DUMATING ang araw ng kasal ni Francine at Lander. Alas-kuwatro ng hapon ang ceremony sa private resort ni Lander sa Tagaytay. Doon na rin gaganapin ang reception. Isa sa mga bridesmaids at groomsmen sina Lance at Laura. Katatapos lang magbihis ni Laura nang lapitan siya ni Tamara. Nagulat siya nang makita ang kaibigan. “Nandito ka rin. Akala ko hindi kayo makakadalo ni Ethan.” Nauna nang nagsabi ang mag-asawa na hindi makakadalo ang mga ito sa kasal dahil kapapanganak lang ni Tamara. “Uhm… I can’t miss this day,” nakangiting tugon ni Tamara. Niyakap siya nito nang mahigpit. “I’m so happy for you.” “Huh? Ang OA mo. Mag-aabay lang ako, hindi ikakasal,” natatawa niyang sabi. “Kasama mo ang mag-ama mo?” “Yup. Sumabay kami kina Ate Trisha sa pagpunta dito. Pagkatapos ng reception sa rest house ng family ni Kuya Paolo na malapit lang dito kami tutuloy. Kayo ni Lance?” “Naka-check in na kami kagabi pa sa isang hotel na malapi
INULAN ng pagbati sina Lance at Laura mula sa mga kamag-anak at mga kaibigan. Isa sa pinakahuling bumati kay Laura si Demay. “Congratulations, Laura. I’m so happy for you. Na-witness ko pa ang engagement mo,” nakangiting sabi nito bago sila nagyakap nang mahigpit. “Thank you. So, kumusta na kayo ni James?” hindi niya napigilang tanungin. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Demay. “I don’t know. But this is the last time na sasama ako sa kanya. I’m going away.” Napakunot siya ng noo. “What’s wrong? Saan ka pupunta?” “I’ll tell you some other time. Moment n’yo ni Lance ngayon.” “Okay. Pero hindi ka pwedeng matagal mawala, ha? Mag-aabay ka pa sa kasal ko.” Tumango at ngumiti lang si Demay. Nang batiin siya ni Tamara ay mahigpit din silang nagyakap nito. “This is it maihaharap mo na si Lance sa dambana,” nakangiting sabi nito. Natawa si Laura nang maalala ang sinabi noon sa kaibigan. “So, alam m
Manhattan, New YorkInilibot ni Lance ang tingin pagpasok sa studio at hinanap ng tingin si Laura. Napangiti siya nang makitang naroon pa rin ang dalaga at patuloy pa rin sa trabaho nito. Kasalukuyang ginaganap ang photoshoot para sa isang men’s magazine. Isa si Lance sa mga modelo at photographer naman si Laura. Tapos na ang trabaho niya kaya nagpalit na siya ng casual clothes. Bumalik siya sa loob ng studio para sunduin si Laura dahil may usapan sila na magdi-dinner pagkatapos ng trabaho nito. Tumayo sa isang sulok si Lance para panoorin ang pictorial at hintayin na rin si Laura na matapos. Pero sa photographer lang nanatili ang mga mata niya. Habang nakatingin kay Laura ay muli na naman siyang humanga sa kagandahan nito. Gusto rin niya ang serious at professional look nito habang nagtatrabaho. Ang totoo ay kanina lang sila pormal na nagkakilala ni Laura. Pero kagabi pa ang first encounter nila. Hindi niya maiwasang mapangiti at mapailing nang maalala ang unang
Cebu, PhilippinesMATAPOS mag-check in sa Hotel Frank at mailagay sa hotel room ang kanyang luggage, bumaba na si Laura sa lobby para kumain sa isa sa mga restaurant ng hotel. Paglabas ng elevator, natigilan siya nang makita ang isang matangkad at magandang babae na nakatayo sa gilid ng counter. The woman was a headturner hindi lang dahil maganda ito kundi dahil maingay itong nakikipagtalo sa kung sino mang kausap nito sa cell phone. Pamilyar ang babae kaya naglakad siya papalapit dito. Napailing siya nang tuluyang makilala ito. Tumayo siya sa gilid ng babae at hinintay na matapos ang phone call bago nagsalita. “Kahit kailan talaga ang ingay mo, Demay Del Mar, ” sarcastic niyang sabi. Tumingin ang babae kay Laura. Nanlaki ang mga mata nito nang makilala siya. “Oh, my, God! Laura Hautesserres. I can’t believe it. Nandito ka rin sa Cebu. You’re an angel!” masayang bulalas nito. “Really?” natatawang sagot ni Laura bago sila nagbeso. Base sa reaksiy
“MARAMI ka ng magagandang shot?” Napatingin si Laura sa kaliwa niya nang marinig ang pasigaw tanong ni Demay sa kanyang tainga. “Yes. Mahal na ang babayaran mo sa akin,” pasigaw ding biro ni Laura. Kinailangan ni Demay na sumigaw dahil sa ingay ng tugtog at sa mga taong nagtitilian sa mga makikisig at mga guwapong mga modelo. Ginanap ang fashion show sa isa sa mga ballroom hall ng Hotel Frank. Ibinaba ni Laura ang hawak na camera nang makaramdam ng pangangawit ng balikat. Mag-iisang oras na siyang halos walang tigil sa pagkuha ng litrato. Dahil sa suot nilang special ID pass, maganda ang puwesto nila sa event. Maayos na nakukuhan ni Laura ng litrato ang mga modelo habang kumukuha naman ng video si Demay gamit ang cell phone nito. “Sure. Bibigyan kita ng maraming Cebu delicacies,” sagot ni Demay. “Call.” Wala namang balak magpabayad si Laura kay Demay tulad ng dati kapag ginagawan niya ito ng pabor. Sa tagal ng pagkakaibig
London, United KingdomMATAPOS masigurong nasa maleta na ang lahat ng mga gamit na kakailangan niya sa trabaho, isinara na ni Laura ang maleta at inilagay sa gilid ng pinto. May trabaho ulit siya sa Pilipinas at bukas na ng tanghali ang flight niya. Tinungo ni Laura ang walk-in closet para mag-impake naman ng mga damit. Kung dati ay hindi niya gaanong pinagkakaabalahan ang pagpili ng mga damit na dadalhin, ngayon ay siniguro muna niya na babagay sa kanya ang mga iyon bago inilagay sa maleta. Hindi lang kasi trabaho ang dahilan ng pagpunta niya sa Pilipinas. Magkikita din sila ng lalaking kasalukuyang nagpapasaya sa kanya – si Lance. Mula nang magkita sila ni Lance sa Cebu two months ago ay hindi na sila nawalan ng komunikasyon. Tatlong beses na silang muling nagkita sa New York. At sa susunod na linggo naman ay sa Pilipinas. Gusto niya na palagi siyang maging maganda paningin ni Lance. Ayaw din niya na maging alangan siya sa binata at mapintasan ng
SINALUBONG ni Laura ng yakap at halik si Lance nang sunduin niya ito sa arrival area ng NAIA. “‘Miss you,” sabi ni Lance bago muling hinagkan sa mga labi si Laura. “I miss you, too. Let’s go?” aniya nang mapuna ang ilang tao na tila kinukuhanan sila ng picture ni Lance. “Can’t wait na masalo ako?” biro ni Lance. “Sira. May mga nagkalat yata kasing reporters dito.” She was living with a celebrity for a long time at nasanay na siya na umiiwas sa mga paparazzi kapag lumalabas sila ni Tamara. “Oh, you don’t have to worry about them. I am not that famous and controversial,” balewalang sabi ni Lance pero kumilos na rin at hinawakan ang luggage nito. Subalit bago pa sila makaalis ay may lumapit kay Lance para magpa-picture. Apologetic na tumingin si Lance kay Laura. Nakakaunawang tumango si Laura. Nagpaunlak si Lance pero muling nasundan ng isa pa at ng isa pa. Tumabi sa isang sulok si Laura para magbigay daan sa mga nagpapa-pict
MINUTES LATER, nanatiling magkayakap sa ibabaw ng kama sina Lance at Laura.Naghahabol ang hiningang isinubsob ni Lance ang ulo leeg ng dalaga matapos ang matagal na paghihinang ng kanilang mga labi. Naghahabol din ng hiningang hinagkan ni Laura ang ibabaw ng ulo ni Lance bago ito niyakap nang mahigpit. Ilang sandaling nanatili sila sa ganoong ayos bago bahagyang lumayo si Lance at tumingin sa mukha ni Laura. “I really like your perfume. You smell fantastic. Anong brand at saan mo nabili? Ibibili pa kita nang marami.” “Oh, you can’t find it anywhere. Exclusive lang sa akin. My brother Dylan made this for me. He’s a chemist,” tugon ni Laura. “Good. Mas gusto ko na sa ‘yo ko lang maamoy ang amoy na ‘yan. But I still want to meet him. Magpapagawa pa ako ng marami for you.” “Sure. We own a perfume business by the way in Germany called Haut Fragrance.” “Really? Nice businesswoman ka rin pala.” “Kinda. Isasama kita sa Ger