Share

Chapter 66

19 Years Later

Apollo Pov

Sabi ng Dad ko ako daw ang panganay, dahil ako ang nauna na lumabas sa aming magkakapatid. Triplets kami at halos magkakamukha kami at hindi rin nalalayo ang edad namin kasi nga minuto lang ang naging pagitan ng paglabas naming tatlo.

"Last Music na! I'm going home." malakas na sigaw ko at sabay pagpapaalam na rin sa mga tao. Dito ko nailalabas ang tunay na ako.

"One more song, please!" sigaw ng isang babae na bago sa aking paningin. Hindi ko siya kilala at mukhang ngayon lang siya napadpad sa bar ni Jexer ang barkada kong may-ari ng bar. Nakakainggit nga lang kasi nagagawa nito ang lahat ng gusto niya, unlike me. Sinipat ko ang kabuuhan ng babae at masasabi kong napakaganda niya lalo na ang mapupungay niyang mga mata at ang mapupula niyang mga labi at kahit dimlight ang liwanag na nang gabing 'yon. Hindi maipapagkakailang maganda talaga siya. Mukhang tipsy na rin ito at sumasayaw na. Napa kalabit ako sa string na gitarang hawak ko at sinimulan ko ng umawit
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status