Isang linggo na ang nakakaraan mula nang makalabas ng Hospital si Anna. Matapos ang nangyari sa kanila ng amo ay naging mailap ito sa kaniya. Gusto sanang maka-usap ni Anna si Brett tungkol sa nangyari sa kanila, pero madalas ng gabi umuwi ang amo niya. Kaya hindi siya makakuha ng tamang tyempo para maka-usap ito.Wala namang nakapa na pagsisisi si Anna na isinuko niya ang sarili kay Brett, pero ang ikinabahala niya ay may asawa itong tao at kasalanan iyong ginawa nila dahil nagtaksil ito sa asawa nito. At iyon ay hindi kaya ng konsensya ni Anna. Tahimik lang naman ang mga kasambahay sa mansiyon na ito pero alam ni Anna na may alam ang mga ito sa nangyari sa kanila ng amo, lalo na ang mayordomang si Bebang. Kaya madalas ay nahihiya siyang makipag-usap rito. Alam niya rin na pinag-uusapan siya ng mga kasamahan niya kaya nga lalo siyang naiilang.Naisip ni Anna na umalis na lang dito sa mansiyon matapos ang nangyari sa kanila ni Brett, kaya madalas niya itong inaabangan sa gabi sa pag-
Kahit gustuhin man na umalis ni Anna sa mansiyon ay hindi niya magawa dahil sa naging usapan nila ni Brett nang isang araw. Kaya si Anna, ay pinagpatuloy na lang ang trabaho bilang nanny ni Paolo."Anna," napalingon si Anna kay Bebang. Kasalukuyan siyang naghahanda ng almusal ng alaga niya dahil papasok sila ngayon sa School."Po?" ani niya.Napansin ni Anna ang reaksyon sa mukha ni Bebang na para bang may gusto itong sabihin na hindi masabi."May sasabihin po ba kayo, Aling Bebang?" untag pa niya sa matanda.Tumikhim si Bebang at napabuntonghininga pagkatapos."Pasensya ka na kung hindi naging maayos ang pakitungo ko sayo simula ng dumating ka dito sa mansiyon. Pero alam ko naman na mabait kang bata at hindi ka katulad ng mga naging nanny ni Paolo na imbes trabaho ang atupagin ay inuna pang landiin ang amo." Napalunok si Anna sa sinabi ni Bebang.Hindi ba't gano'n rin ang ginawa niya? Hinayaan niyang may mangyari sa kanila ng amo niya? In short, lumandi rin siya. Nahihiyang napayuko
Nakaupo si Brett sa swivel chair niya sa loob ng library habang hawak ang baso na may laman na alak. Habang nasa gano'n siyang posisyon ay naalala niya si Carol. Ang babaeng mahal na mahal niya, na ina ni Paolo.Miss na miss na niya si Carol. Ito lang ang babaeng minahal niya ng sobra. Simula kolehiyo sila ay magkaibigan na sila ni Carol, hanggang sa maging mag-nobyo sila. Wala siyang ibang minahal kundi si Carol lang. Kaya nga nabuntis niya ito ng maaga na hindi pa nila pareho natatapos ang kolehiyo.Pero gayunpaman ay pinangako niya sa mga magulang ng dalaga na papakasalan niya ito. Pero kung kailan naman handa na ang lahat ay saka naman ito nawala nang ma-aksidente ito.Aminado siyang nahirapan siyang alagaan noon ang tatlong taon gulang na anak nang mawala ang ina nito, pero wala siyang nagawa kundi ang ipagpatuloy ang buhay ng wala si Carol.Paminsan-minsan ay sumusubok rin siyang tumikim ng ibang putahe, para maibsan ang pangungulila niya sa asawang namayapa na, pero hindi pa ri
Nagising si Anna dahil sa mabigat na bagay na nakadagan sa puson niya. Naramdaman niya rin na parang may mainit na hiningang tumatama sa pagkababae niya. Nang imulat niya ang mga mata para tingnan iyon, ay gano'n na lang ang paglaki ng mga mata niya nang makita ang amo na nakasubsob ang mukha sa pagkababae niya.Gusto niya sanang tumili pero hindi niya magawa. Mahimbing na natutulog si Brett at mukhang naghihilik pa."Diyos ko...ano itong napasok ko?" mahinang bulong niya sa sarili. Tinangka niyang alisin ang ulo ng amo sa hita niya pero lalo lamang itong sumiksik roon. Namula ang buo niyang mukha at pigil niya ang malakas na paghinga dahil sa pagtambol ng dibdib niya.Bakit sa dinami-rami ng puwedeng puwestuhan ay doon pa talaga ang naisip nito? Naalala ni Anna ang asawa ng amo niya, hindi kaya ganito si Brett sa asawa nito? Sa isiping iyon ay taranta niyang inalis ang ulo ng amo na nakasubsob sa hita niya at mabilis na lumundag pababa ng kama."What the fuck, Anna?!" gulat at tila n
Pagkapasok sa loob ng kuwarto ay galit na binalinag ni Brett ang mga gamit na makita niya."How could you do this to me!" Nasapo niya ang mukha at napa-iyak siya sa galit.Sa loob ng tatlong taon ay inakala niyang patay na ang babaeng dapat ay asawa na niya ngayon, na kasama ito sa sasakyan na nahulog sa bangin. Pero hindi pala iyon totoo.Buhay na buhay ito at masayang namumuhay kasama ng isang lalaki na nagngangalang Louie De Vera. Kilala niya ang lalaking ito, school mate nila ni Carol noon sa kolehiyo. Naikuyom ni Brett ang kamao. Nilinlang lang siya ni Carol, pineke lang nito ang pagkamatay nito. Kaya ba hindi ito sumipot sa kasal nila ay dahil sa lalaking iyon? Pero bakit pinaabot nito ng ganoon katagal kung mahal nito ang lalaking iyon?"Fuck!" Binalingan ni Brett ang dingding at pinagsusuntok iyon. Halos tumuklap ang balat sa kamao niya sa ginawa. Si Rico ang nagsabi na buhay si Carol. Nakita daw nito ang babae sa isang Coffee shop kasama ang isang lalaki."Bakit mo ito gina
Naging masaya ang pagsasama nina Anna at Brett sa mansiyon. Sa gabi ay magkatabi natutulog sina Anna at Brett dahil na rin iyon sa kagustuhan ng binata, at walang magagawa si Anna doon lalo't nagustuhan niya rin ang idea ni Brett. Ang pag-iiba ng trato ni Brett sa dalaga ay napansin ng lahat sa loob ng mansiyon. Mayroong natuwa sa pagmamabutihan ng dalawa, mayroon rin naman na hindi, at iyon ay si Bebang.Iniisip kasi ni Bebang na pera lang ang habol ni Anna kay Brett, pero hindi rin nito naitatanggi sa sarili na mabuting tao si Anna.Si Brett naman ay pinaplano kung paano bawiin si Carol sa lalaki nito. Gagawin niya iyon hindi para sa kaniya kundi para kay Paolo, dahil iyon ang tanging hiling ng anak nito. Ngunit habang hindi pa nakakabalik si Carol sa mansiyon ay itinutok muna ni Brett ang atensyon kay Paolo at kay Anna. Masaya si Brett sa pagdating ni Anna sa buhay nila ng anak niya, mahalaga ang dalaga para sa kaniya, at nang sabihin niya kay Anna na huwag silang iwan ni Paolo ay
Katulad ng ipinangako ni Brett sa anak na magbabakasyon sila at pupunta ng Disneyland ay natupad iyon sa sumunod na araw. Tuwang-tuwa ang anak nitong si Paolo, at iyon ang kaligayahan ni Brett. Masaya si Brett kung masaya rin ang kaniyang anak. "Daddy, ang ganda po dito!" komento ni Paolo na ikinangiti ni Brett. Pumasok sila sa park at naglibot roon.Iba't ibang klase ng mga tanawin ang kanilang nakita. Sa gilid ng mga mata ni Brett ay nakikita niya rin kung paano mabusog ang mga mata ni Anna sa ganda ng paligid. Pumihit siya paharap sa direksyon ni Anna. Ang dalaga ay nakangiti rin habang panay ang tingin sa paligid."Yes, anak. Ang ganda nga." ani niya pero kay Anna siya nakatingin."Daddy, si Ate Anna naman po ang tinitingnan mo e." anang bata na napapakamot sa ulo nito.Napabaling rin si Anna sa kanila ni Paolo nang marinig nito na binanggit ang pangalan."Ano iyon?" sambit ng dalaga."Nevermind." anito ni Brett. Nagkibit-balikat na lang ang dalaga.Matapos silang maglibot sa Par
Nagising si Anna dahil sa mabibining halik na naramdaman niya sa kaniyang leeg. Nakikiliti siya at naimulat ang mga mata. At si Brett na nakadagan sa kaniya ang nasilayan niya. Wala na itong saplot na suot, at gano'n na rin siya."B-Brett–" Ngunit nalulon niya ang sasabihin nang sakopin ng labi nito ang labi niya. Napaungol siya at kaagad rin gumanti sa maalab na halik ng binata.Ngunit nang maalala niya si Paolo ay naitulak ni Anna si Brett sabay bangon niya. Nakita niya ang bata na tulog na tulog sa kabilang kama. Hinihingal niyang binalingan si Brett na halata ang pagkabitin sa naging reaksyon nito."Si Paolo baka magising." aniya rito."Tulog siya. Kagaya mo ay mantika rin siya matulog." anito at muli siyang kinabig at siniil ng halik. Hindi na tumutol si Anna at tinugon na rin ang mga halik ng binata, hanggang sa lumalim pa iyon.Natagpuan na lang ni Anna ang sarili na nasa ilalim siya ni Brett at ang binata ay nagsisimula nang umulos."Oohh...Brett..." ungol niya sa bawat paghug