Share

CHAPTER 17

KASABAY NG PANLALAMIG ng katawan niya ang pagtahip nang mabilis ng dibdib niya ng makita ang kapatid na tumingin muna sa kanilang dalawa ni Johann bago nagdere-deretsong pumasok dala ang mga binili nito.

"Grabe ang daming tao kaya medyo natagalan ako." anito na inilapag sa center table ang mga dala.

Labis ang kanyang pagkabigla sa nangyari kaya kahit gusto niyang magsalita ay hindi niya maibuka ang bibig. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.

"Come on guys, let's eat." anito na sandali lang silang nilingon

"A-ahm.. M-mag C-cr lang ako." aniya at dali-daling tinungo ang banyo at isinara agad ang pinto pagkapasok pa lang niya.

Agad siyang sumandal sa likod ng pinto ng maisara iyon. Sapo ang dibdib at pumikit. Bakit niya hinayaan ang sarili na magpatangay sa damdamin niya. Nakakapanghina ang epekto ng halik ni Johann. Naiinis siya sa sarili dahil para siyang nagtataksil d

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status