Share

037

NASA bahay na si nanay pagdating ko. Hanggang ngayon ay umiiyak pa din ang mga kapatid ko. Si Nanay naman ay inaalo ang mga ito.

"Naglabada ako kaya wala ako kanina," sambit ni Nanay nang makita niya ako.

Lumapit sa akin ang iba kong mga kapatid. Nanginginig pa ang mga ito dahil sa takot sa nangyari kanina. Sabay-sabay na kinukuwento ang nangyari kanina lamang.

"Tahan na. Huwag na kayong umiyak, okay?" Pinaghahalikan at niyakap ko sila isa-isa.

"May kapitbahay na nagpunta doon para sabihin ang nangyari dito."

Hindi na muna ako nagsalita at sumagot sa sinasabi ni Nanay. Hindi na muna ako nagtanong. Inalo ko ang mga kapatid ko at pinapakalma.

Nagpa-deliver na lang din ako ng pagkain sa isang fastfood, para kahit paano sumaya ang mga bata.

Pinauna na muna namin ang mga kapatid ko na kumain. Pagkatapos kumain, pinaliguan ko na sila at pinatulog.

"ANO na naman ang kaguluhan na kinasangkutan mo?" galit na tanong ni Tatay pagdating na pagdating pa lang niya.

Naiyak si Nanay at sinabi
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status