Kabanata 11
HINDI nagkakamali ng dinig si Celes nang marinig niyang banggitin ng nagngangalang Levi ang pangalan ng isa niyang kapatid na si Kristine habang nakatitig sa kanya. Sa kabilang bahagi ng isipan niya ang katanungan kung bukod sa tinutukoy nitong utang ng kapatid, imposibleng mula sa natunghayan niyang mga mata kanina na wala ng ibang bagay mula roon kung hindi ang utang lang ng kapatid.
“We’ll be leaving this evening…” wika nito nang ipatawag siya sa kaninang tauhan na sumundo sa kanya mula sa kanyang silid kung saan siya nanatili. “The place is not that far from here…”
“Ang mga kapatid ko… wala silang pareho rito?” Tinutukoy ang malaking kabahayan na ‘yon na ni anino ng dalawang kapatid ay hindi man lamang nakita.
Wala nan ga yata siyang ibang bukambibig kung hindi ang dalawang kapatid na hanggang ngayon ay hindi pa rin niyang natitiyak na nasa maayos na lagay.
Sandali
KAGAT-KAGAT ni Celes ang ibabang labi. Alam niyang malaking pagkakamali ang kanyang ginawa nang tila patunayan niya lamang sa huling tanong niyang ‘yon kay Joseph na hind inga ito nagkakamali nang makilala siya.Pero naroon na rin naman siya. Wala na siyang dapat pang itago sa lalaki. Ngayong nangingibabaw na sa kanya ang takot na kaninang naramdaman, at habang nasa isip pa rin niya ang pag-aalala para sa mga kapatid na ang pangako sa kanya ni Levi ay ibabalik sa kanya kapag sinamahan niya ito sa party na ‘yon at kung saan nakatagpo niya ang hindi inaasahang tao.Naghintay siyang sagutin ng lalaki ang tanong niya subalit lumipas ang ilang sandal na natahimik ito.“Ang mga magulang namin ang nagtulak sa ‘min sa ganoong klaseng buhay. Pero nang makita nilang wala na kaming silbi, lalo na akong sinadyang magpatalo sa mga huli kong laro para tigilan na nila ang pag-uudyok sa ‘min na maglaro ng mga computer games. Ang buong akala ko tulu
MATAGAL na nakipagtitigan si Celes sa kawalan. Tila namanhid ang buong katawan niya ang huling mensaheng 'yon na hindi sa kanya dumating.Gaano katagal na ba 'yon? 'Di na rin niya alam dahil ngayon ang hanapin ang mga kapatid ay tila nawala na rin sa sistema niya.Hindi na niya namalayan pa ang oras habang naroon siya sa loob ng silid ni Levi. Nang unti-unti niyang nabawi ang sariling composure. Dahan-dahan na tumayo siya. Maiging inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng kwartong 'yon. Hanggang sa isang picture frame na malapit sa fireplace ang nakita niya.Larawan 'yon ni Kristine. Pinatunayan lamang niyon na ikinasal nga talaga ang kapatid sa lalaking nagpakilalang asawa ng kapatid niya.Humigpit ang hawak niya sa huli na yatang larawan na kanyang makikitang nakangiti ang kapatid. Katabi naman niyon ang isang maliit na papel na kanyang binasa ang nakasulat. Kabisado niya ang sulat kamay ng kapatid, mula sa pagkakasulat nito ng letrang ”a” na
IPINANGANAK na mahirap, kasalanang mamatay ding mahirap.Simula bata pa lamang sina Celes. Wala pang muwang ang dalawa pa niyang kapatid. 'Di lingid sa kanya ang katotohanan na maraming kayang gawin ang pera, at isa na roon na gawing miserable ang buhay nilang magkakapatid.Habang nagkakaisip siya sa pagdaan ng panahon, kasabay niyon ang pagkalayo rin ng loob ng ina sa kanilang ama lalo na sa kanilang magkakapatid dahil sa kasalatan nila ng buhay. Nakatira lamang sila sa squatter area, kaya madalas na kung 'di mula sa barangay ang mga taong magtataboy at magpapalayas sa kanila ay minsan ay dinadampot na sila ng pulis.Ang akala niya ay ayos lamang 'yon dahil likas na mahirap sila. Ngunit hindi para sa kanilang mga magulang.Sa hirap ng buhay, ilang uri ng trabaho ang kanyang pinapasok at kung ano rin ang mabigyan ng pagkakataon na 'di malalagay sa alanganin ang puri at buhay niya, ay kanilang pinapasok. Lalo na kung 'yon ang sugal na bukod na malaki ang t
"MR. Toledo made a promise to his late wife that he will protect all of you. Kahit ano'ng mangyari. Labis na nag-alala para sa kaligtasan n'yo ang employer ko. Nawa'y mapatawad n'yo siya sa pagkakamaling 'yon," paliwanag ni Tobias.May kung ano'ng tila pinapaabot ito sa isang kasamahan nito sa trabaho na noon lamang napansin ni Celes.Inabot naman sa kanya ni Tobias ang kulay itim na folder. Sandaling nag-alinlangan siyang buksan 'yon nang agad tumambad sa kanya ang tila bank notes na nakasulat doon.May agad na sumagi sa isip niya kung para saan ang nakasulat doon.Kung magugulat pa ba siya sa halagang naroon.Ilang numero ang nakita niyang nakasulat.Nakagat na lamang niya ang ibabang labi. "Ito ba ang utang ni Kristine sa lalaking 'yon?" naiusal na lamang niya."No. It's your sister's money."Agad nanlaki ang mga mata niya sa labis na gulat.Ang higit sampung milyon na nakasulat doon? Sa kapatid niyang si Kristine? Na
SORELLA SERIES: Celestine's Sorrowful Heartby Carmela BeaufortKabanata 1Tulak-tulak pababa ni Celestine ang kaniyang maleta na naglalaman ng lahat ng damit at gamit na dadalhin niya sa pupuntahang bahay na pagtatrabahuhan sa Maynila.Umiiyak na nilapitan siya ng kaniyang bunsong kapatid na si Mila upang yakapin. Ramdam niyang wala itong balak na paalisin siya. Nanginginig ang buong katawan nito marahil pinipigilan ang sariling paluin siya. Natural na iyon dito na mamalo sa tuwing naiinis subalit hindi nito magawa ngayon marahil natatakot na magalit siya at hindi na maisipan pang bumalik."Ate, sigurado ka na po bang aalis?" garalgal ang boses na tanong nito."Hindi ba, sinabi ko ng sigurado na 'ko? Tumawag na rin ang amo ko na magpunta na ako ro'n. Saka natanggap ko na rin ang pera na pamasahe na gagamitin ko," paliwanag niya.Nagsimulang mag-init ang sulok ng kani
Kabanata II"NARINIG mo na ba na sa bahay raw gaganapin ang reunion ng batch ni Ma'am Liezel?" biglang wika ni Sabel kay Celes habang abala sila sa paglilinis ng bodega.Sa totoo lang matagal na ni Celes na alam ang bagay na 'yon dahil minsang nahagip ng pandinig niya ang usapan ng mayordoma at ng anak ng kanyang amo na si Liezel na nangangailangan umano ang mga ito ng iba pang tao para sa nalalapit na reunion na gaganapin sa main house ng mga Villacorta, ang pinapasukan niyang pamilya sa Maynila.Inisang buhat niya ang malaking box na kanina pa walang pumapansin para ilabas. Kaya nang marinig niyang lilinisin ang isang bodega ay hindi na siya nagulat na gagamitin 'yon para paglagyan ng mga gamit ng mag-i-stay na bisita.Kapwa madaling-madali na ang lahat ng kasamahang katulong na malinis na rin ang ilan pang mga silid kung saan mananatili ang mga bisita, lalo na sa mga magpapasyang mag-overnight dahil kar
Kabanata III MABIGAT ang buong katawan ni Celes nang idilat niya ang mga mata at bumungad ang mukha ng lalaki wala sa hinuha niyang muling makikita. Teka, bakit napakalapit ng mukha nito sa kanya kulang na lang ay magdikit ang mga labi nilang dalawa? Napabalikwas tuloy siya ng bangon at dali-daling lumayo rito. Agad niyang inilibot ang paningin sa buong lugar kung nasaan siya ngayon. "Nasaan ako?" agad na tanong niya. Hindi pamilyar sa kanya ang lugar. Nagsimulang magpanic siya. Muling binalingan niya ang lalaki kung hindi siya nagkakamali ay Joseph ang pangalan nito base sa pakilala nito noong una silang nagkita. "I saw you unconscious in the middle of the road so I brought you in the hospital," sagot nito. May kung ano'ng inabot ito sa kanya. Natuon ang atensyon niya sa cell phone na nasa kamay. "Tinawagan ko na ang number ng kapatid mo na nakaregister sa contact l
Kabanata IVDAMANG-DAMA ni Celes ang pananakit ng buong katawan. Kung hindi mula sa pagod dahil sa ilang araw na trabaho ay sa stress dulot ng nangyaring gulo sa pagitan ng among si Liezel sa dati nitong nobyo na si Nathan.Kahit nagpapahinga buhat sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Swerte na siyang may kaibigan na si Sabel na walang palya kung i-update siya sa mga nangyari lalo na sa kalagayan ng butihing amo.Plano sana ng dalaga na komprontahin ito sa reunion na 'yon sa sariling mansyon ng mga magulang upang itigil na rin ng dating nobyo ang walang humpay na pagpapadala nito ng mga death threats. Nagkataon lamang na hindi naging maganda ang kinahantungan ng pag-uusap ng mga ito habang mag-isa ito sa entertainment room. Na-corner ang dalaga habang abala naman sa baba ang ibang mga kaibigan.Laking pasasalamat ng kanyang mga amo na ina at ama ni Liezel na wala siyang pag-aalinlangan na tinulungan ang anak ng mga ito. Hindi na bago 'yon sa kanya a