"Anak! Aalis na kami ng kapatid mo," wika ni Mama at naramdaman ko na lang na may humalik sa aking noo kaya napadilat ang mata ko."Ma, sasama a--" "Anak, huwag ng matigas ang ulo. Sasamahan ka naman ng asawa mo rito.""A-asawa!" gulat na tanong ko."Huwag maarte anak hindi ka maganda." pabirong sabi ni Mama sabay ngiti sa akin. "Pero ayaw ko siyang kasama." Pagmamaktol ko pa."Ayaw ka rin naman niyang kasama eh!""Ma naman, hindi ako nakikipag biruan," saad ko sa kanya."Mapapagod ka lang kung sasama ka at saka may trabaho ka di'ba? baka hindi ka payagan ng boss mo.""Sama ako Ma." Pagpupumilit ko sa kanya habang inaalog ang kanyang braso."Oh! siya aalis na kami. Ang apo ko alagaan mo." paalam ni Mama kaya wala na'ko nagawa. "Huwag ka ng bumaba pa at Ihahatid naman kami ni Aiden."Ilang oras pa lang simula ng umalis sila Mama at Aiza sa bahay ay hindi ko maiwasan ang hindi malungkot dahil dalawa na lang kami ni Aiden. Sobrang nalulungkot ako na hindi sila makakasama ng matagal pero
Third Person POV'sPagkatapos ito yakapin ni Aiden noong isang gabi ay hindi na siya ito pinansin. Ilang araw na rin itong hindi pumupunta sa bahay pero paminsan minsan ay may nakikita si Alyssa na sasakyan sa tapat ng bahay nila. "Hi baby." Nagulat si Alyssa sa nagsalita.Si David lang pala na biglang sumulpot sa harapan ng pinto nila. "Huwag ka ng magtaka kung bakit nandito ako." na ngingiti pa si David habang palapit sa kanya.Pang tatlong araw na rin kasi ni Alyssa na hindi pumapasok sa opisina dahil madalas sumakit ang kanyang tiyan kaya nag file ito ng leave kahit mga one week lang. "May gusto kang kamustahin?" tanong ni David habang malaki ang ngiti. Ibinaba niya ang mga bitbit na pagkain na binili niya sa restaurant bago niya naisipan na bumisita rito."Kamusta sa office?" Sabay higop ni Alyssa sa ice tea. "What do you mean kamusta si Kuya." Tumayo pa ito na parang nag eemote. "Ako ang nandito tapos si Kuya yung hinahanap mo. So unfair baby."Totoo naman ang sinabi niya na
Nagising si Alyssa na mabigat ang kanyang katawan, ramdam niya na parang may gumagapang sa kanyang hita pataas kaya mabilis niya tuloy minulat ang dalawang mata at nakita niya na katabi si Aiden. Hindi tuloy maiwasan ni Alyssa na mapangiti lalo na at hindi pala panaginip ang naramdaman niyang pagpapaligaya sa kanya kagabi. Tinitigan niya ang kabuuan ng gwapong mukha nito. Nang malapit ng marating ni Aiden ang kanyang pagkababae ay mabilis niyang nahawakan ang kamay nito. "Your awake babe," anya ni Aiden na medyo paos pa ang boses habang nakapikit. Napasinghap pa tuloy siya ng maramdam ang pagyapos sa kanya ni Aiden. "Sir kailangan ko ng bumangon." Hindi siya pinansin ni Aiden kaya pilit niyang tinatanggal ang kamay nito. "Babe," bulong ni Aiden sa kanyang tainga kaya hindi na niya tinangkang tanggalin pa ang pagkakayakap sa kanya ni Aiden."My manhood." Namilog ang mata ni Alyssa dahil sa narinig. "Ha?!" "Need you." Napaubo tuloy si Alyssa dahil sa narinig. Nang subukan niyang m
"Nasaan ka na ba?" tanong sa akin ni Kian sa telepono."Nasa byahe pa, Malapit na lumiko ang tricycle.""Matagal ka pa? Bilisan mo kaya, yung cake na lang ang hinihintay," sigaw sa akin ni Kian na halata mong galit na. Nang makarating sa eskinita ay bumaba na ako sa tricycle at mabilis na naglakad patungo sa resort habang hawak ang dalawang cake. Mabuti na lamang ay may dala akong headset kaya hindi ako nahirapan kahit kausap si Kian."Ano nasaan ka na ba?" sigaw ulit sa akin ni Kian."Nandito na ako sa labas ng gate, atat ka eh!" wika ko sa kanya.Bago pa man ako makapasok sa gate ay sinalubong agad ako ni manong guard na masama ang tingin. "B-bawal ang pulubi rito.""Hala siya, nakita mo ngang may dala akong cake. Maka pulubi ka manong ha! gusto mo isumbong kita sa kaibigan ko," sabi ko sa kanya na naiinis na."Huwag mo ng ipilit hindi tatalab sa akin 'yan." "Magandang gabi Sir." Nakangiting bati nito sa lalaki.Heto na ang panahon para makapasok ako sa loob kailangan ko ng gawi
"Good morning anak! ang aga mo yata nagising may lakad ka ba?""Opo ma, may interview po ako ngayon." "Ano?!" Nakita kong namilog ang mata ni mama. "Sige, kumain kana para maaga ka makarating sa pupuntahan mo." Dali dali na akong naligo. Ramdam na ramdam ko pa ang malamig na tubig na tumatama sa aking balat. Nagsuot ako ng kulay itim na palda na hanggang tuhod ang haba at pormal na puting polo. Kulay itim naman ang bag na kinuha kasama ang malaking sunglasses."Ang ganda - ganda naman ng dalaga ko." Tinanggal naman ni mama ang suot kong sunglasses."Hayan mas maganda na, sigurado maraming manliligaw sayo roon," wika ni mama sabay yakap sa sa'kin at naramdam ko ang paghaplos niya sa aking buhok."Thank you, Ma." Humalik naman ako kay mama sa pisngi at lumabas na ng bahay.Sumakay na agad ako ng tricycle para makaiwas sa traffic. Nang makalabas na ako sa tricycle ay humakbang na ako patungo sa building kung saan ako papasok."Manong guard for interview po." "Liko ka, makikita mo ang
Nagising ako na hawak ko ang aking phone nakatulugan ko pala ito kagabi. Napasapo ako sa ulo dahil nakaramdam na naman ako ng hilo. Tiningnan ko ang orasan at alas sais na pala ng umaga. Mabilis akong naligo at nagbihis. Nakasuot ako ng puting blouse na tinernohan ng kulay itim na candy pants at doll shoes na may konting takong."Good morning anak! Mag almusal ka na."Hinila ko ang isang upuan at tiningnan ko ang nakahain sa lamesa. Nakaramdam ulit ako ng kakaiba sa aking tiyan kaya patakbo ako na nagpunta sa lababo. Luminga linga pa ako ng tingin. Nakahinga naman ako ng malalim na makitang wala si mama. Lumabas na ako ng gate at naghintay ng tricycle. Nang may huminto sa tapat ko ay sumakay na agad ako."Ma'am saan po tayo?""Sa Megamall po manong."Mabilis naman ang patakbo ni manong kaya mag alas syete pa lang ng umaga ng makarating ako sa building kung saan ako nag ta-trabaho."Good morning," bungad ni manong guard. Tumango lang ako kay manong saka pumila na sa elevator.Maaga p
Kinabukasan, ganoon pa rin ang routine ko pagka bangon, maligo, magbihis at kakain. Pagbaba ko sa sala nakita ko ang naka lapag na dalandan sa lamesa. Bigla tuloy nag liwanag ang aking mata dahil ang daming prutas sa lamesa. Inilagay ko ito sa supot at ipinasok sa loob ng bag. Napansin kong nakatitig sa akin si mama. "Umamin ka ngang bata ka. Naglilihi ka ba?" hindi ko naman maiwasan maubo dahil sa tanong ni mama. Mabilis kong isinukbit ang aking bag sa balikat at humalik sa pisngi ni mama. Dahil ilang araw na rin ako nakaramdam na masama ang aking pakiramdam ay pumunta ako sa malapit na clinic. "Over fatigue ka lang iha," sabi ng doktor.Dumiretso na rin ako sa malapit na botika para bumili ako ng tatlong pregnancy test. Nang makabili ay naglakad na ako patungo sa building. Nakaramdam na naman ako ng hilo kaya bigla akong napasapo sa ulo. Pinilit kong sumakay sa elevator kahit hilong hilo na ako. Nang bumukas ito ay humangos ako patungo sa opisina. Mag alas syete pa lang ng umaga
"Anak kamusta ang trabaho?" "Okay lang naman po Ma." "Ipaghahanda na kita ng makakain anak." Nakita ko na nilapag ni Mama ang plato sa mesa. Nilagay niya sa mangkok ang sopas. Umupo na ako at sinunggaban agad ito."Mukang nagustuhan mo anak." "Masarap po eh!" Nang matapos ay umakyat na agad ako sa aking kwarto. Umupo ako sa aking kutson. Narinig kong tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bag. "Hello Bessy kamusta kana? Labas tayo bukas." "Busy ako.""Bakit ang sungit mo? May dalaw ka ba? Hayaan mo bukas magdadala ako ng pampers mo hahaha." Magsasalita pa sana ako kaso pinatayan niya agad ako.Kahit kailan talaga, sa tuwing kausap ko sa phone laging one minute lang. Akala mo laging may hinahabol eh! Matagal na kaming mag kaibigan ni Kian since high school yata kaibigan ko na tong mokong na to. Matagal na rin niyang kasintahan si Emily kaya hindi na ako magtataka kung wala na siyang time sa akin. Ganoon talaga, maghihiwalay din sila. "Wala kasing forever," sabi ko sa sarili