw na lalo sa pandinig niya ang boses na iyon. Ang boses ni Brett, ang amo niya.Napako siya sa kinatatayuan nang makita ang amo na hubo't hubad. Madilim ang mukha nito at tila g
"Kumusta ang pakiramdam mo, Anna?" tanong ni Bebang sa dalaga na tila wala sa sarili nito.Mula sa pagkakayuko ay umangat ng tingin si Anna. "M-maayos naman po ako," aniya."Mabuti naman kung gano'n." Tumayo si Bebang at naglakad palabas ng kitchen. Samantalang naiwan naman roon si Anna na tila wala pa rin sa sarili ng sandaling iyon.Hindi mawala-wala sa isipan niya ang nangyari sa kanila ng amo kahapon. Yes, kahapon pa iyon nangyari pero pakiramdam niya ay ngayon lang dahil hanggang ngayon ay parang naroon pa rin sa pagkababae niya ang daliri ng binata."Kaloka! Maloloka na ako neto!" wika niya sabay sabunot sa sariling buhok."Oh, bakit, Anna? Nadulas ka lang naging baliw ka na," laking gulat pa ni Anna nang muling magsalita si Bebang. Napatuwid siya ng upo sa silya. Ang akala niya ay umalis na ang mayordoma kaya laking gulat niya nang magsalita ito. Naalala niya ang sinabi nito. Gusto niya pang matawa sa ginawang dahilan ni Brett, na nadulas raw siya. Naku, kung alam lang ni Beba
Isang linggo na ang nakakaraan mula nang makalabas ng Hospital si Anna. Matapos ang nangyari sa kanila ng amo ay naging mailap ito sa kaniya. Gusto sanang maka-usap ni Anna si Brett tungkol sa nangyari sa kanila, pero madalas ng gabi umuwi ang amo niya. Kaya hindi siya makakuha ng tamang tyempo para maka-usap ito.Wala namang nakapa na pagsisisi si Anna na isinuko niya ang sarili kay Brett, pero ang ikinabahala niya ay may asawa itong tao at kasalanan iyong ginawa nila dahil nagtaksil ito sa asawa nito. At iyon ay hindi kaya ng konsensya ni Anna. Tahimik lang naman ang mga kasambahay sa mansiyon na ito pero alam ni Anna na may alam ang mga ito sa nangyari sa kanila ng amo, lalo na ang mayordomang si Bebang. Kaya madalas ay nahihiya siyang makipag-usap rito. Alam niya rin na pinag-uusapan siya ng mga kasamahan niya kaya nga lalo siyang naiilang.Naisip ni Anna na umalis na lang dito sa mansiyon matapos ang nangyari sa kanila ni Brett, kaya madalas niya itong inaabangan sa gabi sa pag-
Kahit gustuhin man na umalis ni Anna sa mansiyon ay hindi niya magawa dahil sa naging usapan nila ni Brett nang isang araw. Kaya si Anna, ay pinagpatuloy na lang ang trabaho bilang nanny ni Paolo."Anna," napalingon si Anna kay Bebang. Kasalukuyan siyang naghahanda ng almusal ng alaga niya dahil papasok sila ngayon sa School."Po?" ani niya.Napansin ni Anna ang reaksyon sa mukha ni Bebang na para bang may gusto itong sabihin na hindi masabi."May sasabihin po ba kayo, Aling Bebang?" untag pa niya sa matanda.Tumikhim si Bebang at napabuntonghininga pagkatapos."Pasensya ka na kung hindi naging maayos ang pakitungo ko sayo simula ng dumating ka dito sa mansiyon. Pero alam ko naman na mabait kang bata at hindi ka katulad ng mga naging nanny ni Paolo na imbes trabaho ang atupagin ay inuna pang landiin ang amo." Napalunok si Anna sa sinabi ni Bebang.Hindi ba't gano'n rin ang ginawa niya? Hinayaan niyang may mangyari sa kanila ng amo niya? In short, lumandi rin siya. Nahihiyang napayuko
Nakaupo si Brett sa swivel chair niya sa loob ng library habang hawak ang baso na may laman na alak. Habang nasa gano'n siyang posisyon ay naalala niya si Carol. Ang babaeng mahal na mahal niya, na ina ni Paolo.Miss na miss na niya si Carol. Ito lang ang babaeng minahal niya ng sobra. Simula kolehiyo sila ay magkaibigan na sila ni Carol, hanggang sa maging mag-nobyo sila. Wala siyang ibang minahal kundi si Carol lang. Kaya nga nabuntis niya ito ng maaga na hindi pa nila pareho natatapos ang kolehiyo.Pero gayunpaman ay pinangako niya sa mga magulang ng dalaga na papakasalan niya ito. Pero kung kailan naman handa na ang lahat ay saka naman ito nawala nang ma-aksidente ito.Aminado siyang nahirapan siyang alagaan noon ang tatlong taon gulang na anak nang mawala ang ina nito, pero wala siyang nagawa kundi ang ipagpatuloy ang buhay ng wala si Carol.Paminsan-minsan ay sumusubok rin siyang tumikim ng ibang putahe, para maibsan ang pangungulila niya sa asawang namayapa na, pero hindi pa ri