Sa sobrang inis ni Laura. Umahon siya sa tubig at dere-derechong umakyat ng silid. Pagkatapos maligo ay binisita niya ang mga bata. Tulog na pala ang mga kababaihan. Pinatay niya ang mga nakabukas na TV. Pero pagpasok niya sa kuwarto nila King. Gising pa ang mga ito, naglalaro pa. Kaagad na binitawan ni King ang hawak na telepono at niyakap siya.
"Happy?"
Tumango naman ito.
"Sana lagi silang pumunta dito, Nanay para may mga kalaro ako." Ginulo niya ang buhok nito.
"Hayaan mo, sasabihan ko ang Daddy mo, na lagi silang papuntahin dito. Okay?"
Marahan itong tumango. Bumalik na ito kapagkuwan kaya lumabas na siya. Sinilip niya ang mga kaibigan, naliligo pa rin ang mga ito. Nak
The end is near. Last 3-4 chapters na lang po tayo. Still, masama pa rin ang pakiramdam ko. Pinipilit ko lang talaga mag-update.
"I love you," wika ng asawa bago ito tuluyang lamunin ng antok. "I love you too..." sagot niya dito. Mukhang hindi na nito narinig ang sinagot niya. Napatitig siya sa asawa. Nakatulog na nga ito pagkatapos ng maiinit nilang tagpo. May ngiti ito sa labi. Hindi niya maiwasang haplusin ang mukha nito. Unti-unting bumabalik ang sigla ng mukha nito no'ng bumalik sila sa buhay nito. Ano kaya ang gagawin nito kapag nalaman nitong wala naman pala talagang nangyari sa pagitan nito at ni Elisa? Napabuntong-hininga siya. Ano ba ang kasalanan nila, bakit sila pinarusahan ng ganito? Wala naman silang inagrabyado na tao. Lalo na kay Elisa, wala silang kasalanan dito bakit nito sinira ang pami
Unang araw pa lang niya sa trabaho mukhang pinapakulo na naman ng paligid ang ulo niya. Wala man lang sumasagot kung nasaan si Romel. Wala siyang ibang pinagkakatiwalaan sa opisina kundi si Romel lang. Ang aga-aga niyang nakapameywang sa labas ng opisina niya. Hindi pa nale-late si Romel kahit noon pa man. Nakailang-ulit pa siyang tanong pero wala talagang makasagot ng matino sa mga tanong niya. God! First day niya, tapos ganito agad ang ibubungad sa kan'ya! Lalong uminit ang ulo niya nang makitang may bagong kasama si Lesha at sinabi nitong may bago siyang sekretarya. Kailan pa siya tumanggap ng babaeng sekretarya? Kailan pa? Pero natigilan siya nang marinig ang boses ng bagong sekretarya niya. Nanaginip ba siya? Bakit boses ng asawa niya ang naririnig niya? Bakit kasinglambing ng boses nito ang namayapa niyang asawa? Pinaulit niya ito ng dalawang beses para lamang kumpirmahin. Hindi nga s
Saka lang nag-sync-in sa utak niya na nakidnap na pala ang asawa niya.Nang mahimasmasan siya.Kaagad na tinawagan niya ang mga kaibigan niya sa militar, sakto namang kakabalik lang ng mga ito mula sa mahaba-habang misyon. Ito ang unang beses na humingi siya ng tulong mula sa mga ito pagkatapos niyang magretiro ng maaga. Maging si Ian at ang Papa niya ay nasabihan na din niya. Pinagsamang pulis, militar at mga tauhan ng Daddy Sebastian, nailigtas nila ang asawa niya. Pero hindi niya akalaing makikita sa loob si Thunder. Muli na namang nabuhay ang sama ng loob niya ng makita ito doon. Walang malay noon ang asawa nang iwan niya kay Thunder. Hindi pa siya handang harapin ang asawa sa sobrang sama ng loob niya. Alam niyang hindi ito pababayaan ni Thunder, gusto niyang mag-isip kahit sandali lang. Naguguluhan siya sa resulta.
Bandang alas-tres sila nakarating ng asawa sa EL Nido. Hindi niya akalaing may sariling airport doon ang Daddy niya. Alam niyang may resort ito dito, pero hindi niya alam kung saan iyon banda. Kakagising lang din ng asawa niya kaya kaagad na bumiyahe sila papunta sa private beach house nila mula sa private airport ng mga Madrid. Pitong araw silang mamalagi ng asawa dito. Sisiguraduhin niyang mag-eenjoy dito ang asawa. “Malayo pa ba?” Napabaling siya sa asawa nang marinig ang boses nito. “Malapit na, Sweetie. Siguradong mag-e-enjoy ka doon. I already saw it on video,” “Talaga?” Yumakap ang asawa niya sa kan’ya. “Hmmn,” Wala pan
Nagpupuyos ang damdamin ni Astin ng makitang sumakay sa isang Audi si Laura. Nakapulupot ang mga braso ng lalaki sa sa beywang nito na ikinainis niya. Nagseselos siya. Pero wala siyang karapatan. When was the last time na nayakap niya ang dalaga? Noong kinse pa lang yata ito. Nakaw pa. Samantalang ang isang ito, walang pilitan hinayaan lang ni Laura? Hindi kaaya-aya ang view na iyon. Kaya napilitan siyang bumalik sa sasakyan niya. Isa iyong Porsche Carrera S na regalo ng Papa niya noong graduation niya. Pinagpupukpok niya ang manibela at sinuntok pa ang upuan. Nagngingitngit siya sa galit. "Damn you, boy!" malakas na sigaw niya sa sasakyan habang nakatanaw pa rin sa sasakyan. Hindi umaandar iyon. Ilang minuto na sila sa loob? "What the hell are they doing?" kausap niya sa sarili. Napapasabunot na siya sa buhok. Nagprisinta pa naman siyang sunduin ang dalaga sa unibersidad ngayon dahil birthday nito. Alam niyang galit ito ngayon
Mabilis ang naging hakbang ni Laura paalis ng pool. Lumingon siya para tingnan kung nakasunod ang binata sa kaniya.Nang makapasok sa pinto ay mabilis na tinungo niya ang hagdan at tinungo niya ang kaniyang silid. Agad na sinara niya iyon at siniguradong nakadouble lock.Napasandal siya ng pinto. Habol ang hininga niya.Kinapa niya ang mga labi. Bakit ganon nagustuhan niya ang halik ng kababata. Naghatid iyon ng kiliti sa buong kaibuturan niya.That was her first passionate kiss, ever. Lagi siyang ninanakawan nito ng halik noon, pero ngayon iba. Even Gael, smack lang din. Alam niyang nakainom si Astin dahil sa amoy ng hininga ng binata, pero hindi maikakailang napakabango niyon.Napapikit siya. Baka na
"May I have your attention, please?" Malakas na sabi niya para makuha ang atensyon ng lahat sa hapagkainan. Natahimik bigla ang bisita at sa kanya muli natuon ang atensyon. Nginitian niya ang mga ito. Ang ina naman ay naguguluhan nang tumayo siya na may hawak n maliit na kahon."Oh my, parang alam ko ang laman niyan Kuya! Let me guess-" Mukhang mauunahan pa siya ng chabita niyang kapatid. He used to call Andy as chabita. Cute kasi nito kasi biglang tumaba kaya namumutok ang mga pisngi nito."Stop it, Chabita!" Agaw niya sa sasabihin nito. Sinamaan niya ito ng tingin dahil ang daldal nito. Lagi pa naman siya nitong pinapahamak pagdating kay Laura."Andy naman 'wag mong pangunahan ang kuya mo. Let him speak first, okay?" Anang Papa niya at kinindatan siya. Ito ang gusto niya sa Papa niya suportado si
Kinabukasan, tamad na bumangon si Laura. Hanggang ngayon di pa siya maka-move-on sa ginawa ni Astin na pag-propose sa kanya kagabi. At lalong hindi pa niya nasabi kay Gael ang nangyari. Ano na lang ang iisipin ng nobyo niya. Mahal niya si Gael. Napapitlag siya ng biglang bumukas ang pinto niya at iniluwa doon ang bagong paligo na si Astin. May dala itong pagkain na nakalagay sa tray. Napailing na lang siya. “Mag-ayos ka na at baka ma-late ka pa ng pasok,” anito at inilapag nito ang tray sa may maliit na side-table sa tabi ng kama niya pagkuway naupo ito sa kama. Nakatunghay lang siya dito. Hindi niya magawang ibuka ang bibig dahil nagagalit pa rin siya sa ginawa nitong kapangahasan. Akmang hahawakan nito ang buhok niya ng i-iwas ang ulo dito p